Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Thirty Two: Moving On

284K 4.8K 435
By aLexisse_rOse

Chapter Thirty Two: Moving On

<Muriel POV>

Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ng araw na iyon. Parang mayroong hindi magandang mangyayari na hindi ko mawari. O baka nagdadahilan lang ang katawan ko. As usual tinatamad na naman akong pumasok sa trabaho. Lagi na lang ako ganito tuwing umaga. Hirap na hirap akong bumangon at gustung-gusto ko pang matulog ulit.

Napadilat ako ng tumunog ang cellphone ko. Kinapa-kapa ko iyon sa ilalim ng unan ko. Pucha! Wala doon. Bumangon ako at isa-isa kong inangat mga nagkalat kong unan sa kama. Hindi ko pa rin makita. At habang tumatagal ay nakakarindi na sa tenga ang ringtone ko. Nag-panic tuloy ako ng wala sa oras.

Nasaan na ba iyon?

Nang bigla kong maisip na yumuko sa ilalim ng kama ko. There you are! Pero teka? Paano naman napunta roon ang cp ko?

Bago ko pa madampot ang cellphone ay huminto na iyon sa pagtunog. Nainip na siguro kung sinuman ang tumatawag.

Si Jared? Kung sabagay hindi ko na dapat ikagulat iyon. Dapat ay masanay na ako na palagi na lang siyang tumatawag sa akin. Ay hindi pala! Dapat pala ay masanay na ako na lagi na lang niya akong binubulabog tuwing umaga. Hindi ko na nga kailangang mag-alarm clock. Dahil siya na mismo ang wake-up call ko.

Bumaba na rin ako ng kama at dumiretso sa banyo. Pero napahinto ako ng mapatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding ng kuwarto ko. Eksaktong isang buwan na pala ang nakaraan magmula ng umalis ako ng Manila.

Napahugot ako ng malalim na paghinga. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin sa isipan ko ang mga nangyari ng gabing iyon. After that night, hindi ko na muling nakita si Riley. Kinaumagan ay umalis kaagad ako nang hindi man lang nagpaalam sa kanya. Mas mabuti na rin iyon. Baka kasi kapag pinigilan niya ako ay biglang magbago ang isip ko.

Bago ako umalis ay kinausap pa ako ni Mam Lorie. Humingi siya ng tawad sa akin dahil sa mga nangyari. At sinisisi niya ang sarili dahil siya raw ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan. Akala ko pa nga ay pipigilan niya ako. Pero sabi niya, hindi niya raw iyon gagawin basta mangako ako na hindi magre-resign sa kumpanya.

Sinundo ako ni Jared pagkatapos. Kumain muna kami sa labas bago ako umalis. Hindi naman niya ako pinigilan. Alam naman raw niya na hindi ako magpapapigil. Buong akala ko pa nga ay ihahatid niya ako sa airport. Pero ang loko, pinag-taxi na lang ako. Sabi pa niya, the last time I left siya raw ang naghatid sa akin. Bakit daw siya na naman? But I understand him. Alam ko na ayaw niyang makita na umalis ako at sigurado na mas lalo lang siyang malulungkot..

I left again with a broken heart. At aaminin ko na naging duwag ako. Bigla akong natakot sa mga sinabi ni Riley. Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi niya. Pero ayokong lokohin ang sarili ko. Ayokong maging anino ni Samantha sa pagmamahal niya. Siguro nga ay tama si Samantha. Dahil sa bandang huli, mare-realize na lang ni Riley na ang dating kasintahan pa rin ang totoong mahal niya at hindi ako.

I tried to live my life as normal as before. I need to move on and let go of the past. Iniisip ko na lang na isang panaginip ang lahat ng mga nangyari. At hindi naman ako nabigo. Sa loob ng isang buwan ay trabaho-bahay, bahay-trabaho ang madalas kong routine. Kung minsan may night gimmick with some friends and officemates. At masasabi ko na okay na ako. Hindi pa siguro one hundred percent. But at least I'm trying. Hindi ko na nga siya gaanong naaalala at naiisip. Sapat na siguro ang mga sign na iyon na unti-unti na akong nakakabangon.

"Wow! Flowers again?" Bulaslas ni Carla nang pumasok kami sa loob ng opisina.

Hindi na ako nagulat sa nadatnan sa table ko. Ito ang pangatlong beses na nakatanggap ako ng mga bulaklak sa magkakasunod na araw. Hindi ko alam kung sinong sender ang naglakas-loob na padalhan ako ng mga bulaklak. Pero ewan ko ba. Kung ibang babae lang siguro ako ay baka matuwa at kiligin ako.

"Bigatin 'yang secret admirer mo! Habang tumatagal ay pabonga ng pabonga ang pinadadalang bulaklak sa'yo." Sabi pa niya habang binabasa ko ang card na nakaipit roon.

"Anong nakasulat?" Pagkikiusyoso pa niya. 

"Nothing!" Matipid na sabi ko.

"Anong nothing? Pwede ba yun?"

Hinablot niya sa kamay ko ang card. 

"Meron kaya." Tapos ay ipinakita niya sa akin. "Ayan oh! To Baby Girl from Baby Boy. How sweet!"

Inirapan ko siya. "Anong sweet doon? Ang baduy kaya!"

"Hay naku Muriel! Paano ka magkaka-lovelife kung parati kang ganyan?" 

"Hindi ko kailangang magka-lovelife." Umupo na ako at in-on ang desktop ko.

"Alam mo nagdududa na ako sa'yo. Hindi kaya pusong-lalaki ka?" Nakaangat ang kilay niya na tumingin sa akin. "Hay naku! Huwag naman sana! Sayang ang ganda mo day!"

 "You're talking too much! Nakakasira ka ng araw, alam mo ba iyon?" 

She rolled her eyes. "Bahala ka na nga sa buhay mo!" At dumiretso na si Carla sa pwesto nito.

I smirked. Pagkamalan ba akong tomboy!

Wala sa loob na tinitigan ko ang mga bulaklak sa harapan ko. Now what? Paano ko na naman ba idi-dispose ito? Wala talaga akong hilig sa mga bulaklak. At hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko ma-appreciate ang ganda nito.

Naagaw ang atensyon ko sa tumutunog na cellphone. Tumatawag na naman si Jared. Actually, panlimang tawag na niya iyon. Hindi ko lang masagot kanina dahil nasa biyahe ako papasok ng trabaho. 

Bakit kaya? 

Pero bago ko pa masagot tawag niya  ay bigla na lang nag-battery empty at automatic na nag-shut down ang cp ko. Waahhh! Nakalimutan kong i-charge kanina sa bahay. Nakakainis! Wala pa naman akong dalang charger.

Dalawang oras ang mabilis na lumipas. Hanggang ngayon ay drain pa rin ang battery ng cp ko. At sa kamalasan ay wala akong mahiraman ng charger na ka-compatible ng sa akin. No dice! Panigurado na hanggang sa mag-uwian ay hindi ko mapapakinabangan ang phone ko.

"Guys! Pinapatawag tayong lahat sa conference room." Biglang sumungaw ang ulo ni David sa pintuan ng kuwarto namin.

"Anong meron?" Tanong ni Carla mula sa likuran ko.

"May general meeting daw. Come on guys! Move faster. Kayo na lang ang hinihintay sa loob."

Isa-isang nagtayuan at lumabas ng silid ang mga kasamahan ko. Ako nga yata ang pinakahuling lumabas ng kuwarto. Kanina pa kasi wala sa kondisyon ang katawan ko. At tamad na tamad akong kumilos. 

Halos tumirik ang mga mata ko sa nadatnan sa loob ng conference room. Para kasi kaming mga sardinas na nagsisiksikan doon. Halos nasa fifty na katao kaming lahat at hindi naman kalakihan ang kuwarto. Mabuti na lang at umusog ng kaunti si Jasper at binigyan niya ako ng maliit na space para magkasya ako. Ako kasi ang kahuli-hulihang pumasok ng conference.

"Thanks!" Sabi ko nang lumingon sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin. 

"Aray!" Pucha! May tumapak sa paa ko.

"Tumigil nga kayo!" Sabi ni Jasper sabay tulak kay Ronald nasa unahan ko. Mabuti na lang at siya ang nakatapak sa akin at hindi ang kaharutan nito na isang six-footer at mukhang wrestler na si Dako.

Buong akala namin ay titigil na sila. Pero patuloy pa rin sila sa paghaharutan na parang mga... gay lovers? Basta hindi ko alam kung bakit sila nagtatawanan at naghaharutan.

"Ano ba? Sabi nang-" Hindi na naituloy ni Jasper ang sasabihin dahil bigla na lang napaatras si Dako.

Oh sheet! Ang sakit! At hindi ako makahinga! Para akong palaman na naipit sa pagitan ng pader at ng damulag na lalaking iyon.

"Hindi ba kayo titigil?" Sabay tulak rito. "O baka gusto nyong pag-untugin ko ang mga ulo ninyo?" Kung hindi ko napigilan ang sarili ko malamang ay nagawa ko iyon sa dalawang kumag na nasa harapan ko. 

But the next thing I knew, everyone is looking at me! Napalakas yata ang boses ko at naagaw ang atensyon ng lahat.

"Sorry!" Nag-peace sign ako sa kanila. At mabilis na sinulyapan ang dalawang binata na nasa harapan ko. "Lagot kayo sa akin mamaya!" Halos pabulong na banta ko sa kanila.

"Sorry Muriel." Si Dako. Tapos si Ronald nakita ko pang pangisi-ngisi. Sa inis ko ay sinipa ko siya sa binti.

"Aray ko po!" Namilipit siya sa sakit habang sapu-sapo ang nasaktang binti. Dahil doon ay nagtawanan tuloy ang mga kasamahan ko na nakasaksi ng ginawa ko.

"Serves you right!" Nangingiting sabi ni Jasper.

"Everyone!"

Naagaw ang atensyon ng lahat nang may magsalita sa harapan. Boses iyon ni Sir Richard, ang branch manager namin. At dahil nga nasa bandang dulo ako kaya hindi ko makita ang nangyayari sa unahan.

"I sent you all here because we have a very special visitor today..."

"Para sayo yata 'tong tawag?" Napakunot ako nang iabot sa akin ni Jasper ang cellphone nito. Mabuti na lang at naka-silent mode iyon. Pamilyar sa akin ang number na nag-flash sa screen. Saka ko lang naalala na naki-text nga pala ako sa kanya. 

"Jared?" Hindi pa ako siguro kung siya nga ang nasa kabilang linya.

"Anong nangyari sayo? Kanina pa ako tumatawag pero bakit naka-off ang cp mo?" Confirmed! Si Jared nga iyon. "Kaninong number 'tong ginagamit mo? Nasaan na ang cellphone mo?"

I rolled my eyes. Ayoko nang ulitin ang mga itineks ko sa kanya kanina. Siguradong nabasa naman niya ang mga sagot ko sa katanungan niya.

"Bakit ka ba tumatawag?" Naisip ko na baka mayroong siyang mahalagang sasabihin sa akin.

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga sa kabilang linya. "I really don't know If I need to tell you this. But I-"

Hindi ko narinig ang sumunod na sinabi ni Jared nang bigla na lamang maghiyawan ang mga kasamahan kong babae.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko kay Jasper. Bigla akong naging interesado sa nangyayari kaysa sa sasabihin ni Jared.

"Nandito si bigboss." Hindi lumilingon na sagot niya habang nagkakandahaba ang leeg niya sa pagtingin sa harapan.

Nahigit ko ang hininga ko sa narinig. Bigboss? Ibig sabihin narito sa Davao si Mam Lorie?

"Muriel are you still there? Bakit maingay?" Saka ko lang naalala si Jared nang muli itong magsalita.

"Nandito daw si-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang lalong lumakas ang hiyawan.

May artista ba?

"Hello everyone. I'm glad to be here and to see you all."

I stiffed when I heard that familiar voice.

What the hell!

"Muriel, do you hear me?" Nilakasan ni Jared ang boses. "Riley is coming there. Someone told me na pupunta siya dyan sa Davao."

Nanlamig ang buong katawan ko at bigla akong pinagpawisan kahit naka-todo ang aircon sa conference.

"He's already here." Tila wala sa sarili na sabi ko.

Ito marahil ang dahilan kung bakit kanina pa niya ako tinatawagan. Para bigyan ako ng babala. Pero huli ang lahat. Narito na si Riley. 

"What? Muriel I can't hear you! Mur-"

Hindi ko namalayan na nawala na si Jared sa kabilang linya. I was still in shocked. Hindi ko naisip ang malaking posibilidad na muling magkrus ang landas namin ni Riley. 

"Huy Muriel!" Tinapik ako ni Jasper sa balikat. "Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?"

Tumango lang ako. Ganon na lamang kasi ang kabog ng dibdib ko na halos hindi ko magawang makapagsalita.

"Grabe ang guwapo ni Sir Riley!"

"Sinabi mo pa. Para nga siyang artista sa sobrang kaguwapuhan niya!"

"I think inlove na ako sa kanya."

"Ako din!"

"Muriel!" 

Napahinto ako nang marinig ang pangalan ko at lumingon sa kanila. Katatapos lang kasi ng meeting. Pero imbes na bumalik sa trabaho ay nagkanya-kanya silang umpukan dahil nagkaroon ng libreng lunch para lahat ng empleyado.

"Anong masasabi mo kay Sir Riley?" Nakangiting tanong sa akin ni Maila habang abala sa pagnguya.

Awtomatikong umangat ang kilay ko. "Wala akong masasabi dahil hindi ko naman siya nakita kanina." Sabay talikod at nilayasan sila. Asa pa sila na makikihalubilo ako. Kung sabagay, kelan ba ako nakihalubilo sa mga tulad nilang plastik.

"Antipatika!"

Kahit nakalayo na ako ay nakaabot pa rin iyon sa pandinig ko. Dedma na lang ako na tila walang narinig. Sanay na naman ako sa mga pasaring nila.

Nag-angat ako ng tingin nang biglang may sumulpot sa tapat ng mukha ko.

"Mag-lunch ka muna." Sabi ni Ronald habang inaabot sa akin ang styro na may lamang pagkain.

Hindi ako sumagot pero nakaangat ang kilay ko na tinignan siya.

"Sige na kunin mo na. Peace offering ko sayo." Pero nang hindi ko pa rin iyon kinuha ay inilapag na lang niya iyon sa table ko. "Sorry na Muriel. Bati na tayo."

"Excuse me!" Napalingon kaming lahat nang may ulong sumilip sa pintuan. 

Oh my! Narito rin si Gail?

"Nagka-problema kasi yung laptop ni Sir Riley. Is there anyone na pwedeng mag-ayos ng laptop niya?" Pagkatapos ay lumipad ang mga mata niya sa kinaroroonan ko at nanlaki ang mga iyon nang makita ako. "Muriel! You're here! Oh my god! You're here!" Sa isang iglap ay nakalapit siya sa akin at mabilis akong niyakap.

Ilang sandali ay bumitiw rin siya sa akin. "What are you doing here? Oo nga pala. I almost forgot. Taga dito ka nga pala. So, how are you?" Tuluy-tuloy na sabi niya habang nakatanga lang ako sa kanya. Hindi lang pala ako pati ang mga co-IT ko. "Wait! Kung ikaw na lang kaya ang mag-ayos ng laptop ni Sir?"

Ako? Umiling ako. No way!

"Sige na!" Pagpupumilit ni Gail nang makita ang pag-aalinlangan ko. "Ikaw na lang, Muriel!" At hinila na niya ako palabas ng pinto. Mabuti na lang at nakakapit agad ako kay Jasper at binigyan siya ng help me look.

"Sandali lang Miss!" Pigil nito sa amin.

Whew! Save by the bell.

"Kung okay lang, si Ronald na lang ang pag-aayusin ko ng laptop ni Sir Riley." Dagdag pa ni Jasper.

"S-sure, no problem!" Parang napipilitan na sagot ni Gail at pagkatapos ay tumingin sa akin. "Kung sino ang available, why not!"

"Shall we, Miss Beautiful?" Bigla na lang sumulpot sa harapan namin si Ronald at iginiya ang dalaga palabas ng pintuan. Wala nang nagawa si Gail kundi sumunod dito. 

Ganon na lamang ang relief na naramdaman ko nang tuluyan silang makalabas. Muntikan na ako dun!

Nakasubsob ako sa ginagawa ko nang ma-distract malakas na boses ni Carla.

"Bakit nawala yung sounds?" Ang tinutukoy niya ay ang centralized sound system na naka-install sa lahat ng department. Iyon kasi ang nagsisilbing background music namin.

Pero hindi rin nagtagal ay muling namumbalik ang tugtog sa paligid.

I freezed. Something had hit me. I know that song.

(Playing: Grow Old With You by Adam Sandler)

Sabi ko na nga ba eh! And its been a long time since I heard that favorite song of mine. But I guess not anymore. Because it only reminds me of him.

Sa wakas ay natapos din ang kantang iyon. Ibig sabihin makakapag-concentrate na ako sa trabaho. Back to reality na ang utak ko. Pero hindi pa nga ako nakakabuwelo nang patugtugin naman ang I'll Take Care Of You ni Steven Curtis Chapman.

Nakakahalata na ako! Nananadya ba ang tadhana? 

At dahil doon ay nagkamali ako ng click sa computer ko at nabura ang lahat ng pinaghirapan ko. 

Wah! Nasabunot ko tuloy ang sarili ko. Kaninang umaga ko pa iyon ginagawa. Malapit na nga ako matapos. Konting-konti na lang. Pero bigla naman akong na-distract. Back to zero ako. Bye-bye effort! 

Sino ba kasi ang nagpatugtog ng mga kantang iyon!

Balak ko sanang sumugod sa HR Department. Sila kasi ang alam kong nag-o-operate ng sound system. Pero ang ending, napadpad ako sa restroom. 

Ilang sandali akong nagpalipas ng topak ko. Kailangan kong kontrolin ang temper bago pa ako mapahamak. At nang pakiramdam ko ay okay na ako ay saka lamang ako lumabas. Habang naglalakad pabalik sa puwesto ko ay pinag-iisipan ko kung mag-o-overtime ba ako o uuwi na lang ng maaga.

Para lang ako nag-mimini-minimo. Nang bigla akong bumangga sa isang malapad na... katawan?

"Oops! Sor-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang sa pag-angat ko ng mukha ay tumabad sa harapan ko ang lalaki na pilit kong kinakalimutan.

Riley stared at me like he was seeing me for the first time.

"Watch your step!" His voice was husky that makes me shiver down to my spine.

At ganon na lamang ang pagkadismaya ko nang lagpasan niya ako. Hindi iyon ang inaasahan ko mula sa kanya. Pero ano pa nga ba ang dapat kong asahan pagkatapos ng mga nangyari sa aming dalawa?

Hindi ko man aminin sa sarili ko pero nasaktan ako sa inakto niya.

Continue Reading

You'll Also Like

754K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
10.8K 104 12
Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga kwentong Dagli na kung saan Ang buhay ay parang isang sayaw na kala mo sa umpisa ay madali lang ngunit napakah...
123K 2.6K 52
"Change is the only constant thing in this world. Feelings change. Situations change. And sadly, we did too.." Aiza and Chuck's story after College...