FONTALEJO MEN SERIES #2: The...

By AetherMae

386K 9.2K 301

Sa Fontalejo clan, si Nathan ang tinaguriang playboy sa pamilya. His charming looks can attract every girl, b... More

Author's Note:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
Author's Note:

CHAPTER 16:

14.4K 379 6
By AetherMae

Maagang gumising si Patty ng araw na iyon dahil susunduin sya ni Lucas para magkape. Dahil 7am pa lang naman ay naisipan nya munang mangapit-bahay muna kay Nathan. Lumabas sya ng bahay at pumunta sa bahay ng kaibigan. Pinindot nya ang passcode ng bahay nito at pumasok na pagkabukas.

  "Nathan?"

Tawag nya sa pangalan nito. Walang sumasagot. Pumunta sya sa kwarto nito para tingnan kung nandoon ito pero walang tao.

  "Asan na yung lalaking iyon?"

Sabi nya sa sarili nya. Hinalughog nya ang buong bahay nito pero wala talaga. Kumuha sya ng chocolate drink sa ref nito. Dahil wala ito ay lumabas naman lang sya ng bahay nito. Tamang-tama dahil pagkalabas nya ay nasa tapat ng pintuan nya si Lucas.

  "Kuya Lucas?"

Napalingon ito sa kanya. Ngumiti ito sa kanya.

  "Good morning Pat!"

Bati nito sa kanya.

  "Good morning din. Kanina ka pa ba dyan? Pasensya na kuya Lucas, hinanap ko lang si Nathan, kaso wala eh, mukhang pumunta na ng resto nya."

Sabi nya dito.

  "Ah, okay. So? Lets go? Lets some breakfast?"

Sabi nito sa kanya.

  "Ah, yeah! Tara!"

Sang-ayon naman nya. Naka casual outfit lang ito. At ganoon din naman sya. Pagkalabas nila ng condo ay naglakad-lakd muna sila.

  "Kumusta ka naman Pat?"

Sabi ni Lucas sa kanya.

  "Ah, okay naman kuya."

Sabi nya.

  "Lucas na lang, from now on Lucas na lang ang itawag mo sa akin? Okay?"

  "Eh, sigurado ka?"

  "Yes."

Sabi nito sa kanya.

  "Okay, sige, sabi mo yan. Lucas."

Natatawang sabi nya. Habang nagkukwentuhan sila ay hindi nya mapigilang isipin kung saan si Nathan. Palagi kasi itong pumupunta sa bahay nya para doon magluto ng breakfast o kaya itetext sya. Pero wala syang natanggap ni isa. Pagkatapos nilang maglakad-lakad ni Lucas ay pumasok sila sa isang coffee shop. Pagkaupo nila ay umorder sila agad ng makakain.

  "May I get your order mam, sir?"

Sabi ng lumapit na waiter sa kanila.

  "Twinning's black tea with skim milk and blueberry muffin please."

Sabi nya sa waiter. Nilista naman iyon ng waiter.

  "How about you sir?"

Baling nito kay Lucas.

  "Black coffee without sugar ang egg omelet."

Sabi ni Lucas. Nilista muli ng waiter ang order nito. Umalis na ito at naiwan na sila.

  "Pat? May itatanong sana ako."

Biglang tanong ni Lucas sa kanya.

  "Ano iyon?"

  "May gusto ka ba kay Nathan?"

Nagulat sya sa tanong nito.

  "Kuya Lucas naman! Ah-I mean Lucas. B-bakit mo naman natanong iyan?"

Sabi nya. Bigla syang kinabahan sa tanong nito.

  "Wala lang, kasi di ba? You've been bestfriends since highschool? Tama ba? Hindi ka ba naiinlove sa kanya?"

Diretsang tanong nito. Bigla syang pinagpawisan sa tanong nito. Ano namang nakain ni kuya Lucas at tinatanong nya iyon?

  "Ah-eh, h-hindi ah, impossibeng magkagusto ako sa playboy mong kapatid no!"

Sabi nya. Weh? Talaga lang Patrice ah! Impossible? Eh bakit ka kinikilig kapag sinasabihan ka nang I love you ni Nathan? Sabi ng isip nya sa kanya.

  "Oh-okay. Im just asking. Relax."

Natatawang sabi ni Lucas sa kanya.

  "Bakit mo naman naitanong iyon?"

Tanong nya dito.

  "Nothing, I just want to assure everything."

Sabi nito. Magsasalita pa sana sya pero dumating na ang order nila. Nilagay ng waiter ang order nila sa table nila.

  "Let's eat first?"

Sabi ni Lucas.

  "S-sige."

Nagsimula na silang kumain. Parang may biglang bumara sa lalamunan nya nang makita ang taong pumasok aa coffee shop. Nathan? May kasama itong babae. At mukhang ang sweet-sweet nila. Napansin ni Lucas na nakatingin sya sa may pintuan ng coffee shop. Tumingin na din ito.

  "Ang aga-aga may pinupormahan na agad si Nathan."

Sabi nito at umiiling-iling. Napayuko na lang sya at itinuloy ang pagkain. Parang hindi sya makakain ng maayos dahil naririnig nya ang harutan ng dalawa. Dahil nakarahap sa kanya si Nathan sa direksyon nila ay naiilang sya at hindi sya mapakali.

  "You're such a gentleman Nathan."

Narinig nyang sabi ng babae sa kanya. Pinilit nyang wag na lang makinig sa landian ng dalawa. Napansin ata ni Lucas ang pagkabalisa nya.

  "Pat, are you okay?"

Tanong nito sa kanya.

  "Y-yeah, I-iam."

Pilit nyang sabi. Biglang namang pinunasan ni Lucas ang pisngi nya.

  "Lumabas na tayo."

Sabi ni Lucas sa kanya. Hindi nya napansin na may tumulo na pa lang luha sa mata nya. Napatingin sya kay Nathan, parang ang ang dilim ng tingin sa kanila ni Lucas.

  "H-hindi okay lang. Tapusin na natin itong kinakain natin."

Sabi nya.

  "Sigurado ka?"

Paniniguro ni Lucas. Tumango na lang sya. Kahit hindi sya makakain ng maayos ay pinilit nyang tapusin ang kinakain. Walang nagsasalita sa kanila ni Lucas. Nang matapos silang kumain ay binayaran ni Lucas ang kinain nila. Napagpasyahan nilang umalis na. Nagulat sya nang hilain sya bigla ni Lucas sa pwesto nila Nathan at babae nito.

  "T-teka."

Nang marating nila ang pwesto nito ay agad na nagsalita si Lucas.

  "Nathan, you're here."

Sabi ni Lucas sa kapatid. Napatingin sa kanila si Nathan at ang babae.

  "Kuya, kasama mo pala si Patty."

Sabi ni Nathan.

  "Yeah, I ask Patty to have a breakfast with me."

Sabi ni Lucas. Hindi sya makapagsalita sa sandaling iyon.

  "Oh! That's great! Me too. Im having a breakfast with my girl also."

Sabi naman ni Nathan at hinawakan ang kamay ng babae. Kinilig naman ang bruha. Parang may biglang may kumirot sa puso nya. Aray! With his girl?

  "By the way, we have to go. Enjoy."

Sabi ni Lucas kay Nathan. Tumango naman si Nathan. Dahil nakaramdam sya na babagsak na ang luha sa mata nya ay nauna na syang lumabas sa coffee shop.

  "Pat! Wait!"

Hinabol sya ni Lucas. Hinawakan sya nito sa braso nya.

  "P-pasensya na."

Hinging-paumanhin nya. Pasimple nyang pinunasan ang luha nya.

  "Ihahatid na kita."

Sabi ni Lucas sa kanya. Pumayag na lang sya. Hanggang sa makarating sila sa bahay nya aya walang umiimik sa kanilang dalawa. Kaya nauna na sya.

  "Salamat sa libre Lucas."

Sabi nya.

  "Its okay. Dadalasan ko pa kung gusto mo."

Biro nito sa kanya.

  "Sige, papasok na ako."

Sabi nya. Pagpasok nya ay sumalampak agad sya sofa at niyakap ang unan na nandoon. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Ano na ba itong nararamdaman ko? Bakit ako nagseselos sa nakita ko? May tumulong luha sa mga mata nya.

  "Aaaahhh!! Asar!! Eto na nga ba ang sinasabi ko!!"

Napasigaw na lang sya nang wala sa oras.  Biglang nagvibrate ang phone nya. Nagtext si Lucas.

*Pat, i hope you're okay.*

Nagreply naman sya.

*yeah okay naman talaga ako eh.*

  "Okay nga lang ba talaga ako?"

Sabi nya sa sarili.

**********

  "Chef Nathan, okay lang po ba kayo?"

Nagulat si Nathan nang bigla syang tapikin sa balikat ng kasama nyang chef.

  "Pasensya na Chef Ian, hindi lang masyado maganda ang pakiramdam ko."

Sabi nya dito.

  "Mukha nga, dahil asin na ang nalalagay mo sa ginagawa mo."

Napatingin sya sa hinahalong cake frosting, tama nga ito, asin na ang nalalagay nya.

  "Ikaw na muna ang gumawa nito Ian."

Pinaubaya nya na dito ang ginagwa nya.

  "Girlfriend problem ba iyan?"

Usisa nito. Hinuhugasan nya ang kamay.

  "No, its not dahil hindi ko naman girlfriend."

Sabi nya.

  "Oh?! Pero nagseselos ka?"

Tanong nito. Napaisip naman sya. Oo! Nagseselos ako!

  "Yes, I think. Im jealous."

  "It means you love her Nathan."

Sabi ng kaibigan sa kanya. Napatingin sya dito.

  "You think so?"

  "Oo naman! Tao ka lang din Nathan."

Sabi nito sa kanya. Pero iba ako? Ayokong masaktan sa akin si Patty.

  "Okay, thanks man!"

Sabi nya sa kaibigan. Napagdesisyunan nyang kausapin ang kuya Lucas nya para malaman nya kung ano talaga ang plano nito.

Parang bigla nyang gusto nyang yakapin kanina si Patty nang tumakbo ito palabas ng coffee shop. Nararamdaman nyang pati ay iba na rin nag nararamdaman sa kanya dahil hindi naman ito ganoon dati. Pero palaging naglalaro sa isip nya ang sinabi ng kuya Lucas sa kanya.

Do you think Patty deserves a kind of man like you?

Napahampas sya sa manibela ng sasakyan nya. Muling nabalot ng takot ang puso nya. Ayaw nyang masaktan si Patty, pero heto sya ngayon, nagseselos at nasasaktan sa ginagawa ng kuya nya sa babaeng mahal nya. Oo, mahal nya si Patty, noon pa, kaso palagi nyang pinipigilan ang sarili na mahulog ng todo dito. Kaya mas pinili nyang manatili na lang itong kaibigan nya. Pero wala pa din pala dahil tuluyan na syang nahulog dito. Nang makarating sya sa opisina ng kuya nya ay agad nya itong pinuntahan.

  "Miss, nandyan ba si kuya Lucas?"

Tanong nya sa secretarya nito.

  "Ah yes Sir Nathan, nasa loob po. Kaso--"

Hindi nya na pinatapos magsalita ang secretarya nito dahil agad syang binuksan ang pintuan ng opisina nito. Mayroon itong kausap na lalaki. Natigil ang mga ito sa pag-uusap. Tumingin sa kanya ng kuya nya.

  "Let's resume our meeting later Mr. Gomez."

Sabi nito sa kausap. Nagkamay ang mga ito.

  "Good afternoon Mr. Nathan Fontalejo."

Bati sa kanya ng kausap ng kapatid. Tumango sya, lumabas ang matandang lalaki. Isinarado nya ang pintuan at lumapit sa kapatid.

  "What brings you here Nathan?"

Tanong nito sa kanya. Tiningnan nya ng masama ang kapatid.

  "Ano ba talaga ang gusto mo kay Patty kuya?"

Diretsang tanong nya dito.

  "You want the truth?"

Sabi nito sa kanya.

  "Yes!"

Sagot nya.

  "I want to court her."

Pag-aamin nito sa kanya. Para nagpinting ang tenga nya sa narinig.

  "WHAT?! ARE YOU CRAZY?!"

Galit na galit na tanong nya dito.

  "Ano bang ikinagagalit mo Nathan! And don't shout at me! Im still your older brother!"

Seryosong sabi nya dito.

  "I don't care! Bakit si Patty pa kuya!"

Napahampas sya sa lamesa nito.

  "Because I like her! I like her!"

Diretsang sabi sa kanya ng kapatid.

  "SHE'S MINE KUYA!"

Galit na galit nyang sabi dito. Hinaklit nya ang kwelyo ng coat nito. Tinulak naman sya ng kapatid.

  "Yours? Oh come on Nathan! Gumising ka nga! Sa dami ng mga babae mo, tingin mo sasaya sayo si Patty?"

Nang-iinsultong sabi sa kanya ng kapatid. Bigla nyang nasuntok ang kapatid.

  "Totoo naman Nathan! Ilan na ba ang babaeng naikama mo? Tingin mo deserve mo ang kagaya ni Patty?"

Pahabol na sabi nh kapatid nya sa kanya. Para may kumirot sa puso nya. Totoo naman kasi ang sinabi ng kapatid. Hindi sya makapagsalita sa sobrang pagkahiya.

May naumong luha sa mga mata ni Nathan.

  "Mag-isip ka Nathan. Don't worry hindi ko sasaktan si Patty."

Sabi ni Lucas sa kanya. Tuluyang nanlabo ang mga ni Nathan dahil sa luha.

  "Promise me that you will not hurt her."

Sabi nya sa kuya nya at lumabas na ng opisina nito. He already gave up. Tama ang kuya nya. Hindi nya deserve si Patty. He's a jerk. Baka nga mas sasaya si Patty sa kuya nya. Sumakay sya ng kotse nya at pinaharurot ito. I don't deserve you Patty.

**********

  "Oh my gosh Patty!! Hindi makaget-over ang beauty ko sa bodylicious ni Christian Grey! Wagi!!"

Malanding sabi ni Julian kay Patty. Natuloy kasi ang plano nilang panoorin ang Fifty Shades of Grey. Tinawagan kasi nya si Julian na panoorin na ito para kahit papaano ay malibang sya, pero wala rin, dahil kahit nasa sinehan sya ay si Nathan ang nasa isip nya. Hanggang sa matapos ang pelikula ay wala syang naintindihan.

  "Hoy bruha! Kanina pa ano nagmomonologue dito! Ikaw? Kanina pang lutang dyan? Anyare ba kasi?"

Pukaw nito sa kanya. Huminga sya ng malalim.

  "Ay! Ang baho te!"

Sabi ng kaibigan. Hinampas nya ito.

  "Baliw! Wag ka ngang ano!"

Sabi nya dito.

  "Eh bahala ka! Mahipan ka ng hangin dyan! Ganyan na ang beauty mo forever."

Biro nito. Inirapan nya na lang ito.

  "Ano ba kasing nangyayari syo?"

Tanong ulit sa kanya.

  "Hindi ko alam Julian!"

Sabi nya sa kaibigan.

  "Ay baliw lang?"

Muli nya itong nahampas.

"Aray ha! Brutal ka na!"

  "Eh kasi umayos ka!"

Singhal nya dito.

  "Eto na nga, aayos na. Oh? Ano na, kwento na dali."

Sabi nito sa kanya.

  "Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko eh. Nagseselos, kinikilig, masaya. Basta! Halo-halo na! Nakakabaliw in short."

Sabi nya sa kaibigan.

  "Si Nathan ba iyan?"

Tanong nito.

  "Teka?! Paano mo nalaman?!"

Gulat nyang sabi sa kaibigan.

  "Gaga! Eh si Nathan lang naman ang palagi mong kadikit. Alanganin namang ako di ba? Kadiri pakinggan sis kung ako!"

Sabi nito sa kanya. Natawa na lang sya.

  "Pero seriously girl, ngayon mo lang napagtanto na inlababo ka doon sa bestfriend mo? Haller? Halata kaya sa galawan nyo na higit pa sa bestfriend ang turingan nyo. Mga in denial lang kayo pareho."

Diretsang sabi ni Julian kay Patty. Napangalumbaba na lang si Patty. Totoo naman ang sinabi ng kaibigan. In denial sya. Nagsinungaling pa sya sa sarili nya na si Lucas ang gusto nya, pero ang totoo, si Nathan.

  "Anong gagawin ko ngayon?"

Tanong nya sa kaibigan.

  "Ay! Eh di umamin ka! Nakakangilo na iyang kadramahan mo eh! Hindi mo tuloy na enjoy yung Fifty Shades."

Biro ng kaibigan nya.

  "Ayokong sabihin no! Ang babaw ko naman kung ako ang aamin."

Sabi nya.

  "Hoy! Hindi na uso ngayon ang pride! Baka bigla kang bumula dyan!"

Sabi ng kaibigan.

  "Eh yung seryoso Julian!"

  "Hoy! Seryoso ako no!"

Sabi ni Julian sa kanya. Napakamot sya sa ulo. Paano ko naman sasabihin? Haller? Dapat sya muna ang umamin! Kung may aaminin man sya.

Napagdesisyunan nyang umuwi na. Hinatid nya ang kaibigan sa bahay nito. Nang makarating sya sa condo ay hindi pa nga sa nakakapasok ng unit nya ay biglang may tumawag sa kanya. Kinuha nya ang cellphone sa bag nya. Tiningnan nya kung sino ang tumatawag.

*Yuan incoming call*

  "Bakit tumatawag si Yuan?"

Sabi nya sa sarili. Pinsan ito Nathan. Magkasundo ang dalawang ito. Sinagot naman nya ang tawag nito.

  "Hello Yuan napatawag ka?"

  "Hello Pat? Busy ka ba?"

Tanong ni Yuan sa kanya sa kabilang linya. Maingay ang background nito. Parang nasa bar ito.

  "Hindi naman? Bakit may problema ba?"

Tanong nya.

  "Si Nathan kasi eh! Lasing na lasing na. Paki sundo mo naman dito."

Sabi nito sa kanya. Parang bigla syang kimabahan nang sabihin nito ang pangalan ni Nathan.

  "Ha? Lasing na lasing? Ang aga-aga pa ah! Baliw na ba iyan?"

Sabi nya.

  "Hindi ko nga alam dito eh! Bigla na lang akong tinawagan at ayun! Halos tumungga ng limang bote ng whiskey."

Sumbong ni Yuan sa kanya.

  "Asan ba kayo?"

  "Nandito kami sa BGC Republique. Puntahan mo na sya Patty. Ang kulit na eh."

Pagmamakaawa ni Yuan.

  "Okay sige sige. Pupunta ako."

Sabi nya bago nya maibaba ang linya ay narinig nya pa ang boses ni Nathan.

  "Hoy! Patrice! Alam mo bang mahal na mahal kita!"

Sabi nito.

  "Oh di ba Patty? Ang kulit? Kanina nya pa sinasabi yan."

Sabi sa kanya ni Yuan.

  "Lasing lang iyan. Sige na, ibababa ko na ito."

Sabi nya. Muli nyang nilock ang pintuan ng unit nya. Nagmadali syang pumunta ng kotse na at inistart ito. Biglang nagplay sa utak nya ang sinabi ni Nathan sa telepono.

Hoy! Patrice! Alam mo bang mahal na mahal kita

Pinilig nya ang ulo nya.

  "Hay! Dala lang iyon ng kalasingan nya."

Sabi nya sa sarili nya para kumalma sya.

**********

  "Hay! Sa wakas Patty! Dumating ka din!"

Sabi ni Yuan sa kanya ng makarating sya sa club.

  "Asan na si Nathan?"

Tanong nya.

  "Uy! Ikaw Patty ah! Miss mo na agad si Nathan?"

Tukso nito sa kanya.

  "Baliw! Asan na iyong magaling mong pinsan?"

Seryoso nyang sabi nito. Ang ingay sa loob ng club na iyon dahil sa music na pinapatugtug ng dj. Sari-sari pa ang amoy. Alak, pabango, sigarilyo, at kung anu-ano pa. Dinala sya ni Nathan sa isang VIP room na may mirror window. Nandoon si Nathan, nakabulagta sa sofa. Parang bumilis ang tibok ng puso nya.

  "Ayan sya. Bagsak na."

Sabi ni Yuan.

  "Tulungan mo akong dalhin ito sa kotse ko."

Sabi nya. Nagtulong silang dalawa sa pagbuhat kay Nathan hanggang sa makarating sila sa kotse nya. Pinasok nila ito sa passenger seat at kinabitan ng seatbelt.

  "Oh, paano, ikaw na ang bahala sa kanya Pat. Wag mong pagsasamantalahan iyan."

Biro sa kanya ni Yuan.

  "Ewan ko sayo! Sige na."

Pumasok na sya sa kotse nya. Nagpaalam na sya kay Yuan at nagdrive na sya.

**********

Sa tulong ng ilang gwardiya ng condo ay inalalayan ng mga ito si Patty na dalhin si Nathan sa unit nito. Dahil mabigat ito at matangkad ay medyo nahirapan sila. Pagkapasok nila sa unit ni Nathan ay inihiga nila ito sa kama nito.

  "Nako, maraming salamat po mga kuya. Naabala ko pa po kayo."

Nahihiyang sabi ni Patty sa tatlong gwardiya.

  "Okay lang ho mam."

Sabi ng mga ito. Inabutan nya ng tip ang tatlo pero tumanggi ang mga ito.

  "Nako! Wag na ho mam. Trabaho po namin iyon."

Sabi ng isa sa mga ito.

  "Kuya hindi po kasa sa trabaho nyo ang magbuhat ng nakatira dito. Kaya tanggapin nyo na ho, pasasalamat po."

Sabi nya. Napilitan kunin ng mga ito ang tip.

  "Maraming salamat ho mam."

  "Wala po iyon. Ako po ang dapat magpasalamat at humingi ng paumanhin."

Sabi nya. Pagkatapos ay lumabas na din ang tatlong gwardiya sa unit ni Nathan. Binalikan ni Patty si Nathan.

  "Hay nako ka talaga Nathaniel! Sakit sa ulo pati sa puso!"

Pangaral nya dito. Hinubad nya ang mga sapatos nito at medyas, pati na din ang jacket nito. Napalunok sya, dahil medyo manipis ang suot nitong tshirt ay bakat ang anim na pandesal nito. Kyaaaahhh! My virgin eyes!! Pinilig nya ang ulo.

  "Tukso! Layuan mo ako."

Sabi nya sa sarili. Inayos nya ang pagkakahiga nito. Hinaplos nya ang mukha nito. Mukhang galing ito sa iyak dahil medyo mugto ang mga mata nito.

  "Oo na, ikaw na ang gwapo. Lalo na iyang dimples mo."

Sabi nya na bahagyang sinundot ng pisngi nito kung saan nandoon ang dimples nito. Para itong anghel na natutulog. Napadako ang tingin nya sa labi nito. Para syang inaakit na halikan ito. No! Wag kang magpapadala sa tukso Patrice! Sabi ng utak nya. Nagulat sya nang bigla itong gumalaw at magsalita.

  "Mahal na mahal kita Patty. Mahal kita."

Sabi nito. Bigla syang napaluha.

  "Mahal din naman kita! Loko ka! Pati ako nahulog na sa patibong mo."

Sabi nya. Binigyang nya ito ng damping halik sa labi ngunit may naghihintay pa lang kapalit iyon. Biglang kinabig ni Nathan ang batok nya, nanlaki ang mga mata nya. Alam nyang tulog it pero hinahalikan sya nito. Parang nanlambot ang buong katawan nya sa halik ni Nathan. She tasted the bitter sweet faded whiskey that Nathan drank in the club. Para syang nalalasing sa bawat halik nito. Nadadala sa sya. Wala syang alam sa paghalik pero sa tagpong iyon ay mistulang tinuturuan sya ni Nathan kung paano. Napapikit na lang sya at nagpadala sa sensasyong nararamdaman nya. Inihiga sya ni Nathan at pumaibabaw ito sa kanya. Naging mapusok ang bawat halik nito. Naglakbay na din ang kamay nya sa katawan ng lalaki. She felt something that building within her that she never felt before. He already kissing her collar bone leaving a mark there. Bahagya syang napaigik sa sakit dahil sa ginawa nito.

  "I love you Patty."

Bulong nito sa kanya. Naramdaman nyang naglalakbay ang mga kamay nito sa katawan nya. She accidentally touched his crotch. Wtf! Hindi nya alam kung anong nang mangyayari. Bahala nya. He undressed her. Bumaba na ang halik ng lalaki nang biglang may sumigaw sa isip nya. PATRICE! ITIGIL MO ITO! HINDI BA TULOG SI NATHAN! HINDI NITO ALAM ANG GINAGAWA NYA! IKAW ALAM MO ANG NANGYAYARI SA INYO!

Biglang bumalik ang ulirat nya sa realidad. Naitulak sya si Nathan ng ubod lakas. Nahulog ito sa kama. Napaigik ito sa sakit. Kinuha nya ang damit at muling isinuot. Nanlabo ang nga mata nya nang marealize na para syang tanga, well tanga nga sya. Pupungas-pungas na napaupo si Nathan at tumingin sa kanya.

  "P-p-patty?"

Sabi nito. Parang pilit nitong aninagin sya.

  "Damn you Nathan! I almost gave myself to you!"

Sigaw nya dito. Tuluyan na syang napaiyak at iniwan ang lalaki. Pumasok na sya sarili nyang unit. Napaupos ay sa sahig at doon na umiyak.

  "Ang tanga mo Patrice! Ang tanga tanga mo! Ibibigay mo ang sarili mo sa taong tulog? Napakabobo mo!"

Sabi nya sarili nya. Nasabunutan nya nang wala sa oras ang sarili. Kinapa nya ang leeg nya kung saan nilagyan ni Nathan ng mark. Lalo syang napahagulhol sa iyak. Napakalaki mong bobo Patty.

**********

Kahit nanlalabo ang paningin ni Nathan ay pinilit nyang aninagin ang babaeng nasa harap nya. Umiiyak ito. Medyo pamilyar ang itsura nito.

  "P-p-patty?"

Tanging sabi nya. Naramdaman nya kasing mayroong humalik sa kanya. Hindi sa malamang kadahilanan ay kinabig nya ang humalik sa kanya. Parang nakakalunod ang labi at halik nito, ang kaibahan lang ay mukhang hindi ito marunong humalik kaya naman tinuruan nya ito. Patty kung ikaw man ito ay sana totoo ang nangyayaring ito. Sabi ng isip nya noon.

  "Damn you Nathan! I almost gave myself to you!"

Sabi isang boses babae. Pamilyar ang boses nito. Nahihilo na talaga sya. Nakita nyang nagbihis ang babae at lumabas na ng kwarto nya. Pinilit nya ang sarili na humiga sa kama dahil mukhang tinulak sya nito.

  "Ugh! F*ck"

Napahawak sya sa ulo nya sa sobrang sakit ang hilo. Doon ay tuluyan na syang ginupo ng antok at pagod kaaiyak.



A/N: KYAAAAAAAHHHHH!!! Almost there! Oh my gosh! Oh my gosh! Hahaha! Potspa! Dahil si Alden nga si Nathan at si Maine si Patrice ay syempre I respect them kaya hindi ko tinuloy. Hahaha! Pero tingnan natin sa susunod na chapters mga kababayan. Okiee? Kung may part 2 ba iyong 'almost' na iyon. Hehe! :))
Ano sa tingin nyo?? 4 chapters to go na lang. :((
Pero umeeksena si Lucas. Hay! ;))
Oh well. Lets see. :))

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. :)) xx

Ps. Please also do read and support my other stories. It would really mean a lot. May ginagawa din akong MaiDen Fanfic, sana po suportahan nyo din sya. Maraming maraming salamat po! :))

-AetherMae

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
754K 18.7K 22
AMBERS CLAN SERIES-1 ALJHON CLYN VERGARA "Honey, God knows how I love you. That's true, I love you so much at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko d...
47.9K 4.7K 32
A MayWard Fanfic story