Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

By Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... More

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 17 - Part two
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 23

2.2K 40 3
By Lyfavie

CHAPTER TWENTY THREE

                       "The art of love...is largely the art of persistence."

                                                                               - Albert Ellis

"Hija, anak, is there something wrong?" worried na tanong ng Mommy ni Honey dito. Naupo ito sa gilid ng kama ni Honey. Masuyo nitong hinaplos ang mukha ng anak at sinalat ang noo. "Your temperature is fine," puna nito. Inayos na lang nito ang kumot ng anak.

"I'm okay My. Meron lang ako ngayon kaya masama pakiramdam ko," dahilan ni Honey.

"Buti na lang at wala kayong pasok bukas. You could stay at home and rest," ani Mommy nito. "But magpacheck-up ka pa rin para makasigurado tayo. Hindi na normal yang sakit-sakit mong yang tuwing meron ka."

"I will Mommy. I'll visit Dr. Martinez one of these days."

Hinalikan ng Mommy nito si Honey sa noo saka nagpaalam na sa anak. "Sleep hija. Mamaya magpapaakyat ako kay Manang ng sopas."

"Thanks My," saka pinikit na ni Honey ang mga mata.

Naglast minute shopping si Ana para pampasalubong sa parents nito at nakababatang kapatid, pati na rin pasalubong sa mga kasambahay nila sa bahay.

Sa palengke ng Baguio ito namili dahil mas mura at mas maraming mapagpipilian. Yung ube jam ay nauna ng nabili ni Ana sa isang kilalang pagawaan nun sa Baguio. Marami itong biniling peanut brittles, lengua de gato at strawberry jam.

Dala ang mga bitbit ay naghintay ng taxing masasakyan si Ana. Rush hour kaya halos lahat ng dumaan ay may sakay na. Kahit mga jeepneys ay punuan din.

Halos thirty minutes ng nakatayo si Ana at nangangalay na ito. Mabigat din ang mga bitbit niya kaya nahihirapan na rin talaga siya.

Nagulat na lang si Ana ng makarinig ng busina mula sa isang kotse.

Hinintay ng dalagang maibaba ng driver nun ang tinted nitong salamin. Unang napansin ni Ana ang brown na buhok ng nagmamaneho nung kotse. At later on nga ay tuluyan ng niluwa nun si Ken.

"Ken!" nakangiting sambit ni Ana sa pangalan nito.

"Pauwi ka na ba?" he asked Ana. His eyes darted down to the stuffs being held by Ana."Mukhang mabigat mga iyan ah."

Inismiran ni Ana si Ken. "Mabigat nga kaya sana pakitulungan na po ako."

Inayos muna ni Ken ang pagkakapark ng sasakyan para hindi makaistorbo sa mga padaan ring ibang sasakyan. Pagkatapos ay mabilis itong lumabas ng driver's seat at tinulungan ang dalagang maipasok sa loob ng kotse ang mga bitbit.

Ilang sandali pa ay kampante ng nakaupo si Ana sa loob ng kotse ni Ken.

"Buti na lang dumating ka," Ana said while wiping away the sweats on her face. "Akala ko hindi na ako makakauwi."

Saglit na sumulyap si Ken kay Ana saka muling tinuon ang atensyon sa daan. "Bababa ka talaga ngayon?" di makapaniwalang tanong nito.

"Oo, mamayang gabi."

"Then hindi mo talaga mapapanood laban namin bukas. Championship na iyon at school niyo pa kalaban namin."

"Ivideo niyo na lang para mapanood ko. At wala namang pinagkaiba kung andun ako o wala," Ana reasoned out.

"Iba pa rin kung andun ka. Think about Ace," Ken said, trying to convince her to change her mind.

"Si Ace naman maglalaro at hindi ako. Alam naman na ni Ace na uuwi ako," di papipigil na wika ng dalaga kay Ken. "Isa pa, kapag andun ako, syempre dun sa school ko ang loyalty ko."

Natawa ng mahina si Ken. "Sabagay. Ingat na lang sa biyahe kung ganoon."

"Salamat..." nakangiting wika ni Ana kay Ken. "Nga pala, saan ka galing?

"I just came from school. Katatapos lang ng last practice naming," Ken replied.

"School? Si Ace? Umuwi na rin?"

"Andun pa kaninang umalis ako. Pero siguro nakauwi na rin."

Tumango-tango si Ana. Then she faced Ken and grinned. "Alam mo bang hindi niya ako tinext ng maghapon ngayon."

Ken chuckled. "Side effect ng pag-alis mo ngayon."

"Itetext ko siya mamaya pagsakay ko ng bye," Ana giggled.

"Sadista ka talaga!" napahalakhak na wika ni Ken.

"Hindi. Joke lang iyon. Hindi naman ako ganoon kasama," sabi ni Ana. "Maiba ako, nameet mo na si Chichi di ba?"

"Yung bestfriend mo?" kunot-noong tanong nito.

"Oo siya nga. Ano tingin mo sa kanya?" curios na tanong ni Ana sa katabi.

Napakunot-noo si Ken. "Don't tell me minamatch mo ako sa kanya?"

Ngumiti ng pilya si Ana. "Pakisagot muna tanong ko."

Nag-isip ng malalim si Ken, inaalala ang mukha ni Chichi. "Cute siya. But not my type," honest na sagot ng binata. "Di ba may boyfriend na yun?" sabay baling kay Ana.

Napapapitik sa hangin ang dalaga. "Ay sayang! Kung sinabi mong gusto mo sana siya eh ilalakad na kita sa kanya. Ngayon cool-off sila ng bf niya kaya okay lang na ilakad ko siya sa iba."

"Cool-off? Then sila pa rin," salubong ang kilay na sabi ni Ken. "Ba't nagplaplaying cupid ka sa bestfriend mo?"

Sumimangot si Ana. "Nakakainis kasi yung boyfriend ng lokang iyon eh. Manloloko! Ito namang si Chichi, nagpapaloko," nanggagalaiting saad ni Ana.

"Mahal niya siguro talaga boyfriend niya," komento naman ni Ken.

"Pagmamahal pa rin ba tawag dun?" nakalabing wika ni Ana.

Tumaas sulok ng labi ni Ken. "Oo... Mahirap talaga kapag tinamaan ka ng pana ni kupido. Nagiging tanga ang matalino. Nagiging mabait ang masungit. Ngumingiti ang laging nakasimangot. Like logic is not a word when in love," natatawang sabi nito. Tumingin ito kay Ana. "Kaya ako, ayokong mainlove."

"Whe? Di ka pa nainlove?"

"Hindi pa...and I like to keep it that way. How about you?" balik nitong tanong.

"Me?" sabay turo ni Ana sa sarili.

"Yeah, ikaw. What do you feel for Ace...now?" interested nitong tanong.

"Hindi pa naman ako nagiging tanga," matipid na sagot ni Ana.

"Bakit matalino ka ba?"

Tinaasan lang ng kilay ni Ana si Ken. Lumelevel din sa pagkaalaskador si Ken at ng kapatid nitong si Ethan.

"Hey, may pag-asa ba ang pare ko sa iyo?" maya-maya ay tanong ni Ken.

"Bakit mo tinatanong? Di ka rin tsismoso ano."

"Ito naman. Sungit mo talaga kung minsan. Sabagay, bagay nga kayo ni Ace. Pareho kayong masungit" sabay tawa ng nag-aalaska. Nang mahimasmasan ay pinalubag din nito ang loob ni Ana. "Seryoso na ito. Bakit ko tinatanong? That's because I care for Ace. Parang kapatid ko na iyon." 

"Owwwss... Baka may gusto ka kay Ace?" biro ni Ana.

"Gaga! Hindi ako bakla!" sagot naman ni Ken sa boses nitong bakla na nakisakay sa biro ni Ana. Pagkatapos ay natatawang napumara ito. "SHIT! Kapag may nakarinig sa akin nun na iba, I'm dead!"

Halos pumilipit naman si Ana sa katatawa. Mangiyak-ngiyak na ito dahil sa pang-aastang bading ni Ken.

"May hidden talent ka pala," ani Ana na pinupunasan ang nangilid na mga luha sa mga mata. "At dun sa sinabi mo kanina, alam mo bang pareho kayo kung makapagsalita ni Chichi."

"Talaga?"

"Kasi kung makapagsalita kayo parang ako ang kontrabida at si Ace ang bida."

"Ikaw naman talaga ang villain dito. Hangga't di ka pa sigurado sa feelings mo kay Ace, siya ang consider na bida at ikaw ang kontrabida. Sa mata ng mga viewers, kung sino ang dehado dun sila papanig. Filipinos love underdogs."

"What? I don't agree on that part. Kasalanan ko ba kung hindi ako sigurado sa feelings ko sa kanya? Hindi naman ah. Tulad ng hindi hawak ni Ace nararamdaman niya, hindi ko rin hawak nararamdaman ko. And how could Ace be the underdog here?"

"Kasi mas marami na siyang nainvest sa iyo. Hindi mo nga hawak ang nararamdaman mo, pero  ang tingin kasi naming mga viewers niyo eh, you are suppressing your feelings for Ace to grow."

"Nagiging wise lang ako," depensa ni Ana.

"Sa tingin din namin ay pinapaasa mo si Ace. Kung ayaw mo, eh di sabihin mong ayaw mo. Tapos di ba?"

"Pareho talaga kayo ng words of wisdom ni Chichi. Baka naman nag-uusap na pala kayong dalawa?" puno ng suspetsang wika ni Ana.

"Nah - I don't even know her number."

"Gusto mong kunin?" kumislap ang mga matang mungkahi ni Ana.

"Umiiwas ka sa hotseat ah," Ken grinned. "It will not work for me."

"Okay... kung ayaw mo eh di wag..." sabi na lang ni Ana at umingos ng muling maalala ang pinag-uusapan talaga. "Hindi ako paasa ah. Sa totoo lang, ilang buwan pa lang naman kami magkakilala. Dati nga taon ang binibilang ng ligawan. Ngayon naman ilang buwan pa lang nanliligaw ay sasabihan ka ng nagpapaasa. Masyado lang kasing instant mentality niyo eh," mahabang paliwanag ni Ana.

"Kaya nga noon yun eh. Dahil noon. Wag mo ng icompare ang noon at ngayon. Wala ka talagang patutunguhan niyan," pilosopong tugon naman ni Ken.

Magproprotesta pa sana si Ana ngunit biglang nagring ang phone ng dalaga. Agad na sinagot iyon ni Ana.

"Hello Nay..."

====================

A/N: Wohoot! Update ulit. Ala pang 24 hours mula ng ipost ko Chapter 22. Nakatulong yung outline.^^

Comvo po! Thank you! :)

--> I'll edit later yung mga mali... :)

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...