FONTALEJO MEN SERIES #2: The...

Por AetherMae

386K 9.2K 301

Sa Fontalejo clan, si Nathan ang tinaguriang playboy sa pamilya. His charming looks can attract every girl, b... Más

Author's Note:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
Author's Note:

CHAPTER 17:

13.8K 355 9
Por AetherMae

Gumising nang may hang-over si Nathan noong umagang iyon. Sapo nya ang ulo dahil sa sobrang kirot.

  "Ugh! What the f*ck!"

Tumayo sya at pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Binuksan nya ang ref at tumungga ng tubig sa pitcher. Pumunta naman sya ng banyo para maligo nang mahimasmasan naman sya kahit papaano. Habang nasa shower ay pinilit nyang maalala kung ano ang nangyari sa kanya. Ang naaalala nya ay tinawagan nya si Yuan para pumunta sa BGC Republique para doon uminom. Halos limang bote ng whiskey ang tinungga nya. At pagkatapos noon ay wala na syang maalala.

  "Ugh! Bakit wala akong maalala? Ano ba ang nangyari? Parang may mali."

Sabi nya sa sarili. Nang matapos syang magshower ay agad syang nagpatuyo ng katawan at nagbihis. Pumunta sya ulit sa kusina para kumain. Kumuha sya ng bowl at kinuha ang cereal at gatas sa ref saka kumain. Habang kumakain ay naisipan nyang tawagan si Yuan dahil ito nga ang huling kasama nya. Kinuha nya sa kwarto ang cellphone at dinial ang numero ni Yuan. Wala pang tatlong ring ay sumagot na ito.

  "Yo insan! Musta na ang hang-over."

Pang-aasar nito sa kanya sa kabilang linya.

  "Tigilan mo ako Yuan, anong nangyari sa akin kagabi?"

Agad nyang tanong sa pinsan. Tumawa naman si Yuan.

  "Dude! Ano ka ba naman! Lalaki ako no! Walang nangyari sa atin,di tayo talo."

Muli nitong pang-aasar sa kanya.

  "Yuan wala ako sa mood makipagbiruan ngayon, masakit ang ulo ko."

Naaasar na sabi nya dito.

  "Cool! Ang aga-aga eh. Bakit wala bang nangyari kagabi?"

Makahulugang tanong ni Yuan sa kanya. Nalilito naman sya.

  "Ano bang pinagsasabi mo?"

  "Sus! Doon sa naghatid sayo dyan sa bahay mo. Hindi ka ba nya pinagsamantalahan?"

Panloloko ni Yuan kay Nathan.

  "Damn it Yuan! Umayos ka nga!"

  "Hay nako! Nagiging bugnutin ka ngayon bro alam mo iyon? Chilax okay?"

  "Sino ba kasi ang naghatid sa akin? Sabihin mo na."

Naiiritang sabi nya dito.

  "Okay okay! Sasabihin na. Si Patty ang naghatid sayo dyan, I called her to drove you home."

Pag-aamin ni Yuan sa kanya. Nagulat naman sya sa sinabi nito.

  "What?! Si Patty? Bakit si Patty ang tinawagan mo?"

Sabi nya dito.

  "Eh kasi sya lang naman ang alam kong mapagkakatiwalaang maghahatid sayo. Bakit? May nangyari ba?"

Sabi ni Nathan. Sa sinabi nito ay may bigla syang naalala.

*Damn you Nathan! I almost gave myself to you?*

Para syang kinidlatan sa naalala.

  "Hello? Nathan bro? May nangyari talaga?"

Sabi ni Yuan sa kabilang linya. Kaaagad nyang binabaan ng linya ang pinsan. What the f*ck! Did I almost did that? Sabi nya sa isip nya. Napaupo syang tulala. Napaface palm sya. Kahit malabo ay pinilit nyang alalahanin ang nangyari kagabi between him and Patty. So it was Patty who kissed him. Hindi nya alam kung matutuwa sya o matatakot, halo-halo ang nararamdaman nya ngayon. He touched his lips. He might look like a gay right now but he can't help but to smile. I kissed Patty without knowing that it was her. Pinilig nya ang ulo nya.

  "No, this is wrong. I should say sorry."

Sabi nya sa sarili nya. Napagdesisyunan nyang puntahan ito sa unit nito. Pagkalabas nya ng unit nya ay nagulat syang nang makita itong palabas sa unit nito. Mukhang nagulat din ito nang makit sya. Parang walang lumalabas na salita sa bibig nya. Nablanko ang isip nya. Napatitig na lang sya dito. Mugto ang mga mata nito.

  "P-p-patrice."

Ito lang nasabi nya. Napadako ang tingin nya sa leeg nito. He saw a dark red there. Wtf! Did I did that to her? Para itong nahiya kaya tinakpan nito sa pamamagitan ng jacket ang parte ng leeg niyon. Tinalikuran na sya nito at naglakad palayo sa kanya. Sasakay na sana ito ng elevator ng hawakan nya ang braso nito.

  "Patrice wait. C-can we talk?"

Sabi nya.

  "M-may gagawin pa ako Nathan."

Sabi nito sa kanya. Wala syang magawa kundi bitawan ito. Tuluyan na itong sumakay ng elavator at sumara na. Pagkasara ng elavator he saw a hint of tears falling from her eyes. Napasuntok sya sa pader doon. Im such a moron! The f*ck!

  "Mas lalo mong pinapalala ng sitwasyon nyong dalawa Nathan."

Sabi nya sa sarili nya. Naramdaman nyang muling may tumulong luha sa mga mata nya. What will I do now?

**********

Mugto ang mata ni Patty nang magising sya. Kaagad syang kumain, naligo at nagbihis. Gusto nya munang umuwi sa kanila. Ayaw na muna nyang makausap o makita si Nathan dahil nga sa nangyari kagabi. Nahihiya sya sa nagawa nya. Tumingin sya sa salamin, nakita nya ang mark na nasa leeg nya. Parang may kumirot sa puso nya. Nagsuot sya ng jacket at lumabas na nang unit nya. Narinig nyang may lumabas din sa unit ni Nathan, napalingon sya. Kumabog ng husto ang puso nya. Si Nathan nga ang lumabas. Napatulala sya dito. Parang gusto nya itong yakapin pero pinipigilan nya ang sarili nyang gawin iyon. Nanatili din itong nakatitig sa kanya. Biglang napadako ang tingin nito sa leeg nya kung saan nandoon ang mark. Namula ang magkabilang pisngi nya. Nahiya sya, kaagad nyang tinakpan ang mark gamit ang jacket na suot nya. Tinalikuran nya ito at naglakad na papunta sa elavator, pasakay na muna sya nang hawakan sya nito sa braso. Parang may dumaloy na kakaibang kuryente sa buong katawan nya.

  "M-may gagawin pa ako Nathan."

Pagsisinungaling nya. Binitawan sya nito. Sumakay na sya ng elevator. Nang pasara na ang elevator ay may kumawalang luha sa mga mata nya. Pagkasara ay tuluyan na nga syang bumigay. I really don't know what to do Nathan. Napaiyak sya dahil sa sobrang frustrate sa sarili nya. Hindi nya alam kung bakit sya nagkakaganito. She composed herself. Bumukas na ang elavator, lumabas na sya at pumunta sa parking lot. Sumakay na sya sa sasakyan nya para umuwi ng bahay nila.

*********

Tinawagan ni Nathan ang nakababatang kapatid nyang si Eric. Kaya nasa bahay nya ngayon ang kapatid. Dahil bukod kay Yuan, isa ito sa kasundo nya. Nakwento nya sa kapatid ang nangyayari sa kanila ngayon ni Patty, pero syempre hindi nya sinabi dito about what happen last night between him and Patty.

  "Seryoso ba talaga si kuya Lucas sa panliligaw nya kay Patty?"

Hindi makapaniwalang sabi ni Eric kay Lucas. Tumungga lang si Nathan ng alak na nasa baso nya.

  "I don't know Eric, I really don't know."

Sabi nya sa kapatid.

  "Naguguluhan talaga ako ngayon kay kuya Lucas, bigla na lang nagiging weirdo yun ngayon. Hindi ko alam na may gusto iyon kay Patty. Hindi ako magtataka kung ikaw mainlove kay Patty kasi matagal na kayong magkaibigan?"

Sabi ni Eric. Bahagya syang natawa sa sinabi nito.

  "You think Im in love with Patty?"

Tanong nya dito.

  "Hay nako bro! Tinatanong pa ba iyan? Bakit hindi mo sagutin bro. Sige nga? Ikaw ang tatanungin ko, are you in love with Patty?"

Balik-tanong sa kanya ng kapatid nya.

  "Yes."

Sagot nya agad.

  "Ayown! Sa wakas! Inamin mo na din kuya! Ngayon mo lang ba napagtanto?"

Natatawang sabi ni Eric sa kanya.

  "Oo ngayon, I never thought na mas lalalim pa ang nararamdaman ko sa kanya. Eric alam mo naman kung anong ako di ba? Natatakot ako."

Sabi nya sa kapatid. He brushed his hair using his hands. Umupo sa tabi nya ang kapatid.

  "Kuya bakit mo na lang kasi sabihin sa kanya iyang nararamdaman mo? Mahihirapan ka lang kung isusupressed mo iyang feeling mo for her."

Payo ng kapatid nya.

  "Hindi ko pa kaya. Natatakot ako."

  "Kuya hindi mo malalaman kung hindi mo susbukan diba? Sundin mo iyong kasabihang iyon. Tested na kaya iyon."

Sabi ng Eric sa kanya.

Napaisip sya sa sinabi nito. Pero inuunahan talaga sya ng takot. Ako na ang duwag.

**********

  "Mom, hindi ko na po alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan po ako sobra."

Umiiyak na sabi ni Patty sa mommy nya. Niyakap lang sya ng ina.

  "Do you love him ba anak?"

Tanong nito sa kanya.

  "I think so mom."

  "I think so? I think the answer is 'yes' Patrice. You love him and he loves you also, you're just in the stage of in denial."

Sabi ng mommy nya. Lalo syang naiyak sa sinabi nito.

  "But Im scared mom. Alam nyo naman po na babaero yun di ba? Paano kung ipagpalit nya ako one day?"

Sabi nya sa mommy nya.

  "Patty kapag mahal ka ng taong mahal mo kahit tukso na ang lumalapit, pipilitin nitong lumayo kasi alam nyang masasaktan ang taong mahal nya."

Sabi ng mommy nya sa kanya. Bahagya syang natawa sa payo nito.

  "Mom? Kailan ka pa humugot ng ganyan kalalim?"

  "Hay! Narinig ko lang iyan sa radyo kagabi."

Sabi ng mommy nya. Sumandal sya dito.

  "Pero Patty, totoo iyong sinabi ko okay? Tell Nathan about your feelings for him."

  "I'll try mom."

  "Don't try, do it baby."

Sabi nito sa kanya. Tama naman ang mommy nya. Wala nang pride-pride. Baka bigla akong bumula katulad ng sinabi ni Julian. Tumayo sya.

  "Oh? Saan ka pupunta anak?"

Tanong ng mommy nya.

  "I will tell Nathan everything mom."

Lakas loob nyang sabi dito.

  "Patty?"

  "Why mom?"

  "Anong nangyari dyan sa leeg mo?"

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Patty sa tanong ng ina. Inayos nya ang suot nya.

  "Ah, wala ito mom."

  "Patty? I know that mark. What happened?"

Tanong ulit nito sa kanya.

  "I'll explain everything later mom. I gotta go."

Sabi nya. Nagmadali na syang lumabas ng kwarto para makaiwas pa sa tanong ng ina. Kinuha nya ang susi ng kotse, lumabas na sya ng bahay nila at inistart nya ang kotse nya. Buo na ang desisyon nya na sabihin ang nararamdam kay Nathan. Bahala na. Habang nagdadrive sya ay naisipan nyang tawagan ang lalaki. Wala pang ilang minuto ay sumagot na ito.

  "H-hello? P-patty?"

Nauutal na sabi nito sa kabilang linya. Parang nagdiwang ang puso nya ng marinig ang boses ng lalaki.

  "Nathan, pwede ba tayong mag-usap?"

Sabi nya dito.

  "Oo naman, saan tayo mag-uusap?"

  "Asan ka ba ngayon?"

  "Nandito ako sa resto sa may BGC."

  "Sige, dyan na lang. May sasabihin akong importante."

Sabi nya dito. Napangiti naman sya kahit nanginginig na ang buo nyang katawan sa sobrang kaba.

  "Okay. Ako din Pat, may sasabihin."

Lalong nagdiwang ang puso nya sa narinig.

  "Okay, Im on my way."

Sabi nya. Pinutol nya na ang linya. Hindi mawala ang ngiti sa labi nya. Eto na talaga.

**********

Pagkatapos mag-usap ni Nathan at Eric ay pumunta sya ng resto nya dahil gusto nyang ipagluto si Patty, susundin nya ang payo ng kapatid. Habang nagluluto sya ay naramdaman nyang nagbavibrate ang cellphone nya. Hinugasan nya ang kamay nya at pinunasan ito. Nagulat sya nang makita kung sino ang tumatawag.

*Patrice incoming call*

Kahit sobra syang kinakabahan ay sinagot nya ito.

  "H-hello? P-patty?"
Oh great! Nauutal pa ako.

  "Nathan, pwede ba tayong mag-usap?"

Sabi nito sa kanya. Lalo syang kinabahan sa sinabi nito.

  "Oo naman, saan tayo mag-uusap?"

  "Asan ka ba ngayon?"

  "Nandito ako sa resto sa may BGC."

Sabi nya.

  "Sige, dyan na lang. May sasabihin akong importante."

Sabi ni Patty sa kanya.

  "Okay. Ako din Pat, may sasabihin."

Pag-aamin nya.

  "Okay, Im on my way."

Sabi nito sa kanya. Pinutol na ni Patty ang linya. Hindi nya alam kung ano ang mararamdaman nya. Halo-halong emosyon na. Binilisan nya ang pag-luluto sa kitchen. Buti na lang ay sarado ang branch ng resto nyang iyon dahil binabalak nyang irenovate ang interior nyon. Binilisan nya ang pagluluto. Nang matapos sya ay nilagay nya ang niluto sa isa sa lamesang nandoon sa resto. Pinaalis nya muna ang ibang taong naroon na nagpaplano ng interior. Narinig nyang may bumukas ng pintuan ng resto, napatayo sya pero biglang may tumakip sa nga mata nya.

  "Patrice? Is that you?"

Sabi nya. Tinanggal nya ang kamay na nakatakip sa mga mata nya at nilingon ang taong gumawa niyon.

  "Anne?"

  "I miss you Nathan!"

Sabi ng babae sa kanya at yumakap sa kanya. Hinalikan sya nito sa labi pero kaagad nyang tinulak ang babae.

  "Wait! What do you think you are doing?!"

Tanong nya sa babae.

  "Why babe, hindi mo ba ako na miss?"

Sabi nito sa kanya.

  "Ano ba Anne? Itigil mo na nga ito. Ayoko na okay."

Seryosong sabi nya dito.

  "Bakit Nathan?! Dahil ba ito doon sa bestfriend mo?"

Sarkastikong sabi ng babae sa kanya.

  "Hell yes! Because I love Patty!"

Sabi nya dito.

  "Ikaw? Nathan? Na in-love? Are you kidding me?"

  "Im not kidding."

Bigla itong lumapit sa kanya at bumulong.

  "But I think its too late now."

Sabi nito. Tinulak nya ang babae. Tumingin si Anne sa labas ng resto at nakita ni Nathan ang isang pamilyar na kotse na papalayo sa resto nya. Patty?

Lumabas sya ng resto nya. Kotse nga iyon ni Patty. Bakit sya umalis. Did she saw what Anne did to me? Pumasok sya ng kotse nya at inistart ito, sinubukan nyang habulin si Patty pero nawala agad na paningin sa nya ang kotse nito kaya hindi nya na nasundan ito. Napahampas sya manibela.

  "Argh! Its all your fault Nathan!"

Sabi nya sa sarili.

**********
(A/n: dé javù alert!!)

  "Julian! Cheers! Let's drink until we die!!"

Tinaas ni Patty ang basong puno ng beer. Pinilit namang kunin ni Julian ang alak sa kaibigan.

  "Gaga! Wag mo akong isali sa kabaliwan mo! Akin na nga iyan! Ano bang nangyayari sa iyo Patrice!"

Sabi ni Julian dito. Tumawa lang si Patty.

  "Eh g*go yang si Nathan eh! Hindi na talaga magbabago ang g*gong iyon! Nainlove ako sa kanya eh!"

Sigaw sa kanya ng kaibigan. Napahilot si Julian sa tenga nya. Kahit malakas ang music ay rinig na rinig nya ang sigaw nito.

  "So ako may kasalanan? Pareho kayong tanga alam mo iyon? Sarap nyong ikasal!"

  "Heh! Baliw! Potspang buhay ito! Wuuuu! Bakit pa kailangan masaktan!"

Sabi ni Patty at tinungga ang isang baso ng beer.

  "Hoy! Babae! Bakit mo ginawang tubig iyang beer?!"

Natatarantang sabi ni Julian. Biglang napayuko si Patty sa lamesa.

  "Ay! Juice colored! Tegi na ba itey!"

Tinapik-tapik ni Julian ang pisngi ng kaibigan. Nakatulog na pala ito sa kalasingan.

  "Hoy Patrice! Gising! Gising! Hala! Paano ba ito?"

Natataranta si Julian. Kinuha nya ang cellphone ng kaibigan sa bag nito at nagbrowse sa contacts nito kung sino ang pwedeng hingan ng tulong. May napili syang isang pangalan doon at kaagad itong tinawagan.

***********

Nanatili si Nathan sa loob ng kotse ng halos ilang oras. Pinuntahan nya na lahat ng pwedeng puntahan ni Patty pero wala. Sabi ng mommy nito ay umalis nga ito at pupuntaha sya. Nakita nga nya ang ginawa ni Anne kanina. Pero bakit hindi nya muna ako kinausap? Biglang nagring ang phone nya. Kaagad nyang kinuha iyon sa bulsa.

*Patty incoming call*

Sinagot nya agad iyon.

  "Hello Patrice? Asan ka? Sorry for what I did. Hindi ko hinalikan si Anne, sya ang humalik sa akin. Please Patty, patawarin mo na ako. Please. Lets talk."

Sunod-sunod nyang sabi dito.

  "Ah-eh, hello papa Nathan, hindi ito si Patty."

Sabi ng ibang boses. Kaagad syang kinabahan.

  "Hello?! Bakit ikaw ang may hawak sa phone ni Patty? Asan syan? Anong nangyari sa kanya?!"

  "Hehe! Ako ang destiny mo papa Nathan."

Sabi ng isang malanding boses sa kabilang linya.

  "Wag mo akong lolokohin! Where's Patrice?!"

Galit na tanong nya dito.

  "Okay! Kalma lang papa Nathan! Im Julian, Patty's friend, kasama ko si Patty ngayon, unfortunately, lasing na ang irog mo. Gawin ba daw tubig iyong beer. Hay! Gumora ka na ditey sa BGC club!"

Sabi sa kanya ng lalaking may malanding boses. Ito ata ang kaibigan ni Patty na bakla.

  "Wait? What?!! Lasing sya? Bakit hindi ko pinigilan?! Sige! Pupunta na ako dyan."

Pinutol nya na ang linya. At kaagad na pinaharurot ang kotse papunta sa club na sinabi ng kaibigan ni Patty.

Wala pang ilang minuto ay kaagad syang nakarating sa club. Hinanap nya agad si Patty at kaibigan nito.

  "Papa Nathan!"

Biglang may tumawag sa pangalan nya. Lumingon sya sa isang direksyon at nakita nga nyang may kumaway sa kanyang isang lalaki. Kaagad syang lumapit, nakita nya si Patty na natutulog sa bar counter.

  "Hay! Buti na lang dumating ka na agad papa Nathan! Tumatawag na kasi ang mudra ko eh. Hindi ko naman maiwan si Patty."

Sabi sa kanya lalaki, ito ata si Julian.

  "Okay, salamat ako na ang bahala kay Patty, salamat at pasensya na sa abala."

Binuhat nya si Patty. Mukhang lasing nga ito.

  "No problem papa Nathan, basta ikaw. Ay! By the way, inlababo sa iyo iyang kaibigan ko kaya nagkakaganyan iyan."

Sabi sa kanya ni Julian kay Nathan. Umalis na ito. Isinakay naman nya si Patty sa passenger seat. Pumasok na din sya ng kotse at nagdrive pauwi sa condo nila.

Habang nagadadrive ay hindi nya maiwasang isipin na mukhang nauulit naman ang tagpong iyon. Dahil noong isang gabi lang ay si Patty ang nagdrive sa kanya pauwi. Nang makarating sila ng condo ay sa halip na sa unit nya dalhin si Patty ay doon nya ito pinasok sa unit ng babae. Inihiga nya ito sa kama. Hinaplos nya ang mukha nito.

  "Patrice, mahal na mahal kita. Believe me."

Sabi nya dito. Bahagyang dumilat ang babae at nagsalita.

  "I love you too Nathan."

Sabi nito sa kanya. Akala nya tulog ito at nagsasalita pero nakatingin sa kanya ang babae. Hinalikan sya ni Patty sa labi. Hindi nya iyon pinigilan, sa halip ay tinugon nya ang halik nito. She's kissing him passionately. He also deepen the kiss. Bahagyang tumigil si Patty sa pag halik at bumulong sa kanya.

  "Make love to me Nathan."

Sabi ni Patty sa kanya. It was a cue on him. He kissed her agrresively like there's no tomorrow. They both explored each other bodies. He take off his shirt then he undressed Patty. He knows that in there situation he's taking advantage on her. He gazed in to her body. He already saw it before. Pero iba sa pagkakataong iyon. He kissed every inch of her skin. She moaned and it turns him on. But everything was being interrupted when...




(A/N: ooooooppppssss! SINO NABITIN! hahaha! 'Almost smut part 2' hahaha! Pasensya na kung pinuputol ko. Hindi pa ito ang tamang panahon para sa ganoong bagay. Hehe! Darating din tayo dyan okiee? By the way, napansin nyo po bang naulit ang mga nangyari? Well! Ganun talaga. Destined na mangyari iyon eh. ;)
3 chapters to go. Hay! Matatapos ko na naman itong story na ito. Huhu! Pero maraming salamat dahil patuloy nyo pong sinusuportahan ang kwento ng Men Series #1 and #3. :)
Saka na ako babawi sa pasasalamat sa huling author's note ng kwentong ito. ;)

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. ;) xxx

Seguir leyendo

También te gustarán

153K 4.2K 31
What will happen if a no girlfriend since birth with no experience at all man met a seductive married who became single woman? Will they also play un...
581K 21.6K 43
Siya na ang pinaka mabait na anak kapag kaharap niya ang mommy at daddy niya. Ngunit kung nakatalikod na ang magulang ay siya naman ang hari ng kapil...
24K 710 47
Maldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansa...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...