Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Twenty Seven: Broken Hearts

313K 5.1K 680
By aLexisse_rOse

Chapter Twenty Seven: Broken Heart

<Muriel POV>

"I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold...

Napalingon ako kay Riley nang marinig ko siyang kumakanta. I couldn't help but smile. Walang duda, favorite song talaga niya iyon. 

Naroon pa rin kaming dalawa sa swing. Bagaman kanina pa kami walang kibuan ay patuloy lang naming idinuduyan ang aming mga sarili.

Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control

I found myself na sinasabayan siya sa pagkanta. Favorite ko rin kaya iyon. Lumingon sa akin si Riley. Nakangiti siya sa akin habang patuloy pa rin sa pagkanta.

So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed when you've had too much to drink

Isa ito sa mga na-miss ko. Ang maka-bonding siya. At least sa pagkakataong iyon ay nagkasundo kaming dalawa. 

I could be the man/girl who grows old with you

I wanna grow old with you..."

Sabay kaming nagtawanan pagkatapos. Parang mga sira lang! Feel na feel kasi namin ang pagkanta kahit medyo wala na kami sa tono.

Ngunit ganon na lamang ang aming pagkamangha ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakakapagtaka. Kanina lamang ay maganda pa ang panahon. Kumanta lang kaming dalawa, umulan agad! Pambihira! Tumayo ako. Tatakbo na sana ako para sumilong nang pigilan ako ni Riley.

"Let's make fun?" He said while smiling.

Fun? Ang maligo sa ulan? No way! Kaliligo ko lang kaya!

Pati si Buddy ay parang sinasabihan ako na pumayag. Patuloy ito sa pagtaho.  And to my surprise nang bigla na lang niya akong dambahin dahilan para matumba ako sa damuhan.

Tila nanadya na lalo pang lumakas ang ulan. At basang-basa na ako.

Lumapit sa akin si Riley. Akala ko pa nga ay tutulungan niya akong makatayo. Iyon pala yumuko lang siya sa akin para pagtawanan ako.

"Sige pagtawanan mo ako. Lagot ka sa akin kapag nakatayo ako rito!"

Hindi niya inaasahan nang siya naman ang biglang dambahin ni Buddy. Sa laki ng aso niya ay hindi niya nakaya ang bigat nito. Na-out of balance siya at bumagsak sa damuhan. Ako naman ngayon ang nagtatawa sa kanya.

"Karma!" Pang-aasar ko pa. Pasimple akong dumakot ng putik at binato iyon sa kanya. Sapol siya sa mukha. Bulls eye! Ang lakas tuloy ng tawa ko. 

Nagtangka si Riley na gumanti sa akin. Dumakot din siya ng putik at ibinato sa akin. Pero nakailag agad ako. Mabilis akong tumayo at tumakbo palayo. Pero mas mabilis pa rin siya sa akin. Naabutan niya ako.

To the rescue naman sa akin si Buddy. Hinila niya si Riley habang kagat-kagat nito ang laylayan ng shorts nito. Nakawala ako sa kanya at muling tumakbo. Hinabol niya ako ulit hanggang sa makarating kaming dalawa sa may swimming pool. 

Saglit kaming huminto sa pagtakbo. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Nasa kabilang side siya ng pool at hindi niya magawang makalapit sa akin. Dahil sa tuwing magtatangka siya ay mabilis akong nakakalayo.

"Lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita!" Banta niya sa akin.

"Kung maabutan mo ako?" I challenged him. I matched his grin.

He tried to come near me. Mabilis akong tumakbo ulit. Ngunit sa pagmamadali ko ay natisod ako at tuluyang nahulog sa pool. 

"Muriel!" At mabilis na nag-dive si Riley sa pool.

The next thing I knew, he was already holding me.

"I got you!" Pareho na kaming nakalutang sa tubig. "Are you alright?"

Tumango ako habang nauubo. Ang dami kong nainom na tubig! Pwe

Namalayan ko na lang nasa gilid na kami ng pool. Nauna siyang umahon. Pagkatapos ay ako naman ang inalalayan niya para makaahon sa tubig. 

Huminto na ang pag-ulan at pambon-ambon na lang. Nanatili akong nakahiga sa semento habang nakapikit ang mga aking mata. Gusto ko lang palipasin ang takot sa akin dibdib. Muntikan na ako doon. I was so careless.

"Muriel?"

When I opened my eyes, I saw his worried face. Nakayuko pala siya sa akin. Pilit akong ngumiti. "I'm alright. And thanks to you. Thank you for saving my life."

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Umangat ang kamay niya at hinawi ang ilang buhok na tumabing sa aking mukha. Then his face moves closer to me.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Damn, I think he was going to kiss me!

Bigla tuloy akong napabangon. Ngunit sa ginawa ko ay nagkaumpugan ang aming mga noo.

"Shit!"

"Aray!"

Pareho naming sapu-sapo ang namumula naming mga noo.

"Why did you do that?" Singhal niya sa akin.

"And what do you think you're doin?" Ganti ko naman sa kanya.

"Riley! Muriel!"

Sabay kaming napalingon ni Riley. Isang babae ang patuloy sa pagkaway habang patungo sa direksyon namin. She was in all red cocktail dress. Pati ang suot niyang malapad na sumbrero ay kulay pula rin.

I thought I was only hallucinating. Sa pagkakaalam ko kasi ay next week pa siya uuwi. 

"Ma?" Si Riley. Parang hindi rin siya sigurado sa nakikita.

Ang lapad ng kanyang ngiti habang papalapit sa kinaroroonan namin. Sabay kaming napatayo ni Riley.

"Riley my son!" Sinalubong nito ng mahigpit na yakap ang anak. "I miss you so-" Bigla itong bumitaw sa pagkakayakap. "Why are you wet?" Pagkatapos ay lumingon siya sa akin. "At pati ikaw?"

Hindi pinansin ni Riley ang tanong ng ina. "Ma, why are you here? Akala ko ba next week ka pa uuwi?"

Sa wakas ay hinubad din nito ang suot na sumbrero. "Nagmadali talaga akong makauwi. May mga bagay ako na kailangang ayusin rito." Tumingin siya sa direksyon ko at kinindatan ako. 

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. I never expected her. Buong akala ko ay hindi na kami mapang-aabot hanggang sa makauwi ako sa Davao. At ngayon na nandito siya ay nakadagdag pa siya sa problema ko. Now tell me? Paano pa ako makakaalis sa bahay na iyon ngayong nandito na siya?

"Sa kumpanya?" Nagtatakang tanong ni Riley. "May problema ba, Ma?" Ngunit hindi siya pinansin ng kanyang ina. At sa halip ay ako ang nilapitan.

"I'm happy to see you again, Muriel!" 

"Same here Mam Lorie." Napilitan akong magsinungaling. Syempre siya kaya ang original kong boss!

"I told you to call me Tita. Hindi ka rin naman iba sa akin."

Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango at pilit na ngumiti.

"So, how are you? Nag-e-enjoy ka ba sa pag-stay dito?" 

I'm not okay at gustung-gusto ko nang umalis dito!

"O-okay naman po."

"Hindi ka ba minamaltrato nitong anak ko?"

"Ma?" Protesta ni Riley. "Watch your word!"

Tumawa lang si Mam Lorie, este Tita Lorie pala.

"Sorry son! Bigla na lang kasing nag-trigger sa isip ko ang word na iyon." At tumawa siya ulit.

I once said that minamaltrato word nang minsan magsumbong ako sa kanya ng magkaroon kami ng pagtatalo ni Riley noon. Bakit kailangan pa niyang ipaalala iyon?

Pero base sa nakikita kong reaksyon ni Riley mukha naman na wala siyang naaalala.

And to my surprised, sinapo ng mga kamay ni Tita Lorie ang mukha ko. Pagtingin ko sa kanya ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "I'm sorry for all the trouble I brought in you. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa'yo hindi ko sana itinuloy ang plano ko."

"T-tita?" I know exactly what she was talking about. Pero hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa harapan ni Riley. "You don't have to say sorry. I'm doing fine!"

Umiling siya. "You're not okay. I know that. If you would only give me another chance, itatama ko ang mga pagkakamali ko."

This is not the right moment para sabihin niya iyon. Kung kaya ko lang takpan ang bibig niya ay ginawa ko na. At sa paglingon ko kay Riley, nakatingin lang siya sa aming dalawa ng nanay niya. Salubong ang mga kilay at nakakunot ang kanya noo.

"Tita! Bakit hindi muna kayo pumasok sa loob ng bahay ng makapagpahinga kayo?" Inalis ko ang mga kamay niya sa mukha ko. " Siguradong napagod kayo sa pagbibiyahe."

"She's right, Ma." Pagsang-ayon ni Riley. "Magpahinga muna kayo." Doon ako nakaramdam ng relief.

"I'm fine iho!" Lumingon siya sa kanyang anak. "Oh don't give me that kind of look! I'm sorry son. Huwag ka naman sana magselos kay Muriel."

Sumimangot si Riley. "Hindi ako nagseselos, Ma!"

Siya naman ngayon ang nilapitan ng kanyang ina. "Sus! Ang baby ko nagtampo kaagad. Don't worry babawi ako sa'yo."

"Ma! Huwag nyo naman akong tratuhin na parang bata." Hindi naman siya makapalag nang muli siyang yakapin nito.

"Na-miss ko talaga ang baby damulag ko!" Panay ang halik nito sa pisngi niya.

"Ma! Nakakahiya kay Muriel!"

Ang lakas ng tawa ni Mam Lorie. "She wouldn't mind. Right Muriel?" Lumingon siya sa akin.

Nagkibit balikat ako.

"Alam mo ba na malaki ang kasalanan ko sa batang ito!"

"Anong kasalanan?"

Magkaagapay sila mag-ina na naglalakad papasok ng bahay.

"Doon tayo sa loob at ikukuwento ko sayo."

Gusto ba talaga niya akong ipahamak? Akala ko ba itatama niya ang pagkakamali niya?

Jared nasan ka na ba? Get me out of this place!

<Riley POV>

Dumiretso kaming tatlo sa dinning area. At nalula kami sa dami ng nakahain na pagkain. 

"Nana Tonya, alam nyo na uuwi si Mama?" Nagtataka na tanong ko sa kanya.

"Tumawag siya sa akin kagabi." Nakangiting sagot naman nito.

"Bakit hindi ninyo sinabi sa akin?"

"I want to surprise you, iho." Sabat naman ni Mama. "Same with Muriel."

Nang lingunin ko si Muriel  ay nakita kong naka-pout siya. Kanina ko pa napapansin na parang hindi siya masaya sa pagdating ni Mama. Pareho na kaming nakapagbihis at nakapagpalit ng damit. And since then, hindi na siya muling nagsalita.

Naagaw ang atensyon ko sa pagtunog ng cellphone ko. Jared was calling.

"Excuse me." At lumabas ako ng silid bago sagutin iyon.

"Napatawag ka pare?"

"I'm on my way to your house. Susunduin ko si Muriel." Sabi nito sa kabilang linya.

"Aalis kayo?"

"Kahapon pa kita gustong makausap. Kaya lang biglang dumating si Samantha."

"Tungkol saan?" Naninibago ako sa tono ng boses ni Jared. He sounds really serious.

"I'm taking Muriel with me. Doon muna siya sa isa kong condo mag-i-stay."

So, totoo pala ang narinig ko kanina. She is really leaving.

"Tumawag ka ba para ipagpaalam siya?"

"I don't think kailangan ko siyang ipagpaalam sa yo. Gusto ko lang malaman mo para hindi ka magulat sa pag-alis niya."

Bigla akong nakaramdam ng tensyon sa pagitan naming dalawa.

"I don't think na makakaalis siya, Jared?"

"Dahil pipigilan mo siya?"

"No! Dahil nandito na si Mama. Sa palagay ko hindi siya papayag na umalis rito si Muriel."

"What? Dumating na si Tita?"

Halos mailayo ko sa tenga ko ang cellphone sa lakas ng boses niya.

"Yes she's here. At kararating lang niya." Narinig ko pa siyang nagmura sa kabilang linya.

What's with him?

"Jared? Are you still there?" Pero end tone na ang narinig ko sa kabilang linya. Binabaan na niya ako ng phone!

Sabay-sabay kami na kumain ng tanghalian. Supposed to be ay dapat katabi ko si Muriel. Pero mas pinili niyang maupo sa katapat kong upuan. Akala ko pa naman ay okay na kami. Back to normal na naman ang pagiging aloof niya sa akin. Kanina lamang ay masaya pa kaming naghahabulan na parang mga bata sa ulanan. For the first time I saw her real smile. Iyon hindi pilit katulad ng madalas niyang ipinakikita. Pero kakaiba talaga siya. At hindi ko masakyan ang mood niya.

Habang kumakain ay si Mama ang madalas magsalita. Panay kuwento siya ng mga escapades niya sa ibang bansa. Halos isang buwan din siyang nawala. At sa tingin ko naman ay mukhang nag-enjoy siya ng husto sa pagbabakasyon niya.

"Sorry I'm late." Bigla na lamang sumulpot si Jared sa pagkamangha ng lahat maliban sa akin. Ine-expect ko na ang pagdating niya. "Welcome back Tita!" Lumapit siya kay Mama at hinalikan ito sa pisngi.

"Jared, I'm glad you're here."

"Of course Tita! Hindi ako pwedeng mawala sa eksena." He smiled sheepishly in return. Umikot siya sa kabila panig ng mesa at puwesto sa tabi ni Muriel.

"You're here? Akala ko ba-"

"Hindi kita matiis eh!" At masuyo niyang pinisil ang tungki ng ilong ni Muriel. Tinabig naman ng dalaga ang kamay niya.

"Sungit!" Pang-aalaska niya. Ngunit inirapan lang siya nito.

Itinuon ko ang mga mata sa pagkain na nasa haparan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng pagkainis sa nakita kong eksena.

"You never change, Jared. Lagi mo pa rin inaasar si Muriel." Nakangiting sabi ni Mama.

"Old habits are hard to forget. Aray!"

Muling lumipad ang mga mata ko sa kanila. Tinapakan pala ni Muriel ang paa ni Jared.

"Nakita mo naman Tita, kung gaano ka-sweet sa akin si Muriel."

Mabenta talaga ang kalokohan ng kaibigan. Tawa ng tawa sina Mama at Nana Tonya. Bagaman hindi nagsasalita si Muriel ay panay naman ang irap nito sa kanya.

"Peace!" Nakangising nag-peace sign si Jared rito. "Bati na tayo girlfriend!"

"Shut up Jared! Kapag ako hindi natunawan dahil sa'yo, I swear makakatikim ka sa akin ng flying kick!"

"Sabi ko na nga ba mahal mo ako!"

Hindi na maipinta ni Muriel. Lalo tuloy humaba ang nguso niya.

"Are you courting her, Jared?" Tanong ni Mama.

Ngumisi siya. "Me? Courting her? Ako kaya ang nililigawan niya, Tita."

At muli silang nagtawanan maliban sa aming dalawa ni Muriel. I could see na nagtitimpi lamang siya. Kung wala siguro si Mama, malamang ay kanina pa siya sumabog sa mga pang-aasar ng kaibigan.

"Enough Jared!" Awat ko. "Let Muriel eat her meal first." Hindi ko na kasi matiis ang pang-aasar niya sa dalaga.

"Okay! Madali naman akong kausap!" He said while smiling. Pero nakipagsukatan siya sa akin ng tingin.

"I heard that Samantha was also arrived. Where is she Riley?" 

Saka lang ako lumingon kay Mama. I almost forgot about her. Kung hindi pa siya nabanggit ni Mama ay hindi ko siya maalala. At aaminin ko. Kanina habang magkasama kami ni Muriel ay nakalimutan ko ang problema namin ni Samantha. Nakalimutan ko rin ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. And it's all because of her.

"I don't know, Ma." Matipid na sagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano iiwas. 

"What do you mean you don't know? Hindi pa ba kayo nagkikita?"

Hindi sinasadya ay nagkatinginan kaming dalawa ni Muriel. Ngunit siya rin ang unang umiwas. I blew out a long sigh bago ako nagsalita. "We broke up. Kanina lang." Mabuti na rin siguro na ngayon pa lang ay malaman na nila ang totoo.

"What?" Halos sabay ng bulaslas nina Mama at Jared. 

"Eh kanina lang umaga okay pa kayo ng kasintahan mo." Komento ni Nana Tonya. Naging saksi siya sa paglalambingan naming dalawa.

"What happened, Riley?" May pag-aalala sa tinig ni Mama.

"It's a long story, Ma. Saka na lang ako magpapaliwanag." At muli akong nagpatuloy sa pagkain.

Tila may dumaan na anghel at biglang natahimik ang lahat. 

Nang mag-angat ako ng mukha, I saw Jared leaning on Muriel. Tila mayroon siyang ibinubulong rito. Ngunit nagkibit balikat lamang ang dalaga.

"Son!" Naramdaman ko na lang ang kamay ni Mama sa braso ko. Lumingon ako sa kanya. "Everything is gonna be alright. Nandito lang ako."

Katatapos lamang naming kumain nang bigla akong hilahin ni Mama palabas sa aking pagtatakaka.

"Ma! Where are we going?" Tanong ko habang nakalingon ako kina Muriel at Jared na naiwan pa sa loob.

"Worried?"

Napakunot noo ako sa sinabi niya. 

"Mapang-asar lang talaga si Jared. Pero hindi uubra ang kalokohan niya kay Muriel."

Lalong nagsalubong ang kilay ko.

She smiled at me. Pero hindi ko gusto ang klase ng pagkakangiti niya. "Jealous?" 

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ma! What are you talking about?"

Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "I'm just kidding son!" At tumawa siya ng malakas sa aking pagkamangha. "Para kasing gusto mong ilayo si Muriel sa kaibigan mo?" Halos pabulong na sabi niya at hindi iyon nakarating sa pandinig ko.

Naroon kaming dalawa sa study room. At hindi ko na kailangang hulaan kung bakit gusto niya akong makausap ng sarilihan.

"Ma, I don't want to talk about it. Not now!" Hindi niya ako mapipilit magsalita. Eversince, hindi naman ako nagkukuwento sa kanya lalo na kapag nagkakaproblema kaming dalawa ni Samantha. At kahit hindi ako magkuwento malalaman din naman niya ang tungkol doon. She has sources.

"Fine! Hindi kita pipilitin." She finally gave up. At nakahinga ako ng maluwag.

"I'll be okay, Ma. Swear!"

Nagdududa na titinitigan niya ako. "Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi mo?"

I rolled my eyes. Ang kulit talaga ng nanay ko!

Sinapo ng mga kamay niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. "I am your mother. Natural lang na mag-alala ako para sayo."

"I know Ma. Sinong bang magiging okay after a break up? Siguro nga sa ngayon hindi ako okay. But it doesn't mean that its the end of the world for me." I know what she's thinking. And I understand her.

Then I saw her smiling. "At natutuwa ako dahil hindi ka na katulad ng dati. She made you changed a lot. You deserve someone like her."

Muli naman nagsalubong ang kilay ko. Who is she? Si Samantha?

"But remember this son, whatever decision you make.. just follow your heart." Tinuro pa ng daliri niya ang dibdib ko. "Just follow this. It will lead you to your true happiness. Ito ang mas nakakaalam kung ano at sino ang mas nararapat para sayo. Believe me. Hindi ka nito bibiguin."

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. And I had this dread feeling na hindi si Samantha ang tinutukoy niya. Then who?

Weird! For the first time in my life, ngayon ko lang nakita si Mama na ganon kaseryoso. And it makes me shiver.

<Muriel POV>

Parang gusto kong matawa sa nakikita ko kay Jared. Kanina pa siya lakad ng lakad sa harapan ko. Hindi siya mapakali. Pabalik-balik lang siya at malalim ang iniisip.

"Mahihilo ka lang sa ginagawa mo!"

Ngunit parang wala siyang narinig. Tuloy pa rin siya sa ginagawa.

"Jared!"

Finally he stopped. "I really need to get you out of here! Kakausapin ko si Tita Lorie."

I almost rolled my eyes. "Iyan din ang sinabi mo kanina! Paulit-ulit?"

"Get your things. Aalis na tayo!"

Hindi ako kumilos sa kinauupuan ko. Nakapatong ang siko ko sa mesa at nakapangalumbaba sa harap niya. "Do you think papayag si Tita na umalis ako rito?" Naisip ko na rin iyon kanina. Now she's already here, everything is under her control. 

And I have no other choice but to stay. Ganun lamang iyon kasimple. At tanggap ko na iyon. Nakakapagod din ang mag-isip ng mag-isip pero useless naman. Dahil sa bandang huli ay mabibigo lang kami.

"Eh di huwag nating ipaalam! Basta umalis na tayo." Lumapit siya sa akin at tangkang hihilahin ako sa kamay.

"Baka nakakalimutan mo, she is my boss. Gusto mo ba akong mawalan ng trabaho?" Inirapan ko siya at tinabig ang kanyang kamay. "Just give up Jared! No matter what we do, dito pa rin sa bahay na ito ang bagsak ko."

"Damn it!" Bigla na lamang niyang tinulak ang silya na nasa kanyang harapan. "Kung napaaga-aga lang sana ako, kanina ka pa sana nakaalis sa bahay na ito!" Nagulat ako sa naging outbust niya. Bakit ba siya ang mas apektado kaysa sa akin?

"Relax! Maupo ka nga muna!" Itinuro ko sa kanya ang katabi kong upuan. "I know that you're dead tired in your company. Kaya please, huwag mo na rin pagurin ang sarili mo nang dahil sa akin. I'll be fine! Konting tiis na lang siguro. Hindi rin naman ako magtatagal at uuwi rin ako ng Davao."

Ngunit hindi talaga siya marunong makinig.

"Where are you going?" Humakbang siya palayo.

"Kakausapin ko si Tita Lorie." Lumingon siya sa akin.

"Jared!" Napilitan akong tumayo para habulin siya. "Ang kulit! Di ba sabi ko huwag na? Hindi mo kailangan gawin ito."

"Why? You changed your mind?" Humarap siya sa akin. "Ayaw mo na umalis?"

"Gusto ko pero-"

"Pero hindi mo kayang iwanan si Riley?" 

"Of course not!"

"Ayaw mo nang umalis dahil nalaman mong nag-break na sila ni Samantha. At magkakaroon ka na ng chance para mas mapalapit sa kanya."

I held my breath. Parang hindi si Jared ang kaharap ko. Kakaiba kasi siyang magsalita."Hindi yan totoo!" 

"Bakit sa palagay mo ba kapag nalaman ni Riley ang tungkol sayo ay matatanggap ka niya? Sa palagay mo ba mahahalin ka rin niya katulad ng pagmamahal niya kay Samantha? No matter what you do Muriel, mananatili ka lang na anino ni Sam sa buhay niya!"

Hindi ko inaasahan na marinig iyon mula sa kanya. His words hits me straight from my heart.

"Enough Jared." Pakiramdam ko ay sinampal ako ng malakas sa magkabila pisngi. The truth really hurts something.

Tila doon lamang na-realized ni Jared ang mga sinabi. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "I-im sorry. I never meant-"

"Hindi mo kailangang ipamukha sa akin ang tungkol doon." I almost whispered. Pakiramdam ko kasi ay may nakabara sa lalamunan ko. "Sa simula pa lang ay alam ko na kung saan ako lulugar sa buhay niya. At wala akong balak ipagpilitan ang sarili ko sa kanya."

"Muriel..." He tried to reach me, pero umiwas ako. "I'm sorry."

"I understand." Pilit akong ngumiti. "They say that true friends always tells the truth even it hurts you. And I must be thankful for having you as one."

He looked at me with sadness in his eyes. "When will you ever see me as a man who can love you back more than you love him? Why him when it could be me?"

He loves me? Tama ba ang narinig ko. O isa na naman ito sa mga biro niya?

"Hindi ko alam kung talagang manhid ka lang o hindi mo talaga ako nakikita. Kung sabagay, paano mo naman mahahalata? Wala akong ginawa kundi lokohin at asarin ka. At para sayo lahat ng sabihin ko ay puro kalokohan lamang."

"You know me for being womanizer. At alam ko na iniisip mo na hindi ako marunong magmahal. Iyon din ang akala ko dati. But you came along and suddenly you captured my untamed heart. Can't help but fall inlove with my bestfriend pretend girlfriend." 

"Jared, please dont!"

"I can't." Malungkot siyang ngumiti. "Kung ikaw nga hindi mo nagawang pigilan ang damdamin mo para kay Riley, ako pa kaya?"

He's right! Hindi ko siya pwedeng utusan na gawin iyon. Pero hindi ko gustong makita siyang nasasaktan. He is so special at nalulungkot ako para sa kanya.

"Jared..."

"Let me finish first. Naumpisahan ko ng umamin sa'yo at tatapusin ko ito. I'm not asking anything in return Muriel. Maliwanag pa sa sikat ng araw na mahal na mahal mo siya kahit hindi ka niya magawang mahalin. And I know the feeling. Iyon ang dahilan kung bakit ganon na lamang ang pagpupursige ko na maialis ka rito. Ayokong makita kang nasasaktan nang dahil sa kanya."

"I'm sorry." Anong maari kong sabihin kundi iyon? 

"Don't!" Umiling siya. "Don't say sorry. Ginusto ko ito. Its my choice."

Yumuko ako. I don't want to see the pain in his eyes.

"At katulad ng sinabi ko kanina, I will not ask anything in return from you. Pero sana lang Muriel, sana lang dumating yung pagkakataon na ma-realize mo na karadapat-dapat akong mahalin kaysa kay Riley. You don't deserved someone like him."

I bit my lower lip painfully. And then I found myself sobbing. Nang mag-angat ako ng mukha, I saw him walking out through the door.

Subconciously ay naihiling ko na sana bumalik siya at bawiin ang lahat ng mga sinabi niya kani-kanina lang. I don't want to lose someone like him. Not now. But when I heard the sounds of his car engine, I knew my wish didn't come true. 

If I could only teach my heart. sana...

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 79.4K 49
Fairytale Series #1 COMPLETED #Wattys2020 New Adult Dahil sa kagipitan, naging personal doctor si Belle Antonette Flores Del Monte sa halos walang bu...
28.1K 1.2K 21
Natural lang na nagkakagusto tayo sa isang tao. Natural lang na magandahan tayo o ma-gwapuhan sa isang taong first time lang natin nakita. Natural la...
112K 3.1K 24
CROSSROADS SERIES #1 *** Para sa mga manglalakbay ito iyong tipong na stuck ka sa intersection and you have to choose whether you have to take the ri...
14.1K 592 14
To become an 'OPTION' is a choice. 'Yong tipong ginagawa kang isang produktong pagpipilian sa isang mall kahit hindi ka naman naka-sale? Option ang t...