Tainted

By PollyNomial

67.9K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 5

1.4K 35 0
By PollyNomial

KABANATA 5 — I Wish I Am


Nakatitig lamang ako sa tatlong lalaki. They keep on glancing at our direction but my companion here doesn't seem to notice. Nagtataka ako kung bakit hindi pa nila ako kinakausap gayung madalas na rin ang pagtingin nila sa akin. Perhaps they wonder who I am. Kahit sino rin naman sa kanila ay hindi ko pa nakikita rito sa building kung saan ako nakatira. Obviously, I don't know who they are. Maybe they're outsiders whose past time is to mess up with other people's business.

Pinanatili ko ang kamay ko sa aking hita. I don't want to cross my arms because it will look like I am challenging them or something. Sapat na ang mga blankong titig namin para ipahatid na ayaw namin ang isa't isa.

Thirty minutes have past when I heard a beep. Mabagal ang pagkilos ni Sukie. She did a quick look at the guys first and after seeing that none of them is looking at her, she read the message on her phone. Maliit lang ang kanyang ngiti ngunit sapat na iyon para malaman kong dumating na ang signal na kanyang hinihintay.

Tumingin ako sa labas. I saw a classy car just across the building. It's familiar. Medyo malayo ang sasakyan at tinted na rin kaya hindi ko makita kung sinong nasa loob. Ayoko pang maniwala sa hula ko. A few seconds past and a slightly tall figure went out of the car. Nalaglag ang panga ko nang makilala kung sino ang lumabas na babae. That familiar stance and wavy hair is hard to forget.

"That's her," bulong ni Sukie sa akin. She leaned against me and held my arm. Sa posisyong iyon ay para kaming magkasintahan na naglalandian. Nilapit niya ang bibig sa aking tainga at saka muling nagsalita. "They won't notice her if you keep your poker face. Stand up and go to them. Distract them or something, whatever. Just make sure that they won't notice her," she said to me.

I watched her. I smiled back then nod before I stood up and go towards the guys. Isa sa kanila ang tumingin sa paglapit ko.

Tinanguan ko sila nang tuluyan na akong makalapit. "Hey," utas ko.

Dumiretso ng upo ang isa. Isang posisyon na ginagawa ng lalaki kapag sa tingin niya ay hinahamon siya. Palakaibigan ang ngising ibinigay ko.

"Do you know any bar located nearby?" Kinuha ang atensyon ng isang hindi nakatingin sa akin. Nakatulala lang siya sa harap at baka madaanan pa ng mata niya sila Sukie at Zandra. "Sorry, I'm just new here," utas ko. Hindi ko na pinansin ang pangatlong lalaki dahil abala naman ito sa paglalaro sa kanyang iPhone.

Tumungo ang isang lalaki. Nag-usap sila sa mabilis na ingles at wala na akong pakealam kung ano man ang mga sinasabi nila. My concern is whether those girls behind me were able to sneak away from these guys. I have no idea what I am supposed to do here. Ni wala akong naisip na paraan kanina. Lalong wala akong maisip ngayon dahil ang laman na lang isip ko ay ang lumingon para makita ko uli si Zandra.

"By the way, I'm Andrew," iyon na lang ang nasabi ko nang tumunog ang elevator. My heart jumped when I heard it opening and closing. Tumingin ako sa kinauupuan ni Sukie kanina. Wala na ang maleta, mas lalong wala na sila. Ngumisi ako at binalik ang tingin sa tatlo.

The guy who's playing his iPhone stood up and cursed. "We missed her!" anito.

Pumalatak din ang dalawa. Tiningnan nila ako at blangko ang binigay kong reaksyon sa mga inis nilang mukha. I'm innocent here! Iyon ang nais kong ipakita.

Nakaigting ang mga panga nila nang pare-pareho silang tumayo. Nairita ako sa pagtalikod nila pero bahala na sila. They didn't have the chance to see Zandra. They weren't able to tease her or mess up with her just like what Sukie said. Hindi man nila ako kinausap at pinansin ay wala na akong pakealam. I secretly helped Zandra. Iyon ang mahalaga. Hindi niya alam pero nagkaroon na kami ng hindi direktang pagkakakilala. I started to hope that it won't end here. Ngayon pa't alam ko na na nandito lang siya sa building na tinutuluyan ko. Maybe she's in Sukie's room. Just a few doors away from mine.

Nakamulsa ako at hindi mawaglit ang ngiti ko. Nang makasalubong ko si Tan sa pagbukas ng elevator ay magaan ko siyang binati. Niyaya pa ako nitong sumama sa kanya sa isang party dahil Sabado naman bukas pero gaya ng dati ay tumanggi ako sa kanya. I had the same reason but I think it wouldn't be just it from now on. May isa pang rason kung bakit gusto kong maglagi na lang dito sa apartment ko.

I went up and when I saw Sukie's room, I had the urge to come near her door and listen to what's going on inside. But I think that's too much. I am not a stalker. Hindi ko rin naman inasahan ito pero ayokong pa munang kunin ang oportunidad. I could just knock on her door and deman for a thank you but didn't do it. Sapat na na natulungan ko siya at hindi ko kailangan ng kapalit. I am also thinking that perhaps she could thank me some other time. Sana ay ikwento ako ni Sukie sa kanya.

Sa gabing iyon ay natulog ako nang payapa. All problems vanished. Walang ibang laman ang utak ko kundi si Zandra at ang utang na loob niya sa akin. I am not planning on making her pay for it. Pero hindi ko mapigilang isipin ang mga susunod na araw na maaari ko siyang makita.

Lumipas pa ang mga araw. Wala akong ibang ginawa sa apartment kundi asikasuhin ang aking ina sa tuwing uuwi ako galing school. She'll leave tomorrow and yet we still haven't had much to do instead of arguing. May mga oras din naman na nagkakasundo kaming dalawa. I asked her if she wants to leave the apartment and go somewhere but she doesn't want to. Ang gusto lang daw niya ay makasama ako sa 'malliit' kong apartment at asikasuhin ako habang narito siya.

Wala nang bago. Hindi ko uli nakita si Zandra matapos nang gabing iyon. I can still remember how fast they walked and how Sukie tried to hide her from those guys. Nakakapagtaka at bakit kailangan niyang takasan ang mga ito. Maybe one of those guys is her ex-boyfriend. I frowned at my own conclusion. Hindi ko na rin nakita ang mga lalaki. Siguro ay isang gabi lang ang nilagi ni Zandra rito at nang hanapin ko siya kinabukasan ay nauna na siyang umalis.

"Are you sure you'll be okay here?" tanong sa akin ni mommy. I put down all her things and let the driver take it inside the car.

I pressed my lips. "Yes, ma," sagot ko sa pagsampung beses na tanong niya.

Ngumiwi siya sa akin at umirap. "You can't blame me. Ang nanay ay parating mag-aalala sa anak niya kahit gaano pa kabuti ang lagay nito," sambit niya.

Huminga ako ng malalim. Most of the time my mom is hard to deal with, but sometimes I just want to be with her the whole time no matter how many times we argue about me. Ganoon lang nga talaga siguro. Lumalambot parati ang puso ko kapag nakikita ko na ang kahinaan niya.

"For the nth time, ma, I am going to be okay. Uuwi ako kapag kaya ko na. Baka biglang magulat ka na lang at nasa bahay na ako next week, who knows?" ngumisi ako. Sana nga ganun lang kadali ang makalimot. "Alalahanin ninyo ang sarili ninyo. Pati si dad pakisabihan na 'wag pabayaan ang sarili at lalo na kayo," sabi ko.

Bumagsak ang mga mata niya at maluluha na yata. Bago pa mangyari iyon ay sinenyasan ko na ang driver. I opened the door for my mother and she hesitatingly went inside.

"Be good," paalala niya.

"I'll be fine, ma. Call me when you get to the airport. At kapag nasa Pinas ka na." Kinawayan ko siya.

Kumaway rin siya pabalik bago ko sinara ng tuluyan ang pinto at hinintay na makaalis ang sasakyan sa harap ko. Ipinamulsa ko ang mga kamay ko at tiningnan ang papalayung sasakyan. How I wish I could go home with her. But not now. Not yet. Iba ang rason na sinabi ko sa kanya at iba rin ang totoong rason na nasa isip ko. Bumuntong hininga ako at bumalik na sa loob ng building.

"Hey, Andrew!" mabilis akong lumingon sa tumawag.

My eyes went wide when I saw her. Agad akong naghanap ng kasama niya pero wala akong nakita.

"Sukie!" sambit ko at lumapit sa kanya.

Malawak ang kanyang ngiti. Saka ko lang napansin na kulay berde pala ang mga mata niya at napupuno ng maliliit na tuldok ang pisngi at ilong niya.

"Thanks for the other night," she cheerfully said.

Ngumisi ako at hinagod aking aking batok. "Sure. Anytime."

"I told my friend about you. She was very much thankful. Really. She hopes to meet you soon!" aniya. Parang kahit anong lumabas na salita sa bibig niya ay masaya. Kung magsalita siya ay parating pasigaw ngunit hindi naman masakit sa tainga.

"I can't wait..." nahagod kong muli ang aking batok. Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ko. God, what did I just say? Pinaglaruan ko ang labi ko habang si Sukie ay nanunuya na ang mga tingin sa akin.

"She'd be delighted to meet you," her eyelashes flicked as she said that.

Hindi ko alam kung bakit pero tumalon ng bahagya ang puso ko sa sinabi niya. I am so familiar with this kind of feeling. Pero ayokong isipin na ganoon iyon. Perhaps I am just too excited to finally meet Zandra and for her to meet me too. Hindi naman masamang ma-excite doon.

Laman ng utak ko ang araw na iyon. It's been a week since then. At hanggang ngayon, kahit anong hintay ko ay hindi naman nangyari ang pagkikilala namin ni Zandra. Hindi ko na rin nakita si Sukie matapos nun. We're on vacation now. I'll be starting college in just a few months. Nanlumo ako nang maisip na hindi na ako high school. Ganoon din siguro si Zandra. Baka pati si Sukie ay magkokolehiyo na rin. Ibig sabihin ay baka lumipat na sila ng titirahan habang ako ay mananatili rito dahil malapit lang dito ang unibersidad na papasukan ko.

Damn it! I can't think clearly. Nababaliw ako sa loob ng apartment ko habang inalala ang mga dapat kong gawin. I had finished my college applications. Naipasa ko na rin iyon nung isang buwan. I am just waiting for their letter or email. Hopefully, mayroon na sa makalawa. Nakakainis lang dahil nahuli ako ng pasa. I hope I'm not too late, though.

Naalala ko uli si Zandra nang magising ako sa umaga hanggang sa sumapit ang gabi. I imagined her wavy hair, her long legs, and her beautiful smile. Hinding hindi ko nakakalimutan ang unang ngiti niya noong naroon ako sa bahay ng boyfriend niya. Hindi ko nakkaalimutan ang tunog ng tawa niya habang nakikipag-usap sa kaibigan niya roon sa parking lot ng aming school. Hindi ko rin nakakalimutan ang mahinanon niyang boses nang tawagin niya si Helen at ayain itong sumama sa kanya. At mas lalong hindi ko nakalimutan ang tapang ng kanyang boses, ang naluluha niyang mukha, at ang iritado niyang hitsura nang makiusap siya sa boyfriend niya na umalis na sila sa lugar na ayaw niya.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Why am I feeling a lot of things in just one girl? It isn't hard to find the answer. Pamilyar na ako rito. Pero mas intense ang mga nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip sa kanya. Mababaliw ako sa ilang linggong hindi siya nasisilayan ng mga mata ko. Ang dami ko na ngang hiniling sa Diyos para lang makita ko lang siya ulit. At hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang lahat ng ito gayung pangalan at hitsura lang naman ang alam ko sa kanya. She doesn't even know me for god's sake! Paano ako nakaramdam ng mga ganito sa babaeng hindi ko naman lubos na kilala?

Tumayo ako at kinuha ang iPhone ko na kanina pa tumutunog. Owen sent me a message a while ago saying that they'd be in a new bar in the city. Ayoko na sanang patulan ang pag-aaya nila pero sa tingin ko ay ito na ang kailangan ko. Alcohol can be a temporary remedy. Wala naman akong alak dito sa bahay dahil sa pamimilit ni mommy na itapon ang mga nauna nang stock sa ref ko. Hindi pa ako nakakabili mula nang umalis siya.

I took a quick shower and put on a black shirt and pants. Sinuklay ko ng daliri ang aking buhok at tumingin lang saglit sa salamin bago kinuha ang aking susi at lumabas ng apartment.

Mabilis ang paandar ko sa aking pick up. Nag-text na ako kayla Owen na darating ako at sa tingin ko ay hindi na sila magkandaugaga sa pang-aasar sa akin. This is the first time I will go to a bar after so many months of staying here. In fact, this is the first time since I was born.

Lumabas ako ng aking sasakyan. Tumambad sa akin ang maraming tao sa labas ng bar. Nasa labas na si Owen nang lumapit ako sa dalawang lalaking nagbabantay sa tabi ng leather na pinto.

"He's with me," he said to one of those huge men. Hinila niya ako papasok sa loob at nabingi agad ako sa ingay ng musika.

My eyes sting when I saw the dancing neon lights. Ngumiwi ako at nilagpasan ang malalagkit na katawang bumabangga sa akin habang naglalakad sa malawak na bar.

Kahit noon sa Pilipinas ay hindi pa ako nakakarating sa ganitong lugar. Bata pa ako nang umalis ako ng Pilipinas. Bata pa rin naman ako hanggang ngayon kumpara sa tamang edad ng mga taong makikita rito. Pero iba yata rito sa Amerika. Kahit ano ay pwede. Ang alam ko ay kailangan ng fake I.D kung gustong makapasok dito. Pero mas maganda kung may koneksyon ka.

Inabutan ako ni Owen ng baso nang makarating kami sa lugar kung nasaan ang mga kasama niya. I knew some of them but some are just acquaintances. Nakipag highfive si Ethan sa akin nang mamataan ako pero hindi ko na siya nakausap dahil tumayo na sila ng kasama niyang babae para magpunta sa dance floor.

I may be here with them but my mind is flying somewhere. Owen and Ethan kept on dragging me away from my sit but I just shook my head. Iniwan din nila ako nang magsawa sila sa akin. I ordered a few more drinks. Kahit na medyo marami na akong nainom ay malinaw pa rin ang pag-iisip ko. A girl came near me but I didn't entertain her dirty moves. Umalis siya nang wala siyang makuhang response sa akin. I didn't come here for that. Natuto na ako sa unang babaeng nakasama ko noon sa party at hindi ko na uulitin iyon.

Ilang minuto lang akong tumulala sa aking kinauupuan nang maubos na naman ang boteng hiningi ko kanina sa waiter. Naghintay ako ng darating nang mainip at tumayo na mismo para pumunta sa counter.

Sumiksik ako sa mga taong walang pagod na sumasayaw sa gitna. They had a great music here but dancing isn't my thing. Hinahagod ko ang aking batok nang may isang lalaking bumangga sa likod ko.

"Fuckingasshole! Don't you dare touch me!" nakuha ng sigaw na iyon ang atensyon ko. But it isn't just that shout that made me want to turn around. It's the voice.

Ang lalaking bumangga sa akin ay nadatnan kong nakahiga na sa sahig. A bouncer helped him get up but he just pushed the man's hand away. Tumayo itong mag-isa.

"You're amazingly hot, Zandra. But you're a crazy motherfuck—"

Bago pa niya matapos ang sasabihinay hinila ko na siya at sinuntok sa mukha. I was so enraged and all I wanted to do was to kick the guy's face. Masakit na ang pagkakakuyom ko sa aking kamay pero sa galit ko ay namanhid na yata ang buong katawan ko. Ang nararamdaman ko lang ay ang apoy na dumadaloy ngayon sa dugo ko.

"Have you ever heard of the word respect, dude?" I can't avoid the coldness in my voice. Nanlilisik ang mga mata ng sinuntok kong walang kwentang lalaki pero mas matalim ang pinukol kong tingin sa kanya.

"And who are you? The boyfriend? Ugh! Fuckthis shit, I'm outta here," tinulak niya ako palayo pero hindi siya nakaiwas sa pagkwelyo ko.

"I wish, dude. I wish I am. 'Coz you know, if I were her boyfriend and you insulted my girl, I'll ruin your face until no one will ever dare to look at you anymore. They'd be disgusted, I'll make sure of that," I whipered to him as I gripped his collar.

Binitiwan ko ang kwelyo niya at kahit magaan lang ang pagbitaw ay halos manginig siya sa pag-atras. I didn't know I'd sound so frightening. Ganoon ang hitsura niya nang tumakbo siya paalis ng dance floor. Halos bumangga pa siya sa mga taong nakasalubong niya at nanonood sa amin.

Hinanap ko si Zandra. Everyone's watching me as I turned my head and looked for her in the crowd. Nang makita ko siya ay huminto ako sa pag-ikot. I bit my lip and clenched my fist.

I'm so sorry for what he said. It will never happen again. I wouldn't let that happen again.

Gusto kong isambit iyan pero nanatili lang ang mga salita sa isip ko hanggang sa tumingin siya sa lalaking katabi niya.

It's her boyfriend beside her. Namuo ang galit sa buong sistema ko but this one's not my business anymore. Siya ang boyfriend, hindi ako. He can have her for all he want although he wasn't able to defend her. Nangunot ang noo ko at lumingon uli siya sa akin. She's looking at me so deeply it makes my heart ache. Parang pinipiga ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Parang natatakot akong galit din siya sa akin. But wait, why would she get mad at me? I just saved her from that douchebag.

Hinawi niya ang kanyang buhok at inayos ang bistidang hapit na hapit sa kanyang katawan. I couldn't blame the guy if he wants her. God, I want her too!

May mga binulong siya sa katabi niya at mas lalo lang akong nakaramdam ng pangingirot sa dibdib nang umalis siya sa paningin ko.

I don't want to follow her but my mind is telling me otherwise. May pakiramdam akong kailangan kong ipaliwanag ang sarili ko sa kanya.

And so, that's what I did. Hinayaan ko ang mga paa kong humakbang upang sundan siya.


Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 353 34
Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library and making sure no one will acknowledge...
27.7K 569 58
Emeticia was living her life to the fullest in the most balance way, dreaming of becoming a successful Engineer someday without the help of anyone bu...
325K 17.3K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
8.7K 282 38
Wattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hi...