Kabanata 44

903 23 0
                                    

KABANATA 44 — I Cannot


Tatlong itim na folder ang inabot sa akin ni kuya nang magkita kami sa condo niya. Dito ako sinundo ni Owen kanina at dito niya rin ako hinatid. Kuya was, again and always will be, worried. Kahit pa nagpaalam kami ni Owen sa kaniya ay hindi pa rin siya napakali. Nang mag-text siya kay Owen ay agad kaming umuwi.

"What are these?" tanong ko habang nakalebel sa kaniyang mukha ang hawak kong mga folder.

Kuya sighed and closed his eyes for seconds. Nang buksan niya iyon ay may kislap ang kaniyang mga mata na hindi ko mabasa.

"Andrew came here..." Hindi pa siya natatapos ay sumingit na agad ako.

"Andrew was here?" halos maghisterya kaagad ang aking puso. Ginusto kong linungin ang buong kwarto pero alam kong imposibleng makita ko si Andrew. Kuya used a past tense.

I suddenly felt a space in my heart. Naalala na naman nito ang ginawa ko kay Andrew. No, he's not gone but it still felt like he is. Ang hirap isipin na malayo siya sa akin at ako mismo ang may gusto niyon.

"Dinala niya ang mga papeles na iyan," ani kuya.

Nakabawi ako at agad ko siyang pinakinggan.

"Kinausap niya ako at ibinigay niya ang mga 'yan. He said it could help you. Inside those folders are the information about... you know," ani kuya na mabilis pang sumulyap kay Owen.

Nilingon ko rin ang aking kaibigan. Curiosity was written all over his face. May panunuri sa kaniyang mga mata habang pabalik balik ang tingin sa amin ni kuya. He didn't speak a word, though.

"Paano niya ito nakuha?" tanong ko kahit na may kaunti na akong hula.

Nagkibit ng balikat si kuya. "He didn't mention to me how he got those information. Ang sinabi lang niya ay noon pa niya hawak ang mga iyan. He knew everything and he's just waiting for the right time to tell it to you," tumagilid ang ulo ni kuya at saka nilapitan ako. "Obviously, you're not yet ready."

"Yeah, you're right." Hindi ko na kailangan magsinungaling. It was really obvious. Pruweba ang nangyari sa akin nitong nakaraang araw.

"Hindi ko pa nakikita ang laman niyan. I thought it was too personal and it's for you to find out. But if you need help, o kung hindi mo kaya, I'd be more than willing to do the readings for you," usal ni kuya.

Napayuko ako. Hawak ko sa dalawang kamay ang folder. I looked at the label. Walang pangalang nakasaad doon pero naka-print ang mga pamagat nito.

'Biography and Death'

'Family Background'

'Articles About the Case'

Hindi magawang magtagal ng mga mata ko sa huling folder. I hid it at the back of the others. Alam ko na ang lahat ng tungkol sa krimeng nangyari noon. Kung may hindi man ako alam ay iyon ang mga nangyari matapos kong lumipad patungong Amerika.

"Ako nang bahala sa mga ito, kuya," utas ko. Tiningnan ko si Owen. "Thank you for today, Owen. I appreciate it a lot," sambit ko sa aking kaibigan. "At 'wag kang mag-alala. Malalaman mo rin kung anong nangyayari. I just need some time."

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. I don't know if it was a good smile. O halata ba na napipilitan lang akong gawin iyon para maisip nila na maayos ako. I turned my back and didn't wait for their reaction. Dumiretso ako sa aking kwarto.

I couldn't wait for another hour or another day for me to read what's inside the folders. Kaya naman binuksan ko ang unang itim na folder. Umupo ako sa kama at binasa ang laman niyon. Ang tungkol sa buhay ng lalaking itinuring kong ama noon.

TaintedOn viuen les histories. Descobreix ara