FONTALEJO MEN SERIES #2: The...

By AetherMae

388K 9.2K 301

Sa Fontalejo clan, si Nathan ang tinaguriang playboy sa pamilya. His charming looks can attract every girl, b... More

Author's Note:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
Author's Note:

CHAPTER 14:

14.1K 408 15
By AetherMae

Nang umagang iyon ay nakatanggap na naman ulit ng bulaklak si Patty. Ilang araw na syang nakakatanggap ng ganoon. Nagtataka na sya kung kanino galing ang mga iyon. Wala naman kasing nakapangalan. Saktong pagkakuha nya nang bulaklak ay lumabas si Nathan sa unit nito.

"Oh kambal? Kanino galing ang mga iyan?"

Lumapit ito sa kanya at kinuha ang mga bulaklak.

"Eh hindi ko alam. Basta tuwing umaga ay mayroon nang ganyan sa tapat ng unit ko. Akala ko ikaw nag nagpapadala ng mga ito."

Sabi nya dito. Kumunot ang noo nito.

"What?! No Im not. Hindi ako nagpapadala ng mga ito."

Sabi ni Nathan sa kanya. Para syang nakaramdam ng lungkot sa sinabi nito.

"Kung bibigyan kita ng bulaklak ay sa personal, hindi sa ganito."

Sabi ni Nathan sa kanya. Kinuha nya ang bulaklak sa kamay nito.

"Akin na nga yan! Akin itong mga ito."

Sabi nya, walang anu-ano'y pumasok din si Nathan sa bahay nya.

"Oh? Nagtetresspass ka na naman."

Sabi nya.

"Nakadamit ka naman eh."

Makahulugang sabi nito sa kanya. Napukpok nya ito ng wala sa oras gamit ang bulaklak na hawak nya.

"Bastos!"

Tumawa lang ito. Napasin nito may mga bulaklak sa vase nya.

"Dapat hindi ka tumatanggap ng bulaklak."

Seryosong sabi nito sa kanya.

"Eh? Bakit naman?"

Naguguluhanh tanong nya dito.

"Baka magkaallergy ka. O kaya may higad iyan. Akin na nga iyang hawak mo! Dapat dito ay itapon na. Baka kung ano pang meron sa mga ito. Baka may bomba, o hidden camera."

Sunod-sunod na sabi nito. Kinuha nito ang mga bulaklak sa vase pati ang hawak nya ay tinapon iyon sa basurahan nya.

"Oy! Bakit mo tinapon ng mga iyon!"

Bulyaw nya dito.

"Nag-iingat lang Patty. Mahirap na sa panahon ngayon. Magpasalamat ka na lang sa akin."

Sabi nito sa kanya. Tiningnan nya ito ng masama.

"Eh galing iyon sa admirer ko eh."

Pagmamaktol nya. Kukunin sana nya ang mga bulaklak nang bigla syang yakapin nito mula likod.

"Ibibili na kang kita ng bulaklak kung gusto mo, yung mas maganda pa sa mga iyan. Okay? Wag ka mo lang tanggapin ang mga iyon."

Sabi ni Nathan sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso nya sa ginawa nito. Halos marinig na din nya ng tibok ng puso nito. Para naman syang kinukuryente sa bawat paghinga nito sa dumadampi sa balikat nya.

"Nathan?"

"Hmm?"

Hindi pa din ito kumakalas sa pagkakayap sa kanya.

"Let me go."

"I don't want to."

Sabi nito sa kanya. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Mukhang bagong paligo ito dahil amoy na amoy nya ang aftershave cologne nito, nanunuot iyon sa nostrils nya. Parang inaakit sya. Parang mawawalan ng lakas ang tuhod nya pero dahil sa nakayakap sa kanya si Nathan ay may suporta sya.

"Nate, hindi pa ako naliligo alam mo iyon?"

Muling sabi nya dito. Juicecolored! Tulungan nyo po ako! Ilayo nyo ho ako sa tukso.

"I don't care Patrice. I will never let you go, not until you promise me that you will never accept those flowers."

Sabi nito sa kanya. Naramdaman nya ang bawat sinabi nito sa kanya dahil nakabaon sa balikat nya ang labi nito.

"Okay, I promise. Hindi ko na tatanggapin o kukunin ang mga iyon."

Wala syang magawa kundi pumayag para pakawalan sya nito.

"Good."

Sabi ni Nathan sa kanya. Hinalikan nito ng balikat nya. Para syang kinuryente sa ginawa nito. At saka bigla din syang hinalikan sa pisngi. Pinakawalan na sya nito.

"So? Anong gusto mong breakfast?"

Nakangiting tanong nito sa kanya.

"Bastos ka talaga! You perv!"

Bulyaw nya dito.

"What? What did I do?"

Nagtatakang sabi nito.

"Wala! Bahala ka na kung anong lulutuin mo dyan! Maliligo na ako!"

Sabi nya. Tinalikuran nya na ito.

"Are you trying to seduce me Patty?"

Pang-aasar nito sa kanya. Binato nya ito ng unan na nasa sofa.

"Pervert!"

"Don't worry Patty, I will not anything to you. Your my twin right?!"

"Argh! Ewan! Bastos!"

Pumasok na sya ng kwarto nya. Nilock nya ang pinto. Mahirap na. Napasandal sya pinto, sapo ang dibdib nya.

"Phew! Bwisit ka talaga Nathan."

Sabi nya sa sarili, pumunta na sya ng banyo para maligo.

**********

"Hoy! Juliano Lopez Jr.! Asan ka na ba?! Alam mo bang inuugat na ako kakaintay sayo?!"

Naasar na tanong ni Patty sa kaibigan. Kausap nya ito ngayon sa cellphone. May usapan kasi sila na manonood ng Fifty Shades of Grey.

"Ano ba sis! Hindi mo na ako kailangan tawagin sa whole name ko noh! Nawiwindang ako alam mo yan!"

Sabi ng kaibigan nya sa cellphone.

"Eh asan ka na ba kasi?!"

Naiirita nyang tanong dito.

"Eh si Mudra kasi nagpasama sa ospital, eh hindi ko naman mahindian. Mudra ko iyon eh, syempre uunahin ko iyon. At isa pa winner ang doctor ni Mudra! Mala-Adonis teh! Winner!"

Malanding sabi nito sa kanya.

"Siguraduhin mong sinamahan mo iyang nanay mo sa ospital! Kapag nalaman ko na niloloko mo lang ako, aahitin ko iyang kilay mo!"

"Oo na! Sige na babush! Bawal bukas ang phone dito sa xray area! Matsugi pa ako ditey!"

Pinutol na nya ang linya.

"Hay! Ano ba iyan. Sayang naman itong binili kong ticket."

Sabi nya sa sarili. Gusto nya kasing may kasamang manood. Inubos nya ang kapeng iniinom. Gustong-gusto nya talagang panoorin ang movieng iyon. Kahit masyadong SPG yung palabas na iyon. Ang gwapu kaya ni Jamie Dornan. Wahihi!

"Si Nathan kaya?"

Sabi nya. Kukunin na sana nya ang cellphone nya para tawagan ito. Pero napaisip sya.

"Teka? Nakakahiya naman. Baka kung ano pang isipin nun."

Sabi nya. Tumayo na lang sya at lumabas sa coffee shop na iyon. Naisipan na lang nyang mag-ikot ikot sa mall na iyon. Halos mapatalon sya nang may yumakap sa kanya mula sa likod.

"Rape!!"

Bigla syang napasigaw. Pero tinakpan ng yumakap sa kanya ang bibig nya.

"Hindi naman kita rirape-in kambal."

Napaharap sya. Si Nathan pala ang yumakap sa kanya. Pinaghahampas sya ito.

"Kanina pang yumayakap sa akin ah! Namumuro ka na!!"

Patuloy nya itong pinaghahampas. Pero natatawa lang si Natham at mukhang hindi iyon nasasaktan. Doon lang nya napagtanto na pinagtitinginan na sila mga tao.

"Ang sweet nila oh." -usi #1

"Grabe ang gwapo nung guy. Ang cute nung dimples nya." -usi #2

"Sila kaya?" -usi #1

"Baka, ang sweet nila eh." -usi #2

Nagbubulungan na ang mga tao dahil sa kanila. Parang gusto nyang maglaho. Naglakad na sya. Iniwan nya si Nathan.

"Uy teka! Sandali lang Patty!"

Hinabol naman sya nito. Hindi nya iyon pinansin, patuloy lang sya sa paglalakad. Pero inakbayan sya ni Nathan.

"Ano ba Nathan! Tigilan mo na nga ako!"

Galit na sabi nya dito.

"Sorry na. Bakit ka ba nagagalit?"

Tanong nito sa kanya. Oo nga? Bakit nga ba sya galit dito?

"Ang lakas ng trip mo eh."

"Dati hindi ka naman nagagalit kapag niyayakap kita."

Sabi ni Nathan at nagpout.

"Makayakap ka kasi ngayon wagas na."

Sabi nya dito.

"Friendly hug lang naman iyon."

Sabi nito sa kanya. Oo nga naman! Friendly hug lang iyon.

"Bakit ka nga pala nandito sa mall? Sinundan mo ba ako?"

Tanong nya dito. Bigla na lang kasi sumulpot.

"Hindi ah! may bibilhin sana ako nang makita kita. Bakit naman kita susundan?"

Sabi nito sa kanya. Oo nga? Bakit naman nya ako susundan?

"Ah, okay."

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito sa mall?"

Tanong naman nito sa kanya.

"Magkikita sana kami ni Julian, kaso di daw sya makakarating."

Sabi nya. Napansin nyang nakahawak ito sa kamay nya. Kaya holding hands while walking ang drama nila. Sinubukan nyang tanggalin ang pagkakahawak nito pero lalo nitong hinigpitan kaya di na sya nag effort. Baliw talaga.

"Sino si Julian?"

Usisa nito.

"Friend ko nga kulit."

"Sya ba iyong nagpapadala sa iyo ng mga bulaklak?"

Tanong ulit nito.

"Di ba hindi ko nga alam kung sino yung nagpapadala ng mga bulaklak? At isa pa, beki si Julian."

Sabi nya dito.

"Buti naman."

Parang nakahinga ito ng maluwag. Anong problema nito?

"By the way, palabas na yung favorite novel mo ah. Yung Fifty shades of grey?"

Biglang sabi nito sa kanya. Napatingin sya dito. Alam kasi nito gustong-gusto nya ang novel nun.

"Ah, oo nga eh."

"Hindi mo ba papanoorin?"

Tanong nito sa kanya.

"Gusto. Kaso..."

"Eh! Wala! Saka ko na papanoorin."

Sabi nya. Hinatak sya nito.

"Panoorin na natin."

Sabi nito sa kanya. Nadadala sya sa paghatak nito.

"Wag na nga! Ayokong panoorin yun ng kasama ka."

Sabi nya dito.

"Sus Patty! Nabasa ko na ang tatlong libro nun kaya wala nang epekto iyon sa akin."

Sabi nito sa kanya.

"Pero malay natin, umepekto ulit sa akin?"

Kinindatan sya nito. Binatukan nya ito.

"Nagiging bastos ka na kambal!"

Sabi nya dito. Natawa na lang ito.

Nang makarating sila sa sinehan ay pipila na sana ito para bumili ng ticket, pinigilan nya ito.

"Teka."

"Oh? Bakit? Di ba manonood tayo? Bibili lang ako ng ticket natin."

Sabi nito sa kanya. Inilabas nya ang ticket sa bag nya.

"May ticket na ako."

Nahihiyang sabi nya.

"Bumili ka na? Buti na lang sinabi mo agad."

"Oo, kasi dapat kami ni Julian ang manonood kaso di nga sya pwede ngayon."

Pag-aamin nya dito.

"Ah, kaya pala."

Sabi ni Nathan.

"Kaya pala ano?"

Tanong nya.

"Ah, wala. I mean kaya pala may ticket ka na."

Sabi nito sa kanya at ngumiti. May lumapit sa kanilang babae.

"Ah, excuse lang po. Kuya pwede pong papicture sa inyo? Kamukhang-kamukha nyo po kasi si Alden Richards."

Kinikilig na sabi ng babae kay Nathan. Nagkatinginan naman sila ni Nathan.

"Yeah sure."

Pumayag naman si Nathan. Totoo naman kasi, kamukha ni Nathan si Alden Richards, lalo na ang dimple nito. Mukha silang magkapatid. Pero para sa akin mas gwapo si Nathan. Teka? Ano ba yan!

"Girlfriend nyo po ba sya?"

Tanong ng babae at tinuro sya. Inakbayan sya ni Nathan.

"Yes, she's my girlfriend."

Sabi ni Nathan. Siniko nya ito.

"Ay! Ate kamukha nyo po si Yaya Dub! Bagay po kayo! Para po kayong AlDub!"

Kinikilig na sabi ng babae. Sino si yaya dub?

"Pwede po bang magpapicture sa inyong dalawa?"

Request ulit ng babae.

"Ah, may--"

Hindi nya pinatapos pagsalitain.

"Yeah sure!"

Pagpayag nya. Tiningnan sya ni Nathan. Nagpicture na sila.

"Salamat po! Bagay na bagay po talaga kayo. Hehe."

Sabi ng babae at umalis na.

"Halika na, nood na tayo."

Sabi nya kay Nathan at hinatak ito.

"Bakit ka pumayag na magpapicture?"

Tanong ni Nathan sa kanya.

"Wala lang. Trip ko lang."

"Okay."

Binigay na nila ang ticket at pumasok na sa loob ng sinehan. Tama lang ang pasok nila dahil hindi pa nagsisimula ang palabas.

"Pat, dito ka muna ah, bibili lang ako ng makakain natin."

Sabi sa kanya ni Nathan.

"Okay sige. Bilisan mo lang."

"Anong gusto mo?"

Tanong nito sa kanya.

"Gusto ko nang hershey's. Ikaw na bahala kung ano pang bibilhin mo."

Sabi nya dito.

"Okay sige. Wait for me here."

Sabi nito sa kanya. Nagulat sya nang bigla nitong hinalikan ang noo nya. Bakit nya ginawa iyon? Kumabog ng husto ang puso nya. Ang weird ng mga nangyayari sa kanila ngayon. Lumipas na ang ilang minuto ay wala pa din si Nathan. Namatay na ang ilaw sa loob ng sinehan, hudyat iyon na magsisimula na ang palabas. Tiningnan nya ang relo nya.

"Ang tagal naman nun."

Sabi nya. Napansin nyang may lumapit sa kanyang lalaki, akala nya si Nathan pero hindi pala.

"Miss pwede bang umupo dito?"

Tanong ng lalaki sa kanya. Hindi nya kilala ito.

"Ah, meron na. May kasama ako."

Sabi nya. Bigla syang kinabahan dahil umupo na ito sa upuan ni Nathan. Gumapang na ang takot sa katawan nya.

"Wala ka namang kasama miss, tabi na lang tayo, maganda pa naman yung movie."

Sabi nito sa kanya. Kinakabahan na talaga sya. Nathan? Asan ka na ba? Umakbay sa kanya ang lalaki at naglakbay na ang kamay nito. Tatayo na sana sya nang hawakan sya nito sa bewang.

"BITAWAN MO AKO!"

Sigaw nya.

"Anong nangyayari dito?!"

Dumating na si Nathan. Kahit madilim ay kitang-kita nya ang galit na expression ng mukha nito. Kumapit sya dito dahil natakot talaga sya sa nangyari.

"Wag kang makialam dito pare."

Sabi ng lalaki na nambastos sa kanya. Tumayo ito.

"Eh gago ka pala eh! Girlfriend ko itong binabastos mo!!"

Bigla itong sinuntok ni Nathan. Natumba ang lalaki. Hinawakan nya si Nathan. Baka kasi kung ano pa ang magawa nito.

"Nathan. Tama na."

Awat nya dito. Pero ayaw magpatinag ni Nathan. Hinaklit nito ang kwelyo ng lalaki.

"Gago ka! Anong ginawa mo sa girlfriend ko ha!"

Galit na galit na tanong ni Nathan. Dinaluhan na sila ng mga gwardiya doon. Bumukas din ang ilaw ng sinehan. Pinagtitinginan sila lahat ng mga taong nandoon.

"Nathan tama na."

Hinawakan nya si Nathan at inawat. Inawat na din sila mga gwardiya.

"Sir tama na po iyan."

Hinawakan ng gwardiya ang lalaki pati si Nathan.

"Sir, doon na lang po tayo sa opisina."

Sabi ng mga officer doon.

"Bakit nyo ako dadalhin? Sya ang unang sumugod sa akin."

Sabi ng lalaki sa kanila at dinuro si Nathan. Susugurin sana ulit ni Nathan ang lalaki pero niyakap nya ito.

"Nathan tama na."

Sabi nya. Niyakap sya ni Nathan. Hanggang ngayon ay nangangatog pa din sya sa takot. Dinala sila ng mga officer ng mall sa opisina nito.

"Hey, are you okay?"

Tanong sa kanya ni Nathan na hanggang ngayon ay yakap-yakap sya nito. She feel secured with him. Hindi sya sumagot. Tulala lang sya. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya na parang ayaw sya nitong pakawalan. Yumakap na din sya. Napaluha sya.

"Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin."

Sabi nya.

"Shh. Hush now. Im sorry that I leaved you. Sorry."

Masuyong sabi sa kanya ni Nathan. May lumapit sa kanila.

"Mr. Fontalejo, okay na po. Pwede na po kayo umalis. Everything is fixed. Im sorry sir."

Sabi sa kanya ng lalaking lumapit sa kanila.

"Okay, next time you should double the cctv's here, especially in the cinema section."

Sabi ni Nathan sa lalaki. Tumango naman ang lalaki. Nagpaalam na ang lalakisa kanila. Nagtaka sya dahil inutusan nito ang lalaki.

"Bakit mo inutusan iyong lalaki?"

Tanong nya dito.

"We owned 65% of share in this mall."

Sabi nito sa kanya. Tumayo na sila. Nanatiling nakaalalay sa kanya si Nathan.

"Manood na tayo."

Sabi ni Nathan.

"Wag na Nathan. Umuwi na lang tayo."

Sabi nya dito.

"Okay if you want to."

"May dala akong kotse."

Sabi nya.

"Ipapahatid ko na lang iyon sa condo."

Sabi nito sa kanya.

"Nathan, ipagluto mo ako, nagugutom ako eh."

Sabi nya dito. Bahagya itong natawa sa kanya.

"Okay."

Sabi nito sa kanya.

**********

Dinala ni Nathan si Patty sa unit nya. Hindi naman ito umangal dahil halos lahat ng supplies na kakailanganin nya sa lulutuin nya ay nasa bahay nya. Nasa kwarto nya ito at nanonood ng tv. Hanggang ngayon ay tulala pa din ito. Kumulo ang dugo nya sa nangyari kanina. Sa nakita at narinig nya. Para syang sinapian ng masamang espirito sa ginawa nya. Wala pang bumabastos kay Patty kaya ganoon na lang ang galit nya. Ngayon nya lang naramdaman na sumasakit ang kamao nya sa pagkakasuntok nya doon sa lalaki.

"Patty gutom ka na ba? Malapit nang maluto ito!"

Sigaw nya para marinig sya nito. Pero walang sumasagot sa kanya. Tanging ingay lang ng tv ang naririnig nya. Pinatay nya ang stove at pumunta ng kwarto nya. Nakita nyang natutulog na pala si Patty. Pinatay nya ang tv. Dahil nakasandal ito sa headboard ng kama nya ay inihiga nya ito ng maayos at kinumutan. Lumabas sya ng kwarto at pununta ng kusina, tinapos nya na ang ginagawa. Nang matapos sya ay binalikan nya sa kwarto si Patty, payapa itong natutulog. Tinabihan nya ito. Masuyo nyang hinahaplos ang buhok nito. Ano ba itong nangyayari sa akin Patty? Ano ba itong nararamdaman ko. Tama ba ito?

"I want to protect you Patty, I want you to be by my side always. Tama ba ito Patrice?"

Sabi nya dito. Bahagya itong kumilos. Niyakap nya ito at hinalikan sa noo.





A/N: oyyyyyy!!! Potek! Kinikilig ako. Kayo po ba? Kinilig din? Oh ako lang. Hehe. By the way, si Alden Richards and Maine Mendoza po ang characters ng kwentong ito. Hehe! Sino po kaya ang nagpapadala ng flowers kay Patty? Sino po hula nyo?

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. :)) xx

Continue Reading

You'll Also Like

22.8M 512K 50
[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Love's life takes a thrilling twist when sh...
11.4M 224K 70
Aurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tah...
3M 61.2K 58
Caroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcoho...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...