Your Smile Says it All

4K 174 62
                                    

VILLAHERMOSA COUSINSLUCHO "The Subservient"Written by: Yeshameen Brejente

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO "The Subservient"
Written by: Yeshameen Brejente

CHAPTER 19 "Your Smile Says it All"

HINDI na malaman ni Lucho Vrishuel kung saan hahanapin si Savannah Scarlett sa loob ng malaking ospital. Ipinagtanong na rin niya sa Record section ang pangalan ng dalaga ngunit wala naman itong record. At ngayo'y nakaupo siya sa isang sulok ng pagamutan, nagbabakasakali pa ring muli ay makita ang babaeng pinakamamahal niya't labis nang pinanabikan.

"Savannah, I knew it's you! Hindi ako maaaring magkamali, alam kong ikaw yung nakita ko. Hindi ako titigil hanggang makita kang muli. Hahanapin kita kahit libutin ko pa ang buong Hongkong." Piping usal ni Lucho sa sarili.

Nasa loob na ng Operating Room si Savannah Scarlett na inihatid pa ni Rave. Nakahiga na sa hospital bed ang dalaga, walang ibang iniisip kundi sana ay magbalik man lang ang kanyang paningin.

"Sir, you may go out now. The operation will start in ten minutes from now." Mahinahong wika ng Surgeon kay Rave. Ramdam ni Savannah Scarlett si Rave na nakatayo sa kanang bahagi ng tagiliran niya kaya marahan niyang kinapa ang kamay nito.

"Stay." Halos pabulong na wika ni Savannah Scarlett. "Please." Medyo garalgal ang boses, tila naghahanap ng lakas ng loob dahil ang totoo natatakot din siya sa isasagawang operasyon sa kanya.

"I'll be staying outside the operating room. I'm not leaving." Tugon ni Rave na nakatingin sa makinis na kamay ng dalagang nakahawak sa palad niya. "Goodluck sa operation mo." Sinubukan ni Savannah Scarlett ang ngumiti kahit napipilitan lang.

"Thank you, Rave." Wika ng dalaga saka niya binitawan ng marahan ang palad ni Rave. Naging mabilis pa ang mga pangyayari, nasa labas na rin ng operating room si Rave, hindi mapakali at kung mayroon man siyang hinihiling ngayon? Iyon ay sana maging tagumpay ang eye surgery ni Savannah Scarlett.

Hindi na namalayan ni Lucho ang mabilis na paglipas ng mga oras. Sunset was over and he's still in the hospital. Kanina pa niya naramdaman ang pagkalam ng kanyang sikmura. He needs to go back to the hotel where he checked-in. Mabigat ang mga hakbang na ginawa niya palabas ng pagamutan habang nagpalinga-linga sa mga taong dumadaan. Nagbabakasakali pa ring sana isa sa kanila'y si Savannah Scarlett na.



Nagpahatid na nga si Lucho sa hotel kung saan siya naka-checked-in. Sa Landmark Mandarin-Oriental.

Superbly located in the heart of Central-The Landmark Mandarin Oriental-Hong Kong sets new standards in Asia for deluxe contemporary accommodation and state-of-the-art in-room facilities-This exclusive-ultra-chic luxury hotel offers beautifully-appointed rooms and suites-providing the largest average room size of any hotel in Hong Kong.

Pabagsak siyang nahiga sa napakalaki at napakalambot na kama ng superior suite niya. Walang ibang nakikita sa kisame kundi ang hitsura ni Savannah Scarlett na buhat ng isang lalaki kanina sa pagamutan.
"Bakit wala kang hospital record, Savannah? What were you doing there? Posible nga bang namamalikmata lang ako?" aniya sa sarili. "God knows how much I've missed you, Savannah."

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Where stories live. Discover now