"Come Home With Me"

3.6K 200 35
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO; "The Subservient"
By: Yeshameen Brejente

CHAPTER 25: "COME HOME WITH ME"

IT was six in the morning and Rave wakes up after hearing the alarm from the bedside table. Marahan siyang bumangon saka maingat na tinitigan si Savannah Scarlett na hanggang ngayo'y himbing pa rin sa pagtulog. He needs to wake her up- para masimulan na rin niyang tanggalin ang benda sa mga mata ng dalaga. Hindi man 100 percent ang posibilidad na manumbalik ang paningin nito ay tiwala pa rin siyang makakakita pa rin ito.

Rave ordered a basket of assorted roses for her and a life-sized teddy bear. Hinintay na muna niya itong mai-deliver bago niya pinukaw si Savannah Scarlett.

"Good morning, Scarlett! " matamis ang ngiting bati ni Rave. Agad namang ngumiti ang dalaga pagkarinig sa boses ni Rave at iniabot sa ere ang kanyang mga kamay kaya naman sinamantala na ng binata ang yakapin ito nang buong higpit, considering that this will be their last day to be together. "I am going to remove this-" aniya't itinuro ang benda ng dalaga.

"Ibig bang sabihin no'n ay makikita na kita?" she asks and there's a fondness on her eyes. At bigla na lamang yumakap ang dalaga sa kanya kaya naging emosyonal siya.

Medyo nanginginig pa ang mga daliri ni Lucho nang simulan niyang tanggalin ang benda sa mga mata ni Savannah Scarlett. Pareho silang kabado, parehong excited. And at the same time, may fears na din sa puso ng binata. Paano kung ilayo na ni Lucho ang dalaga? Paano na ang nararamdaman niya?

"Scarlett, open your eyes gently. Now." He says and she did. Medyo blurred noong una ngunit lumiwanag naman hanggang sa masilayan na niya ang kaguwapuhang taglay ni Rave.

"Ang pogi mo pala!" aniyang kinikilig bagay na nagpaluha sa binata dahil sa ligaya. They both hugged each other. Tight.

"Take some more rest. You need that." Ani Rave.

"Don't leave me."

"I won't." He assured her, so he carries her to bed, wrapping her body with the comforter. "Sleep." Nakaupo siya sa gilid ng kama.

LUCHO was very excited to see Savannah Scarlett again. Kahit batid niyang hindi pa rin siya nito naaalala, kahit batid niyang matatagalan pa bago manumbalik ang alaala nitong ninakaw ng isang mapait na trahedya!

"Di na kita muling pakakawalan pa Savannah Scarlett. How I wish that you'll gain your memory back  so I'll be able to propose to you." Piping usal ni Lucho habang marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto, subalit mabilis ding naglaho ang fondness sa kanyang mga mata nang masaksihan ang dalawang taong himbing pa rin sa pagtulog sa kama, parang nadurog ang puso niya habang minamasdan ang babaeng kanyang pinanabikang muli ay makita na himbing sa pagtulog na nakaunan ang ulo sa kanang braso ni Rave, habang nakayakap sa tagiliran nito ang kanan niyang kamay. Her hair was messy but it makes her look more beautiful. He's damn jealous. Gusto niyang lapitan si Rave at bugbugin ito ng walang kalaban-laban hanggang sa malagutan pa ito ng hininga!

"How dare you slept with my woman?" aniyang kuyom ang sariling mga palad, ngunit siya'y nagtimpi na lamang, considering that it's not his territory. Sa isiping posibleng may namagitan sa dalawa'y parang gusto na niyang pagsisihan na iniwan pa niya rito ang dalaga't pinagkatiwala pa man din sa lalaking ito. Halu-halong emosyon ang kanyang naramdaman sa mga sandaling ito, maraming haka-haka't katanungan ang sa utak niya'y naglalaro.

Magtimpi na lang talaga ang kaya niyang gawin sa mga sandaling ito habang ang mga luha'y nag-uunahan ng pumatak tungo sa mamula-mula na niyang pisngi. It's not the natural him anymore. Pero gano'n yata talaga ang selos, isang emosyon na kahit kailan di mo kayang kontrolin. He wants to kiss her on the forehead, he wants to feel her hair and he wants to imprison her in his arms for he missed her- a lot. Dahil hindi na niya kayang tiisin ang emosyong nararamdaman ay minabuti niyang tumalikod na lamang mula sa mga ito upang ikubli ang di napigilang pagluha. Ang sakit pala. Napakasakit.

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Where stories live. Discover now