FONTALEJO MEN SERIES #2: The...

By AetherMae

388K 9.2K 301

Sa Fontalejo clan, si Nathan ang tinaguriang playboy sa pamilya. His charming looks can attract every girl, b... More

Author's Note:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
Chapter 12:
Chapter 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
Author's Note:

CHAPTER 11:

14.2K 412 5
By AetherMae

Napagdesisyunan na ni Patty na tumira na muli sa condo nya, simula noong magkolehiyo sya ay natuto na syang maging independent sa sarili. Isa pa ay may gagawin syang feedback paper about sa pinuntahan nila noong nakaraang buwan sa Italy.

"Patty, sigurado ka ba anak na doon ka na ulit sa condo mo titira?"

Tanong ng mommy nya sa kanya.

"Opo mommy, namimiss ko na din po iyong condo ko eh. Pero wag po kayong mag-alala, palagi akong dadalaw dito sa bahay."

Paglalambing nya dito.

"Hay nako ma! Lilipat lang yan sa condo dahil namimiss nya na si kuya Nathan, palagi na silang magkikita."

Pang-aasar naman ni Mari sa kanya. Tiningnan naman nya ng masama si Mari.

"Oh? Bakit ka ganyan makatingin sa akin ate?"

Pang-aasar lalo nito sa kanya.

"Oo nga anak? Magkababata kayo ni Nathan, hindi ka ba man lang nagwapuhan o nagkagusto sa kanya? Eh yung mga ibang babae nga dyan ngumiti lang si Nathan ay nagkakandarapa na sila, ikaw wala man lang."

Sabi ng mommy nya.

"Pero kung makapagPDA akala mo mag dyowa.

Segundan naman ni Mari. Hinampas nya ng unan ang kapatid saka umupo ng maayos.

"Ma, bestfriend ko lang po talaga si Nathan, parang kapatid, tsaka napakaimpossibleng magkagusto iyon sa akin, alam ko ang tipo nya pagdating sa mga babae."

Sagot nya sa mga ito.

"Walang impossible sa mundo anak. May mga astronout na ngang pupunta sa Mars, kayo pa kaya ni Nathan?"

"Mom anong connect ng Mars sa aming dalawa ni Nathan?"

"Eh basta, ikaw umintindi Patrice."

Sabi ni mommy. Natawa na lang ako sa sinabi ni mommy.

"Pero ate, seriously, what if manligaw si Nathan sayo? May chance ba?"

Tanong ulit sa akin ni Mari, nakatutok pa din ako sa tv, pero wala akong maintindihan sa pinapanood ko. May pag-asa nga ba sayo Nathan? Tanong nya sa isip nya. Meron ba? Meron ba?

Bigla nyang naalala ang mga lambingan at kulitan nila.

"I love you kambal."

"Che! Wag ka ngang ano Nathan!"

"Wag ano"

"Basta! I love you ka ng i love you dyan, eh hindi naman kita boyfriend."

"Bakit kailangan bang maging boyfriend mo pa ako para lang masabihan kita ng i love you?"

"Hindi naman sa ganoon."

"Gusto mo ligawan kita?"

Sabi nito sa kanya, napatingin sya dito. Seryoso ang mukha nito.

"Anong pinagsasabi mo dyan Nathan?"

"I said gusto mo bang ligawan kita?"

"Loko mo Nathan."

Nanlaki ang mga mata nya nang biglang lumalapit ang mukha nito sa kanya.

"Oy, anong ginagawa mo?"

Sabi nya dito, napalunok na lang sya. Parang matutunaw sya sa mga titig nito sa kanya. Kumabog ng husto ang puso nya. Nang malapit na malapit na ang mukha nito ay napapikit na lang sya.

"Di ko alam na bibigay ka din sa charms ko kambal."
Sabi ni Nathan. Dahan dahan syang dumilat, malayo na ang mukha ng lalaki sa kanya. Hinampas nya ito.

"Baliw ka talaga!"

Tawa ito ng tawa sa kanya.

"Wag ka ngang tumawa dyan!"

"Oh? Bakit na nagagalit dyan? Dahil di ko tinuloy ang first kiss mo?"

"Oy! Anong first kiss pinagsasabi mo?"

Natawa lalo ito sa kanya at umakbay.

"Don't worry kambal, di kita tataluhin."

"Loko!"
Binatukan nya ito.

"ATE!"

"Oo!"

"Wahahahaha! Yessss!! Wuuuuu!! May chance si Kuya Nathan! Ikaw ate ah! May lihim na pagtingin ka pala kay kuya Nathan!"

Sabi ni Mari sa kanya. Saka lang nya napagtanto ang lumabas sa bibig nya.

"Anong pinagsasabi mo dyan Mari? Ang sabi ko ko 'Loko' hindi 'Oo'!"

Singhal nya dito. Tawa din ng tawa ang mommy nya.

"Ma naman! Pati ba naman ikaw?!"

"Anak! Pagpasensyahan mo na ako."

Sabi nito sa kanya. Sumimangot na lang sya dito.

"Good Evening everyone!"

Nagulat sila nang biglang may bumati.

Ang daddy pala nya.

"Dad!"

Yumakap sila dito.

"Kumain ka na Hon?"

Tanong ng mommy nya sa daddy nya.

"Ah, tapos na hon, nagdinner kasi kami ng mga ka-meeting ko sa isa sa resto ni Nathan."

"Ah, ganoon ba. Sya nga pala itong anak mo, si Patty, babalik na daw sa condo nya."

"Tamang-tama may kasama ako na maghahatid sa kanya."

Hindi sinabi ng daddy nya ang tinutukoy nito dahil may biglang pumasok sa bahay nila.

"KAMBAL!!"

"Nathan iho! Nandito ka pala, teka magkasabay ba kayo hon?"

Tanong ng mommy sa daddy nya.

"Oo, sabi nya kasi gusto nyang puntahan si Patty kaya ayan, sumabay sa akin."

Sabi ng daddy nya. Si Mari naman ay nakatingin sa kanya at nakangiti ng nakakaloko. Tiningnan naman nya ito ng masama.

"Tita narinig ko po na babalik na si Patty sa condo nya."

Tanong ni Nathan sa mommy nya.

"Oo iho, tutal magkatabi kayo ng unit, isabay mo na itong anak ko."

"Ay tita di nyo na po kailangan sabihin dahil gagawin ko po talaga yan, di ba kambal?"

Lumapit ito sa kanya at inakbayan sya.

Binigyan nya ito ng isang ngiting-aso.

"Ang cute mo talaga kambal."

Kinurot nito ang pisngi nya.

"Ay nako kuya Nathan, iuwi nyo na iyan sa bahay mo, ay este sa condo nya."

Pang-aasar ni Mari sa kanya.

Binato nya ito ng unan. Ang mga magulang naman nya ay abalang-abala sa paglalambingan.

"Jeez! Get a room!"

Napangiwing sabi ni Mari.

"Iho, ikaw na bahala kay Patti ha? Ay kami'y aakyat na."

Sabi ng daddy nya. Hinagkan sya ng mga magulang nya.

"Have a great night everyone!"

Sabi ng momny nya at umakyat na ang mga ito. Naiwan silang tatlo.

"Hala sige kuya itanan mo na na si ate. Malaki na yan at nang magkaroon na ako ng pamangkin."

Lalong pang-aasar ni Mari sa kanila. Natawa na lang si Nathan sa sinabi nito.

"Gusto mo na ba magkapamangkin Mari?"

Sakay naman ni Nathan sa biro nito at tiningnan sya ng makahulugan. Siniko nya ito. Napaigik naman ito.

"Oo kuya matagal na."

"Tumigil ka nga sa mga biro mo Mari. Hindi na nakakatawa."

Muling saway nya dito.

"Ikaw na bahala dyan kuya kay ate. Malaki na kayo."

"Sure Mari!"

Nagpaalam na din ito sa kanila at umakyat na din patungo sa kwarto nito.

"So ano na kambal? Let's go?"

Baling nito sa kanya. Kinuha nito ang bag nya na nakatabi sa sofa.

"Tara na nga."

Lumabas na sila ng bahay at sumakay sa kotse nito. Nagsimula na itong magdrive.

"Ang sweet pa din ng mga parents mo ano kambal?"

Sabi nito sa kanya.

"Oo akala mo nga teenagers lang kung makapag PDA sa harap namin ni Mari."

Natatawang sabi nya rin dito.

"Parang tayo lang."

Tumingin ito sa kanya at kumindat.

"Ewan ko sayo Nathaniel Fontalejo."

Inirapan nya na lang ito. Natawa na lang ito sa ginawa nya. Nakaramdam sya ng pamimigat ng mata at naghikab sya.

"Umidlip ka muna dyan Patty, gigisingin na lang kita kapag nasa condo na tayo."

Sabi sa kanya ni Nathan.

"Gisingin mo ako ha."

"Yes boss."

Tuluyan na syang ginapo ng antok na nararamdaman nya.

**********

Nakarating na sila Nathan sa condo kung saan sila nakatira ni Patty, magkatabi ang unit na tinutuluyan nilang dalawa. Nagdadalawang isip si Nathan kung gigisingin si Patty dahil mukhang malalim na ang tulog nito. Antukin pa din hanggang ngayon ang babaeng ito. Lumabas na sya ng kotse nya, wala syang magawa kundi buhatin ito. Nang marating sya sa unit nito ay pinindot nya ang passcode ng unit nito. Bumukas naman ang pinto, pinasok nya na ito sa loob ng kwarto nito.

"Ang bigat mo na kambal."

Sabi nya at hinilot nya ang balikat. Binuksan nya ang aircon sa kwarto nito. Noong nasa ibang bansa ito ay nililinisan nya ang unit nito kaya di ito gaano karumi. Tinanggal nya ang sapatos ni Patty at inayos ang pagkakahiga nito.

Umupo sya sa kama nito at tinitigan ang kaibigan. Hinaplos nya ang pisngi nito, mayroon na itong eyebags, pero di pa din nawawala ang kagandahan nito. Napangiti sya. Nabuo ang pagkakaibigan nilang dalawa noong nasa grade school pa lang sila. Muntik na kasi itong bumagsak sa cooking class nila, at sya naman ay ganundin sa history class, kaya naman nagkasundo sila na turuan ang isa't-isa na pumasa. Simula noon ay parang nagkaroon na sila ng koneksyon na halos di na sila mapaghiwalay. Saksi sila sa mga kalokohan nila sa buhay. Parang kapatid na ang turing nya dito kahit sabi ng karamihan ay bagay silang dalawa. Kaya nga 'kambal' ang tawag nila sa isa't-isa para wala nang manukso sa kanila pero di pa din effective. Bigla nyang naalala ang sinabi ng kuya nya sa kanya noong nakaraang gabi.

"Anong mapapala mo sa mga ganoong babae? I mean why don't you find someone who is more decent."

Nagulat sya nang bigla itong magsalita.

"Nathan."

Mukhang nananaginip ito. At mukhang sya ang nasa panaginip nito.

"Hindi pwede kambal, I can't afford to hurt you. Masasaktan ka lang sa akin."

Hinaplos nya ang buhok nito. Hinagkan nya ito sa noo.

"Please don't make me fall for you kambal."

Napadako ang tingin nya sa mga labi nito. Parang may humihila sa kanya na halikan ito. Dahan dahan nyang nilapit ang mukha nya dito, pero bigla itong gumalaw, kaagad naman syang dumistansya. Dumilat ito at tumitig sa kanya.

"Nathan?"

"Bakit kambal? May kailangan ka?"

"Binuhat mo na naman ba ako?"

Mahinang tanong nito sa kanya.

"Oo, tulog na tulog ka kasi."

"Sorry. Sana ginising mo na lang ako."

"You don't have to say sorry. Matulog ka na ulit."

Sabi nya dito, tumango naman ito sa kanya at pumikit na.

"Good night Patrice."

Hinagkan nya ulit ito sa noo. Lumabas na sya ng unit nito. Napasandal na lang sya sa dingding.

"Damn Nathan."





A/N: heyyy people!!! Wazzup? Hehe! Ngayon lang ulit nakapagUD, dami kasing ginagawa eh, gumagawa na kami ng thesis tapos may gagawin pa kaming research about social conformity. Naloloka na ako sobra. Hay! Sakit sa ulo! Kaya pagpasensyahan nyo na po kung boring itong chapter 11. I hope you understand me. Huhu! ;((

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. ;))

PS: may cute na criminology student sa school namin na nag-iinspire sa akin. Wahihi! Ang cute nya sobra kahit moreno sya. Kinilig ako ng minsan masalubong ko sya tapos kinakanta nya yung "Mula sa puso"
Kelegmats! Hahaha! Kaso may gf na eh, baka jombagin ako ni ate. Hahaha! Mabait pa naman iyon. Kaya i will like him from a far na lang. Hahaha! Hanudaw? Ewan. -_-
Share lang. :))

Continue Reading

You'll Also Like

25.2M 729K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
11.7M 210K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...
1.5M 37.9K 44
Ang sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 C...
6.5M 274K 88
Nang dahil sa kahilingan ng kaniyang mga magulang, napilitan siyang pumasok sa isang delikadong paaralan. Sa paaralan na kung saan na puro nangangara...