"See You, Again!"

5.6K 233 50
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO, "The Subservient"
Written by: Yeshameen Brejente

CHAPTER 18 "See You, again!"

Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/1Q92zfZ

NGAYONG hindi pa nagsasalita si Savannah Scarlett ay di na muna sila pinayagan ng doctor na makauwi. Kailangan muna nitong obserbahan, lalo pa't nangangapa ito at walang maaninag na kahit na anong liwanag. Hindi naman umalis si Axehl sa tabi ng dalaga. Naroon siya't lagi pa ring kinakausap ang dalaga, naghihintay na baka magsalita din itong muli at malaman niya kung ano ang nararamdaman nito. Di naman sila kayang iwan ni Rave lalo pa't batid nitong hindi pa gaano naka-recover si Axehl.

"You need to take your rest, now." Mahinahong sabi ni Axehl habang hawak sa kanang palad ang dalagang nakaupo sa hospital bed. He's not even sure if she can hear him, ngunit wala namang mawawala kapag sinubukan niya itong kausapin. Walang responce mula sa dalaga kaya dahan-dahan niya itong inalalayang mahiga sa kama. Trying to make her feel comfortable. Nakadilat pa rin ang mga mata ni Savannah Scarlett, ngunit sa kawalan lamang nakatingin. "Baka bukas na bukas ay mayroon ka na ring makita. Tiwala lang."

"Axehl, you need to go home now." Sabi ni Rave. "You need to take your medicines and you need to take a lot of bed rest. Ako na ang bahala sa babaeng 'yan."

"Hindi mo naman siya dadalhin sa Police Station di ba?" paniniguro ng binata.

"Alam mong hindi ako bastos, you want her to stay? Fine." Wika ni Rave sa kapatid. "For now, I want you to go home and take a rest." Tumango naman si Axehl sa tinuran ng kuya niya. Mas mabuti na ring makasiguro siya na hindi basta-basta hayaan si Savannah Scarlett na makaalis sa ganitong kalagayan. Hagod ni Axehl sa buhok ang nakapikit na ring dalaga saka siya kumilos na't tinahak ang pinto ng hospital room.

Naiwan sina Rave at Savannah Scarlett sa silid na 'yon, saka naman naramdaman ni Rave ang pagkalam ng kanyang sikmura. He needs to eat something, ibibilin na lang siguro niya sa mga Nurses si Savannah Scarlett. He was about to come out of the door when he hears her moaning.

"Nasa'n ako?" mahinang wika ni Savannah Scarlett at nagpalinga-linga. Agad na napalingon si Rave sa dalagang nagsalita. Kay lambing ng boses nito. "Can you please switch the lights on?" dugtong ng dalagang marahang kinuso ang mga mata gamit ang likod ng kanyang palad. Lumapit si Rave sa kama at mataman nitong minasdan ang dalaga.

"Wala ka bang makita?" seryosong tanong ni Rave sa dalaga. Sinundan ni Savannah Scarlett ang pinanggalingan ng boses nito ngunit wala pa rin siyang makita.

"Sino ka?" maang na tanong ng dalaga.

"Just answer my question." Utos ni Rave.

"I can't see anything. Will you please switch the lights on?" iritang wika ng dalaga, kaya ngayon ay sigurado na si Rave na tuluyan na ngang nabulag ang dalaga.

"You stay, here. I'm going to call a doctor." Sabi pa ni Rave, ngunit sa kakakapa ni Savannah Scarlett ay bigla itong napahawak sa kanang bisig ni Rave.

"Please stay.." marahang wika ng dalaga na halos ay pabulong lang. "I'm scared." Natuon ang paningin ni Rave sa kamay ni Savannah Scarlett na nakahawak sa bisig niya.

"What is your full name? Tell me." Sabi ni Rave, sinusubukan niyang kuhanan ito ng impormasyon dahil may kutob na rin siyang baka nga ay nawala ang alaala nito. Saglit na nag-isip ang dalaga. Pinipilit niya ang kanyang utak na makaalala ng kahit na ano, yung kahit tungkol man lang sa pagkatao niya. Umiling si Savannah Scarlett bilang pagtugon.

"I don't know. I don't remember anything." Tugon nitong naiiyak na dahil wala siyang maalala. "What's wrong with me? What happen to me?" aniyang sumasakit na rin ang sentido.

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon