Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend
Sir Charles on the right side-à
EUPHY'S POV
Matapos ang sagutan namin ni Sir sa kwarto niya, hindi ko na siya inintindi. Pakabihis ko, diretso na akong umuwi sa bahay ko. Buti na lang at hindi na umuulan, hindi na rin baha sa tulay na dinadaanan ko. Nag taxi na lang ako pauwi. Ayoko siyang makausap.
Iniisip ko pa rin yung mga nasabi nya. Ba’t niya kailangan ng girlfriend?
At saka diba may fiancé yun?
T-teka, naguguluhan na ako sa mga nangyayari. May fiancé si Sir pero gusto niyang magpanggap ako bilang girlfriend niya. Bakit naman? Siguro ayaw niya sa Alice na yun. Eh kung ayaw niya, bakit niya niyayang pakasalan?
Enough na nga! Sumasakit ang ulo sa mga iniisip ko!
AT HINDING HINDI AKO PAPAYAG SA GUSTO NI SIR! Akala niya ha! May nalalaman pa siyang ibibigay ang lahat ng gusto ko basta pumayag lang ako. Ayoko nga. Kahit may mga gusto akong mabili, hindi ako papayag. Mas maganda pa rin na pinaghirapan mo yung ipambibili mo.
Saka baka ikulam pa ako ni Alice pag nagkataon.
.
.
.
Umaga pa naman. It’s 9am in the morning. Mamaya na lang na hapon ako papasok sa office. Ayoko muna makita pagmumukha ni Sir. Eh ano naman kung pagalitan niya ako at paalisin sa trabaho. Mas maganda nga yun, makakalaya na din ako sa wakas.
Matutulog muna ulit ako. Sana mawala na itong pagka bad trip ko kapag nagising na ako.
.
Nagising ako ng mga bandang 11am. Naghanda na ako sa pagpasok ko sa office.
Pagdating ko sa office, nagtrabaho na ako. Nakahanda na sana ako para marinig ang sigaw at sermon niya pero wala. Buti na lang. Hindi kami nagpapansinan, o baka ako lang ang ayaw pumansin sa kanya. Kung mag-uusap man kami, yun ay tungkol lang sa mga iuutos niya at sa mga paper works. Nothing more.
“Ms. Ramirez” Naramdaman ko na lang na nasa harap ng table ko si Sir.
“Yes Sir? May ipag-uutos pa po ba kayo?” Tanong ko sakanya.
“Actually, no. Can we talk about what happened this morning” Ayoko nga maalala yun tapos ioopen niya yung topic.
“Sir, sinabi ko naman na ayaw kong magpanggap bilang girlfriend mo” Ayoko nga kasi gusto ko totoo.
Ano ba itong isip ko, kung anu-anong sinasabi. Hindi yun totoo.
“Kaya nga gusto kong mag-sorry sayo” Parang hindi ako makagalaw. Ayan na naman siya. Mag sosorry na naman sa akin. May magic yata sa mga salita niya kasi sa tuwing nagsosorry si Sir lumalakas ang tibok ng heart ko.
May sakit na yata ako. Patay! Wala pa naman akong pera pampagamot.
“Huh?” Yun na lang ang salitang lumabas sa bibig ko.
“Sorry. I will not force you anymore to pretend as my girlfriend.” Is he serious?
“Talaga?” Gulat kong tanong sa kanya.
“Yes, and sasabihin ko na kay Mama ang lahat. Don’t worry” And pumasok na siya ulit sa office niya.
Haaaay! Mabuti naman. Tapos na ang problema ko. Akala ko pipilitin niya akong maging GF niya to the point na ibablackmail niya na ako. Nadadaan naman pala ang lahat ng bagay sa mabuting usapan.
Isipin niyo nga, paano kung pumayag ako? Makukuha ko nga lahat ng gusto ko, nakakulong naman ako sa kanya. Kailangan kong magpanggap sa harap ng mga tao. Which is hindi ko yata kaya. Saka diba bawal magsinungaling? Kasalanan yun kay God.
Isa na lang ang iniisip ko. Sana maniwala yung Mama niya na. Sana malinawan sila na hindi ako Girlfriend ni Sir at walang nangyari sa amin kagabi. Magkatabi lang kaming natulog. Yun lang.
And I’ve learned my lesson. Hinding hindi na ako matutulog sa tabi ng lalaki.
.
.
.
Gabi na at alam kong madilim na sa labas kaya nagpasya akong bukas ko na lang tapusin ang ginagawa ko. Tiningnan ko si Sir through glass wall. May ginagawa pa siya at nakafocus talaga siya sa ginagawa niya. Kumatok ako at pumasok sa office niya.
“Sir, gabi na po. Di pa po akyo uuwi?” Tanong ko.
“Later, I’m still doing something. You can go now” Balik na naman siya sa sungit mode. =_______=
Nauna na nga akong umalis. Iniwan ko na yung workaholic kong Boss. Hindi na ako sa kanya galit basta itupad niya yung promise niya na sasabihin na niya yung totoo sa Mama niya. Hindi ko pa rin nakakausap si Kelly simula kaninang umaga. Kakausapin ko sana siya kanina kaso hindi pala pumasok. Siguro kasama niya Mama niya. Eexplain ko sa kanya lahat ng nagyari kasi sigurado akong iba din ang iniisip nun.
Bumaba na ako ng building gamit ang elevator. Nung nasa labas na ako ng building napansin kong wala nang katao-tao maliban sa guard na kasalukuyang tulog. Lagot ito kay Sir kapag nakita siya.
Weird! 7:30 pa lang ng gabi pero parang 12:00 na dahil sa sobrang tahimik at wala ng katao tao. Iilang sasakyan lang ang dumadaan sa kalsada.
And it hit me! Naalala ko yung narinig ko sa news kanina. Kaya pala nagsisipag-uwian agad ang mga tao at ayaw nang lumabas dahil sa mga holdapers na laganap ngayon dito. Nabalitaan kong mahigit 20 katao na ang namatay ngayong lingo dahil na holdap sila. At sa pagkakaalala ko, malapit lang sa lugar na ito yung mga pinangyarihan ng krimen. Jusko! Kailangan ko na palang umuwi.
Dali dali na akong naglakad. Magpapara na lang ako ng taxi kaso baka matagalan pa bago may dumaang taxi. Kung sasakay naman ako sa bus, lalakarin ko pa yung daan patungong bus station. Malayo layo rin iyon at baka may masalubong pa akong holdaper sa daan.
Lakad lang ako ng lakad nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Pag tingin ko wala naman. Baka imagination ko lang.
Pero biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko. Feeling ko talaga may nakatingin sa akin.
Lord please, gustong gusto ko pang mabuhay.
Feeling ko sinusundan na rin niya ako. Dahil sa natatakot ako, mabilis akong naglakad at hindi ko na alam kung saan ako patungo basta makaalis ako sa lugar na ito. Sa kakalakad ko nakarating ako sa parking lot ng company ni Sir. At feeling ko may sumusunod pa rin sa akin. Natatakot na ako lalo nat medyo madilim dito. Tanging ilaw lang mula sa isang poste ang nagsisilbing liwanag nito.
May narinig akong yabag ng mga paa. Ang lakas ng tibok ng heart ko. Natatakot na talaga ako.
May nakita akong bato. Malaki naman siya na tamang tama lang na mabuhat ng isa kong kamay. Kinuha ko ito. Magtangka siyang lumapit sa akin at babatuhin ko siya ng bato. Yung matatamaan ang ulo niya.
Nararamdaman at naririnig kong papalapit siya sa akin. Nagulat na lamang ako ng may humawak sa balikat ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa. Lumingon ako at binato sa kanya yung batong hawak ko pero hindi naman siya natamaan kasi nakailag siya.
And…
*Booooooogsh*
*Krrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiicccccccckkkkkkkk* (tunog po ng nabasag na salamin..d q alam kung paano^_^v)
OMG!
NOOO!
Natamaan lang naman ng bato yung salamin ng isang kotse.
O.O
Yung kotse ni Sir! No way!
“WHAT THE HELL?!” Nakita ko si Sir sa tabi ko. Anong ginagawa niya dito? Huwag mong sabihing SIYA YUNG SUMUSUNOD SAKIN?
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. First, napagkamalan ko siyang holdaper. Ngayon naman, nasira ko yung kotse niya.
Lumapit si Sir sa kotse niya. Sinundan ko naman siya. Kitang kita ko kung anong damage ang nagawa ko sa kotse niya. Basag na basag yung salamin. Mas dobleng takot ang naramdaman ko nang nilingon niya ako na may nanlilisik na mga mata.
“What have you done?!” Galit na galit na sabi nito sa akin.
“Sir, please maniwala ka. Hindi ko naman sinasadya” Oh no! Problema na naman ito.
“Hindi sinasadya? Kitang kita ng dalawang mata ko ang ginawa mo!” Nakakatakot talaga magalit itong isang ito.
“Hindi ko naman talaga sinasadya, Sir. Ikaw nga itong may kasalanan! Kung hindi mo ako sinusundan eh di sana hindi ako matatakot. Eh di sana hindi ko nasira iyang sasakyan mo!” Sabi ko na lang. Kailangan ko ding idefend ang sarili ko.
“Nakita kasi kitang mag-isa lang kaya sinundan kita. I will just offer you a ride----nevermind!” He will offer me a ride daw kaya niya ako sinundan. Tinawag niya sana ako, hindi yung sinundan pa ako. Tinakot pa yung tao.
Saka bakit niya naisipang ihatid ako? Peace offering dahil sa nangyari kaninang umaga?
Weh?
Dahil sa sinabi niya, hindi na ako makapagsalita. Naghalong takot, kaba at kilig? (yata) yung naramdaman ko.
“Sir, sorry talaga. Kung gusto mo babayaran ko na lang yung damage na nagawa ko sa kotse mo” Pakiusap ko.
“Are you out of your mind? Hindi mo ba alam kung magkano? Kulang pa nga yung sweldo mo sa pagpapaayos ng kotseng ito” Sabi niya. Nakakatakot ang mga titig niya sa akin.
“A-ano S-sir. Gagawin kong hulugan. Every month babayaran kita” Sana pumayag siya.
“No, kahit bayaran mo ako sa loob ng isang dekada, hindi pa rin yun sapat” He smirked.
“Sir..” Maluha luhang sabi ko.
“Wala tayong magagawa. Hindi mo naman ako mababayaran. Tatawag na lang ako ng pulis at ipakukulong lang kita” He held my wrist. No! Ipapakulong niya ako? AYOKO!
“Sir, maawa kayo sa akin. Aksidente lang naman ang lahat ah! Ayoko pong makulong!” Di na napigilan ng luha ko ang umagos.
Siya naman, parang walang naririnig.
“Sir, please. Kahit anong gusto mo gagawin ko! Wag niyo lang akong ipakulong!” Natigil si Sir nang marinig ang sinabi ko. Sana pumayag siya. Willing akong maging julalay niya. Kahit driver pa niya o cook sa bahay niya basta huwag niya lang akong ipakulong!
“Anong sinabi mo?"
“Ang sabi ko, gagawin ko lahat ng gusto mo huwag mo lang ako ipakulong. Sir, maawa ka naman sa akin oh!” Ewan ko pero ang creepy niya. Bigla siyang ngumiti.
“Talaga?” Tanong niya.
“Opo!!!” Mukhang papayag na siya.
“Fine! Simula ngayon gagawin mo na ang lahat ng gusto ko.” Binitiwan na niya ako. Salamat naman.
“Siguraduhin mong gagawin mo lahat ng gusto ko, dahil kung hindi sa kulungan ang bagsak mo!” dagdag niya.
“Oo nga. Kung gusto mo ngayon na!” Uh oh. Hindi ko na dapat sinabi sa kanya yun.
He’s smirking like a demon.
“Fine. Tamang tama. Buti hindi ko pa nakakausap si Mama.” Anong pinagsasasabi nito?
Muli siyang nagsalita.
“Hindi ko na tutuparin yung pinag-usapan natin kanina” He looked at me in my eyes.
Ano ba yung pinag-usapan naming kanina? Ah! Yung sasabihin niya na daw sa Mama niya yung totoo. That means..
“Ano!?” nagulat ako.
“Oh bakit? Akala ko ba gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko?” Patay. Di ko na sana sinabi yun.
“B-but..” Magpoprotesta sana ako kaso hindi na niya ako pinasalita.
“Hindi ko na sasabihin kay Mama na nagsinungaling ako sa kanya kundi ipagpatuloy na lang natin kung ano ang nasimulan. You will pretend as my girlfriend. Simple as that. At pangako ko sayo, hindi kita ipapakulong as long as na pumayag ka. Deal?” Inilahad niya yung kamay niya sa akin.
Ano? Tama bang pumayag ako?
Iniisip ko lang kasi yung consequences kung malaman ng lahat na girlfriend niya ako. Paano si Alice.
“Teka, teka! Diba may fiancé ka? Bakit kailangan mo ng GF?”
“Long story. Basta pumayag ka na lang. At hindi ko iyon fiancé. Hindi ko naman mahal yun eh. Ano, deal?”
Ang labo niya naman.
Umm… Bahala na nga!
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at nag shake hands kami.
“It’s a deal. Payag na ako”
AN: Ayun! Nka UD ulit. Don’t forget to hit Vote and please comment naman kayo para malaman ko kung ano mga reaction niyo. Kansahamnida! ^____^