"She's Back In His Life"

6.4K 191 10
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO "The Subservient"
A Story By: Yeshameen Brejente

CHAPTER 4 "She's Back In His Life"

Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/20cEGX0

SINIGURO na muna ni Savannah Scarlett na makaalis nang tuluyan si Lucho bago siya pumasok sa loob ng guest room. Di niya lang talaga namalayang may period siya. Ini-expect naman niya 'yon this month, pero di lang talaga siya aware na ngayon mismo.

"Nakakahiya ka talaga, Savannah Scarlett!" aniya sa sarili habang dumiretso sa loob ng bathroom. "Hihintayin ko na lang si Sir Lucho na makarating. Wala naman akong alam na pwedeng gamitin maliban sa sanitary napkin." Naupo na lang siyang nakatapat ang ulo sa shower head at binuksan niya ang tubig sa mahinang flow. Siya pa naman yung babaeng heavy agad ang menstrual flow kahit sa first day niya. How she wish that it won't take long for him to finally come back home.

Imbes na mag-gym si Lucho, wala na rin siyang choice ngayon kundi ang ibili na lang ng Sanitary napkin si Savannah Scarlett. Hindi niya rin kasi naisipang ipamili ang dalaga at di rin naman niya pwedeng puntahan pa si Aling Belen dahil bukod sa may kalayuan ang palengke ay alam niyang maraming bibilhin ang matanda. May nadaanan siyang Convenience store kaya agad naman siyang nag-park ng kanyang kotse sa parking area.

Hindi maiwasan ng mga kababaihang naroon ang hindi mapatingin sa kanya. Sobrang macho kasi nito sa kanyang suot, lalo na ang pang-ibabang suot niyang sumisimbolo kung gaano siya kakisig na lalaki.

"Yes, Sir?" tanong ng isang empleyada ng Convenience Store. Napabuntong-hininga siya bago nakuhang magsabi kung ano ang kanyang bibilhin.

"Sanitary Napkin, please." Aniyang napapabuga pa ng hangin.

"Anong brand ho, Sir?" nangingiting tanong ng empleyada.

"Brand?" ulit niyang napakunot ang noo.

"Yes, Sir." Tugon ng babae. "We have modess, whisper, kotex, sisters and charmee. Ano ho ba ang gamit ng misis niyo?"

"Ano ba 'yung maganda ang brand?" tanong niya.

"Either modess or whisper, Sir." Tugon ng empleyada.

"Bigyan mo na lang ako ng tig-isang pack ng bawat brands niyo." Sabi ni Lucho saka napasulyap sa kanyang wristwatch. Napangiti ang empleyada sa kanya. Kung makatitig naman kasi ito kay Lucho, akala mo ngayon lang nakakita ng napakakisig na lalaking handang bumili ng tapalodo para sa isang babae.

"Ang tagal naman ni Sir Lucho! Ilang oras na ako dito, ah." Wika ni Savannah Scarlett sa sarili habang nilalamig na dahil kanina pa siya basang-basa sa tubig. Pagkasabi niya'y bigla siyang nakarinig ng katok sa pinto ng bathroom kung saan siya naroon.

"Savannah, nakabukas naman ang pinto ng guest room so pumasok na ako." Sabi ni Lucho. "Narito na ang sanitary napkins mo."
Tunayo ang dalaga saka inilapit ang mukha sa pinto na nasa loob ng bathroom.

"Sir Lucho, can I ask you one more favor?" aniyang kinakapalan na naman ang mukha.

"What?" kunot-noong tanong ng binata.

"Sir, basa ako ngayon. Di kasi ako comfortable na merong ano sa ano ko kaya naisipan kong maligo na lang." Sabi niyang nakikiramdam na muna at nang hindi niya narinig na nagreklamo si Lucho ay nagpatuloy siya. "Sir, pasuyo naman. Paki-kuha ang paru-paro ko na nasa drawer ng closet, please."

"Savannah Scarlett, namumuro ka na! Ang lakas din ng loob mong utusan akong bumili ng tapalodo mo, and now? The nerve!" reklamo ni Lucho.

"Nakikiusap nga 'yong tao di ba, Sir? Please naman, ang sakit kaya ng puson ko. Kapag naman ikaw ang nasa posisyon ko, tutulungan naman kita pag kailangan mo 'ko." Drama niya sa binatang kahit nagreklami ay kumilos naman.

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें