Worthwood Academy

By PrincessCreamyCake

5.2M 161K 42.8K

"There's another heartbeat in the darkness." Worthwood Academy, a school where extraordinary is only ordinary... More

Prologue | Identity Seek
WA 1 - Elemental Curse
WA 2 - Little Wanderer
WA 3 - The Twin's Imaclum
WA 4 - Watch Your Back
WA 5 - Unexpected Friendship
WA 6 - Psycho-Telepathy
WA 7 - Went Overboard
WA 8 - Sleeping Beauty
WA 9 - Nydumm and Portals
WA 10 - The Fire Imaclum's Capacity
WA 11 - Intangible Magic
WA 12 - Cold Corpse
WA 13 - Unleash The Codes
WA 14 - Answer
WA 15 - Caught On Act And The Talk
WA 16 - The Cursed Heir's Blood
WA 17 - Fire and Ice
WA 18 - Train To Fight
WA 19 - Mystical in Mystic Forest
WA 20 - Arro's Cursed Heir
WA 21 - A Monster And A Traitor
WA 22 - What Exactly Happened?
WA 23 - Physical Transitions
WA 24 - Unveiled Truth
WA 25 - Finally Captured
Last Chapter - The Day He Cried
First Half Epilogue
Prologue | Distracted Reality
WA [DR] 26 - The Real Journey Starts
WA [DR] 27 - Memories of Them
WA [DR] 28 - Fly With Me
WA [DR] 29 - Behind His Attitude
WA [DR] 30 - The Jerk Just Smirked
WA [DR] 31 - Garden Pixies
WA [DR] 32 - Good Luck, Nathalia
WA [DR] 33 - Parade of the Challengers
WA [DR] 34 - Bolt Spear
WA [DR] 35 - Stolen Memories
WA [DR] 36 - Right Time
WA [DR] 37 - Anything For His Happiness
WA [DR] 38 - Time for Bullshits
WA [DR] 39 - You're My End Game
WA [DR] 40 - Give Up and Fall
WA [DR] 41 - Insensitive
WA [DR] 42 - Winter Season
WA [DR] 43 - Feel At Home
WA [DR] 44 - Make Up Your Mind
WA [DR] 45 - Now, Shut Up
WA [DR] 46 - Turn Down The Tables
WA [DR] 47 - Actions Without Words
WA [DR] 48 - Honesty Or Pride?
WA [DR] 49 - Make It Worth The Slap
WA [DR] 50 - Not Fighting Back
WA [DR] 51 - Everything is a Wreck
WA [DR] 52 - Of Course
WA [DR] 54 - One of a Kind
WA [DR] 55 - Last Chapter
Second Half - Epilogue
Special Chapter | A Story of a Lifetime
Special Chapter 2 | Another Pulse
BRIZ'S STORY

WA [DR] 53 - More Important

54.9K 1.7K 182
By PrincessCreamyCake

Hi! 2 more chapters and we are officially done! The physical book will probably be released June or July. It is under Viva Books :) Hope you'll still support it since it's half different from this version.

Since this is ending, I would like to ask for your support for my other stories. I already posted Dare To Risk In Love, the first installment of Reign Chronicles: Fate of the Throne, then WA's second gen, Silver Traces here in Wattpad. I hope you'll read them too.

Anyway, thank you so much for reading this story. This was my first fantasy story, and I really liked this one. Again, thank you!

WA 53 – More Important

I am fumingly mad! Damn those guys! Pag talaga nakita ko sila ngayon, humanda sila. They're a pain in the ass, and they love trouble! Halos patakbo na ako papunta sa office ni Sir Borris dahil sa pagmamadali. Alam kong maabutan ko pa sila doon kaya binilisan ko na. Nasa right wing na ako nang makita ko si Wina na nagmamadali rin.

"Wina!" Tawag ko. Palinga-linga siya para hanapin ako, "Wina, sa likod!" sigaw ko. Tumigil siya at hinarap ako. Kagaya ko, nakakunot rin ang noo niya. "Doon ka rin papunta?" Tanong ko.

Tumango lang siya at naglakad ulit. Sinabayan ko na, "Naku talaga! Nakakainis!" Padabog siyang naglalakad habang paulit-ulit sa mantra niya. She's pissed like me. Sino ba namang hindi? "Hindi ko naman problema pero pinoproblema ko! Naku talaga! Kung ano na namang kalokohan ang pinasok ng mga bwisit na 'yon! They'll be the death of me!" I can sense that she's not just pissed—but really angry. So am I.

If you're asking why, then, those handsome boys that we have—pertaining to Uryll, Briz, Stanley, and Rio... Nagloko na naman! They always get into trouble these past few days. They love trouble! Damn it! Kahit ako naiinis na sa mga pinaggagawa nila.

Ngayon naman, pinatawag ulit sila ni sir Borris dahil nahuli silang pumapasok sa isang forbidden forest malapit sa Relm. Hindi na doon sa usual na pinupuntahan nila kung hindi sa kabilang side naman. Balak ata nilang I explore lahat ng bawal pasukan na kagubatan!

Third in a row na 'to! Kahapon lang din, nahuli din silang nangunguha ng mga bunga na ginagamit sa isang potion. Elementals are not allowed to touch anything—basta pagmamay-ari ng mga Sorcerers. It's different. Baka magamit sa maling pamamaraan at kung ano pa ang mangyari. It's not something that is so easy to fix. My mga bagay na kayang gawin ng Elemental na hindi kaya ng Sorcerers... Vice versa. Elementals produce elemental powers and Sorcerers enhance the power of elements to a better and safe use. It's still connected.

"So do I." I said. Kahit ako hindi maitago ang inis.

It's been what? A year and half! That long... Maraming happy, sad, and again happy memories that passed by. Imagine that? Ganoon na kahabang panahon simula nang nagkagulo-gulo kaming lahat.

Uryll and I, well, kami nga. Until now, ganoon pa rin. It's been a rollercoaster ride for the both of us. Walang araw na hindi kami nagsisigawan—yes, we are still the same nagging Nathalia and the grade-A asshole Uryll. Briz is happy... He's happy because he's finally with someone else. Wina and Stan, they are still the same. Puro kulitan at asaran ang ginagawa nila. Xynthea and Rio... still bestfriends. Bakit kasi ayaw pang umamin? Alam naming may namumuo na sa pagitan nila pero in denial din sila pareho. Ayaw naming manghimasok kaya pinabayaan na lang namin. Liz is still Lizbeth... pasaway na bata. Idol si Stan at Uryll sa kalokohan kaya minsan sumasama sa mga kabulastugan nilang magkakapatid.

It's really great having them around! Everyone's cool. Everyone's happy with their own lives—and so am I. We're both happy.

Naabutan namin si Liz na nasa labas ng office ni Sir Borris. Nakatulala.

Naisipan siyang gulatin ni Wina kaya siya lumiko at dumaan sa likuran. Sa harap na ako para hindi mapansin si Wina. Napatingin sa akin si Liz.

"Hoy!" Gulat siyang tumalon at halos ma-out balance kaya nahagip ko siya sa braso. Napatawa ako dahil hindi siya magkandaugaga sa pagtayo.

Palinga-linga niyang hinanap ang gumulat sa kanya. "Ate Wina naman eh!" Pagmamaktol niya nang makita si Wina na hindi mapigilan sa pagbungisngis... Napasalampak sa sahig si Liz.

Naupo kami ni Wina sa kaninang inuupuan ni Liz, "Problema mo?" tanong ko.

Umiling siya. "Patay ako nito kay Miss Moore." Sabi niya.

I arched my brow. Ganoon din ang ginawa ni Wina, "At bakit naman? May nagawa ka ano? Ayan kasi, sumasama ka pa sa mga kalokohan ng magkapatid! Pati tuloy ikaw napapahamak. Alam mo namang walang limit ang dalawang 'yon pagdating sa hindi pagsunod sa rules. Naku talaga alam ko na 'yan—"

Hindi natapos si Wina dahil sinapak siya sa kamay ni Liz. "Nananakot ka pa talaga ate, no? Ang laking tulong mo! Nasa loob si Kuya Stan at binibigyan ng parusa, sige, manukso ka pa!"

Bratty comeback, huh?

Umirap si Wina, "Hayaan mo siya! Ginusto niya 'yan eh kaya panindigan niya! Problema na niya 'yan at hindi sa akin!"

"Hayaan?" Natawa ako. "I thought they'll be the death of you? Sabi mo 'yan kanina. Problema ni Stan pinoproblema mo kaya ka naiinis kanina. Then why—"

"Shut up!" She hissed on me.

"Woah!" I teased.

Nag high five kami ni Liz dahil sa biglaang pagsigaw ni Wina. Hindi ko rin napigilang hindi matawa dahil guilty na guilty siya sa sinabi niya. We waited for almost half an hour before Uryll and Stan came out. I narrowed my eyes at their direction—and of course, looking directly at Uryll. He seems very surprised seeing me waiting for him. He even blinked for how many times.

Napairap ako sa kanya at napailing. 'Hoy!' I shouted in his mind. I suppressed my laugh seeing him with a creased brow. Medyo malakas rin 'yon kaya alam kong masakit sa ulo.

'You're here,' Sagot niya ng mahina. Cool enough, huh. Hindi man lang natinag sa pagsigaw ko.

"Umayos ka, Hutchinson! Tatamaan ka sa akin." Pagbabanta ko. Malamang sa malamang nandito ako. Ano bang ini-expect ng mokong na 'to? No way! I can't let this slip again.

Lumapit siya sa akin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at humalukipkip. I don't know what has gotten into him pero... nakangiti siya habang nakatayo sa harapan ko. This is creepy!

"Uhuh, really now Delacroix?" Panunuya niya. Sinapak ko siya sa balikat dahil alam kong hindi na naman siya magse-seryoso ngayon.

"Tumigil ka!" Kumunot naman ang noo ko dahil kahit na sinapak ko na, nagawa niya pa ring laparan ang ngiti. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan ha? Ano na namang kalokohan ang pinasok niyo ni Stan? Hindi pa ba kayo sawa sa detention?"

He shrugged, "We're just having a good time."

"Good time? Good time pa ba sa inyo na pangatlong beses niyo na 'tong nahuli? Aba! Kung ganyan lang man din, sana pala tinusta ko na kayong dalawa para matigil kayo sa mga kalokohan niyo!"

I am mad. That's why!

"Come on," nagawa niya pang tumawa. "Stow your twitching palm." Lumapit pa siya at niyakap ako. "I'm sorry..."

Sorry? Sorry pero may halong tawa? Aba! Tinulak ko sya sa dibdib kaya napabitaw siya at napasapo doon.

"Sorry pero uulitin mo rin naman!" Sigaw ko.

"Nathalia, hayaan mo na." Singit ni Stanley na sapo-sapo rin ang ulo dahil sa pananapak sa kanya ni Wina.

"Hoy Stanley! Ikaw! Kinukunsinte mo pa 'yang kapatid mo!" Binatukan siya ni Wina saka piningot sa tenga.

Hinarap ko ulit si Uryll na nakangiti, "Oh ano? Ano na naman?"

"Wala naman." Tumawa siya ng mahina.

I rolled my eyes, "Anong parusa na naman ang nakuha niyo?" Tanong ko.

The last time, nabigyan sila ng parusa na kailangan nilang linisin ang lahat ng laboratory sa school. Inumaga sila sa kakalinis dahil marami ang laboratory at sinadya talagang dumihan.

He shrugged, "The usual... Library works," Naalala ko na naman 'yong araw na sila rin ni Stanley ang naparusahan at pinaglinis sila sa Library. Briz was also there, pero nauna niyang magawa ang parusa sa kanya kaya naiwan ang magkapatid.

I still remember, kasama ko si Briz ng araw na 'yon... "What's new? Anyway, 'wag niyo na kasing tangkain pang pumasok sa Mant Grove." May itinatago ring kapilyuhan 'tong si Briz. Tinangka nilang pasukin ang liblib na gubat na Mant Grove para lang manghuli ng kulisap. Ang nangyari, mas naengganyo sila dahil sumama si Stan sa kabulastugan nila ni Uryll.

"You know what? Masayang gumawa ng bawal." Pilyo siyang tumawa.

Dati pa man, magka-team na ang apat pagdating sa kalokohan. Ngayon naman, sumasama na rin sa kanila si Liz. Kapag talaga nalaman 'to ni nila mama, mapapagalitan talaga kami. Oo kami, dahil sa akin ibinilin ang babaeng 'yon. Ni hindi ko siya napigilan dahil kinokonsinte rin ni Stanley. Ang nangyayari, palagi siyang nakakatanggap ng batok, suntok at kung ano pang literal na masakit sa katawan na galing kay Wina. Amazona talaga ang babaeng 'yon!

Walang nangyayaring maganda kapag silang apat ang magkasama. They're a pain in the ass! They love trouble kaya hindi na nakakapagtaka kung bale wala na sa kanila ang maparusahan. Siguro galit na naman si Sir Borris sa kanila dahil hindi nila magawang manahimik man lang sa iisang gilid.

Kung anong bawal, iyon ang gagawin nila.

Goodness!

Same as Wina, baka sila rin ang maging dahilan kung bakit maaga akong malalagutan ng hininga!

Umakbay sa akin si Uryll, "Tara," Pag-aaya niya.

Kumunot ang noo ko, "Tara saan? Hoy Uryll ah! Kalokohan na naman 'yang naiisip mo!"

Umiling siya at ginulo ang buhok ko. "Hindi 'to kalokohan." Seryoso niyang sagot. "I wouldn't dare to make this a joke. I'm serious with this. Now, let's go... They're waiting for us."

Ha?

"Sinong naghihintay sa atin?"

"Your parents."

Mas lalo lang kumunot ang noo ko. "My parents? Anong ginagawa nila Mama at Papa dito? Wala naman akong ginawang masama!" I hissed! Baka isinangkot ako ng dalawang 'to kaya napasugod dito sina Mama. I swear! I've been a good daughter and a student here!

Tumawa siya. "I know. Ano bang nasa isip mo kaya nasabi mo 'yan? Of course, you're always the good Nathalia here."

"Bakit sila nandito?"

Ngumiti siya at inakbayan ulit ako. "Something very important. And also... My parents are here too." And he winked at me.

What? Seryoso?

Naka kunot ang noo ko habang naglalakad kami papunta sa office ni Ynior. He said they are waiting there. I don't know why his parents are here... even mine. Wala naman akong ginagawang masama maliban na lang sa pag-skip ko ngayon ng klase para lang puntahan ang magkapatid na Hutchinson! That's a big deal? For me it's not. Mas iisipin ko pang mas malala ang ginawa nila kesa sa nagawa ko.

Bago kami umabot sa office ni Ynior, nadaanan pa namin si Sir Woods na may pinapagalitang juniors sa may gawing left wing. May nasira ata silang bintana dahil sa paglalaro sa mga Imaclum nila. Napailing ako. Ramdam ko rin ang pagkurot sa akin ni Uryll sa tagiliran ko.

Sinapak ko ang kamay niya. "Masakit." Sabi ko. Kung makakurot 'to, akala hindi ako nasasaktan.

Ngumisi siya at nginuso si Sir Woods, "That man will die early."

"At bakit naman?"

"Habang tumatagal nagiging magkaugali na sila ni Sir Borris. They're becoming too grumpy," he grinned and dropped his arm around my shoulder. He pulled me closer to him, "Maaga talaga silang mamamatay kapag ganyan."

I arched my brow, "Humor me again, Uryll. Hindi kita naman naintindihan." Goodness! Pwede bang sumimangot ka na lang? It's better that way.

As time passed by, nag-iiba na siya ng ugali. He's not the usual grumpy, stoic, pokerfaced man that I knew. Para kasing nag-iba na siya. He's becoming more carefree.

Ewan ko ba. Nagugulat pa rin ako sa mga nagagawa niya ngayon.

"Damn. I suck at this matter." Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.

"Hindi naman. Medyo hindi ka lang talaga magaling mag deliver ng sasabihin. Para ka kasing stoic lang palagi. So people would rather think you're just upset."

"You know what? You're the only person who can hurt me like this."

"Hurt?" I frown, "Anong ginawa ko sayo para masaktan ka?"

"This." He smirked. "You're beginning to be straightforward. I hate it."

Wow. Straightforward, me? How come, eh ni wala nga akong naisip na pagkakataong naging ganyan ako! Mas gugustuhin ko pang iwala ang topic para naman hindi ako masyadong makasakit. But him? He thinks I'm beginning to be straightforward. I don't know his reasons behind this.

"I don't get you." Umirap ako at hinayaan siyang akbayan ako. Hindi naman siguro kami masisita nito di ba? I hope so. I like being in his arms... in times like this. "You said it, and you hated it? You're crazy, Uryll." Minsan, nagiging weird na si Uryll. He's talking too much.

Isn't that weird?

"Well..." He pinched my nose. Ginulo niya ulit ang buhok ko ng paulit-ulit. Sinapak ko sa kamay para matigil.

"Namumuro ka na." Sabi ko.

Ngumiti siya, "Crazy, then. But I'm exerting too much effort to have a little change in character. Naisip ko kasing masyado akong mahigpit pagdating sa paglalabas ng emosyon. I thought it's a good idea to free myself from the cage and try myself with some humor."

"Ano naman ang kinalaman ko sa mga 'yon, ha?"

"Sabi ko nga, you're the only one who can hurt me like this. Physically and emotionally."

My brow creased, "Are you trying to be funny, again? Or something?"

He frequently rolled his eyes. Now, what did I do?

"That," Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. He's towering over me. Oo na, pinagpala po siya sa tangkad. Inilagay niya ang hinlalaki at hintuturo sa pagitan ng dalawang kilay ko. Mas lalong kumunot ang noo ko sa ginagawa niya.

"Ano ba!" Saway ko at sinapak siya sa kamay para maalis sa pagitan ng kilay ko.

Hindi siya nagpatinag at ngumisi lang. "You have 'V' in here whenever you frown." Pilit niyang pinaglalayo ang kilay ko—he's stretching it using his fingers! "Cute." I felt my jaw dropped.

From the very start of this story... that was the first time he said that.

Ako, cute? Ha! Saang lupalop na naman kaya ng Greacugon galing itong taong 'to at bakit parang nahamugan? Nakakabahala na 'to.

"I'm trying so hard to be cool, Nathalia. Pero sa tuwing may sinasabi ako o ginagawang sa tingin mo kakaiba na, hindi mo namamalayang binabara mo na ako. Nakakasakit ka rin, ano?" Tumawa siya at inakbayan ulit ako. "That's why I kind of hated it. Your words hurts like a bee that stings."

Oh—kay. Kaya naman pala. "Sana sinasabi mo kaagad. You know I can help you with that, Uryll."

"I know. Still, I'm doing my best." Sabi niya.

"Put some emotions in your face, it'll be more accurate to tell. Kung stoic kasi, para ka lang nambabanas sa nakakausap mo. Baka imbes na matawa, mabwisit lang sayo."

Hindi ko alam pero sabay kaming natawa sa sinabi ko. This feels comfortable enough. Simula kasi nang naging kami, parang ang dami na naming natuklasan na sabay. May mga pagkakataong kahit hindi na kami mag-usap, nagkakaintindihan na kami sa simpleng pagtititigan man lang.

There's a connection between the two of us. Ang saya lang.

Dati rati, hindi namin magawang magkasundo sa maliit na bagay—kahit malaki man. Ngayon, ganito na, idinadaan na lang namin sa sapak at tawa.

Ang layo na talaga ng narating namin dalawa.

Mula sa malayo, kitang-kita na ang mga magulang namin na parang may inaabangan. That must be us. Kanina pa ata kami pinapatawag pero sadyang may kabagalan kami sa pagkilos kaya sila nandiyan.

"Bilisan na natin. Kanina pa ata sila naghihintay sa atin." Hinila ko siya para mapalaki ang mga hakbang namin. Tamad siyang naglalakad saka pinandilatan ako ng mata, "Kung balak mong mag bagal-bagalan, aba maiwan na kita!" Sabi ko at binitawan siya para magmadali.

Wala pa man, nahuli niya ulit ang kamay ko at pinagsalikop. "They can wait." He sternly said.

Aba! Loko 'to, ah! "Wait? You think that's reasonable enough? Hindi ko nga alam kung bakit sila nandito. Wala akong ginagawa masama!"

Oh my god! Bakit nga ba sila nandito?

He chuckled, "Wala ka naman talagang ginagawang masama."

"Eh bakit sila nandito?"

"Kasi may importante silang dapat malaman."

Automatic na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong dapat nilang malaman? Naku Uryll! Wala akong kinalaman sa lahat ng kabulastugan ninyong magkapatid. Labas ako sa lahat ng 'yon! Ni hindi ko kinokons—" Napatahimik ako dahil sa biglaan niyang pagpitik sa noo ko.

"Stop nagging. Wala ka ngang ginagawa. Kulit nito." Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. He pulled me even closer and he kissed my hair. "What were you thinking?"

"Nothing." I pouted, "I'm just paranoid, you know."

Ngumisi lang siya at sabay naming tinungo ang kinaroroonan nila Mama at Papa.

Sinalubong kami ni Mama Ade na may malaking ngiti. Kaagad akong binitawan ni Uryll dahil dali-dali akong niyakap ni Mama. "Namiss kita anak." Sabay haplos sa buhok ko.

Napangiti ako dahil doon. "I missed you too, Mama." Humiwalay siya sa yakap at sinuri ako saka siya umiwas at pinasadahan ng tingin si Uryll na nakatayo sa gilid ko. Kaharap niya ang mga magulang niya.

Naagaw ni Papa ang atensyon ko nang tumikhim siya at ibinuka ang mga kamay. "Saan naman 'yong para sa akin? Si Mama mo lang ba ang may yakap?" May halong tampo sa boses niya. Iisipin ko na talagang totoo ang pagtatampo niya kung hindi ko lang siya nakitang may sumilay na ngiti.

"Pa naman..." Sabi ko at niyakap rin siya ng mahigpit.

Rinig ko ang usapan ng mga magulang ni Uryll at pati na rin siya. "Kamusta ka naman dito? Nababalitaan kong marami kayong ginagawang kalokohan ng Kuya mo." Sabi ng Mama niya.

Naalala ko noon sa telepathy namin... Anak siya sa labas ng Papa niya. Dahil pumanaw na ang Mama niya, kaya siya kinupkop ng pamilya ng Papa niya. Dahil mabait namin ang asawa nito, itinuring siyang parang anak. Kaya sila may hidwaan ng nakakatanda nilang kapatid na si Hans. Hindi siya tanggap ng kapatid pero si Stanley, tanggap siya at mas malapit silang dalawa.

Kahit naman siguro hindi siya totoong anak ng kinikilala niyang Mama ngayon, at least naramdaman niyang hindi siya iba sa kanila. Tanggap siya nito at itinuring na parang anak na talaga.

"Ma, wala 'yon. Katuwaan lang namin ni Stan."

Napailing ang Papa nito. "May pinamanahan nga." Sabi nito at natawa pati na ang Mama niya.

"Kayo talaga. Nasaan na ba 'yong kapatid mo hijo?"

"He's still in the disciplinarian section. We got caught." He grins.

Napailing ulit ang Papa nito.

May kaonting hawig si Uryll sa Papa niya. His deep brown eyes and his strong jaw are from him. Hutchinson nga. Pero si Stanley? Gawin lang binata itong Papa niya, magkamukha na sila.

Binalik ko ang tingin sa Papa kong nakatingin rin pala sa akin. He's smiling... and I don't know why. "Bakit po?" Tanong ko.

He shrugged, "Seems like my baby is really in love." He said. Napakagat labi ako dahil sa sinabi niya. "Nakikita ko ang sarili ko sayo noon. The way you stare at him? That was also the same stare I did to your Mama Ade." Ngumiti siya. "Malaki ka na talaga."

"Pa, kung ano-ano na naman ang mga sinasabi mo." Biro ko. But deep inside, I'm really happy. The way he talks about their lovestory, the way he persuade Mama, basta nakakakilig. They're my favorite couple. Really.

Sumingit si Mama sa pagitan namin. Si Papa naman natawa lang at inakbayan si Mama, "Anong pinag-uusapan ng mag-ama ko?"

"Wala naman Mama. Eto kasing si Papa nag t-throwback na naman." Panunuya ko.

Tumaas ang kilay niya, "Wala na bang katapusan 'yan Isiah? Hindi kaya maumay 'yang anak mo sa pagkwento tungkol sa mga hirit mong palpak?" Humarap sa akin si Mama. "Anak, hayaan mo na. Tumatanda na ka—"

"Sinong tumatanda?" Defensive na tanong ni Papa.

Sabay kaming umiling ni Mama. Sino ba sa tingin mo Pa? Ang kulit talaga.

Napatingin ako kay Uryll na nakatingin rin pala sa akin. He's smiling. Napangiti rin ako. Lumapit siya at kinurot ako. "Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya, "Papakilala kita sa kanila." Sabi ko at hinila siya pero bago 'yon, narinig ko na ang tawanan sa likod namin.

It's Uryll's Papa, "Isiah, ang ganda nga ng anak mo."

Hindi ako makahinga sa pagkakasabi niyang 'yon. Napatingin ako kay Uryll 'Kilala ako ng Papa mo?' Tanong ko.

"Oo." Sagot niya.

Napatingin ako sa mga magulang ko at nakangiti sila habang nakatingin sa mga magulang ni Uryll, "Oo naman, Zadu. Kanino pa ba magmamana itong anak ko? Sa akin syempre." Pagmamalaki ng tatay ko. Gusto kong sapuin ang noo ko dahil sa sagot niya. Umaandar na naman ang pagiging isip bata niya.

Nagtawanan naman sila. "Mas kamukha ni Ade, Isiah." Sabi ng Mama niya.

Si Mama napangiti, "Gail, magtatampo na naman 'yan dahil sa sinabi mo. Alam mo naman itong si Isiah. He's such a kid."

Hindi ko masundan ang storya. Oh—kay. Magkakilala na sila? O talagang kilala na nila ang isa't isa dati pa? Wala talaga akong alam sa nangyayari.

Ngumiwi si Papa, "Huwag niyo akong asarin. Tara na sa loob at kanina pa naghihintay si Papa." Sabi ni Papa sa amin.

Nagkatinginan kami ni Uryll pero simpleng ngiti lang ang ibinalik niya sa akin at isang nakaw na halik sa noo. Damn it! Iba talaga.

"Let's go. There's more important than this, Naths."

Alright.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 291K 51
Sky Academy, a school wherein magic really exist and impossible things never. First book to the Sky trilogy. Completed. Wattys2016 Winner. Published...
285K 9.9K 135
The son of the famous detective in the world. A star player of Cornerstone Academy's basketball team. He's known for being clever. Obsessed sa mga my...
608K 49.5K 54
|COMPLETED| After the broken engagement, they need to search for the relics and find it before the demons lay a hand on the sacred relics. Adventure...
20.4M 755K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...