Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Thirty Four: Together Again

299K 5.1K 406
By aLexisse_rOse

Chapter Thirty Four: Together Again

<Muriel POV>

"Dinner is served."

Nakangiting bungad sa akin ni Riley paglabas ko ng kuwarto. Katulad ko ay nakaligo na rin siya at nakapagpalit ng damit. 

Nandito ako ngayon sa condo niya. Ang sabi niya sa akin ay wala na raw kaming madadaanan na hindi baha kaya doon na lang daw ako mag-overnight. Iyon din ang daw ang dahilan kung bakit nag-iba at naghanap siya ng ibang way. Pero duda ko na sinadya niya talaga na dalhin ako sa place niya.

Hindi kaya balak niya talagang kidnapin ako?

Mabilis kong pinilig ang ulo. Napa-paranoid lang siguro ako.

"Come Muriel! Kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain." Masiglang yaya niya habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Nakakapagtaka ang pagbabago niya ng mood. Hindi na siya ang masungit na Riley na kasama ko kanina.

Nang malanghap ko ang mabangong amoy ng crab soup at porkchop ay bigla akong natakam. Nagtatalon sa tuwa ang mga alaga ko sa tiyan. Kanina pa ako nagugutom. At hindi na ako nagpakipot pa. Hinding-hindi akong tatanggi pagdating sa pagkain.  Food first before my personal matter. Ise-set aside ko muna ang inis ko para kay Riley.

Ngunit sa paghakbang ko ay natapakan ko ang nakasayad na lalaylayan ng suot kong padjama. Na-out of balance ako at natumba. Mabuti na lang at bumagsak ako sa malambot na carpet.

"Muriel!" Sa isang iglap ay nasa tabi ko na si Riley. Inalalayan niya ako sa pagtayo.

Pahamak kasi ang oversize na padjama niya. Dahil nga nabasa ang damit ko sa ulan kaya napilitan akong suotin ang pinahiram niyang mga damit. 

"Okay ka lang?" 

Ngunit sa paglingon ko sa kanya ay nakita ko ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Pero lalo lamang lumapad ang kanyang mga ngiti.

Oh shet! Bakit ba ang guwapu-guwapo pa rin niya?

Halos hindi ko na namalayan nang alalayan niya ako na makaupo sa sofa. Ngunit sa aking pagtataka ng bigla na lamang siyang sumalampak sa carpet. Iniangat niya ang paa ko para lang tupiin ang laylayan ng suot kong pajama.

"May masakit ba sayo?" Tumingala siya sa akin, still smiling. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ayokong makita ang guwapo niyang mukha. Nagkakasala lamang ang mga mata ko.

"Kumain na nga lang tayo!" Hindi na ako nakatutol nang bigla na lang akong hilahin ni Riley sa kamay. Napasunod na lang ako sa kanya.

"Here!" Akma niya akong sasandukan ng kanin nang iniwas ko sa kanya ang plato ko.

"Ako na!" Sabi ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga. At hindi na siya nagpumilit pa.

"Muriel, can we talk?" 

Ngunit tila wala akong narinig. Mas uunahin ko pa bang makipag-usap sa kanya gayon gutom na gutom na ako?

"I know that you're mad. But please, we need to talk."

Nang hindi pa rin ako kumikibo ay basta na lang niya kinuha ang plato ko.  Akmang babawiin ko iyon sa kanya pero sa halip ay lalo niyang nilayo iyon sa akin.

"Now, I got your attention!"

Talagang nakuha niya ang atensyon ko. Iyon ang kahinaan ko eh!

Sinimangutan ko siya. "I'm starving! Ang huling kain ko ay kanina pang alas-tres ng hapon. Pagkatapos bigla mo na lang akong pinag-overtime. Nagpakapagod ako at nagsayang ng effort para sa isang file na hindi naman nag-e-exist. Baka gusto mo muna akong pakainin?"

Bahagyang natigilan si Riley sa sinabi ko at ilang sandali ay binalik niya rin sa harapan ko ang plato ko. "I'm sorry!" He almost whispered. Pagkatapos bigla na lang siyang tumayo sabay alis. Tuluy-tuloy siya sa pintuan palabas.

Me and my temper! 

Bigla naman akong na-guilty sa pagwo-walk out niya. I'm being harsh on him again and I couldn't help it. Siya kasi eh! 

Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi pa rin bumabalik si Riley. Nakapaglipit na ako at nakapaghugas ng pinagkainan ko ay wala pa rin siya. 

Hala! Baka tuluyan na siyang nagtampo sa akin.

Naupo ako sa mahabang sofa. At inabot ang remote control ng TV. Manonood na lang ako habang hinihintay si Riley. Pero hanggang sa magsawa ako sa kakalipat ng channel ay wala naman akong nahanap na magandang panoorin. Pinatay ko na lang iyon.

Bigla kong nayakap ang sarili ko nang makaramdam ng ginaw. Hindi naman nakabukas ang aircon. Pero maginaw pa rin. Marahil ay malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan sa labas. Hindi ako nakatiis ay kinuha ko ang comforter na nakita ko kanina sa kuwarto at binalabal iyon sa aking katawan at muling namaluktok sa sofa.

Naisip kong hintayin si Riley. And I need to say sorry this time. I guess he was right. We need to talk.

I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold...

Halos mapalundag ako sa gulat ng bigla na lang tumunog ang cellphone ni Riley sa ibabaw ng center table. 

All time favorite? Hanggang ngayon ay iyon pa rin pala ang ringtone niya!

Patuloy pa rin sa pagtunog ang phone niya. Napilitan akong damputin iyon. At nanlaki ang mga mata ko nang mag-flash sa screen ang pangalan ni Mam Lorie. 

Ngunit lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapansin k ang wallpaper ng cellphone niya. Iyon ang kaisa-isang picture na magkasama kaming dalawa ni Riley. Kinunan ko iyon gamit ang cellphone ko. And that was eight months ago. Pero teka! Paano siya nagkaroon ng kopya nun? 

Hindi kaya? Oh my! Na-stalked niya ang cellphone ko! 

<Riley POV>

Pagdating ko ay katahimikan ang bumungad sa akin. Malinis na ang mesa nang maabutan ko. At ganun din ang lababo. Ang mga natirang pagkain ay maayos na rin nakatabi sa loob ng refrigerator.

Where is she?

Luminga ako sa paligid. Wala sa loob na napatingin ako sa pintuan ng kuwartong pinaokupa ko kay Muriel. Marahil ay nagpapahinga na siguro siya. Knowing that woman, napakaantukin pa naman niya!

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Saka ko lang naalala na iniwan ko nga pala iyon kanina sa ibabaw ng center table sa sala. Malamang si Mama na naman ang tumatawag. Kanina pa niya ako kinukulit kung ano na raw ang bagong development sa plano ko. Siya pa ang mas excited kaysa sa akin. At aaminin ko isa siya sa mga nagtulak sa akin kaya ako ngayon narito sa Davao.

Hindi ko inaasahan na makita si Muriel na nakahiga sa sofa.

Bakit dito siya natutulog?

Hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan siya. Napangiti ako.

She's an angel! The angel of my life.

Walang sawa na pinagmasdan ko ang magandang tanawin na nasa harapan ko. Maingat kong inaangat ang kamay ko para hawiin ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumabing sa mukha niya. Tuluyan ng nawala na isip ko ang tumutunog kong phone. Ang buong atensyon ko ay nasa kanya lamang. As if I was totally drown by her spell.

Namalayan ko na lang na hinahaplos ko na ang pisgi niya, ganon din ang matangos niyang ilong pababa sa mga labi niya. At napatitig ako doon. Napangiti ulit ako ng maalala ko ang ginawa kong paghalik sa kanya kanina sa kotse. Ang buong akala ni Muriel ay ginawa ko iyon para patahimikin siya. Ang hindi niya alam, kahapon ko pa pinipigilan ang sarili ko na gawin iyon sa kanya. At kanina lang ako nakahanap ng pagkakataon.

Ngayon ay may pagkakataon na naman akong gawin iyon. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. At natutukso ako. Unti-unti ay bumaba ang mukha ko sa kanya. Halos mahalikan ko na siya nang bigla na lamang siyang gumalaw. Mabilis akong lumayo sa pag-aakala na baka nagising siya. At ganon na lamang ang relief ko nang masiguro kong nahihimbing pa rin siya sa pagtulog. 

Para akong sira na pinagtawanan ang sarili ko. Kung nagkataon na nagising siya, siguradong aawayin na naman niya ako. And worst baka mapurnada pa ang plano ko.

And speaking of my plan, kailangan ko nang gamitin ang huling option ko. Mukhang hindi umepekto sa kanya ang unang strategy ko at ganon din ang pangalawa. Dahil imbes na mapalapit siya sa akin ay mas lalo lamang siyang lumalayo. 

Tama lang siguro ang naging desisyon ko na dalhin siya rito sa condo ko. Dahil sa wakas ay nasolo ko rin siya at magkakaroon ako ng pagkakataon na makausap siya ng masinsinan. Pero siguro bukas na lang ng umaga paggising niya. Wrong timing kasi ang approach ko sa kanya kanina. Malay ko ba na gutom na gutom na siya?

Kung sabagay hindi ko siya dapat madaliin katulad ng ginawa ko sa kanya dati. Ayoko siyang biglain ulit. I want to make it slowly this time. 

Pero papaano kung hindi na naman umepekto sa kanya ang ganong strategy?

Kung kinakailangan kong igapos siya at itali para makinig sa akin ay gagawin ko. At sa ayaw at sa gusto niya ay mag-uusap kaming dalawa. Hindi na siya pwedeng umiwas ulit sa akin.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at muling sinulyapan si Muriel. "Bukas ng umaga ay magtutuos tayong dalawa!" Wala sa loob na sabi ko at saka inaayos ang comforter na nakabalabal sa kanya. Naisip kong ilipat siya sa kuwarto. Siguradong hindi magiging komportable ang pagtulog niya sa sofa. Bubuhatin ko na sana siya nang biglang magbago ang isip ko.

Nang lumabas ako kanina ay dumiretso ako sa bar na nasa groundfloor. Medyo naparami ang inom ko. At nag-aalala ako na baka hindi ko kayanin na buhatin pa siya.

"MUriel..." Marahan ko siyang tinapik sa pisngi para gisingin. "Baby girl wake up! Huy!" But no dice, hindi talaga siya magising-gising. Para nga palang mantika kung matulog ang babaing ito!

"Muriel..." 

"Hmmm..." Bahagya siyang kumilos at pumihit paharap sa akin.

"Wake up! Huwag ka dito matulog. Doon ka na lang sa kuwarto para maging komportable ka."

"G-go away!"

"Muriel maginaw dito sa sala. Baka magkasakit ka pa. Please doon ka na lang sa loob."

Ngunit hindi na siya sumagot ulit. Mukhang nahimbing na naman siya.

Napailing na lang ako at muli siyang pinagmasdan. "You stubborn woman! Bakit ba ayaw mo akong pakinggan?" Kanina ko pa gustong mainis sa kanya. Pero sa tuwing mapapagmasdan ko ang mukha niya, nakakalimutan ko na lang bigla iyon. At napapalitan ng pananabik ko sa kanya. "You never know how much I miss you.. How much I wanted to hold you in my arms." I was talking to her as if she could hear me. "And now that you're here with me, I won't let you go again. I need you Muriel. I need you so badly. My life has never been the same again without you by my-" I stopped in a midsentence when I saw her staring at me.

"M-muriel?" Gusto kong makasiguro kung talagang gising na siya o baka nanaginip lamang siya.

"Ang ingay mo Riley! Nanadya ka ba talaga?" Her voice was husky.

Suddenly, I was lost of words. She is fully awaken.

Bumangon si Muriel at humarap sa akin habang kinukuskos ang mga mata. "Inistorbo mo ang pagtulog ko. Alam mo ba kung anong oras na?"

"I'm sorry!" Bigla akong tumayo. "Matulog ka na ulit." Aalis na sana ako nang pigilan niya ako sa kamay.

"Ngayon mo sabihin sa akin iyong mga sinasabi mo kanina." 

"You heard me?"

Umangat ang kilay niya. "Magigising ba ako kung hindi? Pero wala akong masyadong naintindihan. Ang naalala ko lang ay yung sinabihan mo akong stubborn woman." At nag-pout siya.

"Bukas na lang tayo mag-usap." Naisip ko na hindi ito ang tamang panahon. Nakainom ako at kagigising lang niya. Hindi magdya-jive ang mga moods namin. Baka imbes na magkasundo kami ay lalo lamang lumalala ang sitwasyon naming dalawa. "Matulog ka na lang ulit."

Pero imbes na bitiwan niya ang kamay ko ay lalong humigpit ang pagkakahawak niya roon.

"Hindi mo na ako makakausap ng matino bukas. Kaya gusto ko ay ngayon na." She looks really serious.

Pero ayoko namang ipilit ang gusto niya. "Wala ako sa mood ngayon. Bukas na lang Muriel."

"Fine!" Bigla niyang binitiwan ang kamay ko. "Wala ka sa mood ngayon, hindi ako matino bukas. Huwag ka ng mag-expect na makakapag-usap pa tayo. Goodnight!" Muli siyang nahiga at nagtalukbong ng comforter.

Napapikit ako at tumingala sa itaas. Naman! Suko na talaga ako sa katigasan ng ulo niya!

"Okay! You won Muriel! Mag-usap na tayo ngayon." 

Ngunit tila wala siyang narinig at hindi siya kumikilos.

"Muriel!"

Hindi pa rin siya nagre-response. At nananadya na siya. Sa inis ko ay hinila ko ang comforter niya. Dahilan para ma-expose siya.

Bigla bumangon si Muriel at hinila pabalik ang comforter. "Akina na yan!"

Pero nakipaghilahan ako sa kanya. "Gusto mong mag-usap tayo di ba? I'm giving you now a chance."

"Nagbago na ang isip ko! Ayoko ng makipag-usap sa'yo kahit kailan."

"Stop acting like a child!"

"Look who's talking!" Ganting sigaw niya.

Pakiramdam ko ay sasabog ako anumang oras. Inuubos talaga niya ang pasensiya ko. Gayunpaman ay nagawa ko pa ring magpigil. Ayokong magalit sa kanya. Binitiwan ko na ang hawak kong comforter at hinayaan na iyon sa kanya. Muling nagtalukbong si Muriel at hindi na muli ako kinausap.

I don't know what to do with her anymore. But it doesn't mean that I'm giving up. Haist! Napakamot ako ng ulo. Kung itali ko kaya ng patiwarik ang babaing ito?

<Muriel POV>

Naramdaman ko na lang na umalis sa tabi ko si Riley. Mas mabuti pa nga na matulog na lang siya! Umakyat na ang topak ko sa ulo at hindi na niya ako makakausap ng maayos. Kung kailan naman natutulog ako ay saka niya ako kakausapin. At ngayon naman na nasa mood ako na kausapin siya ay saka naman siya aayaw. Nakakaloko na siya!

Makatulog na nga lang ulit! At bukas na bukas, hindi pa sumisikat ang araw ay aalis na ako roon. Ayoko na ng makipaglokohan pa sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya!

Ngunit napadilat ako nang makarinig ako ng pag-ungol. Ano iyon? 

Hindi kaya... mumu? Hindi naman siguro.

Pero nang lalong lumakas ang pag-ungol ay kinabahan na ako. Bigla akong napabalikwas sabay lingon sa pinanggagalingan ng tinig na iyo. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Riley na namimilipit sa sahig habang sapu-sapo nito ang ulo.

Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kinaroroonan niya. "Oh god Riley! A-anong nangyayari sa'yo?" Hindi ko malaman kung paano ko siya hahawakan. Sinaklot na ng pag-aalala ang dibdib ko.

"Aahhhh..." 

Napatayo akong bigla nang lalong lumakas ang pag-ungol niya. I need an ice! Tama! Patungo na sana ako sa kusina nang bigla akong bumalik. No! Mas kailangan ko siyang madala sa ospital.

"Riley!" Napasigaw ako nang makita ko siya na wala nang malay. "Riley wake up! Open your eyes, please... Huwag mo naman akong takutin ng ganito." Ngunit hindi ko man lang siya kinakitaan ng anumang reaksiyon. Napahikbi na ako ng tuluyan. "P-please hang on, Rai. Tatawag lang ako ng ambulansya."

Patakbo akong nagtungo ng kuwarto para kunin ang cellphone ko. Nailabas ko na ang lahat ng gamit ko sa loob ng bag pero wala iyon doon.

Damn! Saan ko ba nailagay iyon? Kinakain na ako ng sobrang takot at hindi na ako makapag-isip ng maayos.

May landline phone nga pala sa may sala. TUmakbo ako palabas ng kuwarto. Pero sa pagmamadali ko ay natisod ako sa nakakalat na tsinelas. Mabilis akong tumayo at hindi ininda ang pananakit ng tuhod ko. Nanginginig ang mga kamay ko na inaangat ang telepono at saka mabilis na nag-dial ng number. Saka ko lang na-realize na wala iyon dial tone. What the! Muntikan ko nang maihagis iyon nang maalala ko si Riley.

I need to send him in the hospital immediately. Pinilit ko siyang buhatin. Pero hindi ko kaya ang bigat niya. Halos hindi ko nga maiangat ang katawan niya sa sahig. I felt so helpless. But I don't want to give up. Tatayo na sana ako para humingi ng tulong sa labas nang biglang magmulat ng mga mata si Riley.

"Thank God! You're okay now? Wala nang masakit sayo?"

Hindi siya sumagot pero isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. At ang ngiti ay nauwi sa pagtawa.

Ilang beses akong kumurap-kurap. So, everything is part of his... joke!

"Did I scare you? Sorry! Gusto ko lang malaman kung mag-aalala ka pa-"

Bigla kong dinamba si Riley at saka sinakal. "Walanghiyang lalaki ka!" Inalog-alog ko pa siya. "Halos patayin mo ako sa takot. Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Yun pala, pinagtitripan mo lang ako!"

"Baby girl nasasaktan ako!"

"Baby girl mong mukha mo! Kulang pa iyan sa ginawa mong panloloko sa akin, buwisit ka! Kung alam mo lang na halos himatayin ako sa sobrang pag-aalala sayo." Magkahalong relief at panggigigil ang naramdaman ko ng mga oras na iyon at hindi ko na napigilang umiyak.

"I hate you... I hate you Rai..." Kahit anong gawin kong pagpahid ng mga luha sa pisngi ko ay hindi ko na iyon naitago sa kanya. "Don't ever do that again." I hate him so much for scaring me to death. 

"Ssshhhh.. please don't cry." Kinabig ako ni Riley at mabilis na niyakap. "I'm so sorry. It's not my intention. Ikaw kasi, palagi mo na lang akong pinagtutulakan palayo. At pakiramdam ko ay ayaw mo na talaga sa akin, na wala na akong halaga sa'yo."

"Kasalanan ko pa ngayon?" Tinangka ko siyang itulak. Pero para lang akong nagtulak ng isang pader.

"You're right. It's all your fault. I wouldn't be here now if had not for you. Because I realized that living without you is like living in hell."

Napahinto ako sa pag-iyak at tumingala sa kanya.

Masuyo akong tinitigan ni Riley at pinahid ng daliri niya ang mga luha sa pinsngi ko. "You never know what I went through this past few days. Sa bawat araw na dumaraan, tila isang taon ang katumbas nun sa akin. Halos mabaliw ako sa kakaisip sayo. Tiniis ko ang sarili ko na hindi ka makita. Dahil kailangan kong maghintay ng tamang panahon bago ako humarap ulit sayo."

"Bakit pinatagal mo pa ng isang buwan?" 

"You asked me to let you go. And I did. Because I can see that I'm hurting you. Alam kong nabigla ka sa mga nangyari, lalo na sa mga sinabi ko sayo. Kung hindi lang sana ako nagmadali, hindi sana masisira ang magandang plano ko. Lahat ng sinabi ko sayo ng gabing iyon ay totoo, Muriel. Pero hindi ko inaasahan ang naging reaksyon mo. And worst you wanted me to let you go, kaya hinayaan kita kahit labag sa kalooban ko. Binigyan kita ng panahon para mapag-isa at makapag-isip. At umasa ako na sa mga panahon na iyon ay ma-realize mo na nagsasabi ako ng totoo at mali ang mga inakala mo."

Napakagat-labi ako. At namalayan ko na lang tumutulo na pala ang mga luha ko. Now, I realized my mistakes.

"I'm so sorry, Rai. I'm so stupid for not believing you. I was consumed by too much anger. I felt betrayed. Inakala ko na baka naghihiganti ka lang dahil sa ginawang naming panloloko sayo."

"Sshhh..." Muli niyang pinahid ang mga luha sa pisngi ko. "It's okay. No need to say sorry. After all, its not really your fault. Pinilit ka ni Mama na magpanggap kahit labag sa kalooban mo. But I'm glad that you did. Dahil dumating sa buhay ko ang isang tulad mo."

"Pero hindi ka ba nagalit dahil niloko ka namin."

Umiling si Riley at ngumiti. "Aaminin ko nagulat ako. Pero never akong nagalit. In fact, natuwa pa nga ako. Dahil totoo pala ang mga hinala ko."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong hinala?" 

"Noong una kitang makita, parang may kakaiba na sa'yo. Hindi ko maipaliwanag pero parang matagal na kitang kilala. I was so curious about you that I even checked your background details."

Nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita sana ako nang pigilan ako ni Riley.

"Hep! Patapusin mo muna ako, okay? Na-curious nga ako sayo dahil napaka-weird mo naman kasi. Para kang may sariling mundo. Ayaw mo akong kausapin at sa tuwing lalapitan naman kita ay lumalayo ka. Akala ko ganon ka lang talaga kahit sa ibang tao. Pero bakit pagdating kay Jared iba ang pakikitungo mo sa kanya. At aaminin ko na nainis ako sa'yo dahil pakiramdam ko ay hindi ako nag-e-exist sa paningin mo."

Hindi ko napigilang mapangiti. Todo-iwas ako sa kanya noon sa takot na baka makahalata siya sa akin.

"Simula noon palagi mo na lang ginugulo ang isipan ko. Si Samantha ang kasama ko pero ikaw ang naiisip ko. At ganun na lang lang ang pagtataka kung bakit sayo ko nakikita ang mga bagay na hinahanap ko sa kanya. She never calls me Rai. But you did. Buddy doesn't like her. But he likes you a lot. She never argue with me but you can. She's a softspoken and a very patience person but you're not."

Napanguso ako. Parang hindi maganda sa pandinig ko ang huling sinabi niya tungkol sa akin.

"Kahit alam kong imposibleng mangyari hindi ko pa rin napigilang maghinala na baka ikaw ang Samantha na nakasama ko noong mga panahon na hindi pa ako nakakakita." Pagpapatuloy ni Riley.

"How did you find out? Kanino mo nalaman?"

"Naalala mo noong minsan sumakit ang ulo ko sa office? Nandoon kayong dalawa ni Samantha. I can't open my eyes sa takot na baka mabulag ulit ako. All I can hear was your identical voices. And still I can recognized who is who. How? I just simply follow what my heart says. And when I opened my eyes I saw you." Hindi niya napigilan ngumiti. "Tinawagan ko si Lara that night para mas lalo akong makasiguro. At hindi niya ako binigo. I was so happy that I couldn't wait to see you again. Iyon ang dahilan kung bakit inabangan ko ang pag-uwi mo ng gabing iyon. Pero hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap dahil sa biglang pagdating ni Samantha."

Sinapo ni Riley ng mga kamay ang mukha ko. "Minahal ko si Samantha noon nang higit pa sa sarili ko. At inakala ko siya pa rin ang mahal ko. Iyon pala ay iba na ang nagmamay-ari ng puso ko at ikaw iyon, Muriel. I love you so much... And I will never let you go again."

Kung ngingiti ako o iiyak ay hindi ko malaman. I'm no longer invisible to him. At nag-uumapaw sa kagalakan ang dibdib ko. Dapat pala ay naniwala na ako kay Riley. Noon pa sana, ganito na ako kasaya. "I love you too Rai..." I smiled through unshed tears. "And I will never leave you again."

He pulled me closer to him and I gladly leaned towards him to accept his loving kisses... with same feeling, with same intensity.

"Baby Boy?"

"Yes, Baby Girl?"

Bahagya lang niyang pinaghiwalay ang aming mga labi upang muli akong matitigan.

"What about Samantha?"

Napakunot-noo si Riley. "What about her?"

"Narinig kong kausap mo siya kanina sa phone. And it seems like na okay na kayong dalawa."

Humalakhak siya, saka pinisil ang ilong ko. "Silly girl! Hindi ko alam kung manhid ka o talagang slow ka lang?"

"You mean..." Halos lumuwa ang mga mata ko nang ma-realize ang ibig niyang sabihin. "Hindi totoo na kausap mo siya? Na wala ka naman talagang kausap sa phone?"

Ang lakas ng tawa ni Riley. "Shut up and kiss me!" Hinuli nito ang mga labi ko and kissed me again and again and again.. until it hards to catch our breath.

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 523 49
2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of edu...
270K 5.8K 31
Art of Assassination Trilogy #1: Unveil X's life is full of mystery. Who killed her mother? Why did they kill her mother? Maraming katanungan ang buh...
2.2K 113 8
Hi, mga mahal ko! If you are new to my stories, here is the list of how you should read them in order. I also have a list of my important announceme...
84K 4.9K 53
[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na sa mga iyon si Venice Martinez ang isang...