Kabanata 41

895 22 2
                                    

Finally! Tapos na ang board exam ko. Sorry dahil matagal ang updates at hindi na sunod sunod. Naging abala lang sa exam ng buhay ko. Lol. So, ito na. Enjoy!

---

KABANATA 41 - Tiny Pieces


Hinila ni Andrew ang kumot upang matakpan kaming dalawa. I took in a deep breath then sighed. Naririnig ko ang mahinang pagtikhim ni Andrew habang sinusubukan pa ring ayusin ang aming pwesto.

"There. I feel comfortable right here," aniya nang masiksik na niya ang ulo sa pagitan ng leeg ko.

Tumawa ako at niyakap ko siya. After our conversation about the changes in my life, we went here in my room and made love. Kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa ko ang bagay na ito. I hated the idea before. I hated men, I hated relationships, I hated everthing about it. Pero nandito ako ngayon, kasama ang taong pinakamamahal ko. We made love to each other over and over again and it was the best thing that happened to me for so many years.

"Mahal na mahal kita," untag ko nang maramdaman sumisikip ang dibdib ko. It feels like my heart will burst if I don't say it to him. Sobrang punong puno ako ng pag-ibig para kay Andrew.

Huminga siya. I titlted my head and giggled a bit. Nakakakiliti ang hangin mula sa kanyang bibig.

"Mahal na mahal din kita, Zandra. If I try to measure my love for you, it would be endless. Kaya huwag na lang. I'll just show it to you dahil baka hindi ako matapos sa pagsukat."

Natawa kaming pareho roon. Naramdaman kong naging banayad ang kanyang paghinga. I take it as a sign that he's already sleeping. Pumikit na rin ako. Isang mahimbing na tulog ang dulot sa akin sa tuwing katabi si Andrew.

The next day, I woke up with Andrew still on my side. Pero imbes na tulog ay nakangisi niya akong pinagmamasdan.

"Good morning, honey!" aniya sa masiglang tono.

Kumurap ako at hindi napigilang ngumiti. Nag-inat muna ako habang nakapikit bago siya binati.

"Good morning!" bulalas ko.

Dumapa siya sa kama at ipinahinga ang baba sa kamay. "How's your sleep?" tanong niya.

"The best I've ever had. Kasi katabi kita," naglalaro ang kapilyahan sa boses ko. I didn't know where I got that tone. Basta lang kapag kasama ko si Andrew ay kaya kong maging pilya.

Ngumuso siya. Medyo umatras ang kanyang ulo. Iyong tipong hindi naniniwala. "I believe you. Nagising ako kagabi at nakita kong nakangiti ka habang tulog. You even mumbled my name," bunyag niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. "Di nga?" tanong ko. Napaupo ako sa kama. Hindi siya nagulantang sa gulat ko. Imbes ay tumawa lang siya at dahan dahang tumayo.

"Yeah. And I love it," sabi niya. Hinagis niya sa akin ang kumot na inalis niya sa katawan. He walked around my room naked and confident.

Pakiramdam ko ay pulang pula ang aking pisngi sa nakikita.

"Maligo ka muna!" sigaw ko sa kanya nang makitang nagsusuot na siya ng mga damit na hinubad kagabi.

Kinagat ko ang aking labi habang pinapanood siyang unti unting natatakpan ng mga tela.

"I already had a shower. Tinabihan lang kita dahil sobrang himbing pa ng tulog mo," aniya.

Kumunot ang aking noo. Si Andrew ang pilyo! Naligo na pala siya pero kahit boxers ay hindi man lang niya naisipan suotin?

Hindi na lang ako nagsalita. He can do whatever he wants. Wala akong magagawa dahil lahat naman ng gawin niya ay nagugustuhan ko. I just love everything about this man.

TaintedWhere stories live. Discover now