Kabanata 11

989 32 1
                                    

KABANATA 11 — Ikaw Ang Una


Mabilis ang patakbo ko ng aking truck. I haven't even glanced at the new look of my car when I rode it just minutes ago. Sa mga sinabi ni Sukie at sa kanyang tono ay wala na akong ibang naisip kundi ang makita si Zandra at maialis siya sa bar na pinuntahan niya.

I could hear Sukie's gasps as I step on the gas. Pabilis lamang ng pabilis ang aming takbo at dahil walang traffic ay malaya ko iyong nagagawa.

"Hey! Can you please calm down... Oh my gosh!" matinis niyang reklamo at humawak ng mariin sa kanyang seatbelt.

That is the use of seatbelts. Bakit pa maglalagay ng ganoon sa sasakyan kung hindi mo naman magagamit kapag mabilis ang patakbo nito?

Suminghap ako at sinapo ang aking noo. Hindi na ako mapakali habang nagmamaneho. If I continue being like this, we might get into an accident.

"She's with her brother, Andrew. I just thought that she wouldn't be safe there because sometimes she's alone when her brother leaves her. He owns the bar," aniya na parang hindi ko iyon alam.

Hindi ko pinansin ang lahat ng sinasabi niya. Paulit ulit siya sa mga iyon kanina pa. Hanggang sa makarating kami sa hanay ng mga clubs ay kahit sulyap ay hindi ko siya binigyan.

I went out of the car as soon as I parked it outside the bar. I heard Sukie's footsteps following me. Nakilala yata ng bouncer si Sukie sa likod ko kaya hinayaan ako nitong makapasok. I don't know what she said to him but he just let me come inside the bar.

Maingay na musika ang sumalubong sa akin. My eyes adjusted to the bright lights and when I can see more clearly, I walked my way to every part of the bar. Hindi ko makita si Zandra!

"Andrew!" nalunod ang sigaw na iyon. But I turned back to Sukie and saw her running to me. Tinaas niya ang kanyang phone. "She's in the restroom," aniya.

Naliit ang mga mata ko sa maliwanag na screen ng kanyang phone at nabasa ang message doon.

Come. Restroom.

Ang simpleng text na iyon ay hindi nagpakalma sa magulo kong sistema.

Tinalikuran ko si Sukie. Hinanap ko kung nasaan ang banyo ng mga babae hanggang sa makita ko ang sign nito na may puting ilaw. Nagmartsa ako patungo roon.

"I'll come inside," nilingon ko ang nakasunod na si Sukie. I let her go inside and waited for them.

Hindi ako mapakali. Panay ang paglalakad ko sa labas ng banyo. Some girls came in and out of the restroom. Walang nakapansin sa akin dahil sa sobrang lasing nila. Umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko. How can a brother bring her sister in a place like this? Noong inakala kong boyfriend siya ni Zandra, galit na galit na ako sa mga ginagawa niya sa girlfriend niya. But now, he's the brother for god's sake! He should be protecting his sister from this fucking place. Or at least don't leave her alone!

Nagngingitngit ako sa galit. I'm sure when I see that stupid Zac, my instict would just work for me. I would punch him hard in the face. I will make sure na magigising siya sa kagaguhang ginagawa niya sa kapatid niyang babae. How could a brother act that way? Parang wala siyang pakealam sa sariling kadugo. I would never do that if I were him. I'd probably kill myself kapag nalaman kong may masamang nangyari sa kapatid ko dahil lang iniwan ko siyang mag-isa.

Ang paglabas ni Sukie mula sa banyo ang nagpabalik sa aking sa katinuan. Galit galit ako sa kapatid ni Zandra pero hindi dapat iyon ang iniisip ko ngayon. Dumiretso ako ng tayo nang makita ang malungkot niyang mukha. She was shaking her head to me.

TaintedWhere stories live. Discover now