21. Daniella
It's Sunday today. Nag-text si Bryan na magkita na lang kami sa Starbucks, Morato nang 2:00 p.m. Parang nananadya lang ang pagkakataon. Alam ko namang hindi niya alam na dun kami nag-break ni Erick.
Dumating ako sa Starbucks nang quarter to two. Sana naman hindi na ako indyanin ni Bryan for the second time. Diretso ako sa counter.
"Hi, I'm Frances, what would you like to have?" "1 Java Chip please, grande."
While I was waiting for my frappe, napansin kong tingin nang tingin sa'kin yung katabi ko. Weird lang kasi hindi ko naman kilala. Naka-cap siya tapos naka-black rimmed glasses.
Umupo ako sa isang corner, malayo nang konti sa mga occupied nang seat para mas may privacy. Tinext ko na rin si Bryan na magmadali dahil kailangan kong umuwi nang maaga. Pag-angat ko ng tingin ko from my phone, nakaupo na sa harap ko yung lalaking naka-cap na tingin nang tingin kanina.
"Uhm, excuse me, do I know you?"
Ano ba 'to, basta-basta na lang nakikiupo!
"Wala na kasing vacant table, e."
I looked around. E wala ngang katao-tao bukod sa isang group sa kabilang dulo ng room!
Niloloko ba ako nito? O baka naman stalker 'to? Or yung sinasabi nilang nangingidnap tapos binebenta yung laman loob ng victim? Bagong modus operandi ba 'to? Lord, help me!
Tumayo na ako at nagmamadaling naglakad palayo. "Uy, Dee, sandali!"
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.
He knows my name?
Lumapit siya sa akin at bumulong.
"Si Bryan 'to! Nag-disguise lang ako. Effective, no? At teka, anong akala mo sa'kin, stalker mo?"
Tumawa siya nang tumawa. Binatukan ko na naman tuloy. Kinabahan kaya ako!
"Tara, balik na tayo sa table, para maumpisahan na yung interview."
Umupo na kami ulit sa table. Napatingin ako sa drink niya, Java Chip din.
"Gaya-gaya!" Tinawanan lang niya ako.
"Ako? Gaya-gaya? Hindi, a. Tingnan mo yun." Tinuro niya sa'kin yung poster na nasa wall ng Starbucks.
Andun siya, nakangiti, holding a cup of Java Chip. Endorser pala siya ng Starbucks. Inismidan ko lang siya at ni-ready ko na yung notebook at ballpen ko.
"Bakit ka nga pala naka-disguise?"
"Anong gusto mo, pagkaguluhan na naman ako? Buti sana kung di ka ganyan pumorma."
"Ang yabang mo! Tapusin na nga natin 'to." "Joke lang. Ano ka ba! Ang sensitive mo naman." "Ang yabang mo kasi."
"Pikon ka kasi, binibiro ka lang naman."
"Full name mo?"
"Bryan Lim."
"Birthday mo?"
"September 24, 1993."
"Parents mo? Buhay pa sila?"
"Oo naman! Para namang gusto mo silang mamatay." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hindi naman. Sorry."
"Teka, may kapatid ka?"
Biglang lumungkot yung mukha niya.
"Meron. Dati."
"Bakit dati?"
"You don't need to know." Tumahimik na lang ako.
"Uhm...Kelan ka nagsimulang mag-artista?"
"Three years old pa lang may commercials na ako."
"Wow. Ang aga, ha. Nasa blood n'yo talaga ang acting?"
"Ewan."
Hay, ang tipid sumagot. Anong maisusulat ko rito?
"Favorite color?"
"Green."
"Favorite food?"
"Lahat."
"Lahat? Puwede ba yun?"
"Madami, e."
"Magbigay ka kahit dalawa."
"Adobo saka apple pie."
"Favorite sports?"
"Football. Basketball din pala."
"Favorite movie?"
"Teka, ano ba 'to, slumbook?"
"Tse! Makipag-cooperate ka na lang."
"Invictus."
"Anong Invictus?"
"Yung favorite movie ko tinatanong mo, di ba? Yun."
"Okay."
Inirapan ko siya. Malay ko bang naging movie yun! Ang alam ko poem yun ng favorite kong English poet na si William Ernest Henley.
"What are your hobbies?"
"Songwriting, playing the guitar, reading."
"Bookworm ka?"
"Medyo. Books ni Ernest Hemingway paborito ko. Pati na rin kina Paulo Coelho at Rick Riordan."
"Nakakapagbasa ka pala," pang-aasar ko sabay tawa. Napitik tuloy ako sa noo.
"Anong akala mo sa'kin, illiterate?"
"Moving on, ilan na ang nagawa mong movies?"
"Twelve movies, three TV series, one documentary."
"Song albums mo?"
"Six."
"Sumasayaw ka rin, di ba?"
"Yeah."
"Okay."
Lahat na lang alam gawin!
Yumuko ako para i-note yun. "Nadawit ka na ba sa isang scandal?"
"Anong klaseng tanong yan?"
"Sorry naman! Kailangan ko lang malaman lahat, e." He sighed. "Oo, meron na."
"Ano yun?"
"Akala ko ba gusto mong maging journalist? Bakit hindi ka man lang nag-research?"
"Ang sama mo! Bawiin mo yang sinabi mo!"
"Fine, I take that back. I'm sorry. Ayokong sagutin yan. Wag mo na lang banggitin sa article, please?"
"Okay, request granted. Di ka ba naiinis sa mga paparazzi?"
"Hindi. Sanay na ako, e."
"Ah. Masaya ka ba sa pagiging artista?"
"Ano ba yan! Ang boring ng mga tanong mo! Wala na bang gaganda dyan?"
"Maghintay ka kasi! Di ba, hilig mo rin ang photography?"
"Yes."
"Since when?"
"Since nine, I think."
"Wow! Ambata mo palang nag-start! Ang galing naman!"
"Thanks." Nag-smile naman siya.
"Pero bakit photography?"
Ngumiti uli siya. "Because photography is a form of storytelling."
"What do you mean?"
"Kaya ako umaarte, kumakanta, at sumasayaw kasi gusto kong i-express ang sarili ko. Ganun din sa photography."
Nilabas niya yung cellphone niya at kinuhanan ako. Nagulat ako sa ginawa niya. He showed me the photo afterwards.
"Look at this. Kung makikita 'to ng iba, mapapaisip sila kung bakit gulat yung expression ng face mo. Iba't iba yung kuwentong puwede nilang mabuo just by looking at one photo. Nage-gets mo ba ko? The viewer is the one who makes sense of what he or she sees sa photo. Siya na ang nagbibigay-kahulugan dito. So by capturing a scene, the photographer is able to tell a lot of stories."
Natulala lang ako sa sinabi niya. "Dee? Natahimik ka na dyan."
Umubo ako nang umubo para mawala yung hiya ko. Yumuko na lang uli ako para kunwari I went over my notes. Na-amaze lang ako sa sinabi niya kaya medyo natulala. Nakakahiya.
"What's wrong?"
"Wala," he faked a smile. "My Dad."
"So siya rin ang nag-introduce sa'yo sa photography?"
"Yeah."
"So close ka sa Dad mo?"
Sumimangot siya, parang nainis sa huli kong tanong. "Madami ka pa bang tanong? May pupuntahan pa kasi ako, e," iwas niya.
"Konti na lang, don't worry. Kumusta naman ang relationship mo with your Mom?"
"Maayos naman."
"Sorry kung may mga personal na tanong." Ngumiti naman siya. "Okay lang. Sensitive lang talaga ako pagdating sa Dad ko."
"Oh, sorry, I've no idea. Gusto mo bang pag-usapan?" Ang tagal niyang tumahimik. Akala ko ayaw niya talagang pag-usapan.
Kaya nagulat ako when he said, "Galit na galit siya sa'kin."
Hindi ko pa man nalalaman yung dahilan, I felt sad for him.
"Bakit naman?"
"Can you keep a secret? Please don't write about this."
"Oo naman, I promise."
"Yung scandal na tinatanong mo, yun yung pagkamatay ng kapatid ko. Galit pa rin si Dad sa akin dahil ako ang dahilan kung bakit nangyari yun," he confessed.
"Anong nangyari?"
"Wag na muna siguro nating pag-usapan. Maaalala ko na naman."
"Okay, I respect that. Hindi ko alam yung buong kuwento pero para sa akin, anak ka pa rin niya kahit anong mangyari. Intindihin mo na lang muna. Magkakaayos din kayo."
"Di na ko umaasa, pero salamat." He smiled at me. Ngumiti rin ako.
Nanahimik kaming pareho for a few minutes. And then he started the conversation again.
"May tanong pala ako, Dee. Di ba friends naman tayo? Bakit ka ba asar na asar sa'kin?"
"Ikaw naman may kasalanan, e. Mayabang ka kasi. Ayoko sa mayabang."
"Maybe we got off on the wrong foot. Puwede ba tayong magsimula uli? Friends?" Iniabot niya yung kamay niya.
"Friends."
Iniabot ko rin yung kamay ko. Nagkatinginan kami at di agad nabitiwan ang kamay ng isa't isa. When I realized how awkward the situation is, binawi ko agad yung kamay ko.
"So...kumusta lovelife mo? May girlfriend ka ba?" He gave me a mischievous smile. "Wala. Mag-aapply ka ba?"
I rolled my eyeballs sa inis. Lakas talaga ng bilib nito sa sarili!
"Eto naman, joke lang!"
"Yung joke mo hindi nakakatawa! Seryoso na kasi."
"Sige. I'm still searching for the girl, e. I hope to find her soon."
Bigla na namang parang may rollercoaster sa dibdib ko. Kung bakit naman kasi nakatitig siya sa'kin nung sinabi niya yung last sentence na yun. I brushed it off at itinuloy na lang ang pagtatanong sa kanya. By 4:00 p.m. tapos na yung interview. Hinatid niya ako sa amin dahil friends naman na raw kami.
Diretso ako sa kuwarto ko para magpahinga bago mag-shower. Habang nakahiga sa bed, naisip ko, hindi rin biro ang buhay-artista gaya ng kay Bryan. Ang daming kailangang i-sacrifice. Ang taas ng expectations sa kanila ng mga tao, but the truth is hindi sila perpekto and they can never please everybody. After a few minutes, I got up and went to the bathroom, still thinking about our conversation. Pagkatapos mag-shower, sinimulan ko nang isulat yung article.