Kabanata 5

1.4K 35 0
                                    

KABANATA 5 — I Wish I Am


Nakatitig lamang ako sa tatlong lalaki. They keep on glancing at our direction but my companion here doesn't seem to notice. Nagtataka ako kung bakit hindi pa nila ako kinakausap gayung madalas na rin ang pagtingin nila sa akin. Perhaps they wonder who I am. Kahit sino rin naman sa kanila ay hindi ko pa nakikita rito sa building kung saan ako nakatira. Obviously, I don't know who they are. Maybe they're outsiders whose past time is to mess up with other people's business.

Pinanatili ko ang kamay ko sa aking hita. I don't want to cross my arms because it will look like I am challenging them or something. Sapat na ang mga blankong titig namin para ipahatid na ayaw namin ang isa't isa.

Thirty minutes have past when I heard a beep. Mabagal ang pagkilos ni Sukie. She did a quick look at the guys first and after seeing that none of them is looking at her, she read the message on her phone. Maliit lang ang kanyang ngiti ngunit sapat na iyon para malaman kong dumating na ang signal na kanyang hinihintay.

Tumingin ako sa labas. I saw a classy car just across the building. It's familiar. Medyo malayo ang sasakyan at tinted na rin kaya hindi ko makita kung sinong nasa loob. Ayoko pang maniwala sa hula ko. A few seconds past and a slightly tall figure went out of the car. Nalaglag ang panga ko nang makilala kung sino ang lumabas na babae. That familiar stance and wavy hair is hard to forget.

"That's her," bulong ni Sukie sa akin. She leaned against me and held my arm. Sa posisyong iyon ay para kaming magkasintahan na naglalandian. Nilapit niya ang bibig sa aking tainga at saka muling nagsalita. "They won't notice her if you keep your poker face. Stand up and go to them. Distract them or something, whatever. Just make sure that they won't notice her," she said to me.

I watched her. I smiled back then nod before I stood up and go towards the guys. Isa sa kanila ang tumingin sa paglapit ko.

Tinanguan ko sila nang tuluyan na akong makalapit. "Hey," utas ko.

Dumiretso ng upo ang isa. Isang posisyon na ginagawa ng lalaki kapag sa tingin niya ay hinahamon siya. Palakaibigan ang ngising ibinigay ko.

"Do you know any bar located nearby?" Kinuha ang atensyon ng isang hindi nakatingin sa akin. Nakatulala lang siya sa harap at baka madaanan pa ng mata niya sila Sukie at Zandra. "Sorry, I'm just new here," utas ko. Hindi ko na pinansin ang pangatlong lalaki dahil abala naman ito sa paglalaro sa kanyang iPhone.

Tumungo ang isang lalaki. Nag-usap sila sa mabilis na ingles at wala na akong pakealam kung ano man ang mga sinasabi nila. My concern is whether those girls behind me were able to sneak away from these guys. I have no idea what I am supposed to do here. Ni wala akong naisip na paraan kanina. Lalong wala akong maisip ngayon dahil ang laman na lang isip ko ay ang lumingon para makita ko uli si Zandra.

"By the way, I'm Andrew," iyon na lang ang nasabi ko nang tumunog ang elevator. My heart jumped when I heard it opening and closing. Tumingin ako sa kinauupuan ni Sukie kanina. Wala na ang maleta, mas lalong wala na sila. Ngumisi ako at binalik ang tingin sa tatlo.

The guy who's playing his iPhone stood up and cursed. "We missed her!" anito.

Pumalatak din ang dalawa. Tiningnan nila ako at blangko ang binigay kong reaksyon sa mga inis nilang mukha. I'm innocent here! Iyon ang nais kong ipakita.

Nakaigting ang mga panga nila nang pare-pareho silang tumayo. Nairita ako sa pagtalikod nila pero bahala na sila. They didn't have the chance to see Zandra. They weren't able to tease her or mess up with her just like what Sukie said. Hindi man nila ako kinausap at pinansin ay wala na akong pakealam. I secretly helped Zandra. Iyon ang mahalaga. Hindi niya alam pero nagkaroon na kami ng hindi direktang pagkakakilala. I started to hope that it won't end here. Ngayon pa't alam ko na na nandito lang siya sa building na tinutuluyan ko. Maybe she's in Sukie's room. Just a few doors away from mine.

TaintedWhere stories live. Discover now