Getting His Attention (Comple...

By pinky_jenjen

319K 10.2K 2.3K

Jillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce an... More

Getting His Attention
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Author's Note

Chapter 2

8.8K 255 19
By pinky_jenjen


GHA Chapter 2

The sunlight had already seeped through the window, giving me hint that it was already late morning. I jumped out of my bed and did my morning routine.

Napailing ako nang makita ang mga naiwan na marka sa aking balat dahil sa kuko ng babaeng nakaaway ko kagabi.

Scratches, bruises, and headaches. Iyan ang mga madalas bumungad sa akin tuwing gigising ako. I get used to it. Well, having physical pain is still bearable. Except for a certain pain that has been instilled in me for ages. I've even learned to live with it. Nothing's new.

Mabibigat na hakbang ang aking ginawa pababa sa hagdan. Tumungo ako sa hapagkainan at nadatnan na ang mga nakahaing pagkain para sa'kin.

I sat on a chair and stared blankly at the wide spaces of the long table. What's the purpose of putting so many chairs when no one will sit on it? Nagiging display lang ang mga ito.

Napaka laki ng bahay; ako at dalawang katulong lang naman ang palaging nandito. Same scenario as always. Ganito madalas ang datnan ko, nakakabagot at araw-araw kong nararamdaman na may kulang—pilit mang punan, hindi pa rin sapat.

It's distressing as hell.

"Hija, ubusin mo sana ang pagkain mo. Baka sabihin nila Sir at Madam na pinapabayaan ka namin," pag-aalala ni Manang Trinidad habang nililigpit ang pinagkainan ko.

"Well, to begin with, malabong sabihin nila 'yon, Manang. Saka, sa kwarto ko na po sana dalhin 'yung pagkain sa susunod. Baka ganahan pa po ako," saad ko.

Wala rin namang pinagkaiba iyon. Parehong kakain din nang mag-isa.

"Hindi maaari. Hindi ba bilin ng Daddy mo na ugaliin mo raw kumain sa hapagkainan at dapat nasa tamang oras ka kumain."

Tanging tango na lang ang itinugon ko. Wala rin naman akong mapapala kung aapela pa ako. Umalis na lamang ako at naisipang mamalagi sandali sa bulwagan ng aming mansyon.

This is our family ancestral house. Sa side ng father ko ang malaking bahay na ito. Ancient style ang bahay, karamihan sa furniture ay antique at may classic designs. Ang flooring ay gawa sa makintab at kakaibang klase ng kahoy. May nakalulula ring silver chandelier at mga magagarang painting na hindi ko kailanman na-appreciate.

Ang engrandeng staircase ang pinaka agaw pansin pagpasok pa lang ng mansyon. It is made of polished old-hardwood with intricate designs on every edge of the stair and baluster. Pagtuntong sa itaas, makikita ang malaking picture frame kung saan nandoon ang family picture namin.

It was taken three years ago. Masyadong pormal ang pose. Apat kaming nandoon—my father, my mother, and my younger brother. My father, Liam Cojuangco is a Chinese-Filipino, rito na sa Areniego pinanganak at lumaki si Daddy. He met my mother—Cheril Serna Cojuangco na isang pure Filipina.

My Mom has a fair skin, rosy cheeks, thin lips and long-silky black hair. Hawig kami ni Mommy, ngunit mas maamo ang mukha niya. Medyo singkit ang aking mga mata na namana ko sa Daddy ko.

Si Xian na siyang nakababata kong kapatid ay kahawig naman ni Daddy.

Unang kita pa lang, malalaman na kabilang kami sa marangyang pamilya.

It seems like we have a perfect and happy family, but that's too far-fetched to be real. Kompleto kami sa picture na ito, ngunit bihirang makompleto sa personal.

Abala ang Daddy ko sa business niya. He has established his own mart here in Areniego. May bagong bukas din na branch sa Manila. Dahil may bahay din kami roon, mas pinili roon ni Daddy mag-stay upang maasikaso niyang maigi ang nagsisimula pa lamang na family business namin.

Nandoon din ang kapatid ko na si Xian na siyang pinag-aaral niya sa mas mahal na paaralan. Tini-train niya rin para maging katulong niya sa pamamahala ng business.

My Mom is out of the country. She's a teacher—a SPED teacher to be specific. May isang taon pa na kontrata si Mommy sa Singapore bago tuluyang umuwi rito for good. After her long-term work, titigil na siya sa propesyon niya at tutulungan na rin si Daddy sa pag-handle sa mga lumalagong family business namin.

While me... obviously nandito, naiwan.

Umuuwi sila kapag may gaganapin na okasyon o kaya bibisitahin ni Daddy ang main branch ng mart namin dito sa bayan ng Areniego.

Ang bayan ng Areniego ay isang malawak at maunlad na probinsya. It is known as probinsyudad. Modernized na dito: may mga nagtataasang buildings, schools at iba pang establishments.

I really want to stay here.

Mas pipiliin ko rito na mamalagi kaysa sa Maynila. Dito na ako lumaki at nasanay. Kung pwede lang sana na nandito na lahat ng branch ng business ni Daddy, edi sana madalas na sila rito at hindi namamalagi sa Maynila.

Ang nangyayari... tila nagiging bahay bakasyunan na lang ang bahay na 'to.

"Hija."

Naudlot ang pasaring ko sa buhay nang sumulpot si Manang Trinidad.

"Maliligo na po ako," palusot ko para hindi na pagsabihan ng kung ano.

"Sandali, hija. Tumawag ang Daddy mo. Papunta na raw siya rito at kakausapin ka raw."

My eyes widened in surprise. Pinroseso ko pa ang narinig at kalaunan nagdiwang sa aking isipan.

Dad is coming home! I should throw a party!

"Magluto po kayo ng masarap na putahe, Manang. 'Yung wine din po pala na favorite niya, pakilabas na rin," agarang utos ko at maagap na sumunod si Manang.

Hindi ko mapigilang mapa-ngisi.

Nagtagumpay ako sa plano ko. I anticipate this. I know Dad will rush here not because he wants to see his one and only daughter, but because he needs to discipline me again, for the nth time.

Who cares, anyway? Bahala na kung galit siyang pupunta rito, at least, napapunta ko. That's all that matters. Panigurado rin akong nakuha ko ang atensyon ni Mommy at mamaya tatawag din 'yon gaya sa hinihiling kong mangyari.

"Jillian!"

Umalingawngaw ang malakas na pagtawag sa akin ni Daddy nang dumating siya at matagpuan ako na nakaabang sa bulwagan.

"What a sudden visit, Dad! I'm sorry, hindi ko masyadong napaghandaan ang pagdating mo."

"You know what trouble you did again, right? I heard it from our family friend," walang ligoy-ligoy niyang sinabi na halatang iyon talaga ang pakay niyang pag-usapan.

Umiwas ako ng tingin.

I am aware of what trouble I did yesterday. I'm even aware that Dad is just controlling his anger.

Dad is only 49 years old. Hindi siya sakitin kaya maliit lang siguro ang posibilidad na atakihin siya ng hypertension... sana.

"Kumain ka muna, Dad. Mahirap na malipasan, galing ka pa naman sa byahe," alok ko at ngumiti. "Si Xian po? Hindi ba sumama?"

"Huwag mong iniiba ang usapan Jillian!"

Oppss. Napansin.

"You kissed a stranger and got into a fight with his girlfriend. Do you really know what you're doing, Jillian?" Napahilot ng sentido si Daddy. Huminga siya sandali nang malalim bago muling nagsalita.

"My friend who owns that bar told me about what happened. Nakita niya ang ginawa mong eksena," dismayado niyang pahayag. "Of all places Jillian, doon ka pa talaga. Nakakahiya sa mga Dizon!"

Napayuko ako at palihim na ngumisi.

That's my plan.

Sinadya ko talaga na roon pumunta dahil ang mga Dizon ang may-ari ng bar na 'yon—family friend daw, pero si Daddy lang talaga ang may kakilala roon.

If doon ako gagawa ng scene, alam kong mas mabilis itong makakarating kay Daddy. He would bother to discuss it with me since his great reputation with his compadre was at stake.

If I really wanted to party and cause trouble while avoiding being caught, I wouldn't choose a place where someone was associated with my family.

I'm not a dimwit. I know how to use my brain. Well, in fact, plotting clever ways to make them notice me is already my expertise.

"You keep bringing shame to our family. Puro ka kalokohan! Kailan ka ba titino?" he scolded, shaking his head.

That's not the main question here.

When will I feel like I'm your child, too? When are you and Mom going to give me your full attention without me doing my own thing to make both of you notice me? There. Gano'n dapat dahil 'yun ang dahilan kung bakit ako gan'to. Gusto ko mang itanong iyan, ngunit hindi ko kaya.

I am demanding even just a fraction of their time and attention. Hindi ko iyon sinasabi at hindi ako kailanman nagreklamo. I let them realize what I've wanted ever since.

Even it is pretty obvious.

"I won't let it pass Jillian. You are becoming worse. As a consequence, you'll get a reasonable punishment."

Napaawang ang bibig ko at handa nang tumutol ngunit nagsalita agad siya.

"You will transfer to another university. Prepare all your documents and be ready for the second semester enrollment."

"But Dad! Ayokong lumipat sa ibang private university," agarang apela ko.

Nasanay na ako sa pribadong unibersidad. I've been studying at Asian Institute College for almost three years now. Bukod sa university na iyan, wala na akong alam na private university sa lugar namin na mas tanyag dito.

"It's a state university," he clarified. "Areniego City University."

What?!

Naninimbang na tingin ang ginawa ko. No any hint of humor. Seryoso siyang palilipatin ako!

Shit! This is not the worst thing I've ever done! Ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na mapaparusahan ako nang ganito katindi—to the extent na palilipatin ako sa isang public university!

I couldn't imagine what my punishment would be once they knew my worst trouble I've gotten into so far.

It might be the end of me. That's a nightmare for sure.

"You don't need to resort to that decision, Dad. In fact, I'm doing well at my present university. Nag-aaral akong mabuti at pasado ako—"

"You almost have a failing grades Jillian. Cutting classes, cheating, sleeping during class, bringing alcoholic drinks inside the campus, and causing any kind of trouble. You think you could convince me that you are really doing well?" Umismid si Daddy at nagpakuha pa ng tubig na maiinom.

Nice, kabisado. Alam na alam 'pag puro negatibo o kamalian ang nagagawa ko. Well, guilty naman ako sa lahat ng 'yun.

But what else can I do? Life is boring, so I need to spice it up.

"This is for you Jillian," aniya nang mahimasmasan. "Areniego City University has an excellent quality education. Don't underestimate that state university."

Whatever.

Alam kong isang prebilehiyo sa isang estudyante na makapag-aral doon ng libre. Isa pa, kilala ang unibersidad na iyon dahil sa pagkakaroon ng mga estudyanteng may angking talino at kakayahan.

I've heard pasok sila sa top 10 universities dito na may mataas na bilang ng mga estudyante na nakakapasa sa board exam. Apparently, halos lahat ng estudyante roon ay competitive, studious, and grade conscious. They are maintaining their high academic performance. Mataas din kasi ang standard sa unibersidad na 'yon.

Sa sobrang taas, hindi ko naabot.

Hindi ako pumasa noon sa entrance examination.

Ano naman? Akala nila malulungkot ako. Bagsak nga na grades hindi ko iniiyakan.

It wasn't for me. Baka ayaw din ng ibang mga estudyante roon sa tulad ko na walang pakialam sa pag-aaral—or it's the other way around, dahil allergic ako sa mga taong mala-anghel ang ugali at sunog kilay sa pag-aaral.

"I hope you learn your lesson. Kung uulit ka pang magkamali at gumawa ng ikasisira ng imahe natin, guaranteed, you'll get another punishment," Dad firmly said in finality.

I was about to start another argument, but Dad excused himself because his cellphone kept on ringing.

Sinundan ko siya sa veranda. Abala na naman siya dahil sa sunod-sunod na kausap na kapwa negosyante.

"We're done talking Jillian. It's final," he curtly dismissed me.

Bagsak ang mga balikat na lumakad ako paalis at umakyat sa kwarto ko. I was about to give up when my phone suddenly rang. Dahil sa tuwa, agad ko itong sinagot.

"Mom!" naibulalas ko at natauhan sandali na hindi dapat masaya ang tono ng pananalita ko.

I need her sympathy.

"Mom I miss you. Mabuti at nakatawag ka na..."

Isa o dalawang beses lang sa isang linggo nagagawang tumawag ni Mommy sa akin. Her work needs more of her time... so be it.

Kailangan talaga gumawa ako ng isang kalokohan na mapapansin nila. 'Yung mapapatawag sila o kaya mapapapunta rito. Kaya kahit pagalitan ako at tadtarin ng sermon, nasisiyahan na ako kahit papaano.

I am already contented with a single talk, glimpse or even just a few seconds of their attention.

[Na-miss din kita Jil. I'm sorry for not calling you for days.]

"It's okay, Mom. Masaya na akong nakatawag ka ngayon."

[I heard from your dad about what happened to you. Please, don't make me worry. Avoid trouble as much as possible.]

Same as what I am expecting... tumawag siya para pagsabihan ako. Back to back sermon for today.

"Mom... Dad gave me a punishment! I don't want to be transferred to Areniego City University. I hope you can change his decision..." pagsusumamo ko.

I hope my drama is enough to convince her.

[We both decided that. It's for your own good. It's an opportunity for you to change and become a better person.]

Tss. Inuuto lang ako ng mga magulang ko.

Para tuloy akong drug addict na kailangan i-rehab upang magbagong buhay.

[I have to hang up this, class is about to start. Take care, and... behave, Jillian.]

The call ended just like that. Sinalampak ko ang sarili sa higaan at tumulala.

They punished me...

The black sheep in Areniego City University? Hmm... Let's see how I will enjoy my punishment.



_

©pinky_jenjen

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
7M 247K 52
deceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the...
2.4M 70.2K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
49.1M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...