Never Been Taken

By itsagalething

20.7K 287 23

COMPLETED. #Wattys2016 Isa akong babaeng naghahanap ng isang tunay na lalaki. Literal. More

Prolouge
Chapter 1: Cupcake
Chapter 2: Business man
Chapter 3: Gay
Chapter 5: Issues
Chapter 6: Secret love
Chapter 7: Bitter
Chapter 8: White shirt
Chapter 9: Tits
Chapter 10: Moves
Chapter 11: Coincedence
Chapter 12: Rehearsal
Chapter 13: Door
Chapter 14: Reunion
Chapter 15: Trip
Chapter 16: Bikini
Chapter 17: Drawing
Chapter 18: Slap or kiss
Chapter 19: Barney
Chapter 20: Touch
Chapter 21: Fired
Chapter 22: Deeper
Chapter 23: Flirt
Chapter 24: Reasons
Chapter 25: Love
Chapter 26: Quiet
Chapter 27: Flight
Chapter 28: Brainstorm
Chapter 29: Make out
Chapter 30: Feels
Chapter 31: Legal
Chapter 32: Respect
Chapter 33: Overwhelmed
Chapter 34: Saoirse
Chapter 35: Glow
Last chapter
Epilogue
Never been taken

Chapter 4: Black coffee

786 6 1
By itsagalething





"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko paglabas ko tumayo siya ng maayos at ngumiti sakin pero hindi ko kayang suklian ang ngiti na yun pagkatapos ng lahat. "Bakla."

Nawala ang ngiti niya. "I'm here to say sorry." Tinignan ko lang siya. Mawawala ba ang sakit dahil lang andito siya? Mabubura ba ng sorry niya ang ginawa niya? "I tried. I tried to be straight. I tried to be a boyfriend to you. Believe me I didn't use you because I really tried. I tried it with you because I know there will be a chance that I will be straight. You are fun to be with. You are lovable. I want to be with you. But my heart... It's not for a straight man I tried to fight that for you but I'm sorry I really can't. I'm sorry because I'm a gay. This is me. This is what I am."

Sinasabi niyang hindi niya ako ginamit pero sakin niya sinubukan kung lalaki ba talaga siya. Pakshet siya. Wala rin pinagkaiba yun. Yung dalawang buwang relasyon namin relasyon hindi dahil sa pagmamahal kundi relasyon para sa pangagamit. Many people didn't even consider our relationship but it was my first. The feelings were so real. It was my first time to feel what being in a relationship is, may mga naging karelasyon na ako noon pero hindi umabot ng buwan kaya hindi ko yun masasabing relasyon. It's just a short term flings but what Patrick and I had is a relationship. Sa kanya ko naranasan makipag hawak kamay habang naglalakad. But he was also my most heartbreak. Ang sakit.

"Don't say sorry for being a gay. Wala. Hindi. Hindi kasalanan ang pagiging bakla. Alam mo kung ano ang kasalanan? Yung alam mo sa sarili mong bakla ka pero gumamit ka ng tao para malaman kung magiging straight ka pa. Walang mali sayo kung maging bakla ka. Pagpantasyahan mo lahat ng lalaki sige okay lang. Nararamdaman mo yun eh. Sa puso mo nanggagaling yon. Pero yung may karelasyon kang babae? Mali yun. Kahit anong sabihin mo ginamit mo pa rin ako. Alam mo. Alam mo ang past ko tungkol sa mga bakla pero nakipagrelasyon ka pa rin sakin ginamit mo pa rin ako." Dirediretso kong sabi.

Napatingin siya sa ibaba. "I'm sorry."

"Yan lang ang masasabi mo?" Sigaw ko sa kanya. Tumingin siya sakin. "Did you even love me?"

"I tried to love you." Tried? Sinubukan? Sinubukan niya lang akong mahalin? Sa dalawang buwan na yun?

Pakshet.

"So you really didn't love me?" Nanghihina kong sabi. "Si Nikko. Ano mo siya? Business partner mo ba talaga siya?"

"He's my boyfriend." Sabi niya.

He can introduce that Nikko as his boyfriend. But when I saw them on the mall he didn't introduce me I am the one who introduced myself as his girlfriend. Hindi na nga talaga ko minahal. I felt so inadequate. I wasn't enough. The person who once thought I was fun to be with that I'm lovable set his eyes for someone else to someone who has actually been there all along. Matagal na silang magkasama. Matagal na nila akong niloloko.

"Kailan pa?"

"Last night. That's when we become official."

Tumawa ako. Ganun lang pala ako kadaling palitan. Kaya siguro nakalimutan niya ako. Kaya siguro para akong tanga na naghintay. Kasi naging sila na kahapon at nagdidiwang sila sa bar kung saan ko sila nahuli. Naglakad ako papalapit sa kanya at hinarang niya ang dalawang kamay niya sa ibaba niya. Kaya naman sinabunutan ko siya, pinagmumura. Galit ako. Galit na galit ako. Sa maraming dahilan, dahil sa kanya. Dahil sa ginawa niya. Dahil sa pagiging tanga ko. Inawat ako ni manong security guard pero hindi nagpatigil. Ang kapal ng mukha niyang gamitin ako. Ang kapal niyang pumunta dito para sabihin sinubukan niya akong mahalin. Ang kapal niyang sabihin na sila na. Dumating si Rachel, Faye at Kenny at inawat ako. Madaling umalis si Patrick pero tumigil siya at tinignan ako na para bang naawa siya sakin. Napaupo na lang ako at napaiyak. Ang sakit. Pakshet. Ang sakit sakit.

"Akala ko siya na. Akala ko lang pala." Kausap ko ang sarili ko. "Bakit ganun ang ibang bakla? Bakit kailangan mangamit para maitago ang totoong kulay nila?"

"Kaya nga paminta ang tawag." Sabi ni Rachel napatingin ako sa kanya dahil bigla siyang nagsalita habang naghahanap ng kanta sa song book.

Andito kami ngayon sa isang karaoke bar malapit sa studio. Pagkatapos ko kasing umiyak ay dinala ako ng mga bakla kong kaibigan dito. Iinom na lang daw namin. Ikanta na lang daw namin.

"Yung mga ganun klase ng bakla bago pa lang nila nadidiskubre sa sarili nila kung ano sila kaya natatakot pa sila o baka maton ang tatay kaya natatakot." Sabi ni Kenny at tumigil sa pagkanta.

"Pero ang gwapo pala ng boypren mo bakla ah." Sabi ni Faye at nagbuga ng usok mula sa yosi niya.

"Hindi ko na siya boypren." Sa totoo lang hindi ko siya naging boypren. Dahil hindi niya naman tinuring bilang gelpren niya.

"Pero aminin mo gwapo talaga siya." Sabi ni Rachel.

Uminom ako sa bote ko. "Gwapo nga ang first boyfriend ko. Bakla naman."

"Kesa manghinayang kayo maging masaya nalang kayo para saaming mga bakla. Kahit papaano, nakakagawa naman kami ng mabuti sa kapwa." Napatingin kaming tatlo kay Kenny. "At tignan mo naman kahit tinuhod mo na ang flappy bird niya kagabi pinuntahan ka pa rin niya para mag sorry at hindi ka niya pinatulan kahit pinagsasabunutan mo na siya kanina."

"Pampalubag loob para sa pangagamit niya?" Sabi ko at muling uminom.

Nagmura si Faye. "Baklang mangagamit. Bakit ba kasi kailangang may bakla eh babae't lalaki lang naman dapat."

"Wag kang mag mura. Hindi mo naman kami palamunin. Hindi naman kami exempted sa tax. Naiipit din kami sa traffic at higit sa lahat, nasasaktan din kami. Bakla rin ako pero tao kami. Tao din kami." Kitang kita ko na hindi nagbibiro si Kenny at na offend siya kaya naman hinila ko siya para umupo sa tabi ko. At tinignan ko ng masama si Faye minsan talaga wala siyang filter magsalita.

"Tama na yan. Baka magsabunutan pa kayo." Sabi ni Rachel at nag play na ang kanta niya. "Kanta na tayo."

Malalim na ang gabi at gusto ko ng matulog. Medyo marami na rin akong nainom at pakiramdam ko ay wala na akong boses kakanta kanina.

Pagkatapos nito I will move on. I will try to move on. Alam kong totoo yung mga sinabi niya. May sinseridad ng humingi siya ng tawad. Pero ang hirap magpatawad. Ngayong nakapikit ako iniisip ko siya, yung mukha niya, how I miss him already. Wala na dapat akong pakialam pero gusto ko siyang tanungin kung kamusta siya pagkatapos ng nangyari kanina? I have no idea what he's doing. Kung kumain na ba siya? Have he been taking good care of himself? Or he's as miserable as I am because of this break-up? Hindi siguro.

Nakapikit na ako ng marinig ko ang boses ni Rachel. "Uwi na tayo. May trabaho pa tayo bukas."

"Uwi? Walang uwi uwi." Narinig kong sabi ni Faye habang nakahiga na sa tabi ko. Nasa ibabaw ng hita ko ang ulo niya.

"Lasing na si Kenny. May tama na tayo." Nagmulat ako ng mata ng marinig ko ang pag hiyaw ni Kenny napaupo rin si Faye at sabay kaming napatingin sa harapan namin nagsasayaw na siya sa harap ng lamesa habang kumakanta. "Gusto ko pang makauwi ng buhay mga bakla."

Dahil dun ay napagpasyahan na namin umuwi. Sabay sabay kaming lumabas at nag hintay ng taxi. May tumigil na taxi sa harapan namin at agad namin pinagtulungan isakay si kenny.

"Aga hindi ka ba sasabay?" Tanong ni Rachel ng nakatingin lang ako sa kanila. Ako na lang ang nasa labas at nakasakay na silang tatlo sa taxi.

"Hindi na susunduin ako ni Jay." Sabi ko.

"Papunta na siya?" Tumango ako. "Ingat ka bakla una na kami."

"Ingat din kayo." Sabi ko at sinarado ang pintuan ng taxi.

Tumayo lang ako doon at ilang minuto na pero wala pa rin si Jay. Nasusuka na ako. Gusto ko ring matulog. Pero hindi ako pwedeng matulog sa kalsada. Asan na ba yun. Tinawagan ko na siya. At ang tagal niyang sumagot.

"Hello?" Sabi niya. Boses bagong gising.

"Asan ka na ba? Kanina pa mo nandito sa labas ang tagal mo." Sabi ko habang nakapikit. Antok na antok na ko.

"Cupcake? Anong sinasabi mo? Are you drunk?" Sabi niya.

"I'm not drunk." Sabi ko. May tama lang.

"Where are you?"

Minulat ko ang mata ko at tumingin kung nasaan ba ako. "I'm here on a karaoke bar near our studio."

"I'll pick you up. Stay there."

"Ngayon mo pa lang ako susunduin? Kanina pa ko nandito sa labas! How dare you make me wait!"

"Just stay there." Sabi niya at binaba ang tawag habang nagsasalita ako.

Napapikit na lang ako ulit ng maramdaman kong masusuka ako tumalikod ako sa kalsada at nagsuka. Kahit wala na akong sinusuka ay parang nagsusuka pa rin ako pakiramdam ko ay isusuka ko na ang lamang loob ko.

"Miss maganda mukhang mag isa ka." Tumayo ako ng maayos at humarap sa nagsalita. "Gusto mo ng pera?"

"May tao bang ayaw ng pera?" Sabi ko habang kumukuha sa bag ko ng yosi. Tumawa yung lalaki pero hindi ko siya tinignan at sinindihan ang sigarilyo ko.

"Sumama ka sakin." Sabi nito habang nakatingin sa hinaharap ko.

"Bakit naman ako sasama sayo? Gwapo ka ba?" Sabi ko at naglakad. Humithit ako sa sigarilyo ko.

"Hindi man ako gwapo pero may pera ako." Tinapon ko ang sigarilyo ko. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. "Sumakay ka na wag ka ng maraming sinasabi. Isang gabi isang libo. Pwede ko pang dagdagan dipende sa magiging performance mo."

"Performance?" Tanong ko at pumulot ng malalaking bato. "Etong sayo pakshet ka! Hindi ako pokpok!" Binato ko ang harapan ng sasakyan.

"Anong ginawa mo hindi ko sasakyan to!" Sabi nung manyak.

"Para malaman ng kung sino mang may ari ng taxi na yan na may panot na manyak silang nagmamaneho ng taxi nila!" Sabi ko at kumuha ng mas malaking bato. "Ano gusto mo pa masampolan ng performance ko?"

Mabilis nitong pinaharurot ang taxi niya ng makitang ibabato ko yung malaking bato. Tinandaan ko ang plate number niya. Humanda ka na mawala ng ng trabaho dirty old man. Biglang may bumusina kaya muntik ko ng maibato dito yung malaking bato ng makita kong sasakyan yun ng bespren ko ay agad kong binitawan ang bato.

Dumiretso kami sa isang coffee shop para daw mahimasmasan ako. Hindi naman daw ako nagsabi sa kanya at wala siyang alam na nag inom ako. Inistorbo ko daw ang tulog niya. Kaya yun ako ang mag babayad ng mga oorderin niya.

"Black coffee." Sabi niya at nilagay sa harapan ko ang kape. Kinuha niya ang sigarilyo sa kamay ko at nilagay sa ash tray. "Drink. Forget the bullshit."

Tinitigan ko lang yung kape. "I don't love him anymore."

"I said forget the bullshit not forgot to say what you really want to say. Don't lie. You still love him." Napatitig ako sa kanya. "It still hurts right?"

"Yes it still hurts but I don't love him anymore all I can feel is hatred. I hate him." Uminom ako sa kape ko.

"You hate him because you love him." Napatingin ako sa kanya habang umiinom. "I'm your bestfriend you can express what you truly feel. I won't judge you."

Binaba ko ang kape. "I know he's not my true love. Pero masakit pa rin."

"True love man o short term fling man o syota man pag minahal mo. Masasaktan ka. Ikaw na ang nagsabi pag magmahal ka masasaktan ka. Kaya nga natin nalalaman na mahal natin ang isang tao kasi nasasaktan tayo. Love is pain, and without pain, you can't find love." Kinuha niya ang sigarilyo ko sa ash tray at nag sigarilyo siya.

"But in my case I'm always getting hurt in the end. No one stay everyone leaves me." Sabi ko at muling tumitig sa kape. "I just want to find the one for me. I just want to find my match. I just want to find my true love and I thought his the one. I thought."

I'm left with now is the memory of him. Mahal ko pa rin siya. Kung pwede lang sana 'tong maayos tulad ng iba na pagkatapos maghiwalay kinabukasan nagkakabalikan na. Am I to blame? Why I am always end up getting hurt? Hundreds and thousands of questions are running through my head bakit lagi akong nasasaktan? Bakit laging bakla o nagkukunwaring lalaki ang mga minamahal ko? Ang mga nagugustuhan ko? Bakit? Bakit ang malas malas ko pag dating sa taong mamahalin?

Nagbuga siya ng usok. "You don't need to find the person you will love forever. Love will do the work para magkita kayo, para mahanap niyo ang isa't isa."

"Hindi ako naniniwala." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kape ko. "Kung hindi mo siya hahanapin hindi mo siya makikita. Tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana. Tayo ang pumipili kung sinong gusto nating mahalin ng gusto nating makasama."

"You don't believe on destiny? Soulmates?" Para bang gulat na gulat siyang hindi ako naniniwala.

I know because he knows I'm a hopeless romantic but I don't believe on that word 'tadhana.' I used to believe on destiny but believing on destiny only make my hopes up and in the end getting hopeless to find my soulmate.

"Naniniwala ako sa soulmate. Pero hindi lahat ng tao nakakatagpo ang soulmate nila." Tumingin ako sa kanya. "Kaya nagkaron ng true love kahit hindi kayo tinadhana. Pag minahal niyo ang isa't isa ng totoo magiging kayo sa dulo kaya parang kayo na rin ang mag soulmate."

"Paano kung yung akala mong true love yun pala yung soulmate mo?"

Paano nga kaya?

Napangiti ako. "Edi mabuti. I hit two birds in one stone."

"Was it hard?" Tanong niya. "Letting go?

"Not as hard as holding on to something that wasn't real." Napangiti ako at sumigaw. "Mamatay na mga manloloko! Mabuhay ang mga loyal!"

Napatingin ang mga tao pero wala akong pakialam. I should let this out to move on. And letting go something that want real is the first step. Makakamove on. Marami pang lalaki sa mundo. Marami pang tunay na lalaki sa pilipinas.

"Maging masaya ang mga single." Sabi ni Jay at ngumiti.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...