Kabanata 14

1K 32 0
                                    

KABANATA 14 — Nababaliw


Nakipag kita ako kay Owen at Ethan para makipag catch up dahil matagal tagal na ang huling pagkikita namin. Ang dalawa ay abala na sa pag-aasikaso para sa college at sa kanilang mga pinasok na trabaho upang makapag-ipon ng pera.

"I got a scholarship because of football. Dad told me he's proud," ani Ethan. Positibo ang sinasbi niya pero mukhang hindi naman siya masaya.

"So proud... but your face is like that?" patanong na sambit ni Owen. Tinuro niya ang mukha ni Ethan na parang binagsakan ng langit at lupa.

Umiling ako at ngumisi habang pinaglalaruan ang aking inumin.

"Because I hate it! I don't want him to be proud of me," pasigaw na sabi ni Ethan at hinampas pa ang mesa.

Tumawa kaming dalawa ni Owen. Sinong mag-aakala na ang mahilig mag-party at uminom na si Ethan ay may problema rin sa pamilya? He has an alcoholic mother and a genius father. That's quite a combination. Hindi ko maintindihan ang mga kwento niya pero sa suma total ng mga iyon, hindi nagkakasundo ang mga magulang niyang malapit nang mag-divorce. His mom doesn't want to take him while his dad has a set of conditions if he chose to live with him. Isa na nga ang makapasok sa pangarap nitong university para sa kanya at maglaro ng football.

"Don't be stupid, dude. You got a scholarship. Maglalaro ka lang ng football. Hilig mo naman iyon, why not just go for it?" utas ni Owen.

"I agree with him," sunod kong sinabi.

Umiling si Ethan. Lumipat ang tingin niya sa akin. Tumagilid ako upang makaharap sa kanya. "And then I'll be his slave for the rest of my life," aniya at sinapo ang ulo.

Wala kaming nagawa kundi panoorin at pakinggan ang kanyang mga hinaing sa kayang pamilya. Habang sila ni Owen ay nag-uusap at nagtatalo kung gaano siya kswerte ay sumulyap ako sa aking phone.

Tinipa ko iyon upang umilaw at ang pag-asa ko ay naglaho na naman. Zandra hasn't texted me for two days. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko sa kanya. Every time I call her, it will just go to the voice mail. Naiinis na ako pero naisip kong baka busy siya.

Hindi ko alam na nagtatrabaho pala siya. She never mentioned that until the other day. Gusto kong itanong kung ano ba ang trabaho niya pero hindi ko pa siya nakakausap. I wonder if her workplace is harmless. I wonder if she's safe right now.

"I'll be leaving next week." Iyon na lang ang naintindihan ko sa sinabi ni Owen nang tumingin at makinig ulit ako sa kanila.

Tinatamad akong humilig sa sandalan. "Lilipat ka na agad?" tanong ko.

"Yeah. I found a job in California. I'm planning to work while I study for college," sabi niya. "Kahit na may allowance ako from dad, it's still not enough." Doon ko nakita ang pinagkaibiga nila ni Ethan. Kaya naman sobra ang pagalit ni Owen dito.

Tumaas ang kilay ko. Si Ethan naman ang nagkaroon ng tsansang mang-asar. "Woah! Didn't expect to hear that from you," tuwang tuwa siya nang sumimangot si Owen.

Nang dumating ako rito, hindi ko na inisip na maghanap ng mga kaibigan habang inuubos ko ang oras sa pag-aaral. Hindi ko naisip na magkakaroon ako ng mga Pilipinong kakilala rito na hanggang ngayon ay kasama ko pa rin. They were true to me kahit na madalas nila akong pinagtutulungan. Sa loob ng pagsasama namin nila Owen at Ethan ay isang bagay lang ang hindi namin napagkasunduan. Ito ay ang mag-party tuwing weekend at mambabae. They still carry my culture, somehow. Kaya nagkakasundo kami. Pero mukhang paubos na ang mga araw na maaari ko silang makita.

TaintedWhere stories live. Discover now