Kabanata 37

896 26 0
                                    

KABANATA 37 — Now or Never


Sebastian insisted on driving his own car on the way to the restaurant. Aniya'y hindi naman ito malayo at kung nais kong balikan ang sasakyan ko mamaya ay ihahatid na lang niya ako. Hinayaan ko siya sa gusto tutal ay siya naman ang nagyaya.

He brought me to a familiar fine dining restaurant. Hindi na ako nagtaka. Nabanggit ni kuya noon na si Sebastian ang nagpakilala sa kanya ng masasarap na pagkain dito. He's a relative of the owner. At ito lang ang malapit na restaurant sa lugar kung saan kami nanggaling. Malamang ay rito rin talaga niya ako dadalhin.

"Have you tried eating here? The food here is great," aniya habang sabay naming tinatanggal ang seatbelt.

"Yes. Nadala na ako ni kuya rito," sagot ko. Sabay kaming lumabas ng kanyang sasakyan.

I felt the familiar air of the place. Samu't saring alaala agad ang dala nito. Iyong pakiramdam na sa amoy pa lang ng paligid ay naaalala mo na siya, iyon ang nararamdaman ko ngayon. I smiled at the simple memory.

"Shall we?" naglahad ng kamay si Sebastian sa akin.

Tinanggap ko naman iyon at gaya ng ginagawa ng isang magalang na binata, inalalayan niya ako sa tatlong baitang na hagdanan at pinagbuksan ng pinto. He asked for a table for two and the waitress lead us there. Doon ay pinaghila ako ni Sebastian ng upuan upang makaupo.

"Thank you," I mumbled politely.

Nakangiti siya sa akin matapos ay naupo na rin sa harap ko. He ordered the food. Ako naman ay kahit ano basta nakakain at katanggap tanggap sa aking panlasa. But this is new to me because they serve Filipino dishes that I haven't tried before. Ilan lang namang pagkaing Pinoy ang aking natikman at mga luto pa iyon ni Andrew. I have never tried a Filipino dish served in a restaurant until kuya brought me here. I wonder if they have a specialty in their menu cooked by Andrew. Pero gaya nga ng sabi niya, hindi siya ang chef ng restaurant at taga-pamahala lamang.

"You probably know that Andrew owns this restaurant," ani Sebastian sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Napatingin ako sa kanya. Isang tipid na ngiti ang nasa aking labi. "Kailan ko lang nalaman. The time when kuya brought me here," sambit ko.

Dalawang beses siyang tumango. He sipped from his wine glass and looked at me again. Ngayon ay mas naglaan siya ng atensyon sa pakikipag-usap sa akin.

"So, how did you two meet?" kuryosong tanong niya.

Nagkibit ako ng balikat bilang pahayag na hindi gaanong makabuluhan ang pagkakakilala namin ng kanyang pinsan. It is for me, but I don't think he would see it that way.

"Sa New York. Nakilala ko siya roon. He is my friend's neighbor and a schoolmate too," simpleng sagot ko. I don't want to speak the details so I just settled on the general part. Sapat na mga iyon bilang sagot sa kanya.

"Uh... I see. Wala kasi siyang nababanggit na kakilala ka niya. Minsan kaming nagkasama sama ng kapatid mo. The three of us went to your brother's club and he was there when Zac and I were talking about you," itinagilid niya ang ulo. "Naalala ko lang 'yon dahil natahimik siya mula nang pag-usapan ka namin."

"Baka talagang tahimik lang siya," ngumisi ako kahit kasalungat ng nasabi ang nasa isip ko. Maybe he doesn't want to talk about me that was why he's silent.

"I don't think so," iling niya.

Ngumuso ako at piniling huwag nang sumagot. Sebastian is a one curious man. Hindi yata siya titigil sa pakikipag-usap tungkol kay Andrew.

TaintedWhere stories live. Discover now