"Savannah Scarlett Moves"

7.1K 199 4
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
LUCHO: "The Subservient"
A Story By: Yeshameen Brejente



CHAPTER 2 "Savannah Scarlett Moves"


DAHIL napahiya si Savannah Scarlett ay di na lang siya umimik kahit pagtawanan siya ni Lucho at tinutuksong, "Twerk it like Miley!" Lalo na nang umalis din ito agad at nagtungo sa sarili nitong silid.

"Akala mo naman magaling din siyang mag-twerk!" aniyang naiirita saka ipinagpatuloy ang pagma-mop ng buong corridor. At nang siya'y tumapat sa pinto ng misteryosong silid ay di niya mapigilang mapaisip. "Sino ka? Bakit, tila nakakulong ka dyan? Ano bang misteryo meron sa silid na 'yan? Bakit ka nariyan?" aniya sa marahang tinig upang hindi marinig ni Lucho. Dumating na siya sa boarder ng corridor, tatahakin pa sana niya ang daan tungo sa kung saan maaaring naroon ang silid ng binata. May traffic cone ang nakaharang doon na may nakasulat na, "Off Limit." Kaya, agad na rin siyang umalis doon.

"Hija, tama na yan. Mukhang pagod na pagod ka na." Sabi ni Aling Belen.

"Medyo sumakit nga ho ang batok ko't balakang. At saka inaantok na rin ako." Sabi ng dalaga.

"Gusto mo bang hilutin kita? Magaling ako." Sabi ng matanda.

"Okay lang ho, Manang. Salamat na lang. Kailangan niyo ring magpahinga. Sige, ho." Sabi ni Savannah Scarlett at agad niyang niyakap ang matandang kasambahay na animo'y kinagaanan agad ng loob.

"Sige na, gigisingin na lang kita mamaya para maghapunan." Sabi ni Manang Belen. Ngumiti ng matamis ang dalaga saka iginalaw-galaw ang mga braso niya at si Aling Belen na rin ang nagpatuloy sa pagma-mop ng kabilang corridor.

Mabilis namang pumasok si Savannah Scarlett sa loob ng bathroom saka humarap sa shower head. Pakiramdam niya'y nanlalagkit ang pawis niya. Napagod nga siya nang husto. Mabuti na lamang at katulad ni Lucho ang nakakita sa kanya sa daan, dahil kung hindi baka nahuli na siya ng mga armadong kalalakihang alam niyang inutusan ng kanyang ama upang ibalik siya sa kanila.

"Miss na kita, Mama." Aniyang nalulungkot habang pinararaanan ng liquid milk soap ang makinis niyang balat. She wants to cry. Alam niyang ginusto naman ng Mama niyang ipagtanggol siya mula sa kanyang Papa, pero sadyang gano'n. Sa bahay nila, Papa niya ang batas, batas na hindi mo pwedeng labagin. "Sana, ma-realize na din ni Papa na hindi pwedeng masunod ang lahat ng kagustuhan niya." Naupo siya sa side ng bathtub habang sinasabon din ang mga binti niya at paminsan-minsang tumitigil saka inihihilig ang baba sa kanyang mga tuhod. Matagal siya sa loob ng shower, lumabas lamang siya nang makaramdam na ng matinding antok.

"Sir Lucho, aalis ho kayo?" tanong ni Aling Belen sa binata dahil naka-uniporme ito. Lalo pa't nakasingit sa tagiliran ng pantalon nito ang itim niyang kalibre, kwarenta y sinco.

"Oho, Manang." Tugon niya. "Si Savannah?"

"Mukhang napagod ho kasi sa pagma-mop. Nasa guest room na siya't nagpapahinga." Tugon ng matanda.

"Mukhang hindi ako makakauwi ngayong gabi, Manang. Pakainin niyo na lang ho kapag nagising na siya." Bilin ni Lucho. "Anyway, nasa kama ko ang ilang mga damit ni Angela na pwede niyang gamitin habang naririto siya. Pakibigay na lang ho sa kanya, pag natapos niyo na ring linisin ang kwarto ko."

"Oho, Sir." Tugon ni Aling Belen na napapangiti. Ewan niya, ngunit mukhang ngayon lang yata nabanggit muli ni Lucho ang pangalan ni Angela.

"Nailagay niyo na ba sa bathroom ang mga cosmetics na binili ko?"

"Naroon na ho, Sir. Maayos na ang mga gamit ni Ma'am Savannah Scarlett." Tugon ng matanda.

"Bueno, Manang. Make sure that you always lock the main door and windows. Nagdagdag na rin ho ako ng mga securities sa labas." Sabi ng binata saka sinuot ang kanyang pershing cap. Bagay na bagay sa binata ang kanyang color gray na Uniform. There is a rank insignia on his shoulder loop. Of course a bush coat, gray ang kulay. May PNP badge din siya, sa bandang dibdib nakalagay, qualification badge 'yon kung ano ang posisyon niya. Naroon din ang star rank niya at ilang decoration ribbons.Suot niya rin ang kanyang name plate. He is wearing his gray pants with a blue belt with PNP buckle, pairing it with a black low-cut shoes. He looks very handsome.

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Where stories live. Discover now