Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

By Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... More

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 17 - Part two
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 26

2.9K 123 52
By Lyfavie

CHAPTER TWENTY SIX

                        "The backbone of surprise is fusing speed with secrecy."

                                                                           - Karl Von Clausewitz

Kung tatanungin ka ng "What's the most embarrassing moment in your life?' anong isasagot mo? 

Si Ana?

Obvious naman di ba. The most embarrassing moment in her life is happening as of now. Kung pwede lang sigurong maglaho sa mga oras na iyon ay ginawa na ni Ana.

Anong gagawin ko?! nagpapanic na tanong ni Ana sa sarili.

Nanatili pa rin siyang nakahandusay sa sahig, nakatungo ang ulo at walang lakas ng loob na harapin ang mga mapanuring tingin ng mga tao. Even without looking at them, Ana feels the confused gazes of the audience. Add the endless murmurs that surrounded the gymnasium, Ana is sure that she is in a serious situation.

On the other hand, nabigla sina Bob at Ken ng masilayan mukha ni Ana.

"What the heck!?" bulalas ni Bob. "Paanong napunta kay Ana costume ni Pete?" naguguluhang tanong nito. "May ticket naman siya," wala sa loob pa nitong wika.

Napabaling dito si Ken. "You know she's going to watch today?"

"Er-" napakamot si Bob ng ulo. Magdedeny pa sana ito ngunit ng makitang seryoso mukha ni Ken ay umamin din. "Actually, yes. But I swear, I have nothing to do why Ana is wearing the costume."

Parehong sabay na muling binalik ng dalawa ang tingin kay Ana.

"Ano ng gagawin ni Ana?"

Sa isang sulok naman ng gymanasium...

"Hey, sino yung maysuot ng costume?" gulat na tanong ng katabi kay Honey. "Bakit girl?!"

"That's Ana," Honey answered, also in shocked with the discovery.

"Ana?"

"Accountancy student from SABM."

"Wait a sec...SABM? So why is she wearing the costume of the mascot of SEA?"

Wala namang maisagot si Honey sa mga katanungan ng katabi dahil maging siya ay walang ideya sa mga nangyari. Not unitl bumalik sa isip niya ang mga pangyayari kanina. Napansin niyang parang nag-uusap si Ace at ang mascot. Hindi lang niya binigyan ng kahulugan dahil nga akala niya ay wala lang iyon. Pero ngayon ay napagtagni-tagni na niya ang lahat.

"They are together."

"Huh?" takang tanong ng katabi kay Honey.

"I think Ana is here to support her boyfriend."

Nanlaki mata ng kausap ni Honey.

"WHAT?! Girlfriend yan ni Ace?"

Pilit na tumawa si Honey. "Ano ka ba Lyn? Ba't nahuhuli ka yata sa balita ngayon?" kantiyaw nito. "I think everyone knew about them. Sila na for a couple of months."

Napakamot ang kausap. "I heard things. But Ace is Ace... so I thought..." then bigla itong may naalala and with a guilty expression she faces Honey. "Honey, sorry kanina. I asked you if you like Ace. I never knew that may steady na pala siyang gf."

"Sabi mo nga you never knew about Ana. So, 'kay lang yun," Honey replied while looking at her. She even smiled to prove she's okay.

"But still -" Lyn was about to argue but forgot about that because of what she saw. "Honey, looked! Si Ace!"

Of course Honey's eyes flew immediately towards Ace.

But Ace is nowhere in his previous post. Instead, she saw him helping Ana stand up.

Everyone in the gymnasium is astonished to witness Ace running towards Ana. Ana swears, she heard everyone gasped in unison when Ace offered his hand for her to stand up. More gasps when she held his hand.

"Tisay, sikat ka ngayon," tukso ni Ace kay Ana.

Hindi mapigilan ni Ana na mapangiti sa kabila ng mga halo-halong nararamdaman. "Kung sikat ako nung nalaman nilang girlfriend mo kuno ako, feeling ko nga superstar na ako ngayon," ani ng dalaga habang tumatayo. "At kasalanan mo ang lahat ng ito!"

"How is this my fault?" kunot-noong tanong nito. Then a smirk played in his lips. "Unless....." binitin nito ang sasabihin and laughed with himself.

"Unless what?" angil ni Ana kay Ace. Tuluyan ng nakalimutan ni Ana ang sitwasyon.

"Nothing," sagot nito pero nakaplaster pa rin sa mukha ang di maipaliwanag na ngiti.

"Unless nothing? Ano yun, tumawa ka sa nothing?"  

Pinisil ni Ace ang pisngi ni Ana.

"You are still the Ana I know."

Agad namang pinalis ni Ana ang kamay ng binata sa mukha. Sabay hawak ng pisnging namumula dahil sa pagpisil nito. "Masakit iyon ha kala mo," nakaingos na sabi ni Ana. "And alangan namang a matter of minutes nagbago na ako? Magic lang!"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I mean -"

"Guys, tama na muna iyan. Pinapanood kayo ng lahat," saway ni Bob sa dalawa na nakalapit na pala.

Sabay namang tumingin si Ana at Ace kay Bob. At tama nga sinabi ni Bob dahil lahat ng mata sa gym ay sa dalawa nakatutok.

"Ohhh, this is a surprise!" wika ng host na nakabawi na sa pagkabigla. "Any explanation?" the host asked while looking at Ana.

"Ah - eh..." Hindi alam ni Ana kung paano sasagutin ang tanong.

"I WILL EXPLAIN!" Ace shouted.

Nagsibulungan naman ang mga taong nakarinig.

Napabaling si Ana sa sumigaw na si Ace.

"Anong sinasabi mo?" pinandilatan ni Ana ang binata.

"Akong bahala. Trust me," mahinang wika ng binata. Si Ana lang nakarinig nun.

When Ana heard his assurance, naassure naman siya. Deep inside, she knows she can trust him

"What do you mean by that Mr. Tolentino?" confuse na tanong ng host.

Nagtungo si Ace sa stage. Binigyan ito ng isa pang microphone. Nakaawang ang bibig na pinanood lang ni Ana si Ace. Wala siyang ideya kung anong sasabihin nito or plano nitong gawin. But because she trusts him, she let him be.

"Nagtataka siguro kayo kung bakit suot ni Ana ang costume ng mascot ng SEA," panimula ni Ace.

Nag-agree naman lahat ng andun bilang tugon.

"Lalo na at taga-SABM siya," dagdag nito. "Some of you might be cursing her now. Or labeling her as a traitor. Walang loyalty. Balimbing. Or some other mean words to describe what she did today."

Lalong lumakas ang bulungan.

Tinutulungan ba ako nitong tukmol na ito o hindi? Nakapout na tanong ni Ana sa isip. 

"Yeah, she should apologize to SABM!" sigaw ng isang taga-SABM.

Tinignan ni Ace ang nagsalita.

"Then I am sorry," ani Ace.

Natahimik lahat.

"Err - si Ana ang sinasabi nilang magsorry," bigay alam ng host kay Ace.

"I am aware of that. But actually this is my entire fault. Kaya ako nagsosorry."

Huh?! Ano daw?! Naguguluhang tanong ni Ana sa sarili.

"The truth is, may pustahan kami ni Ana. And I dared her that if she can wear the costume the SEA's mascot then I will lose and she will win. At heto nga, she managed to convince Pete to let her wear the costume. More importantly, nanalo pa ito as SEA's mascot. So kung meron mang kailangang  magsorry dahil sa ginawa ni Ana. Ako yun."

Narealized ni Ana kung anong ginagawa ni Ace. He is helping her in her predicament. Mukhang kinagat naman ng lahat ang paliwanag ni Ace dahil wala nang nagquestion pa.

Namamanghang pinagmasdan na lang ni Ana si Ace.

"Whoa! Nabusog ako," ani Ana habang hinihimas ang tiyan. Nanlibre kasi si Coach dala ng pagkapanalo ng team.

"Hindi na kita tatanungin kung nagustuhan mo yung mga pagkain," natatawang komento ni Ace.

Tumawa rin si Ana. "Drive ka na nga lang diyan."

"Aye, aye, Boss!"

Maya-maya ay tumikhim si Ana at kiming bumaling sa katabi.

"Uhm... Salamat nga pala sa ginawa mong pagsave sa akin dun sa gym," simula ni Ana. Ngayon lang ito nagkaroon ng pagkakataong makapagpasalamat kay Ace dahil ngayon lang talaga sila nagkasarinlan mula ng matapos ang nangyari sa gym.

Saglit na napatingin si Ace kay Ana.

"Ganun na lang, thank you na lang?"

Kumulubot noo ni Ana.

"So kaya mo ginawa iyon ay dahil may hinihintay kang kapalit?" asar nitong wika. "Tsk..tsk...sabi ko na nga ba at napakafishy ng ginawa mong pagtulong eh," iling na dagdag pa nito.

"Wala ng libre sa mundo ngayon."

"Anong wala? Libre yang hanging hinihinga mo ano," pabalang na sagot ni Ana.

"Ang dali mo talagang mapikon. Kaya ang sarap mo asarin eh," nakangising wika ni Ace.

"Hindi ako madaling mapikon. Magaling ka lang talagang mangpikon," ismid na sagot ng dalaga. "Hala sige, anong gustong mong kapalit? Bilis!"

"Bilis?" napasipol si Ace. "Excited ka na pala ha..."

Kagyat na natigilan si Ana.

"Excited saan?" puzzled na tanong nito kay Ace.

"Halikan ako."

Nanlaki ang mga mata ni Ana. Automatic na namula mga pisngi.

"HALIK?! Kailan ko sinabing hahalikan kita?!" nararattle na wika ni Ana.

"Yun yung gusto kong kapalit," cool lang na tugon ng binata. "At dahil nagmamadali ka, you kiss me now babe," pang-aalaska pa nito.

Naintindihan na ni Ana ang ibig sabihin ni Ace. Naalala rin bigla ni Ana ng bantaan siya dati ni Ace sa parking lot ng SABM. Na kung hindi siya sasama dito ay hahalikan ito ng binata.

Tinaasan nito ng kilay ang binata sabay taas ng kamao.

"Suntok gusto mo?"

Napahalakhak ng malakas ang binata sa naging reaksyon ni Ana.

"Napakaviolent mo talaga," Ace chuckled.

Binigyan ng light na suntok ni Ana si Ace sa balikat.

"Kung hindi ka lang nagmamaneho, super lakas na suntok aabutin mo sa akin," banta ng dalaga.

Tinawanan lang naman iyon ni Ace. "Kaya nga ngayon kita binibiro eh. I know you can't touch me."

"Hahaha," sarcastic na tawa ni Ana. "Humanda ka mamaya pagtigil nitong sasakyan sa harap ng apartment."

Napalis ngiti sa labi ni Ace. Pero muling ngumiti. 

"Ikaw ang humanda,"  bulong ni Ace sa sarili.

"Anong sabi mo?" ani Ana na bahagyang narinig pala iyon.

"Wala. Sabi ko parang gumaganda ka yata ngayon," baling nito kay Ana saka muling binalik ang tingin sa daan.

"Bola-bola ka diyan. Hmmpp. That's too late. Ready ka na lang mamaya."

"Akala ko makakalusot. Sige na nga boss," sukong sambit ni Ace.

Nagdiwang si Ana sa isip.

"Hmmm...pero bakit mo ba talaga ako tinulungan?" curious na tanong ni Ana kay Ace.

"Bakit?" umaktong nag-iisip si Ace. "Because I knew that you came to watch the game because of me. I knew that you wore that hot and uncomfortable mascot for me. I knew that you did it all those silly dancing and cheers for me. I knew. Kaya what I said there had a truth in it. Partially, it's my fault why you were in that mess. So tama lang na ibalik ko rin yung mga effort mo sa akin."

"Di ka naman conceited sa lagay na yan ano? Ha, for you talaga?" pang-aasar ni Ana para itago ang malakas na pagtibok ng puso. Pakiramdam kasi niya ay any minute ay maririnig iyon ng binata. Dyahe kapag punahin siya nito dahil doon. "Eh kung sabihin kong wala kang kinalaman kaya andun ako? Na trip ko lang magsuot ng mascot at icheer ang SEA?" hamon nito sa binata.

"Okay, say it," kaswal na payag naman ni Ace. "Pero sakaling maprove na nagsisinungaling ka, hahalikan kita ha. Deal?"

"What?! Yoko nga!" agad na protesta ni Ana.

"See... you did it for me," ubod ng lapad ang ngiting tugon ni Ace.

"Hindi nga ako pumunta sa-" naghesitate si Ana ng mapagtanto ang sinasabi.

Lecheflan! Hahalikan kaya talaga ako ng tukmol na ito?! tanong ni Ana sa sarili. Pero teka, paano niya maproprove na I'm not being honest?

Inalala ng dalaga kung may nasabi ba siya kay Ace na pwedeng gamitin ng binata against sa kanya. Pero dahil hindi makapag-isip ng maayos, wala siyang maalala kung meron nga ba talaga o wala.

Sa huli ay hindi na lang nakipag-argue pa si Ana at nakontento sa pagtingin sa labas ng bintana.

Pasimpleng sumulyap naman si Ace kay Ana at ngumiti na lang.

"We're here," anunsiyo ni Ace pagsapit nila sa tapat ng apartment ng dalaga. Tumingin ito sa apartment ni Ana. "You forgot to close your lights?" tanong nito ng mapansin na nakabukas ang ilaw sa may living room.

Napatingin din si Ana sa apartment. "Siguro nga..." Napailing ang dalaga. "Hmmm...pero parang pinatay ko naman yun ah," pabulong nitong wika sa sarili.

Inalis ni Ana ang nakakabit na seatbelt. "Sige, thanks sa paghatid ha," wika nito kay Ace.

Tumango lang si Ace.

Binuksan na ni Ana ang pintuan ng sasakyan at bumaba. Akmang isasara na nito iyon ng matigil siya ng marinig na magsalita si Ace.

"Ana..."

"Oh?"

"Bye..."

"Okay...bye din."

"Ana..."

"What?"

"Good night."

"Ha? Er--Nighty night din."

"Ana..."

"Ano?"

"Sweet dreams..."

"Kay..."

"Ana..."

"Oy, ano ba. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin," yamot na wika ni Ana kay Ace. Lagi kasing nauudlot pagsara niya ng pintuan ng sasakyan dahil maya't maya ay uma-Ana ito.

"Can you come nearer?" pakiusap ni Ace kay Ana.

"At bakit?"

"May sasabihin ako."

"Pwede mo namang sabihin mula diyan."

"Gusto ko marinig mo ng malapitan."

Diskumpyadong pinagmasdan ni Ana si Ace. Pero para matapos na ang diskusyon ay sumunod naman siya sa binata. Nasa labas pa rin ang katawan ay inextend niya ang upper body sa loob ng sasakyan. Ipinatong niya ang mga braso sa upuan ng kotse saka nakalumbabang tumingin kay Ace.

"Sabihin mo na," naghihintay na wika ni Ana habang nakalumbaba.

Ikinabigla naman ni Ana ng ilapit ni Ace ang mukha sa mukha niya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa balat niya.

Bumilis pintig ng puso ng dalaga. Hindi rin siya makagalaw sa kanyang posisyon.

Will he.... Will he.... Will he....

"Ana, I'm glad you came to watch," bulong nito sa kanyang tainga.

"Huh?" parang timang na tanong ni Ana.

Magkalapit pa rin mukha nila. Pero mas may distansiya na.

"Ba't ganyan reaction ng mukha mo?" tanong ni Ace habang tinititigan siya sa mukha.

"Huh?" wala sa loob na napahawak sa mukha niya si Ana. Puro huh na lang nasasabi nito.

Ace gave a teasing smile. "Akala mo siguro hahalikan kita ano?" tukso nito.

Dun natauhan si Ana.

"In your face!" saka binelatan si Ace. "Kainis ka talaga ever! I-eerase kita ngayong araw na ito sa memory ko! Alis ka na nga! Shoooo!"

Magpupull-out na sana si Ana palabas ng hatakin ito bigla ni Ace. Hinawakan nito ang mukha ng dalaga palapit and gave her a surprise attack. Siniil siya nito ng halik sa labi. Shock naman si Ana sa bilis ng mga pangyayari.

Nang matapos ang halik ay tulirong napalabas si Ana ng sasakyan hawak ang labing hinalikan. Though nakabukas pa rin yung pintuan kaya kita pa rin ng dalawa ang isa't isa.

"Y-you...y-ou...y-ou kissed me!!!" akusa nito kay Ace sabay turo sa binata.

Ace gave a satisfied smile. "I guess you can't erase me from your memory today huh?"

Pagkatapos ay mabilis nitong sinara ang pintuan at pinaandar na ang sasakyan.

"Grrrrrrrrrrrrrr!!!! Tukmol ka talaga!!!" nangigigil na sigaw ni Ana habang tinatanaw ang papalayong sasakyan.

In zombie mode na naglakad papunta si Ana sa apartment nito.

Magnanakaw ng halik! Magnanakaw!!! Nagpupuyos sa galit na wika ni Ana sa isip.

Nagflaflashed sa utak niya ang nangyaring halikan nila ni Ace. Mabilis lang iyon pero tumatak pa rin sa kanya. Ang malambot na labi ni Ace. Ang paraan nito ng paghalik.

He's a good kisser.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Napatigil si Ana sa pagpihit ng pintuan ng apartment dahil sa pumasok sa isip. "Good kisser?! Ana, paano mo nalamang good kisser ang tukmol na iyon eh siya pa lang naman nahalikan mo!!" parang engot na sermon ni Ana sa sarili.

Napatda si Ana sa sinabi.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Hinawakan ulit nito ang mga labi. "First kiss ko yun!!!!" Napastomp pa ang dalaga sa sahig.

"Aishhhh! Humanda talaga sa akin ang tukmol na iyon!!!" padabog na pinihit ni Ana ang seradura ng pintuan at binuksan iyon. "MAGNANAKAW NA TUKMOL!!!"

"Anak, ninakawan ka?" 

"What happened anak?"

"Ate?"

Parang aatakehin sa pusong napahawak si Ana sa dibdib. Hindi niya inakalang may tao pala sa loob ng apartment niya. At higit sa lahat di niya inaasahan na makitang andoon ang pamilya.

"Nay, Tay, Annisha? Kala ko bukas pa dating niyo?"

Nagtinginan ang tatlo sabay nakangiting tumingin kay Ana.

"Surprise!!!"

========================

A/N: Surprise, surprise, surprise! ^_^ An update!

Sorry for the the long wait! 

Tsaran! Naayos na laptop ko. Kaya nakapag-update rin sa wakas. (celebrate)

Thank you po sa patience sa paghintay ng update. 

Hohoho... ComVo po if you like the chapter. Thanks po sa mga nagcocomment at vote! 

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...