"Twerk It Like Savannah"

12.6K 237 8
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO "The Subservient"
A Story By: Yeshameen Brejente



CHAPTER ONE







Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/1GJ0jrH





MALALIM na ang gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Lucho Vrishuel. Abala pa rin siya sa loob ng kanyang Study Room. Mayroon pang mga bagay na pinag-aaralan tungkol sa kanyang misyon.

May mga leads na siyang hawak, ngunit hindi pa rin detailed ang lahat. Ayaw niyang magpadalus-dalos ngayon lalo pa't angkan niyang nasawi ang dapat na mabigyang hustisya.

"Cheyenne Blue Esguerra!" aniya sa larawan ng magandang babae na pwedeng maging big lead sa misyong hawak. "Ikaw ang pwede kong gamitin para tuklasin ang posibleng dahilan kung bakit ang angkan naming mga Villahermosa ay nakaranas ng karumal-dumal na krimen, mahigit dalawampung taon na ang nakararaan. Oras na malaman kong pamilya niyo ang may sala sa pagpaslang sa kanila'y sinisiguro kong pagsisihan niyong binuhay niyo pa kami. Lalo na ako!" biglang naputol ang ballpen na hawak niya dahil sa matinding galit na nararamdaman mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Hindi siya pwedeng mandamay ng mga inosente, pero titiyakin niyang magbabayad ang mga taong may sala. Tumayo siya saka dumungaw sa nakabukas na bintana ng kanyang opisina. He's in Bohol.

Ang Bohol ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang Visayas. Lungsod ng Tagbilaran ang kabisera nito at nasa kanluran nito ang pulo ng Cebu, nasa hilagang-silangan naman ang Leyte at nasa timog, sa ibayo ng Dagat Bohol, ang Mindanao.

His rest house is located in Tagbilaran City, itself. Tagbilaran is a principal gateway to Bohol and is known as the "City of Friendship". It is considered by the Institute for Solidarity in Asia as one of the eight Philippine Dream Cities. Sobrang ganda at napakaliwanag ng Lungsod. Malamig ang simoy ng hangin, tila nagpapawala ng stress niya.

Matagal na rin siyang hindi nakakadalaw sa El Tierro de Villahermosa simula nang tanggapin niya ang misyon na 'to. Isang misyon na inilihim niya mula sa kanyang mga abuelo't mga pinsan.
He is holding a glass of scotch, shaking it well before taking a sip.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ninyo nakakamit ang hustisya. Hindi ko pinasok ang larangang ito para sa wala." Aniya sa sarili saka nilagok ang natitirang laman ng hawak na kopita. Mukhang hindi pa rin siya dalawin ng antok kaya minabuti niyang umalis na muna sa resthouse at magliwaliw na muna sa labas. It's almost 3a.m, though.

Habang minamaneho ang kotse niya'y maraming naglalaro sa utak niya. He's driving without even knowing where to go. So, he drives fast! Upang kahit papaano ay mai-focus niya sa iba ang isipan niya. Ngunit, muntikan na niyang mabundol ang isang babaeng nagpasuray-suray na sa daan mabuti na lamang at agad din siyang nakapag-preno. Di man niya nasagasaan ang babae'y bigla na lamang itong natumba sa kalye. Mabilis niyang inihinto ang kotse niya saka nagmadaling bumaba upang matulungan ito.

"Miss!" aniya ritong natataranta dahil wala itong malay-tao. Pinulsuhan niya ito, saka nagmadaling isinakay sa backseat ng kanyang sasakyan. Nang biglang may napadaang van na kulay puti at walang anu-ano'y nagpaputok sa kanya. Mabuti na lamang at naisara na niya ang pinto ng kotse niya kaya mabilis siyang nakailag at tumilapon sa likod ng kanyang sasakyan. "Holy Shit!" aniya dahil nadaplisan ang kanyang kaliwang braso. Mabilis naman niyang dinukot ang kanyang kwarenta y sinco'ng kalibre na nakasingit sa kanyang tagiliran saka mabilis na ikinasa't ipinutok sa puting van. Ngunit, hindi na niya 'yon naabutan. Duguan man ang kaliwang braso niya'y nagmadali pa rin siya upang makasakay sa kotse at nang masundan pa ang mga 'yon.

Lucho ends up in the hospital. Wala pa ring malay ang babaeng nakita niya sa daan. The woman is beautiful, having a black and shiny long hair. Her brows are perfect, na animo'y perpekto din ang pagkakaahit. It's her natural brows.

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon