Invisible Girl (Reprint unde...

Da aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... Altro

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Thirty One: The Confrontation

282K 4.9K 476
Da aLexisse_rOse

Chapter Thirty One: The Confrontation

JARED

"She's my ex-girlfriend, the real Samantha Aguilar."

I held my breath as I hear those words from him. Awtomatikong lumingon ako kay Muriel. Dahil kung mayroon man na higit na maaapektuhan sa aming lahat ay siya iyon. 

"What do you mean she is the real one?" Naguguluhan na tanong ni Lara. Palipat-lipat ang mga mata nito sa aming lahat. 

"Why don't you explain to her everything, Muriel?" Riley challenged her. Hindi inaalis ang tingin sa kanya magmula kanina.

Naikuyom ko ang palad ko. Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ng kaibigan. Pero sa nakikita kong kinikilos niya, mukhang matagal na niyang alam. Kung kailan at paano, siya lamang ang tanging makakasagot.

"Y-you called her... what?" Halos lumuwa ang mga mata ni Lara sa sobrang kalituhan. "Are you making fun of me? I swear Riley, hindi na ako natutuwa."

Hindi man lang natinag si Riley. Tila wala itong narinig at nanatiling nakakatitig sa babaeng nasa tabi ko. Ngunit ang ikinababahala ko ay ang pagiging kalmado ni Muriel. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.  I couldn't read her expression. At ako ang kinakabahan sa pananahimik niya.

"Riley..." Nilapitan ni Tita Lorie ang anak. "We should talk. Just the two of us. Ako ang magpapaliwanag ng mga nangyari."

"Later, Ma. Kung mayroon man akong gustong makausap si Muriel iyon."

Sa isang iglap ay naiharang ko ang katawan ko sa dalaaga. Covering her with my body and protecting her from him. "Your mother is right. Mas mabuti na kayo munang dalawa ang mag-usap."

"It's none of your business, Jared. Stay away from her." Binigyan niya ako ng matalim na tingin.

"No, you're the one who needs to stay away from her." Hindi ako papayag na makalapit siya kay Muriel. 

"I'll talk to him." Lumabas si Muriel mula sa aking likuran. "Hayaan mo akong makausap siya para matapos na ang lahat ng ito."

"Muriel?" Pigilan ko siya sa kamay. Hindi ako papayag na gawin niya iyon.

"It's okay, Jared." Lumingon siya sa akin at pilit na ngumiti. As if telling me that everything will be alright.

"Let her go, Jared." Utos ni Riley. 

Tinignan ko siya ng masama. Wala akong balak na sundin siya. Pero naramdaman ko na lang na bumitiw si Muriel sa pagkakahawak ko. "Muriel..."

Hindi siya man lang siya nag-abalang lumingon at tuluy-tuloy na lumabas ng pintuan. Damn it! Wala akong nagawa para pigilan siya. 

Susundan na sana ni Riley si Muriel nang harangan ko ang daraanan niya. "Don't ever think of hurting her. Baka makalimutan ko na kaibigan kita!" Malinaw ang warning sa tinig ko.

Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. "Back off Jared. This is just between me and her. Don't involve yourself."

Kung hindi lang ako napigilan ni Samantha, malamang ay nasuntok ko na siya. "I'm already involved. Everyone is involved. Kung may dapat ka mang harapin Riley, kami iyon at hindi siya!"

"Katulad ng sinabi ko kanina si Muriel ang gusto kong makausap at hindi kayo. Mahirap bang intindihin iyon?" 

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya at ganun din si Riley. Walang gustong magpatalo sa aming dalawa. Nang bigla na lang pumagitna sa amin si Tita Lorie.

"Tumigil kayong dalawa!"

"Siya ang pigilan nyo, Tita." Sabi ko sabay turo kay Riley. 

Pero tinignan niya lang ako na parang sinasabi niya na hayaan ko na lang ang anak niya.

At tuluyan akong walang nagawa nang lagpasan ako ni Riley para sundan si Muriel sa labas.

MURIEL

Hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa kinaroroonan ng swing malapit sa  may garden. Mabilis kong pinilig ang ulo ko upang alisin ang mga alaala na bigla na lang  sumingit sa isipan ko. Ilang sandali ay naramdaman ko ang presensya ni Riley mula sa aking likuran. 

I closed my eyes and took a deep breath. This is it! There is no turning back. At lakas loob na pumihit ako paharap sa kanya. Nakatayo si Riley isang metro ang layo mula sa akin. At mataman na pinagmamasdan ako.

"Kailan mo pa nalaman?" Kanina ko pa gustong itanong iyon sa kanya.  

"Ang tungkol sa sikreto nyo?" Agad na umangat ang kilay niya. "Actually kahapon ko lang nakumpirma. Pero hindi na ako nagulat nang malaman ko ang totoo."

Sa isang iglap ay nag-flashback sa isipan ko ang mga nangyari sa pagitan namin nitong mga nakaraang araw. Alam kong may mga pagkakataon na naghihinala na siya at binalewala ko iyon. Kaya pala bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. I thought he was only acting strangely. But last night is the worst. I was so careless. I let him know about my feelings toward him. When all along he already knew about our secrets. 

"Lost your tongue, Muriel?" His lips twisted in half amusement. "Take your time. I'm willing to wait."

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo!" I said coldly.

Muling umangat ang kilay ni Riley. "Playing safe?"

"I don't need to do that. I won't deny what I've done."

Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya na ikinamangha ko. 

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Humakbang siya palapit sa akin dahilan para mapaatras ako. "Relax Muriel! I won't bite you." Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay sa harapan ko. "Come here, come to me."

Ngunit hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Sinulyapan ko lang ang nakalahad niyang kamay.

"Muriel..." Tila naiinip na tawag niya sa akin.

Nag-angat ako ng tingin. "Bakit hindi mo pa ako diretsuhin para matapos na tayo?" 

Nagsalubong ang mga kilay niya at ibinaba ang kamay. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"What do you want, Riley?"

Ilang sandali ang pinalipas niya bago siya nagsalita. "You! I want you, Muriel!"

Hindi na ako nagulat sa narinig. "Me? Why me? Para makapaghiganti ka sa akin?"

Nagkaroon ng kalituhan sa kanyang mukha. "Why I would do that?"

"Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sayo. At kung ito ang tanging paraan para matapos na ang lahat ng ito, then go on. Hindi kita pipigilan."

"What makes you think that I'm doing this to get back at you? When all I ever wanted is to win you back?"

"I'd rather choose you to be mad at me than treating me like this."

RILEY

Pain was written in her eyes. And I was alarmed. Teka! Hindi ito ang gusto kong mangyari.

"Muriel, listen this is not-"

"Stop fooling around!" She immediately cut me off. "Isn't enough that we're all fell in your trapped? That you really did surprised us? That everything is part of your brilliant plan?"

"Muriel..."

"Alam kong nagagalit ka sa mga nalaman at natuklasan mo. Pero huwag mo naman sana kaming paglaruan ng ganito."

Hindi ako makapaniwala sa tumatakbo sa isipan ni Muriel. She misunderstood my actions. I thought that this is the easier way to talk and clear things with her. But I was 

"I admit that this is all my plan." Pag-amin ko. "Pinauwi ko rito si Lara. At ako rin ang nagpapunta rito kay Samantha. Ang plano ko ay ang pagharapin silang dalawa. At komprontahin si Mama pagkatapos. Pero hindi ko inaasahan na nandoon rin kayong dalawa ni Jared. At wala na akong nagawa para pigilan pa si Lara."

"I have no intention of getting back at you." Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapagprotesta. "Kahit kailan hindi ko naisip na gawin iyon. Mas lalong hindi ko rin naisip na paglaruan kayong lahat. Bakit ko naman gagawin iyon lalo't alam ko na ikaw ang una kong masasaktan?"

"Totoong nagulat ako sa mga natuklasan ko. But I'am not mad.Honestly, wala akong naramdaman na galit dito." Itinuro ko ang tapat ng dibdib. "Kung anuman ang dahilan at kung bakit ninyo ginawa iyon ay wala na akong pakialam. Dahil ang mas importante sa akin ay ikaw."

"Kagabi pa kita gustong makausap. You never know how much I was excited to tell you about it. Pero biglang dumating si Samantha. And we never had a chance to talk. Ngunit paggising ko kaninang umaga ay umalis ka na. Pagdating naman sa office ay obyus na iniiwasan mo ako. Then suddenly, bigla ka na lang nag-filed ng resignation and walk away without any explanation. Halos masiraan ako ng ulo kung saan kita hahanapin. I was so worried and scared. And I can't afford to lose you again."

"Why Riley? Why are you suddenly acting like this?"

"Isn't it obvious?" Mukhang hindi pa rin niya nakukuha ang ibig kong ipahiwatig. "Nagkakaganito ako ngayon dahil mahal kita. I love you Muriel."

She stared at me. And for a long moment she was silent.

"You loved me?" At malungkot siyang ngumiti at umiling. "No, you don't! You never love me. Akala mo lang mahal mo ako dahil minsan nagpanggap ako bilang si Samantha. Pero hindi ibig sabihin ay ako ang taong minahal mo ng mga panahon na iyon."

"Believe me. Minahal na kita kahit hindi ko pa alam kung sino ka talaga."

"That's bullshit! How can you love someone you don't even know that exist?"

"Maybe I was blind. But my heart can tell who I have loved. And that is you."

Muli siyang umiling. Pain is very visible in her eyes. "I knew how much you loved Samantha. Naging saksi ako sa mga kabiguan mo at kung paano ka bumangon nang dahil sa kanya. You couldn't live without her in your life. So, how can you expect me to believe that I'am the one you loved?"

Napatingin ako sa langit sa sobrang frustration. God! Ano pa ba ang dapat kong gawin para maniwala siya sa akin na mahal ko siya?

Nang muli akong tumingin sa kanya ay nakita ko siyang may kung anong pinahid sa pisngi niya. Then I saw a tear fell from her eyes. At mabilis niya ulit pinahid iyon ng palad. 

Damn it!

Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kanya at mabilis na ikinulong siya sa mga bisig ko. 

"I'm sorry." Gusto kong murahin ang sarili ko. I never meant to make her cry. At gusto kong sisihin ang sarili ko dahil binigla ko siya. Dapat pala ay nag-isip muna ako bago ko siya kinompronta. She was right. Paano nga naman siya maniniwala sa akin kung hindi ko pa napapatunayan sa kanya na totoo ang sinasabi ko?

"Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas niya. Pero sa halip na bitiwan ko siya ay lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. I don't want to let her go. 

"I don't want to hurt you Muriel."

"Then let me go."

Ilang sandali akong walang imik bago ko siya tuluyang pinakawalan.

"I'll let you go. But it doesn't mean that I'm giving up." I said while looking straight in her eyes. Pero nag-iwas lang siya ng tingin. At mabigat ang loob na humakbang ako palayo sa kanya at dumiretso sa nakaparada kong kotse.  

I'll do anything to win you back. And that is a promise!

JARED

"Would you stop it? Kanina ka pa palakad-lakad at ako nahihilo sa'yo!"

Sinulyapan ko si Lara at binigyan siya ng matalim na tingin. 

"Nagbibiro lang ako!" Pilit siyang ngumiti at nag-peace sign sa akin. "Go on." At hindi na siya muling nagsalita. She already knew about the pretending thing. Si Tita Lorie ang matiyagang nagkuwento sa kanya. At first, hindi siya makapaniwala. But in the end naintindihan din naman niya. Kaya raw pala noong tinawagan siya ni Riley kahapon ay ang dami nitong tanong tungkol kay Samantha. At magmula nang malaman niya ang tungkol doon ay panay ang irap niya sa dalagang katabi niya.

Sa kabilang banda naman ay tahimik lang na naupo si Samantha. Maybe she was still in shocked. But the hell I care. After all siya naman ang puno't dulo ng lahat ng ito.  

I took a deep breath. At muling sinulpayan ang pintuan sa pagbabakasali na pumasok roon si Muriel. I'm so worried about her. Hindi ako mapalagay at nagtatalo ang kalooban ko. I really need to do something.  

"Jared, where are you going?" Pigil sa akin ni Tita Lorie nang magtungo ako sa pintuan. 

"Hindi ko kayang tumayo na lang rito at maghintay ng susunod na mangyayari." Hindi lumilingon na sagot ko.

"Hindi lang ikaw ang nag-aalala para sa kanya. But I trust my son. He will never do something that might hurt her."

"Tita was right, Jared." Sabat ni Lara. "Let's just trust Riley. Marahil ay gusto niya lang talaga na makausap ng sarilinan si Muriel." 

I could see her point. Pero hindi mawala-wala ang kaba ko sa dibdib. 

"Muriel!" Bulaslas ni Tita Lorie nang sumulpot ang dalaga sa pintuan.

Mabilis akong napalingon at nagmamadaling nilapitan siya. "Are you okay?" Salubong ko sa kanya.

Tumango lang siya.

"Where is Riley?" Tanong ni Tita Lorie.

"Okay na kayong dalawa?" Si Lara.

"What happened?" Tanong ko naman.

Pilit na ngumiti si Muriel. "It's over!"

Lahat kami ay napakunot-noo sa sinagot niya.

"What do you mean its over?" 

Sa halip ay iba ang sinagot niya. "I'm tired, Jared. Gusto ko ng magpahinga." Nilagpasan niya ako at marahan siyang humakbang palabas.

"Muriel wait!" Humarang ako sa daraaanan niya. Hindi ko gusto ang inaakto niya. Something is wrong with her. 

"Jared please..." Pagsusumamo niya. "I'm really tired. Bukas na lang tayo mag-usap."

I have no choice but to let her go. Siguro nga ay kailangan niyang mapag-isa. "I'm just here. Don't ever forget that!"

She smiled at me. "I know." At tuluyan na siyang lumabas.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

238K 13.5K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
Ears and Rhymes Da Yumi

Storie d'amore

63.8K 4.7K 40
Michelle Salvacio is a typical 'anak-mayaman'. Nag-iisa siyang tagapagmana ng pamilya niya kaya lahat ng luho ay nasusunod. Although you can see her...
1.6M 23.3K 46
"You're my queen and I'm willing to be your slave." Ang ibang parte ng kwentong ito ay base sa totoong buhay. Si Shinie Mendoza ay tulad din ng ibang...
7.3M 105K 43
[NO SOFTCOPIES] He's the King of the school. She's the Queen of Cosplay. He's the rule setter. She's the rule breaker. Rigid Razor Montez, the imposi...