"LUCHO: THE SUBSERVIENT"

By yeshameenbrejente

165K 5.4K 659

He get inside to check what's going on at para malaman niya kung sino ang nangahas na pumasok sa silid na 'yo... More

"Lucho Villahermosa"
"Twerk It Like Savannah"
"Savannah Scarlett Moves"
"Her So-Called Innocence"
"Love Is All That Matters"
"My Heiress"
"The Heiress Goes To El Tierro"
"The Precipitous Encounter"
"Beso Imprudente"
"Sus Dulces Sorpresas"
Her Fears
"Missing You, Lucho!"
Where the truth, lies!
The Broken Heiress
Crazy, Deeply, Madly In Love
"Tormenting Tragedy"
"The Star Cruiser Phantom"
"See You, Again!"
Your Smile Says it All
To Hold You Like This
"I Don't Want You To Go"
Memories
Ang Paghaharap
The heart wants what it wants
"Come Home With Me"
"May The Best Man Win"

"She's Back In His Life"

6.4K 191 10
By yeshameenbrejente

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO "The Subservient"
A Story By: Yeshameen Brejente

CHAPTER 4 "She's Back In His Life"

Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/20cEGX0

SINIGURO na muna ni Savannah Scarlett na makaalis nang tuluyan si Lucho bago siya pumasok sa loob ng guest room. Di niya lang talaga namalayang may period siya. Ini-expect naman niya 'yon this month, pero di lang talaga siya aware na ngayon mismo.

"Nakakahiya ka talaga, Savannah Scarlett!" aniya sa sarili habang dumiretso sa loob ng bathroom. "Hihintayin ko na lang si Sir Lucho na makarating. Wala naman akong alam na pwedeng gamitin maliban sa sanitary napkin." Naupo na lang siyang nakatapat ang ulo sa shower head at binuksan niya ang tubig sa mahinang flow. Siya pa naman yung babaeng heavy agad ang menstrual flow kahit sa first day niya. How she wish that it won't take long for him to finally come back home.

Imbes na mag-gym si Lucho, wala na rin siyang choice ngayon kundi ang ibili na lang ng Sanitary napkin si Savannah Scarlett. Hindi niya rin kasi naisipang ipamili ang dalaga at di rin naman niya pwedeng puntahan pa si Aling Belen dahil bukod sa may kalayuan ang palengke ay alam niyang maraming bibilhin ang matanda. May nadaanan siyang Convenience store kaya agad naman siyang nag-park ng kanyang kotse sa parking area.

Hindi maiwasan ng mga kababaihang naroon ang hindi mapatingin sa kanya. Sobrang macho kasi nito sa kanyang suot, lalo na ang pang-ibabang suot niyang sumisimbolo kung gaano siya kakisig na lalaki.

"Yes, Sir?" tanong ng isang empleyada ng Convenience Store. Napabuntong-hininga siya bago nakuhang magsabi kung ano ang kanyang bibilhin.

"Sanitary Napkin, please." Aniyang napapabuga pa ng hangin.

"Anong brand ho, Sir?" nangingiting tanong ng empleyada.

"Brand?" ulit niyang napakunot ang noo.

"Yes, Sir." Tugon ng babae. "We have modess, whisper, kotex, sisters and charmee. Ano ho ba ang gamit ng misis niyo?"

"Ano ba 'yung maganda ang brand?" tanong niya.

"Either modess or whisper, Sir." Tugon ng empleyada.

"Bigyan mo na lang ako ng tig-isang pack ng bawat brands niyo." Sabi ni Lucho saka napasulyap sa kanyang wristwatch. Napangiti ang empleyada sa kanya. Kung makatitig naman kasi ito kay Lucho, akala mo ngayon lang nakakita ng napakakisig na lalaking handang bumili ng tapalodo para sa isang babae.

"Ang tagal naman ni Sir Lucho! Ilang oras na ako dito, ah." Wika ni Savannah Scarlett sa sarili habang nilalamig na dahil kanina pa siya basang-basa sa tubig. Pagkasabi niya'y bigla siyang nakarinig ng katok sa pinto ng bathroom kung saan siya naroon.

"Savannah, nakabukas naman ang pinto ng guest room so pumasok na ako." Sabi ni Lucho. "Narito na ang sanitary napkins mo."
Tunayo ang dalaga saka inilapit ang mukha sa pinto na nasa loob ng bathroom.

"Sir Lucho, can I ask you one more favor?" aniyang kinakapalan na naman ang mukha.

"What?" kunot-noong tanong ng binata.

"Sir, basa ako ngayon. Di kasi ako comfortable na merong ano sa ano ko kaya naisipan kong maligo na lang." Sabi niyang nakikiramdam na muna at nang hindi niya narinig na nagreklamo si Lucho ay nagpatuloy siya. "Sir, pasuyo naman. Paki-kuha ang paru-paro ko na nasa drawer ng closet, please."

"Savannah Scarlett, namumuro ka na! Ang lakas din ng loob mong utusan akong bumili ng tapalodo mo, and now? The nerve!" reklamo ni Lucho.

"Nakikiusap nga 'yong tao di ba, Sir? Please naman, ang sakit kaya ng puson ko. Kapag naman ikaw ang nasa posisyon ko, tutulungan naman kita pag kailangan mo 'ko." Drama niya sa binatang kahit nagreklami ay kumilos naman.

He opens the drawer, at ikinuha si Savannah Scarlett ng isang panty. Bumalik siya sa pinto.

"Here!" sabi niya nang muling kumatok sa pinto.

"Thank you, Sir." Nakangiting tugon ni Savannah Scarlett saka dahan-dahang iniawang ang pinto. Only enough for her right palm to show, waiting for her undies and sanitary napkins. Nagkadaop pa ang mga palad nila ni Lucho nang abutin ang undies niya mula rito. Bigla siyang napapikit-mata saka kinilig nang husto.

"Savannah, my hand please!" ani Lucho.

"Sorry na, akala ko sanitary napkins na eh." Aniya saka naman nito iniabot sa kanya ang isang supot na puno yata ng ilang brands ng mga sanitary napkins meron sa Pilipinas. Nagtaka pa ang dalaga, dahil ang laking supot naman yata no'n. "Sir, pinakyaw niyo naman yata ang lahat ng brands ng Pilipinas!"

"I don't know which brand you're using, okay? Ayoko rin sa empleyada kanina na andaming tanong sa akin. Just take it if you need it. I need to go." Sabi ni Lucho saka mabilis na ring umalis mula sa guest room. Di naman mapigilan ni Savannah Scarlett ang mapangiti, kahit papaano ay na-appreciate niya ang pagiging generous ni Lucho sa kabila ng strict personality nito.

Kakalapag lamang ng eroplanong sinakyan ni Zerrah Angela sa Ninoy Aquino International Airport. Sinundo siya ng kanyang pinsang bakla na si Toni. She's so beautiful! Mula sa kanyang perpektong hugis ng maliit niyang mukha, na binagayan ng napakatangos niyang ilong, mapang-akit na mga mata, magandang labi, makikintab na mga ngipin at yung katawan niyang slim ang figure na animo'y isang live barbie doll. She's tall and witty.

"Angela! Welcome back to the Philippines!" ani Toni na sobrang saya at sinalubong niya ng isang malaki at mahigpit na yakap ang napakaganda niyang pinsan. Kung naging lalaki lang sana si Toni, tiyak na gwapong-gwapo din ito, kaso bakla kaya maganda naman. "You look more beautiful than ever!"

"Thanks, Toni." Masayang tugon ni Zerrah Angela sa kanyang pinsan. Habang inilalagay ng driver ang mga bagahe niya ay pumasok na rin sila sa loob ng sasakyan. "It's been five years ago. Can you believe how time flies so fast?"

"Yes, darling! Five years ago and look at you! Walang pagbabago, mas bumata at mas gumanda lalo." Tugon ni Toni na maging siya'y hangang-hanga sa dalaga.

"I've told you so, time flies so fast. It feels like I just left yesterday and I'm back today." Sabi nito saka isinandal ang batok sa headrest ng kotse sa backseat kung saan sila nakaupo ni Toni. "How is he?"

"Si Lucho?" Toni asks.

"May iba pa ba?"

"Matagal na rin siyang wala sa El Tierro de Villahermosa." Tugon ni Toni.

"What?" she asks, unbelievably. "Where is he?"

"Bakit di mo alamin mula sa mga pinsan niya?" suhestiyon ng bakla.

"Great idea." Tugon ni Zerrah Angela. "Let's get down from the car. We need to take a flight to Palawan, now."

"Angela, dear! Okay ka lang? Yang slim figure mo na 'yan, talaga bang walang kapaguran?" di makapaniwalang wika ni Toni sa kanyang pinsan.

"Ngayon lang ako pinayagang magbakasyon ng manager ko. Gusto kong sulitin ito. At si Lucho ang dahilan kung bakit pinili kong magpunta dito sa Pilipinas." Sabi ni Zerrah Angela saka hinila pababa ng kotse niya si Toni. Wala namang nagawa si Toni kundi anv mapasunod sa pinsan niya. "Manong, pakibaba hong muli ng mga luggages ko at pakidala na lang sa departure area."

"Opo, ma'am." Tugon ng pawisang driver. Napailing naman si Toni sa kanyang pinsan.
Mukhang kaybilis ng mga pangyayari, agad naman silang nakakuha ng plane tickets tungo sa Puerto Prinsesa, Palawan. Nakapag-checked-in na agad sila sa loob ng airport. Waiting for the time na pwede na silang mag-board.

Tinutulungan ni Savannah Scarlett si Aling Belen na maghanda ng hapunan. Umalis kasi si Lucho kanina nang matapos siya nitong ibili ng sanitary napkins. Siya ang naghihiwa ng mga pansahog, habang nililinis naman ni Aling Belen ang karneng baka.

"Talagang paborito ni Sir Lucho ang beefsteak, Manang?" tanong niya.

"Oo, naman. Teka, mukhang ika-apat na beses mo na 'yan naitanong sa akin ah?" sabi ng matanda.

"Manang naman, sinusubukan ko lang na di ako nagkamali ng pandinig." Tugon niyang napangiti. "Paborito ko rin ho kasi ang beefsteak eh."

"Kaya ka ba marunong magluto niyan?" tanong ni Manang Belen.

"Opo." Tugon ni Savannah Scarlett na akala mo'y umiiyak dahil sa epekto ng sibuyas na kanyang hinihiwa. Mamula-mula na ang maputi at makinis nitong mukha at luhaan na ang kanyang mga mata. "Lagi kong pinapanood si Mama na magluto ng steak eh, kaya natuto ako."

"Hindi ka nga ba hinahanap ng iyong ina, hija?"

"Manang, miss ko na si Mama." Aniya't ngayon ay mukhang totoo na ang pagluha niya. "Gustung-gusto ko siyang tawagan. Kaso, kapag ginawa ko 'yon mate-trace ni Papa ang location ko. Baka, ibalik niya lang ako sa bahay at pipilitin na namang magpakasal kay Gabriel."

Narinig ni Lucho ang sinabi ni Savannah Scarlett, kaya hindi na muna siya dumaan at baka mapansin siya ng mga itong dumating na. Nagtago na muna ang binata.

"Sino ba si Gabriel?" tanong ni Aling Belen.

"Isang lalaking nagmula sa mayamang angkan. Basta Manang, sanggol pa lang ako ay pinlano na ni Papa na pagdating ng tamang panahon ay ipakasal ako sa Gabriel na 'yon." Tugon ng dalaga na ngayo'y natapos na rin sa paghiwa ng sibuyas.

"Pangit siguro si Gabriel, ano?" biro ng matanda upang aliwin si Savannah Scarlett. Di kasi ito sanay na makitang seryoso ang kalog na dalagang walang ibang alam kundi ang magpasaway at mangulit sa bahay na 'to.

"Gwapo si Gabriel. Pero, manang mahal ko siya bilang isang kapatid. We grew up together, eh. Di ko siya feel maging asawa." Tugon ng dalaga. "Manang, tingin niyo? Magbago pa nga ba ang isip ni Papa?"

"Sana nga'y magbago, hija. Hindi madali para sa isang ina na mawalay sa kanya ang anak niya." Tugon ni Aling Belen. "Ilang araw ka pa lang dito pero ang gaan na ng loob ko saiyo. Hindi ka mahirap mahalin, hija."

"Manang, salamat ha?" aniya saka nagpahid ng totoong luha na gamit ang likod ng palad niya. "Kapag dumating na ang panahon na makabalik na ako sa amin, kayo ni Sir Lucho? Hinding-hindi ko kayo makakalimutan. Paano na lang kaya ako kung walang taong katulad niyo?"

"Alam kong mabait ka ring bata. At ang mababait? Hindi yan pinapabayaan ng Diyos." Sabi ni Aling Belen. "Siya tama na ang drama, nakakapanibago ka."

"Si Manang talaga.." nakangiting wika ni Savannah Scarlett saka tumayo at niyakap sa likuran ang matandang naghuhugas ng karne sa lababo. "I love you, Manang." She says smiling, that kind of infectious smile which makes Lucho smile as well.

"Good evening!" sabi ni Lucho nang bumungad sa kusina at may dalang mga groceries.

"Good evening, Sir!" magkapanabay na wika ng dalawa sa kanya.

"Nakaluto na ba kayo?" tanong nitong nakangiti. "I'm hungry." Di naman maiwasan ni Savannah Scarlett na mapasulyap kay Lucho. Mukhang ngayon niya lang ito napansing ngumiti nang humarap sa kanila.

"Sir, magpahinga ka muna at di rin magtatagal ay luto na ang ulam. Do you want anything?" she asks.

"May dala akong ice cream. Kainin na muna natin 'to." Tugon ni Lucho na nakangiti sa kanya. "Manang, it's your favorite. Ube ice cream."

"Naku, Sir! favorite ko din ang Ube ice cream." Sabi ni Savannah Scarlett saka naghugas muna ng kamay at kumuha ng tatlong ice cream bowls at mga kutsarita. Nakangiti naman si Lucho habang siya'y minamasdan.

"Savannah.." tawag ni Lucho sa kanya.

"Yes, Sir?"

"Off ko bukas." Sabi nito. "Mukhang marami kang kailangang mga gamit. Sasamahan kita at nang maipag-shopping na rin. Is it okay if we go out?"

"Of course, Sir." Tugon ng dalaga. "Hindi ko yan tatanggihan. Thank you so much, ho. I don't know how am I going to repay your kindness and your generosity towards me, but I can assure you that I'll serve you at my best."

"Ang pagtulong sa kapwa ay walang hinihinging kapalit, Savannah." Wika ni Lucho nang matapos mag-scoop ng ice cream. "And I'm glad to see that Manang is no longer boring." Parang kinilig lalo ang dalaga sa narinig.

Medyo malalim na ang gabi nang dumating sa Casablanca ng El Tierro de Villahermosa sina Toni at Angela. Sobrang kayrami na ngang nagbago sa lugar na 'to. Lalo pa itong gumanda keysa noong huli niya itong makita.
How she wished that she'll see Lucho here.
Toni, pressed the doorbell and it takes ten seconds before the main gate swung open.

"Hi!" bati ni Zerrah Angela sa matandang guard ng mga Villahermosa.

"Ma'am Angela?" di makapaniwalang wika ni Manong Renato. "Come in, ho."

"Mang Renato, it's good that you still recognized me." Nakangiti si Zerrah Angela. "Where's Lucho Vrishuel?"

"Wala ho si Sir Lucho." Tugon nito at sumabay na sa pagpasok sina Toni at Zerrah Angela dito't umalis na rin ang taxi na naghatid sa kanila. "Tuloy ho kayo, nariyan sina Sir Kenzo sa loob." Iyon nga ang ginawa ng mga ito. Pumasok sila sa loob ng walang kupas na Casablanca.

Naglalaro naman sina Kenzo at Yahnie nang sandaling 'yon kasama ni Wayne.

"Hello!" masayang bati ni Zerrah Angela at agad niya ring nakuha ang atensyon ng mag-aama. Kenzo is still the hot man like before. He's on his boxer shorts with an A-top shirt. Gwapo at macho pa rin ito.

"Hey, Angela." Bati ni Kenzo sa dalaga. "Toni, hey how are you?" binuhat nito si Wayne habang si Yahnie ay nagpatuloy sa pagkukulay ng kanyang coloring books.

"Papa Kenzo V, kapatid mo ba yang karga mo? Magkamukha kasi kayo." Biro ng bakla sa kanya, kaya parehong natawa sina Kenzo at Zerrah Angela.

"Sit down." Wika ni Kenzo sa dalawa saka inilahad ang kanang kamay upang maituro sa mga ito ang mahabang sofa. Naupo naman ang mag-pinsan. At siya namang paglabas ni Erine na may dalang serving tray na may lamang gatas ng mga anak at orange juice para kay Kenzo. "Babe, Angela's here with her cousin."

"So, she's your wife?" nakangiting wika ni Zerrah Angela. Simpleng ngiti naman ang inialay ni Erine sa kanila. "Hi, I'm Zerrah Angela Fortaleza." At inilahad ang kanang kamay nito.

"Alexise Catherine Arquiza Villahermosa." Tugon ni Erine saka kinamayan ang dalaga.

"Such a beautiful name for a beautiful wife." Sabi nitong nakangiti nang matamis saka muling naupo sa couch. Humalik naman si Toni sa pisngi ni Erine.

"Okay lang kahit masakit." Sabi ni Toni. "Tanggap ko na kung bakit ipinagpalit ako ni Papa Kenzo saiyo. Di naman hamak na mas dyosa ka keysa sa akin." Biro nito bagay na ikinatawa nilang lahat.

"Oh God, Toni!" saway ni Zerrah Angela sa baklang pinsan niya.

"Nakabalik ka na pala ng Pilipinas?" ani Kenzo at naupo sila sa couch na magkatabi ni Erine. Hawak pa nito ang kamay ng asawa, habang kandong ang bunsong anak na si Wayne.

"Three months vacation lang, Ken." Tugon nito. "Actually, nabanggit ni Toni na wala na raw dito si Lucho. And I really wanted to see him -again. Alam niyo naman na di naging maganda ang huli naming pagkikita. Where is he?"

"Na-assigned siya sa Bohol." Tugon ni Kenzo. "Ilang taon na rin siya do'n. Bihira na lang din kung dalawin kami dito sa El Tierro."

"Gusto kong hingin ang complete address niya. Gusto ko siyang puntahan. I want to fix things with him and see where would the wind may take us." Wika ni Zerrah Angela. Lihim naman siyang minamasdan ni Erine. Mukhang pinag-aaralan ito.

"You can stay here, tonight. Baka, wala na ring flight ngayong oras." Wika ni Kenzo.

"Tama ka, Papa Kenzo V." Sabi ni Toni. "She just arrived from France today and we took a flight to here. Mukhang stress ang beauty ko sa kanya kanina pa. Haggard na nga ang face ko, baka himatayin na ako kapag ngayon din kami aalis tungong Bohol!" kinurot siya ni Zerrah Angela sa tagiliran, kaya tumahimik itong bigla.

"We'll stay in a hotel, Ken." Sabi ng dalaga.

"You can stay here, Angela. Kayo ni Toni. Wala namang problema. Wala naman din sina Tyrone at Franz dito. Kami-kami lang." Sabi ni Erine.

"Thank you, Catherine." Sabi ng dalaga.

"Hay salamat naman, pretty cousin." Ani Toni dito na natutuwa.

Kinabukasan, maagang nagising si Savannah Scarlett. Sa lakas ng tunog ng alarm clock ay agad naman siyang nagising at mabilis na pumasok sa loob ng bathroom upang mag-shower. She's really excited. Pero, nadismaya naman siya dahil wala siyang isusuot na panlakad ngayon.

"Di bale, kahit ano na lang ang isuot mo. May jeans ka naman at fitting-shirt. Okay na 'yon. Carry mo 'yon." Pampakalma niya sa sarili saka nagmadali na ring naligo. Nang siya'y lumabas, suot na niya ang kanyang roba at natuwa siya nang makitang naroon si Aling Belen na may dalang paperbag.

"Savannah, heto o pinabibigay ni Sir. Try mo daw kung kasya saiyo." Sabi ni Aling Belen.

"Sige po, Manang." Tugon ng dalaga. "Ang ganda ng heels, no? Pero, manang mas okay na mag-doll shoes ako. Mas comfortable akong maglakad. Baka sumakit lang ang paa ko dito, eh."

"Kaso, nang labhan ko ang doll shoes mo ay napansin kong sira na ito. Konting galaw na lang ay matatanggal na ang talampakan no'n. Heto na lang, tiyak bagay sa dress na yan. Tignan mo, terno pa ang bag at heels." Sabi ng matanda. Di na rin kumontra pa si Savannah Scarlett. Ayaw niya ring paghintayin pa si Lucho nang matagal.

"Manang, bagay ba?" tanong niya nang lumabas mula sa likod mg dresser. Suot niya ang pulang dress ni Angela na above the knee ang length, kaya lantad ang mahaba niyang legs na sobrang puti at kinis. Medyo maluwag ang estilo ng dress, ngunit nag-shaped naman ang magandang kurbada ng kanyang katawan. Lalo pa't V-line ang neck nito, dahil maganda ang bust niya, mas naging maganda sa kanya ang dress na 'yon.
Pairing it with turquoise pointed heels closed-shoes. Habang ang kulay ng shoulder bag ay Indigo. Lugay ang mahaba't maganda niyang buhok at binagayan pa ang ayos niya ng simpleng touched ng make-up sa mukha. Gamit niya rin ang ilang bangles ni Angela.

"Perpekto! Para kang anghel, hija!" natutuwang wika ni Aling Belen. Dahil nakaawang ang pinto ng guest room ay bigla namang tumambad si Lucho na di makapaniwala sa gandang taglay ni Savannah Scarlett. Tumikhim ito.

"Bagay saiyo. Maybe, we'll get you more kind of dresses like that." Nakangiting wika ni Lucho.

"Matagal pa ang birthday ko, Sir. Salamat sa maagang regalo. God bless you." Aniya saka lumakad na animo'y modelong naka-chin-up, stomach-in, at chest out. Lalong napangiti ang gwapong binata na nakasuot ng black cardigans. Kumindat pa si Lucho kay Aling Belen saka sinundan na ang dalaga. Nang mapansin ni Savannah Scarlett na di pa siya nagpaalam sa kasambahay ay bumalik siya kaya bumunggo sa matipunong katawan ni Lucho na muntik pa niyang ikinatapilok, mabuti na lang at agad siyang nasalo ni Lucho sa magkabila niyang balakang!

"Hindi kasi nag-iingat." Seryosong wika ng binata at napapikit ang dalaga dahil nakikiliti siya sa mainit na mga palad nito sa kanyang balakang. "You, okay?"

"M-masakit konti, Sir." Aniya dahil naka-twist pa ang mga paa niya. Nagulat siya sa sumunod na ginawa ni Lucho. Binuhat siya nito kaya napakapit naman ang mga braso niya sa batok nito. Inihiga niya ang mukha niya sa balikat nito kaya amoy na amoy niya ang napakabangong binata. She's breathing hard with him, trying to inhale his sweet breath.

Si Lucho pa ang nag-fasten ng kanyang seatbelt. Kaya, magkalapit na naman ang kanilang mga mukha.

"Okay lang ba kung tumuloy tayo?" he asks.

"Oo naman, Sir." Tugon niyang nakangiti. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Lalo na nang magsimulang magmaneho si Lucho. Pakiramdam niya mas malakas pa ang kabog ng dibdib niya keysa sa ugong ng kotse nito. "Crush is paghanga na may halong pagnanasa." Bulong niya sa sarili.

They arrived in The Galleria Luisa. 2013 newly opened shopping and experience-center in Tagbilaran City. Galleria Luisa is located few meters away from the famous: Bohol Quality Mall. Pero, mas pinili ni Lucho na dalhin ang dalaga dito.

Nag-shopping nga sila, lahat ng naibigan ni Savannah Scarlett ay binili naman ni Lucho para sa kanya at any costs. Bitbit ng dalaga ang limang shopping paper bags na signature brands. Habang ang karamihan ay hawak ni Lucho.

"Sir, gusto ko ng mocha float." Aniyang nakangiti sabay turo sa may food court.

"Okay." Sabi ni Lucho saka sinamahan do'n ang dalaga. "Saan mo gustong kumain?"

"Sa bahay na lang, Sir. Kawawa naman si Manang, walang kasalo." Tugon niyang nagpahanga naman sa binata. Dala-dala na ng dalaga ang kanyang Mocha float nang makalabas sila ng Shopping Mall at patungo na sana sa Parking Area.

Kararating lamang nina Toni at Zerrah Angela sa Bohol. Dahil parehong gutom ay naisipan nilang kumain muna sa restaurant na malapit lang sa Bohol Quality Mall.

"Is that Lucho?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Zerrah Angela kay Toni nang mapansin si Lucho na ipinapasok ang mga shopping bags sa backseat ng kotse nito.
"May kasama siya and I can't be wrong! Suot ng babaeng 'yan ang mga gamit ko. From my shoes to the bag and my dress. Stop the car, now, Manong!"

"Yes, Angela." Sang-ayon ni Toni na nagtaray din ng aura.

"Humanda ka sa akin Lucho, lalo na yang babae na yan!" stressed na wika ng magandang si Zerrah Angela. Nang huminto ang taxi ay agad na bumaba ang dalaga at naiwan na muna si Toni upang bayaran ang metro nila. "Lucho Vrishuel!" mahinahon ngunit ma-otoridad ang tinig ni Zerrah Angela, bagay na biglang nagpalingon sa binata at kay Savannah Scarlett na medyo sumasakit na ang mga sakung-sakong.

"Angela.." he says unbelievably. He's so surprised. Nanlaki naman ang mga mata ni Savannah Scarlett dahil ang Angela na may-ari ng mga gamit na suot niya'y siya mismong modelo na idolo niya. Mas maganda nga ito sa personal.

"Who's that woman?" she asks. Hagod ng tingin si Savannah Scarlett mula ulo hanggang paa. "She's wearing my things! Sino ang nagbigay sa kanya ng pahintulot na pakialaman ang mga gamit ko? Sinasabi ko na nga bang nambababae ka!" sinasapak na niya ang binata, kaya medyo nakuha na nila ang atensyon ng mga tao. Lucho hugs her, trying to calm her down. Natulala naman si Savannah Scarlett na nakatitig lamang sa dalawa.

"Bata lang 'yan. Nakita ko sa daan, I took her home because her life is in danger. Walang kagamit-gamit, kaya ipinag-shopping ko na." Sabi ni Lucho dahil ayaw niyang mag-escandalo si Zerrah Angela. Uminit naman ang bumbunan ni Savannah Scarlett nang tawagin siyang bata ni Lucho Vrishuel!

"Ako? Bata? Aba, Sir Lucho may lagnat ka ba?" aniyang di nakapagpigil. At habang yakap ni Lucho si Zerrah Angela sa likuran ay tinitignan naman siya ni Lucho na para bang humihingi ng saklolo. Pero dahil naiinis ang dalaga'y di siya nakiayon dito. "Ma'am, look at him kini-kindatan ako. May pagnanasa yan sa akin, habang wala ka. That eyes of him, look!" sinapak ni Angela ang binata, habang siya'y pilit na nagpupumiglas. Kaya, feeling ni Savannah Scarlett ay nakaganti na siya. She walks away from them, singing. "Pero, ma'am di ko siya type!" aniyang bumalik pa upang mang-asar.

Pumara ng taxi si Savannah Scarlett at nangingiting nilingon ang dalawa. But deep inside her? She feels a little jealous.
"Sa dinami-dami ng pwedeng maging Angela, siya pa na tanging sa TV at magazines ko lang nakikita dati. Maganda ako, magandang-maganda ako!" aniya habang tinitignan ang repleksyon mula sa rearview mirror. Nakangiti naman sa kanya ang napailing na tsuper ng taxi. "Di ba, Manong?" tumango naman ito sa kanya bilang tugon.

Kumalma lang si Zerrah Angela nang masuyo siyang niyakap ni Lucho. Lalo na habang hagod siya nito sa likod na tila pinararamdam na ito'y nangulila din sa kanya.

"I miss you." Sabi ni Lucho. "You're back, Gela."

"I miss you, too." Pabulong na wika ni Zerrah Angela. "So much, Lucho!" sumakay sila ng kotse ng binata. Pagkasakay nila ay bigla silang nagpakiramdaman saka nagkatitigan. Matagal. Hanggang sa unti-unting iniyakap ni Zerrah Angela ang magaganda niyang braso sa batok ng binata at saka siya pumikit. "Kiss me."

Dahan-dahan namang inihawak ni Lucho ang mga palad niya sa mala-anghel na mukha ng babaeng kaytagal niya ring pinanabikan. Touching his nose to hers, feeling her warmth breath and then touching her upper lip with his and so with her lower lip and vice versa. Ilang saglit din ay tinugon na ng dalaga ang bawat halik niya hanggang sa pareho na silang naging agresibo sa halikan.

"I'll take you, home." Sabi ni Lucho nang maramdaman ang biglang pag-responde ng kanyang pagkalalaki. Napangiti naman ang dalaga.

Dumating naman sa bahay ni Lucho si Savannah Scarlett at tinawag pa si Aling Belen upang bayaran nito ang metro niya. Wala naman kasi siyang kapera-pera. Busangot ang mukha niya nang humarap sa matanda.

"Saan si Sir?"

"Naiwan ho, Manang. Iniwan ko sa Angela niya!" aniyang naiinis.

"Nagseselos ba tayo?"

"Bakit naman ho ako magselos? Boyfriend ko ba siya?" aniyang pabara.

"Sabagay.." sabi ni Aling Belen. "Tiyak sasama 'yon dito, at sa pagkakakilala ko kay Ma'am Angela, strikta 'yun."

"Manang, hayaan niyo na 'yon! Kargo naman siya ni Sir Lucho. Siya lang ang amo natin sa bahay na 'to. Di naman siya asawa, eh." Ani Savannah Scarlett. Nang matapos siyang magbihis ng damit pambahay ay sabay na silang nananghalian ni Aling Belen. Di pa rin dumarating si Lucho.

Pagkatapos mananghalian ay naisipan na lang ni Savannah Scarlett na mag-vacuum ng buong sala ng malaking bahay. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano kaya kailangan niyang ibaling sa iba ang atensyon.

"Paano kung nag-hotel sila? May nangyari sa kanila? Tapos magpakasal na sila? Titira na dito ang babaeng 'yon? Hayy Scar! Kawawa ka naman, crush mo pa lang pero ganito na siya kasakit sa utak!" piping usal niyang tila nilalaro ang hawak na Vacuum cleaner. Nang biglang bumukas ang main-door at iniluwa no'n sina Lucho at Zerrah Angela na magkahawak ang mga kamay. "Speaking of the devil, ang sarap i-vacuum ng kamay niya!"

Nagulat naman si Zerrah Angela nang makita siya sa sala. Napanganga ito lalo na nang makitang suot nito ang bagung-bagong baby pink shorts na kita na halos ang mga hita at suot din nito ang sleeveless niyang V-neck kaya nakikita ang cleavage nito.

"So, she's staying here with you?" ani Zerrah Angela na mataray ang tinging ipinukol sa dalaga.

"My pretty, she has nowhere to go. Just let her be." Mahinahong tugon ni Lucho.

"Staying in the guest room, Lucho?" aniyang base sa pagkakilala sa binata.

"Where else? She's my guest, though." Tugon ni Lucho. At siya namang pagbaba ni Aling Belen mula sa ikalawang palapag ng bahay.

"Manang Belen, I want you to bring her things inside the maid's quarter. Right now!" ani Zerrah Angela.

"Ma'am, there's no need po. I already took it there last night, itself!" sabat ni Savannah Scarlett na ngumiti ng nakakaloko saka binitawan ang hawak na Vacuum cleaner. Syempre, hindi 'yon totoo. Naroon pa naman sa guest room ang mga gamit niya. Pero ina-alaska niya ito. "Want anything? Coffee or juice? Milk or tea?"

"I want you to stay away from here." Nagtaray na nga si Zerrah Angela habang inaawat ni Lucho.

"Eh, ma'am paano yan? Lilinisin ko ang buong sala. Baka po pwedeng stay away from here?" nakanguso si Savannah Scarlett. Nang-aasar.

"Savannah Scarlett, umalis ka na muna dito. Please." Says Lucho in a soft tone of voice.
Ngumiti naman nang pagkatamis-tamis si Savannah Scarlett na naniningkit ang magaganda niyang mga mata habang naka-crossed ang mga palad niya.

"Sure Sir. Ang lambing mo, eh." Aniya saka pakendeng-kendeng na tumalikod. Stressed naman si Zerrah Angela na napabuga ng malalim na buntong-hininga sa ere.

"Alaskador ang babaeng 'yan, Lucho! Akala niya.." sabi nitong tila may pinaplano.

TBC

Continue Reading

You'll Also Like

45.6K 2K 27
BL story. Ishan x Cedrix Sweet Serenade Series #2
1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson
279K 5.2K 29
Duke & Izza