She's A Bad Girl

Oleh Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... Lebih Banyak

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 48

56.3K 2K 338
Oleh Sweetmagnolia


Jacob's rage was soaring. Ito na yata ang pinakamalaking pagsabog na naranasan niya sa tanang buhay niya. Kinimkim niya ang galit ng ilang linggo at hinayaan munang humupa bago niya sana muling harapin si Miisha. Subalit hindi pa nga nakakaahon ang dibdib niya mula sa sama ng loob na dulot ng pang-iiwan nito nang walang paliwanag ay heto't may bago na naman itong pasabog na aalis patungong America. Sunod-sunod na mga desisyon na wala siyang kaalam-alam kung paano nangyari't nabuo. 

They've been through a lot. Ang dami nilang ipinaglaban. Pero bakit isang araw paggising niya ay tila hindi na siya parte ng buhay ng babeng minahal niya ng sobra-sobra? All these unfairness justified his anger. Sa komprontasyon nilang dalawa ay hinayaan niya na pangibabawan siya ng galit. Iparamdam dito kung gaano siya nasaktan. He felt betrayed, humiliated and abandoned all at the same time.

Habang kaharap si Miisha at ang pananahimik nito, lalong umiigting ang panghihimagsik ng dibdib niya. Pati ba naman simpleng paliwanag ay tila gusto pa rin nitong ipagdamot. He wanted to be ruled by anger para anu't anuman ang kahinatnan ng pag-uusap nila, he won't end up begging again. 

He remained firmed subalit nang biglang sinapo ni Miisha ng mga palad ang mukha at humagulhol ito ng iyak sa kanyang harapan ay unti-unti ring nanlambot ang puso niya. The last girl he wishes to see crying is weeping in front of him because of the same unknown reason that has been hurting him.

He calmed down. Tahimik niyang hinintay at pinanood na humupa ang pag-iyak ng dalaga. He endured watching it without doing anything to at least save his pride. He folded his lips and looked away while swallowing hard. Matagal niya nang nakita ang posibilidad na mangyayari ang ganitong problema. When he  met Miisha, she was the most stubborn girl he'd ever known. Siya ang taong tinatakbuhan ang mga problema, kinikimkim o di kaya'y idinadaan sa pagrerebelde. Yet he accepted her for who she is, loved her and understood her. Put up with her mood swings. Nurtured her artistic oddity. Lahat ginawa niya para maging masaya ito. Inalagaan at minahal sa paraang makakalimutan nito lahat ng pinagdaanang sakit sa pamilya.

He thought he made it... Hindi pa rin pala. Akala niya ay nabago na ito ng pagmamahal niya but she's still the same person who could easily run away from you and make you feel like you're worthy of nothing. And for the first time, he questioned himself why he fell for this kind of woman.

Samantala, hindi mautusan ni Miisha na patigilin ang kanyang mga luha. She wanted to speak pero tila binabarahan ang kanyang lalamunan.  Kaharap niya na ang taong pinagkakautangan niya ng paliwanag pero di niya pa rin magawang magsalita. She was never this weak and coward before. With what's going on to herself, unti-unti niyang naintindihan why she's drown into paintings. Because it really describes who she is; the woman who's incapable of saying in words the things that matter most.

"Mag-usap tayo. You need to speak Miisha... What exactly happened to us?"

Humina ang pag-iyak niya nang marinig ang medyo mahinahon nang tono ni Jacob. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. He was not furious anymore pero may katigasan pa rin ang mukha. Lumuwag nang kaunti ang pakiramdam niya sa bahagyang pagkalma nito. Tumigil ang pagpatak ng kanyang mga luha at unti-unting bumalik sa normal ang pintig ng kanyang dibdib. Pinahiran niya ng kamay ang mga mata at sisinghot-singhot na humingang malalim. Jacob offered her a handkerchief. He didn't wipe her tears like he always do pero sapat na yun para tuluyang kumalma ang dibdib niya. Just a simple touch of his concern made her at ease already.

"Nakalimutan mo na ba ang pangako natin sa isa't isa na walang iwanan?" seryoso ngunit kalmado lamang na sambit ng lalaki.

Umiling siya habang pinapahiran ng panyo ang mga mata.

"Kung ganun bakit mo ako iniwan?"

Lumunok siya nang malalim at matapang na tumingin sa mga mata ng kausap. His eyes had no more sign of anger yet the pain was still evident.

"I'm waiting Miisha..."

She sighed. The sudden softness of his voice was slowly giving her courage to gather her thoughts. "B-Because... I-I discovered that you were having a hard time...b-because of me." After she delivered her first line successfully, dama niyang kaya niya nang sabihin lahat ng mga dapat niyang sabihin.

Natawa si Jacob sa narinig sabay tingin sa malayo. "Hard time? What are you talking about Miisha? I was having my best time because of you! Saan mo naman nakuha ang ganyang ideya?" di makapaniwalang pahayag nito.

"Y-You lied Jacob. You weren't a tutor. I caught you working at the supermarket..." muling nangingilid ang mga luhang bigkas ni Miisha.

Natagilan si Jacob. Pansamantalang lumambot ang kanyang mukha nang mapatingin sa naluluha uling kausap. Napalunok siya nang malalim at pagkuway paulit-ulit na bumuntong-hininga. Ilang beses muna siyang umuwis ng tingin saka tumikhim.

"Oo, nagsinungaling ako," he admitted with a low voice. "Pero kaya ko lang naman ginawa yun dahil alam kong di ka papayag. And even if you agreed, I know you will never be comfortable about it." Unti-unti uling tumigas ang kanyang mukha. "Dahil lang ba sa nagsinungaling ako kaya mo ako iniwan Miisha? Sana sinumbatan mo na lang agad ako!"

"No Jacob!" madiing tanggi ni Miisha kasabay ng sunod-sunod na iling. "Naiintindihan ko kung bakit ka nagsinungaling at hindi yun ang dahilan kung bakit ako umalis...."

"Kung ganun bakit?!"

Another silence passed by. Another tear fell into her cheek.

"I-I left because I realized kung gaano ka pala nahihirapan dahil sa sitwasyon natin. Masayang-masaya ako nung mga sandaling magkasama tayo but on that day.... I found out that I can never have the same happiness again kung alam kong pati pagkatao mo ay kinalimutan mo na nang dahil sa akin. I don't deserve those sacrifices Jacob."

Matalim ang mga matang tumitig si Jacob sa kausap. "So you decided everything by yourself. Tinanong mo ba ako kung nahihirapan ba talaga ako? Oo mahirap! Pero masaya ako dahil para sa atin ang lahat ng iyon. Para sa atin Miisha! US! Not just for you or for myself but for us!.. Pero dahil hindi ka na masaya, aalis ka na lang! You only care about your feelings! Paano naman ako?!"

"We need to give up for now Jacob. Alam kong lahat kaya mong gawin para sa atin pero hindi mo kailangang isakripisyo ang lahat-lahat sayo. Hindi na ikaw yun eh!"

Muling bumalik ang galit sa dibdib ni Jacob matapos marinig ang ibang-iba nang pananaw ng dalaga. "AKALA KO BA WE'RE IN THIS TOGETHER? Baka nakakalimutan mong mismong mga magulang natin ang tumututol sa ating dalawa. Wala akong choice kundi magsakripisyo dahil mahalaga ka sa akin! At kung kinakailangan kong habambuhay na tumayo sa sarili kong mga paa ay gagawin ko Miisha dahil mahal kita!"

"Mali Jacob, mali eh! Hindi mo kailangang ilayo ang sarili sa mga magulang mo nang dahil lamang sa akin."

"At anong gusto mong gawin ko? Kalimutan kita at magpakasal ako sa babaeng hindi ko mahal?! That's what they want to me to do!"

"Oo mali na ipapakasal ka nila sa iba... pero choice mo naman yan eh. Ikaw naman ang haharap sa pari at altar, hindi sila. Maybe they're wrong on that aspect but that's not enough reason for you to become a bad son. Hindi naman sila nagkulang sayo sa ibang bagay. You have a loving family and great parents. And I don't want to take that away from you... tama ng ako na lang ang may magulong pamilya."

Imbes na lalong magalit ay sarkastikong natatawa na lamang si Jacob nang may di makapaniwalang mukha. "You decided everything based on your own personal views. In short, you ran away dahil gusto mo na akong isuli sa mga magulang ko. Ganyan ba kababa ang tingin mo sa pagkalalaki ko ha Miisha?"

"I'm sorry if you take it that way. Iniisip ko lang naman ang kinabukasan mo. After seeing you having a hard time, dun ko naramdaman na talo pa rin tayo kung ipipilit natin ang kagustuhan natin. Hindi natin kailangang makipaglaban sa mga magulang natin Jacob. Oo, maaring makakayanan nating tumayo sa sarili nating mga paa at makipagmatigasan sa kanila... but it's going to be a never ending fight. Dahil yan ang naranasan ko sa mga magulang ko.Hindi ako marunong sumuko so the fight didn't stop. Hatred ruled my heart because of that at ayokong mangyari yun sayo o sa ating relasyon."

He silenced for a while yet disagreement was still written in his face. "You keep talking about myself in behalf of me," he stated with sarcasm.

"Jacob iniisip ko lang ang kinabukasan mo.... please understand."

He looked at her with clenched jaws. Namumula-mula ang mga mata habang nangingisi. "Kinabukasan? Ikaw ang gusto kong kinabukasan ko Miisha! Who are you to choose what's right and wrong for me! Understand you? How the hell could I do that when I woke up one day tapos biglang parang ibang tao na ang babaeng minahal ko! Na iniwanan ka na lang nang walang paliwanag tapos magpapakita lang ulit para sabihing titira na siya sa ibang bansa! TELL ME MIISHA! HELP ME BE ENLIGHTENED BY YOUR SUDDEN WISDOM!"

Muling nanahimik si Miisha at nakaramdam ng panghihina. Her tears silently fell again while seeing how hurt and furious he was. "M-Mga bata pa naman tayo Jacob. Malayo at mahaba pa ang panahon para sa sinasabi mong kinabukasan. Kung talagang tayo... tayo pa rin hanggang dulo. I'm leaving for States to give myself a chance to yield to my parents. Baka ito lang ang kailangan ko para maging maayos ang buhay ko..."

"Bakit Miisha? Am I a mess in your life?" pahayag ni Jacob nang may halos papatak na ring mga luha.

"No Jacob. I'm the one who's messing your peaceful life. Kaya nga gusto kong ayusin ang buhay ko para bumagay naman ako sayo. Handa akong magtiis sa malayo dahil gusto kong maging isang babaeng maipagmamalaki mo sa mga magulang mo. Maybe if I become a better person papayagan na nila akong mahalin ka...pwede na tayong magmahalan ng normal kagaya ng iba."

Jacob bit his lip. Her words were melting his heart ngunit hindi niya pa rin matanggap ang gusto nitong mangyari.

"Huwag kang mag-alala," she continued with a sad smile. "Mamahalin pa rin naman kita kahit nasa malayo ako at mamahalin pa rin kita hanggang sa pagbalik ko. Alam kong wala akong karapatang humiling na hintayin mo ako... pero gusto ko lang ipangako sayo na kahit nasaan man ako, sayo at sayo pa rin iikot ang buhay ko... But for now, I'm sorry Jacob."

Mabibigat ang mga paang tumalikod siya. Mabilis siyang naglakad papalayo kasabay din ng pagbilis ng patak ng kanyang mga luha. Nilakihan niya ang mga hakbang ngunit bago tuluyang makalayo ay panandalian siyang tumigil nang hindi lumilingon sa likuran. She was hoping Jacob would follow her, hug her for the last time and whisper to her ear that he will wait for her. 

Subalit walang Jacob na sumunod. Walang yakap. At walang nangakong handa siyang maghintay. Mapait siyang ngumiti sa sarili. Tahimik niyang pinunasan ng kamay ang ayaw pa ring paawat na mga luha. Suminghot siya ng ilang beses at bumuga ng hinga upang maibsan ang pinipigang kirot sa dibdib saka siya tahimik at nakatungong tumuloy sa paglalakad papalabas ng campus.

                -----

Binabagabag si Francis sa araw-araw na lamang na napupunang pamamaga ng mga mata ng anak. Miisha wasn't saying anything. Hindi niya rin naman ito nakikitang umiiyak. Nag-umpisa lamang ang tila araw-araw na lamang na tamlay na tamlay nitong hitsura pagkagaling nito ng Holy Hearts.

He got curious on what's really going on with her. He took out his secret key to her art room and opened the place. Madalas ay tinitingnan niya ang mga obra ng anak para malaman ang nangyayari dito o kung ano ang mga kinikimkim nitong mga saloobin. Ginagawa niya ito ng palihim, kadalasan ay pagkatapos ng magdamag nitong pagpipinta. Base sa pinagpuyatan nitong paintings, nahuhulaan niya na ang magiging timpla ng anak buong araw, kung masaya ba, malungkot, galit, iritable o maaliwalas. 

He admits that his daughter is genius but he despised her talent. Ito kasi ang dahilan kung bakit hindi natutong magbahagi ng sarili ang anak sa ibang tao. Kapag malungkot, galit o masaya, ang pagpipinta lang ang lagi nitong tinatakbuhan. Isolating herself from anyone sanhi para lalong lumalim ang hindi nila pagkakaunawaang mag-ama. May isip na si Miisha nang mapunta sa kanya. Umpisa pa lamang ay mailap na itong bata and she had something in her eyes na kapag nakikita niya ay para siyang pinapaalalahanang isa siyang walang kuwentang ama. The guilt and fear of becoming a bad father dominates him whenever he sees Miisha. Thus, their time together were almost spent on weighing, adjusting, guessing and protecting each other's pride and feelings. 

Hanggang ngayon ay inaamin niyang hindi niya pa rin alam kung papaano huhulihin ang loob ng anak. Their worlds never met. Sometimes he was giving her the freedom she desired but sometimes he had this great urge to lock her up in order to protect her. That was why when she easily gave her heart to Jacob, a mixed feeling of jealousy and yearning to shield her heart from falling to the wrong guy hit him.

Inasahan niya na ang pagbabalik ng anak mula sa paglayo nito kasama si Jacob. With her stubbornness, alam niyang susukuan din nito ang isang mahirap na sitwasyon. If there's one thing he knew about her daughter, it's her degree of solitude. Kaya nitong harapin at mamuhay ng mag-isa sa kahit gaano kahirap na sitwasyon but not with a companion.

Ilang araw niyang hindi nasilip ang art room dahil sa sariling pagdadalamhati sa pag-alis ni Wendy. But when he entered it again, her latest works surprised him. Iba ang hatid nitong damdamin. Sanay na siya sa mga obra ni Miisha na nagsusumigaw ng poot, pagrerebelde, pagkamuhi at kalayaan. But this time it only conveyed one feeling... the feeling of extreme loneliness. Each picture had distinct blurriness as if it was being viewed by a pair of weeping eyes. Habang tinitigan niya ang mga larawan ay unti-unting gumagapang sa kanyang puso ang kalungkutang nakikita. A feeling of longing came next and lastly the thought of Wendy. 

He went out of the art room realizing that he and Miisha were both suffering for the same reason. He could deal with his own pain but he couldn't bear thinking that even loneliness was about to conquer his daughter's rebellious heart. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang ito ang magiging epekto ni Jacob sa dalaga. She must have loved him deeply and it wasn't just a simple young love phase.

Pumunta siya ng kusina upang ibsan ng isang basong tubig ang panunuyo ng kanyang lalamunan. After thorough thinking, he took out his cellphone and called his good friend... Jacob's father.

"Congressman Marcelo!" he greeted lively. In calling each other with formality, batid na ng bawat isa na paghingi ng pabor ang kanilang pag-uusapan.

"Napagisip-isip ko lang na siguro panahon na para pagbigyan naman muna natin ang mga bata... Eh mukhang kahit anong gawin natin ay nagmamahalan talaga yung dalawa," kaswal na pagkumbinsi niya.

Tumutol agad ang kausap dahilan para medyo umakyat ang dugo niya. Huminga siya nang malalim habang inihahanda ang sarili sa posibilidad ng pagkaroon niya ng bagong kaaway.

"Alam mo pare noong una ay sumasang-ayon ako na pagbawalan yung dalawa dahil sa pag-aakala kong laro-laro lamang ito sa anak ko. Lilipas din agad kaya ayokong sirain ang relasyon natin kay Mr. Gamboa. Pero ngayong itinakas na ng anak mo etong anak ko hindi naman pwedeng balewala na ang lahat. Ke laro man o seryosohan, babae yung akin at hindi ako makakapayag na walang usapang magaganap pagkatapos ng mga nangyari. Ayoko ng kaaway pero wala akong magagawa kung damdamin na ng anak ko ang nakasalalay. Minsan lang ako mabigyan ng pagkakataong magpakaama sa anak ko at hindi ko yun ipagkakait sa aking sarili..."

"Dad!"

Mabilis na lumapit si Miisha sa ama matapos marinig ang pakikipag-usap nito. Dali-dali niyang inagaw dito ang telepono at pinutol ang tawag. Malamlam ang mukhang tumingin siya sa gulat na magulang. 

"I-It's useless Dad... T-This time the problem is between me and Jacob," mahina't walang ganang pahayag niya sabay sauli sa telepono.

Nakatungong tumalikod siya upang bumalik sa kuwarto. Sinubukang balewalain ang nasaksihang pagmamalasakit ng magulang.

"Miisha," he called.

Tumigil siya ngunit hindi siya lumingon. She was biting her lips while anticipating what he had to say.

"I-I'm sorry for being a bad parent to you. I knew I didn't become the father you expect me to be... but it doesn't mean that I don't love you as my daughter....Ginawa ko lang ang akala kong makakabuti para sayo. Maybe I was wrong but I swear that my intentions were not. Above anything else, ikaw pa rin ang pinakaimportante sa buhay ko... I had no other wish too kundi ang maging mabuting ama at mapunan ang mga naging pagkukulang ko but may I also have a request from you? Please try to open up your heart to me..."

Suddenly, her eyes were moist with tears. Ikinuyom niya ang mga kamay upang itago ang bahagyang panginginig nito.

"Stop living alone in your room and paintings. Share your thoughts and feelings. Kung nasasaktan ka ipakita mo. Kung umiiyak ka nang dahil sa lalaki, huwag mong itago. Tandaan mo kahit ilang lalaki man ang manakit sayo... you've got a man who will love you for the rest of your life. And that's me... your father."

Napakagat siya sa labi. She moved her feet to continue walking to her room but instead of taking a step forward biglang bumalik ang mga paa niya. Wala sa sariling tumakbo siya papalapit sa ama. She hugged him very tightly. Nang lumapat ang pisngi niya sa dibdib nito ay tila kusang umalpas ang mga ikinulong niyang sakit at lungkot sa kanyang puso. Humagulhol siya ng ubod ng lakas. She wept like a child and made the loudest cry she hasn't done yet with anyone else ... not even with Jacob.








Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

854K 27.9K 34
Standalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
68.8K 5.7K 30
Kuwento ng isang makulit na Aristokrata at ng crush na crush niyang Mr. Principal. Latest Book Cover: Coverymyst Image Credits: Jeon Ji-hyun and Lee...
81K 1.4K 36
Love at first sight. Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecrisanto, totoo ang love at first sight. Nal...