She's A Bad Girl

By Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... More

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 45

65.4K 1.7K 66
By Sweetmagnolia


"Good morning!" bungad ni Miisha sa kakamulat lamang na kasintahan.

Jacob, who was still blinking, gently rubbed his eyes. "Good morning." Ito na ata ang pinakamagandang gising niya. Sa pagmulat ng mga mata, ang magandang mukha at ngiti agad ng mahal niya ang una niyang nakikita.

"Ready na ang breakfast! Gusto mo ba ng breakfast in bed?" ubod ng siglang wika ng dalaga na sapat na para mawala ang anumang natitirang antok sa kanyang katawan.He woke up late dahil na rin sa dinanas niyang hirap sa pagtulog kagabi.

Tinanggihan niya ang ideya. The offer was sweet but nothing could be sweeter than eating their first breakfast together. "Sabay na tayong kumain sa kusina." 

Samantala, maagang gumising si Miisha to pay her debt of not cooking the previous night. Since breakfast meal is easier to prepare, she had chance to prove to him that there's something she'd able to cook well. Nagluto siya ng pritong hotdog, ginisang corned beef, itlog at sinangag. Hindi gaanong maayos ang pagkakaluto niya sa fried rice. Medyo nasobrahan ito sa asin at nakalimutan niyang lagyan ng bawang. But she took also this opportunity to showcase her skill in making a perfect sunny side up. Bilog na bilog ang dilaw, hindi gaanong malasado pero di rin overcooked, habang ang eggwhite ay puting-puti pa rin, not even a single brownish part. There's a story behind this egg perfection. Isang araw nang kumain siya sa tapsilugan malapit sa dati niyang unibersidad, naagaw ang pansin niya sa kung gaano ka perpekto ang pagkakaluto sa itlog. She was sitting on the long counter kaharap sa kung saan aktwal na nagluluto ang cook. She studied how the sunny side up was done at pagdating sa apartment she copied what she saw and didn't stop until she perfected it.

Egg is her favorite morning food but her father has an allergy to it so it's banned to be served in their dining table. Their housemaids and his dad's former partners only served according to his orders. Dahil dito ay nagsariling sikap siyang matutong magluto ng pagkaing gusto niya.

"The egg is nicely done," komento ni Jacob habang maganang kumakain. 

It was a simple comment ngunit para sa kay Miisha ay daig niya pa ang umakyat sa stage at tumanggap ng isang napakalaking award.

Right after they finished breakfast, dumating si Nestor. Nagpaalam sa kanya ang nobyo para harapin ang bisita.

"Ang aga ata ng kaibigan mo," kaswal na wika niya. "Ask him if he wants coffee, magtitimpla ako." nakangiting dagdag niya.

"I'm borrowing his car para makapamasyal tayo ngayon."

Namilog ang mga mata ni Miisha. "Talaga?!" bulalas niya sabay ngiti ng abot-tenga.

"Oo kaya pagkatapos mo dito sa kusina, mag-ayos ka na para makaalis tayo ng maaga," ngingiti-ngiting saad ni Jacob na hindi rin maiwasang matuwa basta nakikitang natutuwa ang dalaga.

"O sige, sige! Bibilisan ko na!"

Di magkandaugaga na binilisan ni Miisha ang paglilinis. This is the freedom that she has been waiting for. Simula nang maging sila, they never really dated properly. Yung labas na hindi de-numero ang galaw dahil sa pangambang baka may mga matang makakilala sa kanila.

Naligo agad siya at nag-ayos. She wore a yellow floral collared dress na may maiksing manggas at hanggang tuhod ang haba. Eto lang ang pinakababaeng kasuotan na nahugot nila ni Wendy buhat sa pagmamadali.

While spending some time in front of the mirror napansin niyang di pa rin bumabalik sa loob ng bahay si Jacob. Pumunta siya sa sala. Natanaw niya sa bintana na nag-uusap pa rin sa bakuran ang magkaibigan sa tabi ng nakaparadang kotse. Napakunot siya ng noo. She couldn't hear their voices pero based on their expressions mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

Jacob noticed her presence. Biglang nagliwanag ang mukha nito sabay ngiti. She smiled too and chose not to bother herself with anything. Maybe the two men were just having some kind of a guys talk.

"Bakit di kayo pumasok dito sa loob? Nestor, pasok ka!" aya niya.

"Salamat! Pero paalis na ako." He waved goodbye to them. "Sige tol, usap na lang tayo ulit!" dinig niyang huling sabi nito.

"Ikaw talaga, di mo man lang pinapasok yung kaibigan mo. Nagpapakahirap kayong mag-usap dun sa labas," sabi niya kay Jacob pagkapasok nito sa bahay.

"Wala talaga siyang balak magtagal medyo napasarap lang kami ng kuwentuhan. Sorry to keep you waiting. I'll take a hot shower now."

"Wala tayong shower. Timba at gripo lang," natatawang sagot niya sa nobyong di pa rin maiwasang makitaan ng senyales na lumaki ito sa marangyang pamumuhay. "Okay lang, di pa naman ako tapos mag-ayos," dugtong niya.

He headed to the bathroom samantalang siya ay bumalik sa pag-aayos nang may malaking ngiti dahil sa pahabol na komento ng binata. "You look pretty on that dress."

Nag-ikot sila sa kinaroroonang lungsod. Jacob brought his DSLR camera and shared one of his undisclosed hobbies to his girlfriend. Sinubukan namang i-enjoy ni Miisha ang hilig ng binata. Bilang isang Fine Arts student, hindi na siya ignorante sa nasabing gadget. Photography was one of her minor subjects. Pero dahil sa sobrang dedikasyon niya sa pagpipinta, she didn't take the subject seriously dahilan para laging pasang awa ang mga grado niya dito. But now that Jacob is the one who's encouraging her, she realized that it's only a bit less interesting than painting.

"You're good even at photography," natutuwang komento nito habang tinititigan ang mga kuha niya. A comment that is enough to uplift her interest on the said minor subject the moment she goes back studying.

They parked the car somewhere safe. Magkahawak-kamay na binaybay nila ang mga sidewalks. Maganda ang sikat ng araw. Bughaw na bughaw ang kalangitan na animo'y nagpapahiwatig ang panahon ng pagsang-ayon sa kanilang pagmamahalan. The city isn't that crowded and the air is still very fresh. 

Napapahinto sila sa bawat bangketa kung saan may nagbebenta ng mga street foods. Pinagkatuwaan ni Miisha ang boyfriend na batid niyang di sanay sa ganoong mga pagkain. "Kumakain naman ako ng fishball at squid ball," pahayag nito na halatang ipinahihiwatig na yung lang ang pwede niyang kainin sa mga binebenta. But instead of giving him what he implied, she offered him isaw, adidas and betamax.

Ilang ulit munang napalunok si Jacob bago tanggapin ang di-kilalang pagkaing isinusubo sa kanya ng dalaga. The mere look and smell of the foods were enough to disgust him. Pero ayaw niyang mapahiya sa girlfriend at masabihang mas masilan pa siya dito kung kaya't bumuwelo siya ng malalim na hinga sabay pikit-matang kumagat sa pagkain.

When the food touches his tongue, biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Hmm, it tastes good!" komento niya nang may namimilog na mga mata sabay kuha sa nobya ng stick at takam na inubos ang laman nito. Sa bandang dulo ay mas nag-enjoy pa siya sa pagkain kesa sa kasama na tatawa-tawa na lamang hinintay na magsawa siya.

After they fulfilled their stomachs, nagtungo naman sila sa mga lumang simbahan,sinaunang mga bahay at gusali. Tuwang-tuwa si Jacob sa pagkuha ng mga litrato habang si Miisha naman ay damang-dama ang pagmomodel para sa kanya. Kapag may napapadaang ibang tao, agad silang nakikisuyo para kuhanan silang magkasama.

When they were done visiting heritage sites, their stomachs were craving again. Pumunta sila sa kilalang restaurant na sikat sa masasarap na local delicacies. There, they had gratifying lunch.

At midday, lumabas sila ng lungsod. They took a road trip on the countryside of the province. Mas lalong nag-enjoy si Miisha. She would open the car window, extend her arm outside and feel the tenderness of the wind on her face.

Dinala ni Jacob ang kasintahan sa isang tanawing may napakapresko't kalmadong kapaligiran. Iminungkahi ito ni Nestor at di nga nagkamali ang kaibigan. The panoramic view is to die for. They were on an elevated road overlooking a crystal clear wide river. Hinahati nito ang dalawang malawak na malagintong palayan na ang gilid ay natatamnan ng berdeng-berdeng mga higanteng puno. Sa dulo ng ilog ay matatagpuan ang isang mahabang bulubundukin na may taglay na magkahalong kulay ng luntiang mga puno at bughaw na langit. Ang tabing-ilog ay ginagapangan ng makapal na damuhang hitik na hitik sa kulay dilaw na mga bulaklak.

Nilingon niya ang dalaga. Nakaawang ang bibig nito habang nakapako ang mga mata sa malinaw na ilog. Her pupils were screaming canvass and her throat moved like it was thirsty for a watercolor.

"This place is awesome!" puno nang paghangang sambit nito nang hindi inaalis ang mga paningin sa tanawin.

Naupo sila sa lilim ng isang higanteng nara na naglalaglagan ang mga bulaklak sa tuwing iihip ang malakas na hangin. They recreated the scene during the old hiking days. Ang pagkakaiba nga lang ay wala ang mga bituin at isang can ng softdrinks ang pinagsasaluhan nila.

Miisha lied on the grassy ground and pillowed her man's thigh. Ang kanyang mga mata ay may kahalintulad na kislap noong mga sandaling nakita niya ang ginintuang damuhan sa tuktok ng bundok sa Bataan. But what Jacob was unsure whether she felt the same happiness now that she's not holding any paintbrush.

"It's different," she said. Jacob slightly taken aback not until she smiled sweetly. "Kasi mas masaya ako ngayon!"

Patay malisya siyang uminom sa softdrinks. "What makes you happier now?" kunway napapakunot ang noo habang tumataas ang isang kilay na tanong niya.

"Siyempre dahil kasama na kita."

"Kasama mo rin ako noon."

Miisha raised up from his lap and sat closer beside him. Nginusuan niya ang nobyo sabay nakiinom sa softdrinks. "Kasama nga kita pero magkaibigan lang naman tayo!" irap niya.

Jacob looked up and tried to calculate things. " Kung mas masaya ka ngayon even though you're not holding any brush, does it mean I'm more important now than your paintings?" kunway naniningkit ang mga matang tanong niya while looking at her through the corner of his eyes.

"Matagal ka nang mas importante kesa sa pagpipinta ko," pag-amin ni Miisha na pilit di pinapahalatang may natitira pa ring hiya sa dibdib niya everytime she reveals her true feelings. "I realized it nung mga panahong pilit akong pinapasama ni Daddy kay Mom sa States. Nung una akala ko gusto ko lang magrebelde laban sa panibago na naman nilang pandidikta sa akin pero later on I realized na hindi pala pride ang pinaglalaban ko... the truth was, I just simply didn't want to be separated from you," napapayukong paliwanag niya.

Jacob was flattered and at the same time was moved by her confession. Inakbayan niya ang dalaga. Nagpahiwatig ito ng pagkaasiwa dahilan para mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakaakbay at mas kinabig ito papalapit. He dared to act the thing he wouldn't dare do in the four corners of their newly rented house. Parehas silang tumahimik habang payapang nakatingin sa magandang tanawin.

Miisha involuntarily leaned her head on his shoulder. The serenity of the view. The clarity of the river. The transparency of the atmosphere. Dahil dito'y tila bigla na lamang naglitawan sa harap niya ang bawat hadlang sa pagmamahalan nila ni Jacob. The peacefulness suddenly provoked her mind to think about the things she refused to think hours ago. But the good thing was, even thinking about it, she didn't feel any worries at all.

"Jacob sa palagay mo ba ay tama ang ginagawa natin?" she asked without any malice nor sign of apprehension. Walang ibang damdaming pwedeng mangibabaw sa sayang nararamdaman niya kasama ang lalaking iniibig.

He took a deep breath without taking away his eyes from the beautiful fields. "Mali na tama."

Litong napaangat ng mukha si Miisha ngunit agad ding kinabig ng binata ang kanyang ulo pabalik sa balikat nito kung kaya't kunot noong nag-angat na lamang siya ng mga paningin. "What do you mean?"

"Mali dahil nasasaktan natin ang mga magulang natin pero tama sapagkat pinaglalaban natin ang ating pagmamahalan... Minalas lang tayo na iba ang pananaw ng mga magulang natin pagdating sa pag-ibig." He picked up a small stone at mapuwersa itong ibinato patungo sa mga palayan na animo'y may galit. "They see love as something they can deal, either for business or politics. Something that can be paired only to a partner whom you'd gain tangible things. And something that the heart has no freedom to feel."

Bumuntong hininga si Miisha at ibinalik sa magandang tanawin ang mga paningin. "I don't worry about my father at all... Ever since I was a child, magkaiba na kami ng pananaw sa halos lahat ng bagay hindi lamang sa pag-ibig. Sanay na ako. Ang inaalala ko lang ngayon ay si Wendy. Baka maging dahilan ang ginawa niyang pagpapatakas sa akin ng pag-alis niya sa bahay," may tamlay na pahayag niya.

"You seem to care a lot about her now," natutuwang tugon ni Jacob.

She nodded with a contented smile. "Siya ang pinakamagandang nangyari simula nang mapunta ako sa poder ng tatay ko."

"But do you think your father will just let her go? Siguro naman ay hindi ganun kababaw ang pagmamahal ni Tito kay Tita."

Sakastikong napangiti ang dalaga. "Father treats her woman worse than how he treats her daughter. Kaya nga walang nagtatagal na babae dun eh. Magaling lang siyang magprovide ng mga materyal na bagay pero hindi siya marunong mag-invest ng feelings at oras. Para sa kanya, isang buhay na flower vase lang sa bahay ang babaeng kinakasama niya."

"That's not good," opinyon ni Jacob. "But who knows this time Wendy could change him. Baka siya na ang tamang babae na magpapalambot sa puso ng Daddy mo."

"Sana nga," she chuckled. "It's his huge lost kapag pinakawalan niya pa si Wendy."

"Mabuti na lang pala hindi ka naging man hater dahil sa mga nawi-witness mo sa tatay mo, or else baka hindi mo rin ako pinansin."

"I like you because you're the complete opposite of my father."

"Like lang?" kunway salubong ang mga kilay na reaksiyon ng binata.

"Hmmm ano ba dapat?" napapangiting saad ng babae.

"Yung mas malalim dun."

She released a small sound of giggle. "Kailangan pa bang sabihin yun."

"Oo naman."

"I love you..." pabulong na wika ni Miisha.

"A-Ano ulit?" nagbibingi-bingihang wika ng lalaki.

"I love you-"

"Mahina pa rin."

"I love you na nga!"

"I love you too," biglang pagseryoso ni Jacob sabay halik sa noo ng kasintahan.

Muling dumaan ang katahimakan sa gitna nila. Jacob gently ran his fingers through her long hair being blown by the wind habang ninanamnam pa rin ang payapang kapaligiran. The calmness is gradually giving him the feeling of nostalgia.

"Miisha, ano yung pinakainaasam mong mangyari sa relasyon natin years from now?" he asked.

She twisted her lips and pointed her fingers to her head. Kunway nag-isip ito ng ubod ng lalim. "Hmmm... na balang araw ay matatanggap din tayo ng ating pamilya and we can express ourselves freely in front of them," she answered with such certainty. "Ikaw? How do you foresee our future?" balik tanong niya.

"We're happily married with three kids."

Natigilan si Miisha sa narinig. Bigla siyang napaangat ng mukha at napapaawang ang bibig na tumingin sa kasintahan. "G-Ganyan kaadvance? K-Kasal at a-anak kaagad."

He looked at her amazed eyes. "Di ba ganyan naman dapat ang pangarap ng bawat taong nagmamahal? Yung makasama mo ang taong mahal mo habambuhay. Na sana ay hanggang dulo ay magkasama kayo. Na sana lahat ng pinaglaban at pinagdaanan niyo ay mapanindigan at mapanghawakan niyo hanggang huli. Bakit ikaw? Hindi mo naiisip na magiging pamilya tayo?"

Nautal si Miisha. Pilit naghahananap ng tamang isasagot. Ang hangad niya lang naman ay magkaroon siya ng kalayaang magmahal at mahalin. Never that a marriage entered her mind nor the idea of having a family of her own. Bilang taong lumaki sa broken family, she saw herself as someone na walang kakayahang magbuo ng sarili niyang pamilya. She feared that one day she'd only end up like her mother or her father.

But.... now that she heard about it from Jacob's mouth. Tila biglang nabaliktad ang pananaw niya. Instantly, a new vision invaded her head. Agad niyang nakita ang sarili bilang isang mabuting ina. That she won't do anything to hurt her children like how she got hurt by her own parents. If you have a man as loving as Jacob walang magiging mahirap na responsibilidad para sa isang babae.

She became teary eyed. Napalunok siya nang malalim at naaantig na ngumiti. "To be honest, it didn't cross my mind yet. Sa akin kasi ang magkalapit lang tayo ay hanggang langit na ang nararamdaman kong saya... If I think more advance than what we have now,  hindi ko alam kung papaano ko ihahandle kapag lumagpas pa sa langit ang kaligayahan ko." Mas lalong namasa ang kanyang mga mata.

Napansin ni Jacob ang naiiyak na reaksiyon ng kasintahan. He felt her fear of dreaming for more. He gazed at her misty eyes and suddenly had this soft urge to console her. Nais niya itong halikan sa noo at yakapin. ..But he ended up leaning closer to her because his eyes wouldn't leave the sight of her innocent lips. In less than a second, he found himself lost in the wilderness of their kisses.

Pikit matang tinanggap ni Miisha ang halik. She parted her lips waiting for whatever moves he'd initiate. He kissed her deeply that for the first time their tongue met on their own will. Hindi siya sanay humalik ngunit masasabi niyang mas higit ang tamis sa mga sandaling ito kumpara sa mga naunang beses na pagdadampi ng kanilang mga labi. It's deeper, more passionate and way sweeter.

Their tongues had mind of their own. They wouldn't stop discovering and tasting each other soul. At nang mga sandaling damang-dama na ni Miisha ang pagkalutang at panghihina, hoping that this sweet moment would last longer, ay siya namang paghinto ni Jacob. Their lips parted with still a longing look in her eyes.

Tinitigan siya ng nobyo nang punong-puno ng emosyon ang mga mata. Namumula ang mukha nito.

"Let's promise to each other na walang bibitiw anuman ang pagdaanan natin," seryosong-seryosong wika nito.

"I-I promise to hold on to us until the end," she answered.

That night, habang magkatalikuran silang nakahiga sa kama, pareho silang ayaw dalawin ng antok. They pretended to close their eyes but both were uneasy.... thinking about the kiss.

Paulit-ulit na sumasagi sa isip ni Miisha ang nangyari. Hindi niya makalimutan ang tamis at ang sarap sa pakiramdam na dulot nito. It's embarrassing to admit but deep inside she's secretly hoping na sana muli itong maulit.

Jacob was hoping the same but he was trying to control himself sa pag-aalalang baka matakot sa kanya ang dalaga. Kissing in bedroom is different from kissing in an open field.

"M-Miisha are you asleep?" mahinang sambit niya.

"Hindi pa..."

"A-Are you uncomfortoble na magkatabi pa rin tayo?"

They were conversing without facing each other. Masyado nilang na-enjoy ang buong araw para maalala pang bibili nga pala sila dapat ng foam.

"N-No... Okay lang sa akin."

"Inaantok ka na ba?"

"H-Hindi pa. I-Ikaw?"

"Hindi pa rin."

Saka lamang sila dahan-dahang humarap sa isa't isa.

"Did you enjoy the day?" tanong ni Jacob.

"Y-Yes..." napapalunok na sagot ni Miisha na hirap tumingin sa mga mata ng kausap. "Thanks for the fun... Ikaw masaya ka ba?"

"Sobra."

Little do they know that they were moving closer to each other. Nagkasagian ang kanilang mga kamay. Nang magdikit ito ay sinamantala na ni Jacob ang pagkakataon na hawakan ng buong-buo ang palad ng dalaga. Ilang saglit pa ay nagtitigan na lamang sila at ang mukha naman nila ang halos magdikit na.

"Miisha..." pabulong na sambit ni Jacob habang palipat-lipat ang tingin sa mga mata at labi ng dalaga.

"J-Jacob..."

He didn't say more. Wala nang pag-aatubiling siniil niya ang mga labi ng girlfriend. The desire to taste her lips again became unbearable. He felt madness inside. Miisha didn't show any sign of resistance. Ramdam niya rin ang pananabik sa bawat ganti nito sa kanyang halik kung kaya't mas lalong nagpumiglas ang kanyang damdamin. He kissed her deeply and it wasn't just sweetness that he felt. May bumabalot na matinding init sa kanyang buong pagkatao. It seemed that he was being possessed by a burning soul.

He became unstoppable until he unconsciously moved on the top of her. Niyakap siya ni Miisha habang ayaw niya pa ring tumigil sa paghalik. The desire had gotten stronger. Hindi na lamang mga labi nito ang gusto niyang halikan. He wanted to feel and kiss every inch of her body. He pulled her waist closer to him and the yearning to touch what lies beneath her clothes had awakened.

He released her lips sabay dahan-dahang gumapang ang mga labi niya patungo sa leeg nito. Her innocent smell fueled more the wild animal inside him. Naglakbay ang kamay niya patungo sa laylayan ng pantaas na damit ng kasintahan. It was ready to travel underneath. Except his brain, every part of his body was thinking on its own.

"J-Jacob..."

Naramdaman niya ang takot at pag-aalinlangan sa boses ni Miisha. Ang simpleng pagbigkas sa pangalan niya  ng dalaga ay sapat na para matauhan siya sa pagkalimot sa sarili. He stopped what he was doing and stared at the woman whose eyes mirrored both aching and fear. Pansamantala siyang di nakaimik habang di alam kung anong paliwanag ang ibibigay sa kanyang ikinilos. Dahan-dahan siyang umalis sa ibabaw nito while still battling against the burning spirit na bahagyang sumasakop pa rin sa kanyang katauhan sa mga sandaling iyun. 

"I-I'm sorry... Goodnight," he uttered dumbfoundedly. 

Mabilis niyang dinampot ang unan sabay tayo sa kama.

"S-Saan ka pupunta?" taka ng dalaga.

"I'll sleep on the couch," diretsong sagot niya sabay talikod.

As he walked outside the room, he realized that the soul who just possessed him would be his greatest enemy to face. It's hard, extremely hard. Thinking that he'd be fighting against it on every night like this. Pero kahit gaano pa ito kahirap ay hindi siya padadaig. Dito nakataya ang sinseridad na gusto niyang patunayan sa ama ni Miisha, that he will respect her purity even in the midst of these tempting situations. 

Miisha ,in the same hand, didn't stopped him from leaving the room. Nakaramdam din siya ng kakaibang takot sa sarili. Parang biglang may nagising na matagal ng natutulog na bahagi ng kanyang pagkababae. There's an explicable rumbling fervor below her stomach. Her pounding heart was telling her it's going to be magical but her joggled mind envisioned a more disastrous consequence. Pinili niyang pakalmahin ang puso. Kung umiwas si Jacob, it only means na dapat nilang sundin ang dinidikta ng kanilang isip. With what he showed tonight... mas lalo siyang humanga at nagtiwala sa kasintahan. 





Continue Reading

You'll Also Like

16.5M 341K 42
│PUBLISHED│ Be ready for her trippings. The little devil, Fancy Jewel Abellano. Copyrighted Pinkyjhewelii, 2014
144K 3.8K 61
BOOK 2 of Revenge On My Player Ex (COMPLETED) After their enchanted wedding proposal, Sheliah and Art flew to Paris to enjoy their lives and love eac...
33.3M 406K 49
The less you reveal the more people can wander. Raziel Dwight Salvador story.
752K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.