Epilogue

2.1K 51 11
                                    


This is the last. Thank you so much for the support. 

---

EPILOGUE


Kahit na masakit, ginawa ko ang lahat para lang matapos ang sinimulan ko.

When Zandra left me, I had the determination to continue what I started when I first learned her story. Although I long for her most of the time, I just ignored it and took it as a challenge that I need to go through before I could see her again. Tiningnan ko iyon bilang paraan para magkitang muli kaming dalawa. Kapag naging maayos na ang lahat, kapag nalaman ko na ang tulong na kailangan kong ibigay sa kaniya, maaari ko na uli siyang makita. Kung kailanganin niya ako, handa ako sa tulong na ibibigay ko sa kaniya.

"This is the only picture I've got. Mukhang ipinabura ng mga magulang ni Zandra ang mga bakas ng kaso noon," anang ibestigador na kinuha ni daddy.

My father told me that he's the best in what he does. Siya na raw ang pinakamagaling na imbestigador sa Pilipinas. We are paying him the right amount so he must give me the things I need.

Tiningnan ko ang litrato. Sumama agad ang loob ko sa unang kita ko pa lang dito. The man in the picture looked respectable. Pormal ang pagkakakuha sa litrato. Para itong isang identification picture niya. Saktong mukha at kaunting parte ng kaniyang damit ang nakita. He didn't look like someone who's going to abuse a little innocent girl.

"Is this the real him?" tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala.

"Yes, sir. But I'm sorry to say that this is the only thing I have about him," aniya.

Umiling ako. "Wala na ba siyang pamilya?"

Tumagilid ang ulo nito. "Patay na ang mga magulang niya. He has no other family or relatives in the Philippines. Marahil ang iba ay nasa ibang bansa. I can trace where they are, sir, if you want," aniya.

"Do you think it would be helpful?" tanong ko pa.

Umiling siya. "Hindi ho, sir. Dahil ayon sa mga nalaman ko, ang mga kamag-anak nila ay matagal nang nag-migrate sa ibang bansa. Wala sila rito sa Pilipinas nang maganap ang mga pangyayari."

Tumango ako. Kinuha ko ang lahat ng impormasyong iyon. Ilang folders ang nasa ibabaw ng office table ko. Imbes na trabaho ang aking inaasikaso ay ito ang pinag-aaralan ko. Dad understands. Mom doesn't know about this and I do not intend on telling her. Daddy knowing about this is already enough. Kapag nalaman ni Zandra na ipinaalam ko ito sa iba ay maaaring magalit siya.

Umuwi ako ng Pilipinas upang maasikaso ang lahat ng ito. Hindi ko na nakayanan ang nasa New York ako habang narito ang ginaganap na mga imbestigasyon. Nagdesisyon akong umuwi nang malaman kong wala na sa New York si Zandra. Naalala ko pa ang gabing ibinalita sa akin ang pag-alis niya sa bansa.

One night, while I was too busy moping around my apartment, a knock crashed on my door.

Nagmadali ako noon. Halos talunin ko ang papuntang pintuan. No one knocks at my apartment. My friends are out of town at wala namang ibang bumibisita sa akin. Unang sumulpot sa isipan ko ay ang mukha ni Zandra.

But instead of seeing Zandra, I saw someone almost identical to her. A man version of my beloved.

"What are you doing here?" tanong ko. Sobrang lamig ng boses ko na kahit ako ay kinilabutan doon.

Tinitigan lang ako ng lalaking nasa harap ko. Malamig din ang mga tingin niya. His eyes moved from my head down to my feet. Sinusuri siguro niya kung gaano ako kamiserable.

TaintedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora