"May The Best Man Win"

8.7K 319 150
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO:"The Subservient"
Written by:Yeshameen Brejente

CHAPTER 26 "May The Best Man Win"

MARAHANG kumalas si Savannah Scarlett mula sa mahigpit na yakap ni Lucho sa kanyang likuran.

"Go home with you? I don't even know you." Kunot-noong wika ng dalaga saka hinarap ang binata.

"I know it's hard, Savannah. I know it's not easy to gain your memories back-but, I'm Lucho. Someone who loves you. Someone who's desperately doing everything- everything just to find you. You're in love with me too." Wika ng binata saka paluhod na humawak sa malalambot na mga palad ng dalaga.

"I'm sorry but I don't remember anything at all. I don't remember you. And I won't go home with you. Dito lang ako kay Rave. Dito lang ako sa kanya." Sabi ng dalaga. Para namang lantang gulay si Lucho dahil sa narinig.

"He's a stranger, Savannah. Gusto mo lang dito dahil wala ka pang naaalala." Sabi ni Lucho.

"Naaksidente ako at 'yon ang nagdala sa akin dito. Bumalik ka na lang kung manumbalik na ang alaala ko." Tugon ng dalaga, mabilis namang umiling si Lucho bilang pagtutol.

"No way, Savannah Scarlett!" aniya saka hinagkan sa mga kamay ang dalaga.

"Masaya ako dito. Sanay na ako kay Rave. Masaya akong kasama siya. Ayokong iwan siya- ayokong lumayo sa kanya. Hindi ko kaya- hindi ko kakayanin." Tugon ni Savannah Scarlett kaya pakiramdam ni Lucho ay dinudurog ang puso niya. Napakasakit.

Nagkataon namang nakasunod na si Rave na kasalukuyang nakatayo ngayon sa labas ng pinto ng silid na kinaroroonan nina Lucho at Savannah Scarlett. Masaya siya sa narinig mula sa mga labi ng dalaga. But there's fear at the same time- maaaring hindi sasama ang dalaga dito, ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan mananatili ang dalaga sa poder niya.

"Bakit Savannah?" Lucho asks with tears.

"Please, leave."

"Mahal kita, Savannah. God knows how much I've missed you. Ngayong nakita na kitang muli? Wala ng lugar para pakawalan pa kita. Wala akong pakialam kahit wala kang naaalalang kahit na ano tungkol sa akin- come home with me and I'm willing to help you remember me, our past and everything what we had." He did cry- still not letting go of her hands.

"Malulungkot ako kapag lumayo ako mula kay Rave. Gusto mo bang malungkot ako?" her eyes are misty. Nakakakonsensya. Lucho couldn't help but hugs her from her waist. Still kneeling in front of her.

"Savannah, wag mo 'kong parusahan. Hwag mong hilingin sa akin ang bagay na 'yan. Nagmamahalan tayo at alam kong tama lang na sumama ka sa akin kahit wala ka pang naaalala. Hayaan mo 'kong ipaalala sa'yo ang mga bagay na minsan nating ginawa- mga bagay na naging saksi kung ga'no natin kamahal ang isa't-isa. I beg you." Sabi ni Lucho na luhaan pa rin.

"No. Hindi ko iiwan si Rave. Ayokong iwan siya." Tugon ng dalaga.

"And why? Don't tell me na may nararamdaman ka sa kanya!"

"Sa kanya ako masaya."

"Huwag mo siyang paasahin, Savannah. Oras na manumbalik ang alaala mo batid kong ako pa rin ang pipiliin mo." Luhaan pa ring wika ni Lucho na di pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa beywang ni Savannah Scarlett.

"Just wait for the time till I gain my memory back. Maybe by then- maalala din kita, kung ano kita at kung anong meron tayo. But for now? Di ako sasama sa'yo dahil kay Rave ramdam kong ligtas ako. I'm sorry. Now, please leave! Gusto ko na munang magpahinga." Sabi ng dalaga saka itinulak palayo ang binatang kapit na kapit sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Where stories live. Discover now