"I Don't Want You To Go"

4.4K 198 25
                                    

VILLAHERMOSA COUSINSLUCHO "The Subservient"Written by: Yeshameen Brejente

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO "The Subservient"
Written by: Yeshameen Brejente


CHAPTER 21 "I Don't Want You To Go"

NAGING masaya si Savannah Scarlett habang naliligo sila ni Rave sa dagat. Ngunit nang makaramdam ng pagkahapo, inakay na siya ng binata tungo sa sea bridge. It was almost sunset.

"You, okay?" tanong ni Rave sa dalaga.

"Medyo sumakit lang yung kanang bahagi ng ulo ko. Gusto ko pa sanang maligo kaso iba ang pakiramdam ko. Bigla na lamang kumirot 'tong bahagi ng aking ulo. Masakit na parang ang hapdi." Tugon ng dalaga, kaya parang nabahala naman ang binata sa narinig.

"It was my fault. Hindi kita dapat na dinala dito. I'm sorry." Apologetic na wika ni Rave.

"Kaya mo ba ako dinala dito kasi baka sakaling magbalik ang alaala ko, Rave?"

"Partly yes, Scarlett." Tugon ni Rave. "And I want you to feel the cool sea breeze which is very relaxing and good for someone's health."

"Gusto ko rin dito. Maaaring mahilig din ako sa dagat dati pa, kaya nga siguro naisipan kong sumakay ng barko para makarating lamang dito sa Hongkong." Sabi ng dalaga. "Alam mo, Rave, hindi ko na hinihiling na sana'y bumalik pa ang mga alaala ko, ang mahalaga kasi sa akin ngayon, sana —sana paningin ko na lang ang ibalik sa akin ng Diyos. Iyon na lang sana."

"Hindi pwedeng hindi na bumalik ang iyong alaala, Scarlett. I'm sure, marami kang mahal sa buhay na naghahanap saiyo at pilit na umaasang makabalik ka sa kanila." Ani Rave na mukhang kahit ngayon pa lang ay para bang nalulungkot na siya kung sakaling lumayo na si Savannah Scarlett at bumalik na sa pamilya nito.

"May pamilya nga kayang naghihintay sa akin? May pamilya nga kayang nagmamahal sa akin, Rave? Paano na lang kung wala?" aniya at naramdaman niyang tumayo na si Rave. Nakalahad ang kanang kamay nito sa palad niya kaya minabuti niyang iabot na lang dito ang kamay kahit pa wala naman siyang nakikita. Ngayong magkadaop na ang mga palad nila, hindi napigilan ni Rave na mapasulyap sa mukha ng dalaga. Humahanga sa taglay nitong ganda. "Rave.."

"Yes?"

"Kapag ba nagbalik na ang aking alaala —are you going to miss me?"

"Alam mo bang sanay na ako sa presence mo? I'm sure, it'll never be easy to get used of not seeing you around when time comes for you to gain your memory back." Tugon ni Rave.

"Sana, bago pa bumalik ang aking alaala'y makakita na ako. That way, I'll be able to see how you looks like. Kung gaano ka kagwapo ayon sa boses mo." Aniya sa binata. Bigla namang napangiti si Rave. "Nakangiti ka, 'no?"

"Masyado ka kasing assuming, Scarlett." Tugon ni Rave na sinabayan pa ng mahinang pagtawa. "You're assuming that I look handsome, but I'm warning you —I'm not. Baka nga, matakot ka pa sa akin." Masaya ang dalaga nang maramdamang hawak siya ni Rave sa kanang kamay habang maingat nilang tinahak ang napakahabang sea bridge na nag-uugnay mula sa tahanan ng magkapatid hanggang sa karagatang umabot sa 5 feet depth.

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Where stories live. Discover now