Status: Single But Married [U...

By OfficiallyYours143

1.8M 23.4K 1K

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the h... More

Status: Single But Married Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight and Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (Part 1)
Chapter Seventeen (Part 2)
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThirtyThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtyFive
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter Fourty
Chapter FourtyOne
Chapter FourtyTwo
Chapter FourtyThree
Chapter FourtyFour
Chapter FourtyFive
Chapter FourtySix
Chapter FourtySeven
Chapter FourtyEight
Chapter FourtyNine
Chapter Fifty
Chapter FiftyOne
Chapter FiftyTwo
Chapter FiftyThree
Chapter FiftyFour
Chapter FiftyFive-55.1
Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)
Chapter FiftySix
Chapter FiftySeven
Chapter FiftyEight
Chapter FiftyNine
Chapter Sixty
Chapter SixtyOne
Epilogue
Dear readers,

Chapter Eighteen

27.4K 369 5
By OfficiallyYours143

Chapter Eighteen

Lorraine's POV

Pag-uwi sa bahay ay mali sa hotel pala humiga agad sya dun sa kama, matutulog na naman sya?? Kung sabagay kaninang umaga pa kami namamasyal at halos wala kaming pahinga.

"Kyle pahiram naman ako ng camera titignan ko yung mga pictures"

"Anjan sa table"

"Salamat"

Kinuha ko yung camera sa mesa at tinignan ko yung mga pictures na kinuha nya kanina. Kainis naman to!! puro wacky yung mga kuha nya sakin hindi kasi marunong magbilang.

Mamasyal kaya ako?? May nakita kasi akong park malapit lang dito sa hotel, kukuha ako ng maraming picture chaka video para ipadala ko sa pamilya ko.

"Kyle pwedeng mamasyal sandali??"

"Hindi"

"Jan lang sa dinaanan nating park sa malapit"

"Hindi"

"Sige na naman.."

"Matulog ka kung wala kang alam gawin"

"Sige na babalik ako agad"

"Wala ba talagang kasing tigas yang ulo mo??"

"Pramis sandali lang talaga ako"

"Bumalik ka bago mag seven, naka reserve tayo sa restaurant sa baba"

"OO PRAMIS!! SALAMAT!!! Pwedeng hiramin tong camera??"

"Alis na.."

"Sige mabilis lang ako, salamat talaga Kyle ha?? Hulog ka talaga ng langit sakin"

"Ang tagal magpaalam"

Umalis na ko at iniwan sya baka kasi magbago pa yung isip nya huwag pa kong payagang mamasyal. Pagbaba ko sa hotel in-on ko na yung camera at sinet sa video.

"Hi Tay nay!! Nandito po ako sa Singapore ang ganda po dito tay nay tignan nyo"

Pinaikot ko yung video para makita nila yung Singapore hehe. Grabe ang ganda lang talaga dito. Nakakasawa na ba yung kakasabi ko ng maganda?? Talaga naman kasi eh.

Namasyal pa ko at nagpicture picture dito, pano ba naman kasi yung Kyle na yun ganun magpicture hindi man lang nagbibilang ayun tuloy wacky ang kinalabasan.

Nung napansin kong dumidilim na bumalik na ko sa hotel mahirap na, naalala ko yung sinabi ni Kyle na baka hindi na ko makabalik sa Pilipinas.

Pagdating ko dun..

"Saan sya nagpunta?? Kyle?!!.. Iniwan nya na kaya ako?? Makaligo muna nga"

Kumuha nako ng damit at pupunta na sana ng cr kaya lang naka lock. Hay hihintayin ko nalang sya baka nasakanya yung susi ng cr.

"Di bale matutulog na lang ako"

Pumunta na ko sa kama para matulog kaya lang pagkahiga ko biglang nag brown out!!! Waaaaah pano na yaaaan?!!! Tatakbo sana ako palabas kaya lang biglang bumukas yung pintuan ng cr.

"Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!"

"LORRAINE!!!"

"Kyle?"

"Sumisigaw ka na naman!!"

Tumakbo ako papunta sakanya kasi natatakot talaga ako.

"Ano bang nangyayari sayo?? ang tanda tanda mo na nata--"

"Kyle natatakot ako"

"Natatakot ka nga ba talaga??"

Napansin kong naka yakap na pala ako sakanya at hindi ko agad napansin na naka bathrobe lang sya.

*AWKWARD MOMENT*

 "Sorry.. Pero pwedeng samahan mo muna ako hanggang magka power??"

"Magbibihis ako. Kung pupunta ka sa bathroom pumunta ka na"

"Kyle mamaya naaaaaaaaaaaaaaaaaa!!"

"Sigurado ka jan sa sinasabi mo?"

Kahit madilim parang alam ko yung expression ng mukha nya. Nafi-feel ko sa boses nya.

"Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sakin Lorraine.."

"ANO?!!! Ang kapal mo rin no!"

Binitawan ko yung pagkakapit ko sakanya at tumakbo ako papasok ng cr.

Kyle's POV

Paglabas ko galing cr nakita ko si Lorraine na parang hindi alam yung gagawin. Takot ba to sa madilim?

Nung napansin nya na ko na palabas ng pinto bigla syang sumigaw. Ang lakas talaga ng boses ng babaeng to kahit kailan.

"LORRAINE!!!"

"Kyle?"

"Sumisigaw ka na naman!!"

Tumakbo sya papalapit sakin. Ano bang problema ng babaeng to?

"Ano bang nangyayari sayo?? ang tanda tanda mo"

"Kyle natatakot ako"

"Natatakot ka nga ba talaga??"

Napansin ko yung paka kapit nya sakin. Ito ba yung paraan nya para maka lapit sya sakin? Iba rin sya. 

 "Sorry.. Pero pwedeng samahan mo muna ako hanggang magka power??"

"Magbibihis ako. Kung pupunta ka sa bathroom pumunta ka na"

"Kyle mamaya naaaaa!!"

"Sigurado ka jan sa sinasabi mo?"

Tumingin ako sakanya at binigyan sya ng isang mala anghel na boses.. ^_-

"Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sakin Lorraine"

"ANO?!!! Ang kapal mo rin no!"

Bumitaw sya at tumakbo papuntang cr. Natawa naman ako sa reaction nya, Akala ba talaga nya may gagawin akong masama sakanya? Hindi sya yung tipong ipapalit ko kay Hanna. 

Ano bang nakaktakot sa dilim? hindi naman totoo yung mga multo na yun.

"Para talaga syang bata" 

***


Ilang oras na yung lumipas pero hindi parin sya lumalabas ng bathroom. Akala ko pa naman hindi sya katulad ng ibang babae na matagal mag-ayos.

Baka naman nakatulog na sya dun.

"Lorraine bakit ba ang tagal mo!!"

Alam nya namang may dinner kami ng seven pero nagtagal pa talaga sya dun.

*Tok tok*

*Tok tok*

"Lorraine ano ba!! Male late na tayo ang tagal mo jan!!"

*Tok tok*


"Lorraine!!"

Ano bang nangyari sakanya? Nalunod na ba sya dun sa bathtub? oh baka naman napaso sya dun sa heater at natunaw na dun.

*Tok tok*

"Lorraine bubuksan ko na yung pinto.."

Wala paring sumasagot.. Binuksan ko na ng unti unti yung pintuan

"Papasok na ko.."

Unti unti kong binuksan yung pintuan at pagpasok ko nakita ko si Lorraine na nasa flooring walang malay. Kaya tumakbo agad ako para lapitan sya.

"Lorraine!!! Lorraine gumising ka!!"

Binuhat ko sya papunta dun sa kama.

"Lorraine!!"

"Kyle.."

"Anong nangyari sayo?! Okay ka lang ba?! Sandali lang tatawag ako ng doct--"

"KYYYYYLE!!"

Tatayo na sana ako para tumawag ng doctor pero bigla syang tumayo sya at niyakap nya ko. Ano bang nangyayari sakanya? Bakit sya umiiyak? Dahil ba sa sinabi ko kanina? Sineryoso nya pala yun..

"Kyle natatakot ako"

"Ano? Natatakot ka saan?"

"Huwag mo kong iiwan Kyle.."

Patuloy parin sya sa pag iyak nya.

"Ano ba kasing nangyari?"

"Natatakot ako Kyle.. Natatakot talaga ako"

"Huwag ka nang matakot hindi naman kita iiwan"

Ayaw nya parin tumigil sa pag iyak.. Ano bang gagawin ko sakanya? mukhang takot na takot talaga sya dahil ang higpit ng pgkakayakap nya sakin.

Alam ko na..

Lorraine's POV

(A/N: Give me a smile by Jung Yong Hwa.. Please click the video on the right side to listen ^______^ ----------->)

"♫♫Give me a smile oh please don’t be sad

Never cry co’z it’s gonna be alright

This song that I am singing right now

I hope can make you feel better....

Nabigla ako nung narinig kong kumanta si Kyle. Nung marinig ko yung boses nya parang nawala yung takot ko. Bakit ganito? Bakit parang hindi normal yung tibok ng puso ko? Kakaiba yung pakirandam ko parang yung takot ko kanina napalitan ng saya... Hindi kaya.....

Give me a smile oh please don’t get hurt

It’s alright

Although you’re going through hard time

Without you knowing time will pass

And everything will look fine

Give me a smile I’m right by your side

Can you hear my heart, saying...

Close your eyes girl, coz I believe you

I’m always here for you..

Aaaaaaah!!! HINDI!! Wala lang to!! kaya mabilis yung tibok nito dahil natatakot lang ako kanina. Yun lang yun at wala yung ibang dahilan.

Give me a smile, look into my eyes

I always look into your heart

But nothing has changed

It’s still the same heart

Just lean on me and rest

Give me a smile♫♫"

Pagkatapos nyang kumanta humarap ako sakanya. Bakit ba ang gwapo nya sa ganitong anggulo?? Haaaaaayyyy Loka lokang konsensya to' bakit ka ba ganyan?? Hindi ka naman ganyan dati pag kaharap mo sya. ERASE!! ERASE!!

"Kyle salamat ha"

"Okay ka na?"

"Oo, salamat"

 "Bakit parang hindi pa?"

Napatingin ako sakanya at tinanggal ko yung pagkakayakap ko. Nakakahiya naman may payakap yakap pa kong nalalaman aaaaaay!! kainis napahiya tuloy ako.

"Pasensya na."

"Ano ba kasing nangyari? Kung inaantok ka dapat hindi ka sa cr natutulog may sofa naman dito sana dun ka na lang natulog kung ayaw mo sa kama"

"Nung bata ako naiwala ako ni tatay sa may palengke, hindi ko alam yung pabalik samin takot na takot ako nun pero nag lakad lakad parin ako baka sakaling mahanap ko yung tatay ko. Iyak lang ako ng iyak noon dahil mag gagabi na, kaya lang may humilang lalake sakin sabi nya ihahatid nya daw ako sa bahay namin syempre dahil gustong gusto ko nang makita yung tatay ko nung mga oras na yun sumama na ko sakanya pero dinala nya ko sa may madilim at muntik nya na akong gahasain.."

"Tapos?"

"Dumating yung tatay ko niligtas nya ko at pagkatapos nun hindi na ko natutulog ng patay yung ilaw, ayoko rin ng brown out kasi kapag ganun naaalala ko yung nangyari sakin nung bata ako"

 "So na trauma ka pala kaya takot ka sa madilim"

"Ganun na nga. Kyle....?"

"Ano yun?"

"Ang ganda pala ng boses mo. Kanta ka pa"^____________^

Oo pramis maganda talaga yung boses nya, hindi ko nga aakalaing sya yung tipo ng tao na kakantahan ka kapag may problema. Ang galing mo Kyle!! Meron kang GOLDEN VOICE!!

Tinignan ko yung mukha nya. At yung expression nya?? Ewan pero parang alam ko na yung isasagot nya sakin.

"Niloloko mo ba ko?"

"Hindi no! maganda talaga yung boses mo pramis!! Kanta ka na uli" Sabay taas ng kanang kamay

"read my lips.... A-YO-KO"

My pa read my lips read my lips pa sya. Oo na gwapo ka na huwag mo na kong daanin sa paganyan ganyan mo.

"Tara na nga gutom na ko"

Tumayo na ko sa kama at umiwas ako ng tingin sakanya baka mahalata ^__^

"Aray bakit??!"

Hinila nya kasi ako kaya napahiga ako dun sa may kama. Anong problema nya?? Tinignan ko sya at nakatingin sya sakin..

Palapit ng..

Palapit ng

Palapit yung mukha nya..

Waaaaaaaahhh anong gagawin ko?? isip.. isip.. Nakita ko yung kumot at hinarang ko sa mukha ko.

"B.. ba.. bakit??!!"

"Lorraine"

"A.. an.. ano yun?" Sabi ko ng nakatakip parin ng kumot sa mukha.

"Sa tingin mo ba pupunta pa tayo sa baba?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Pilit nyang tinatanggal nya yung kumot sa mukha ko at pilit ko namang tinatago yung mukha ko. Ano bang ginagawa nya???!!

Hinila nya yun kaya natanggal.

"Hindi na tayo pupunta doon"

"B.. ba.. Bakit?"

"Dito na lang tayo"

"K.. Ka.. Kyle.. A a.. an.. Ano bang sinasabi mo jan??"

"Bakit ayaw mo ba kong makasama Lorraine...?"

"Aaaaaaaaaahhhhh!!! Ayaw!! Lumayo ka sakin!!"

Pinaghahampas ko sya ng unan. Ano ba kasi yung ginagaw nya, akala ba nya nakakatawa pa sya.. Nakakatakot yung itsura nya ngayon para syang rapist. Pero kaya lang parang hindi sya nasasaktan sa mga hampas ko. Epekto ba to ng pagyakap ko sakanya kanina??? NO THIS CANT BE!!!! Napapa english na tuloy ako sa nerbyos.

"Maligo ka na Lorraine...."

"HA??!! BAKIT??!!! Parang awa mo na Kyle wag mong gawin sakin to!!.. Hindi pa ko handa Kyle huwa--"

"Wala na ba talagang ihihina yang boses mo? At chaka ano bang sinasabi mong huwag kong gawin sayo?? yung alin??"

"WALA NA!! BAKIT MO NGA AKO PINAPALIGO?!!"

"Haay ang sakit sa tenga..... Syempre kaninang umaga pa yang suot mo chaka ayokong makasabay kang kumain ng ganyan ka, natulog ka sa cr tapos sasabay kang kumain sakin ng ganyan. You must be kidding me"

Ay oo nga pala no kaninang umaga pa yung suot ko. Talagang tong pag-iisaip kong to laging mali ng hinala.

"Ganun ba.. Sorry" Sabay peace sign.

Tumayo na ako para maligo. Nakaka inis naman yung mga kinikilos ko, Nahalata kaya nya ko?? Sus wala lang yun di ko naman sya crush kaya wala lang yun.

Pero ano yung narandaman ko kanina?? Nung... Kumanta sya..

Haaaaaaaaaaaaay di bale na wala lang talaga to.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
222K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
540K 14.3K 52
Mahinhinon Virgins Book 1: Diosa (a.k.a Yosah) Unedited version. Medyo sexy. Medyo rated 18. Most chapters will be private.