To Hold You Like This

4.3K 194 17
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO: "The Subservient"
Written by: Yeshameen Brejente

CHAPTER 20 "To Hold You Like This"

HABANG nakahiga si Lucho sa napakalambot na kama ng hotel room na kanyang tinutuluyan ay bigla niyang naisip na tawagan ang pinsan niyang si Kenzo. Napabalikwas siya ng bangon saka dinampot mula sa bedside table ang kanyang cellular phone. He dial Kenzo's number and Kenzo answers it right away.

"Lucho, where in heaven are you?" tanong ni Kenzo sa pinsang nasa kabilang linya.

"I'm in Hongkong, Kenzo." Tugon ng binata sa mahinahon at malungkot na tinig. "I need to make sure that Don Sebastian Dela Francia isn't my biological father, that we're still cousins."

"Lucho, Lolo is searching for you everywhere. Dumating na rin siya sa Bohol para hanapin ka. He even demanded me to look for you, kaso napakarami ko namang trabahong kailangang asikasuhin at unahin." Wika ni Kenzo.

"You're not gonna tell him where I am." Tugon ni Lucho at batid ni Kenzo na hindi yon pakiusap kundi utos. Kenzo sighed.

"Fine." Ani Kenzo. "So, kelan ka babalik ng Palawan?"

"Kenzo, it may sound weird but —I saw Savannah Scarlett."

"She's alive?" Kenzo says surprisingly.

"She's alive of course. Wala naman tayong bangkay na natagpuan on the first place." Wika ni Lucho.

"Nakita ka ba niya? Nag-usap na ba kayo?"

"No." Tugon ni Lucho. "I saw her and someone's carrying her —a certain stranger.
Kung gaano ko siya kabilis na nakita, gano'n din siya kabilis na naglaho. I've tried searching for her, pero hindi naman gano'n kadaling hanapin siya sa Hongkong."

"Are you sure that it was her, Lucho?"

"I can never be wrong." Tugon ng binata.

"Lucho, listen.." ani Kenzo. "I've made an investigation about the Dela Francia's. Nalaman kong bago umalis ng Bohol si Savannah Scarlett ay dumaan muna siya sa Rancho Dela Francia at nakausap niya ang kanyang Yaya —si Dana Iza. Bakit hindi ka muna bumalik sa Bohol upang personal mong makausap si Dana Iza? To get informations, though, if you know what I mean." Pagkarinig ng binata sa tinuran ni Kenzo ay katahimikan ang namayani sa pagitan nila sa mga sandaling yaon.

"I'll get there the soonest, Kenzo." Basag ni Lucho sa katahimikang naghari kani-kanina.

"I'll send you the proper address via email, then. Keep in touch with me."

"Thank you, Kenzo." Pagtatapos ni Lucho sa kanilang usapan. Nakatayo sa harap ng bintana ng silid ng hotel si Lucho, nakatingin sa magandang night view ng Hongkong. "I need to leave to Bohol as soon as possible. I'll do everything to make things right. Pero sana, hindi pa huli ang lahat Savannah Scarlett. I miss you so much."

Nakatayo si Savannah Scarlett sa may hardin.
Dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
Pilit na nag-iisip at pilit na humahagilap ng kahit konting liwanag na maaari niyang maaninag. Ngunit kahit anong pilit niya'y wala pa rin siyang makita kahit nakadilat pa ang magaganda niyang mga mata.

"Are you, alright?" Rave asks when he noticed her feeling so uneasy. Saglit na nagulat ang dalaga dahil akala niya'y siya lamang ang taong naroon.

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora