Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Twenty Six: Mistaken

315K 5.1K 685
By aLexisse_rOse

Chapter Twenty Six: Mistaken

<Muriel Pov>

Pasado alas diyes na ng gabi nang maihatid ako pauwi ni Jared. Hindi ko na siya pinababa ng kotse. Alam kong kailangan na din niyang magpahinga. And besides maaaga pa niya akong susunduin bukas.

Pagpasok ko ay nakita ko si Nana Tonya na nag-aabang sa akin sa may pintuan.

"Bakit gising pa po kayo?" Tanong ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya. 

"Nahihirapan akong matulog sa gabi. Ganito na yata ang tumatanda."

"Nahihirapan na pala kayong matulog eh bakit umiinom pa kayo ng kape?" Napansin ko kasi ang hawak niyang mug.

Ngumiti siya sa akin. "Hindi ito kape, salabat ito. Nakakatulong ito para makatulog ako."

Napakunot-noo ako. "Salabat? Di ba para lang sa lalamunan iyon?" Naalala ko kasi yung Tita ko na frustrated singer. Madalas siyang umiinom noon ng salabat para raw gumanda ang boses niya.

"Hindi lang naman para sa lalamunan ito. Marami rin itong mabuting naidudulot sa katawan. Pumasok ka na nga sa loob at baka mahamugan ka pa dito." Tinulak niya ako papasok ng pintuan.

Ngunit nahagip ng mga mata ko ang nakaparadang sasakyan ni Riley sa may garahe. "Nakauwi na po sila Riley?"

"Sinong sila?" Nagtatakang tanong ni Nana Tonya.

"Sina Riley at Samantha."

"Nandito na si Samantha?"

Tumango ako. "Opo. Nagkita kami kanina sa opisina. Hindi ba ninyo alam?"

"Wala namang binabanggit sa akin si Riley kanina."

Kung ganon ay hindi dito sa bahay mag-i-stay si Samantha! Ganon na lamang ang relief na naramdaman ko.

Pero bigla kong naalala ang naging usapan namin ni Jared kanina. Pumayag na akong mag-stay sa condo niya. Dahil kung talagang gusto kong umiiwas kay Samantha, lalo na kay Riley, kailangan kong lumayo sa kanila. At tama si Jared. Mas safe ako doon. Kaya nga bukas ng umaga ay susunduin niya ako. Siya na raw ang bahalang kumausap kay Riley. At akonaman ang bahala kay Nana Tonya.

"Nana Tonya magpapaalam po sana ako sa inyo?"

Lumingon siya sa akin. "Aalis ka?" Parang nahuhulaan niya ang sasabihin ko.

"Doon po muna ako titira sa condo ni Jared." 

"Magsasama kayong dalawa?"

Napangiti ako sa nakita kong reaksyon niya. "Hindi po. Doon ako sa isang condo niya titira."

"Akala ko itatanan ka na niya." 

"Naniwala naman kayo kay Jared. Alam nyo naman na puro kalokohan ang laman ng isip nun."

"Eh bakit dun ka pa titira? Ang laki-laki ng bahay na ito. At saka sa akin ka binilin ni Lorie."

Naisip kong sabihin na rin sa kanya ang totoo. "Aaminin ko po sa inyo, ayokong tumira dito kasama si Riley."

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hangga't maaari ay gusto ko siyang iwasan. Ayokong makahalata siya. Alam kong may mga pagkakataon na nagdududa na siya sa akin. At nanatakot ako na baka malaman niya ang tungkol sa pagpapanggap ko noon. Lalo na ngayong nandito si Samantha, mas lalo kong kailangan mag-ingat. Mas kailangan kong umiwas."

"At para makaiwas ka sa kanila ay naisip mong lumayo?"

Tumango ako.

Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Nana Tonya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi. "Pagpasensyahan mo ako Muriel. Sa umpisa pa lang dapat hindi na ako sumang-ayon kay Lorie na dito ka manatili." She smiled bitterly. "Pero dahil nanabik ako sa pagbabalik mo, hindi ko naisip ang magiging sitwasyon mo. Naiintindihan ko na hindi naging madali para sayo ang muling makaharap si Riley pagkatapos ng mga nangyari. Kung gusto mong lumayo, hindi kita pipigilan. Alam kong mas makabubuti sa iyo iyon."

"Salamat po at naiintindihan ninyo ako." I was teary eyed. Ramdam na ramdam ko kasi ang pagmamalasakit niya para sa akin. Simula nang tumapak ako sa bahay na iyon, siya na ang tumayo na parang nanay ko.

"Kailan ba ang alis mo?" Narinig ko siyang sumisinghot.

"Bukas po ng umaga. Susunduin daw po ako ni Jared."

"Napapansin ko na lumalalim na ang pagkakaibigan ninyong dalawa."

"Nana Tonya!" Saway ko sa kanya. "Mabait lang po talaga si Jared kahit hindi halata. Madalas man kaming mag-asaran, minsan nagkakasundo rin naman kami."

"Maliit pa lang sila ni Riley ay kilala ko na siya. Kaya alam kong mabuting siyang tao. At sana lang sa bandang huli ay hindi siya masaktan sa ginagawa niya."

"Anong ibig ninyong sabihin?"

Parang nag-aalangan pa si Nana Tonya na magsalita. "May gusto siya sayo."

"Sa akin?" Nagulat sa nalaman. "Imposible! Bakit naman siya magkakagusto sa akin?"

Tinapik ako ni Nana Tonya sa balikat. "Buksan mong maigi ang mga mata mo para malaman mo na totoo ang sinasabi ko!"

Ano daw?

"O siya, mauna na ako sayo." Si Nana Tonya ulit. "Nakaramdam rin ako sa wakas ng antok." Tumalikod siya at nagtungo sa kanyang silid.

Naiwan akong naguguluhan. What if totoo nga ang sinasabi niya? Ganon na ba ako kamanhid para hindi ko maramdaraman iyon?

Mabilis akong umiling. Pero imposible talaga na magkagusto sa akin si Jared! He once told me na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang tulad ko. Kaya?

Nagising ako sa maingay na ringing tone ng cellphone ko. Pero hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko.

Pucha! Nasan na iyon? Dito ko lang nilagay iyong cp ko sa ilalim ng unan ko.

Maya-maya ay may narinig may akong nahulog na bagay sa sahig. Pagsungaw ko, bigla akong napabalikwas. 

Oh noh! My expensive cellphone! 

At ang dating isa, ngayon ay tatlo na! Humiwalay kasi ang battery at back cover nito mula sa body.

Mabilis ko iyong dinampot at in-assemble ko agad. Kinakabahan pa nga ako na baka tuluyan iyong masira at hindi na gumana.Wala pang isang buwan ang bago kong cp, tapos sira na agad! Eksaktong pag-on ko ay bigla iyong tumunog. Muntikan ko pang mabitawan iyon sa gulat ko.

Jared is calling.

"Finally, sinagot mo rin! Para ka talagang mantika kung matulog. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo."

I rolled my eyes. "Sensya na! Ang sarap matulog eh! Bakit ka nga pala napatawag?" Sabay hikab. Paglingon ko sa desk clock ay pasado alas nuwebe na pala ng umaga. Tanghali na pala! "You were supposed to be here! Bakit wala ka pa?" Bigla kong naalala ang usapan namin.

I heard him chuckled. "Kaya nga ako tumawag. I'm sorry Muriel. I don't think I can make it today!"

"But why? May nangyari ba sayong masama?"

Lalong lumakas ang pagtawa niya. "Concern? Hmmm... I like that!"

"Jared!"

"Nagkaroon ng biglaang problema sa kumpanya at hindi ako basta makaalis. I'm sorry. Nangako pa naman ako sayo kagabi."

"It's okay. And please don't feel sorry. Sabi ko naman sayo di ba? Hindi mo ako obligasyon."

I heard him sighed. "As soon as I fix this mess, pupuntahan kita kaagad. Basta, huwag kang aalis ng bahay. Dyan ka lang, okay?"

"Opo!" Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. 

"Got to go. See you later."

"Okay." 

"Muriel?"

"Hmmm..."

"Never mind!" At nawala na siya sa kabilang linya.

Akala ko pa naman ay may sasabihin pa siya!

Muli akong nahiga sa kama. Gusto ko pa sanang ituloy ang naudlot kong tulog. Pero hindi ko na magawa. Wala akong pasok ngayon sa opisina. Kaya nga nagpumilit si Jared kahapon na masundo ako ngayon para makapag-adjust daw agad ako sa lilipatan kong condo niya. But unfortunately, he couldn't make it. At naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya. Alam ko kung gaano siya ka-busy ngayon. Hindi biro ang responsibilidad na ibigay sa kanya pagkatapos ilipat sa kanya ng ama ang buong pamamahala ng kanilang kumpanya.

Si Jared lang naman ang makulit. Sinabi ko na sa kanya na hindi niya ako kailangang intindihin. Ayoko rin naman makaabala sa kanya. Kaya ko namang pumunta mag-isa sa condo niya. Pero hindi siya pumayag. Baka raw mapahamak pa ako. Tanga-tanga pa naman raw ako!

Salbahe na yun! Bahala na nga siya!

"Akala ko ba maaga kang susunduin ni Jared?" Bungad sa akin ni Nana Tonya nang pumasok ako ng kusina.

"Hindi po siya natuloy. May biglaan po siyang lakad." Sabi ko nang kumuha ako ng mug para magtimpla ng kape.

"Akala ko pa naman ay nagbago ang isip mo."

Nang lumingon ako sa kanya ay abala siya sa paghihiwa ng mga gulay. "Kagabi pa po buo ang desisyon ko. At hindi na siguro magbabago iyon."

"Alam ba ni Riley na aalis ka dito?"

"Nana Tonya, pwede po bang maka-" Suddenly ay biglang sumulpot si Samantha at napahinto sa may pintuan. "You're here?" Halatang nagulat siya nang makita ako.

Kahit ako ay hindi inaasahan na makita siya.

"May kailangan ka b,a Samantha?" Lumapit rito si Nana Tonya.

"H-hihingi lang po sana ako ng malamig na tubig." She said while still looking at me.

Kumuha ng baso si Nana Tonya at inabot iyon sa dalaga. "Ikaw na lang ang kumuha ng tubig sa ref." At pagkatapos ay lumabas ito ng kusina.

"I was really surprised to see you here." She said. Naramdaman ko na nasa harapan ko siya.

"I never meant to surprised you." Sabi ko habang abala ako sa pagtitimpla ng kape.

"Wala namang nabanggit sa akin si Riley na nandito ka. And I don't understand why you are here?"

Nag-angat ako ng mukha at matapang na sinalubong ang mga mata niya. "I am here for work."

Pero mukhang hindi siya naniniwala sa akin. At sa palagay ko kailangan ko na ring magsalita para maipagtanggol ang sarili ko.

"Look! Kung iniisip mong nandito ako para manggulo sa inyo, then you're wrong!"

"You couldn't blame me if I have doubts in my mind, could you?"

Umangat ang kilay ko. "Ayoko ng gulo, Samantha. At kung anuman ang nangyari six months ago, mananatiling lihim iyon at walang dapat malaman si Riley."

"You shouldn't come back then."

You shouldn't come back either! Muntikan ko nang sabihin pero nagpigilan ko ang sarili ko. I tried my very best to control my temper. As much as posible ayoko siyang patulan. At katulad ng sinabi ko kanina, ayoko ng gulo. Dahil once na nagkabangga kaming dalawa, si Riley ang unang maaapektuhan. And worst baka malaman pa niya ang totoo.

"You're right, I shouldn't come back. But it's not my choice. At kung bumalik man ako, hindi para kay Riley. Again I am here for work. So, kung iniisip mo na isa akong malaking threat para sayo? Hindi mo na kailangang mag-worry dahil aalis na ako sa bahay na ito."

"You're leaving?" Si Riley na biglang sumulpot na ikinamangha naming dalawa.

Narinig kaya niya ng pinag-usapan namin?

"S-sabi ko naman sayo baby, hintayin mo na lang ako sa sala." Samantha tried to blocked him.

"Why are you leaving?" He asked me again.

Dahil sa'yo at sa kanya...

"Because I want to." I answered safely. At humigop ako ng kape habang nakatingin sa direksyon ni Samantha.

I need to act normally and pretend as if balewala sa akin kung anuman ang narinig niya. Kahit ang totoo ay kinakabahan ako.

"Baby, would you like to go out?" Si Samantha na biglang kumapit sa braso ng nobyo. She tried to caught his attention. "May natuklasan akong bagong restaurant and the dishes are really superb." But to her dismay, hindi man lang siya pinansin ni Riley.

"You won't leave here Muriel unless you give me a valid reason!"

Muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong sa kape sa narinig. Sayang! Kaharap ko pa naman si Samantha.

"Sir naman! Ang aga naman ninyong magbiro." I smiled at him. Nagbabakasali akong madaan ko siya sa biro.

"Mukha ba akong nagbibiro?" He looks really serious. "I can't understand why suddenly you want to leave here without informing me. I am still your boss and you're my resposibility."

Tinignan ko si Samantha. At binigyan ko siya ng Do something! na look.

"Baby.." Sinubukan niya ulit agawin ang atensyon ni Riley.

"Later, Sam. Hintayin mo na lang ako sa sala. May pag-uusapan lang kami ni Muriel." Sabi niya na hindi lumilingon sa nobya. 

Napalunok ako nang wala sa oras. There is no way of escaping from him.

Ngayon ko naisip na sana ay dumating si Jared and save me from him. Pero malabo pa sa malabo na mangyari iyon.

"Tell me honestly Muriel, are you avoiding me? Iyon kasi ang nararamdaman ko. Simula ng dumating ka sa bahay na ito, wala kang ginawa kundi iwasan ako. Tell me, may problema ka ba sa akin?"

Mabuti na lamang at may mahabang mesa na nakapagitan sa aming dalawa kaya hindi siya makalapit sa akin.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Samantha. Marahil hinihintay ang sasabihin ko. At wala na rin siyang magawa para agawin ang atensyon ng nobyo nito.

"Hindi kita-"

Bigla na lang nagdilim ang buong paligid. Brownout?

"Riley?" I heard Samantha's voice.

"I'm here." Si Riley.

"Where are you?"

Hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Bahala silang maghanapan na dalawa sa dilim. Basta ako safe sa lugar ko. Maya-maya lang magkakailaw din.

Ganon na lamang ang relief ko nang mag-brownout. At parang gusto kong magpasalamat sa Meralco dahil pinili nilang mawalan ng ilaw sa pagkakataong ito. Nakaiwas ako kay Riley nang hindi ako nagsisinungaling.

Kahit bitbit ko ang cellphone ko ay hindi ko iyon nilabas sa bulsa. Mabuti na rin iyong walang liwanag para naman makapagtago ako pansamantala sa dilim.

Then suddenly, naramdaman kong may kung anong mabalahibo ang kumiskis sa mga binti ko. Oh shocks! What is that? Napatili ako at napatakbo hanggang sa may nabunggo akong matigas na bulto. At kung hindi niya ako nahawakan kaagad, malamang ay natumba na ako.

"Sam? What happened? Okay ka lang?" Si Riley pala iyon.

Sam ka jan! It's me Muriel! Gusto ko sanang isigaw sa kanya. Pero hindi na lang ako kumibo.

"I'm fine Baby. Maybe it's Muriel."

"M-muriel?" 

I could feel his breath on my face. Ibig sabihin ganon kami kalapit sa isa't-isa? 

"Rai.." I was not aware sa lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko na lang na humigpit ang mga braso niyang nakapulupot sa katawan ko. Lalo tuloy akong napalapit sa kanya.

"Sam?" He whispered.

"Yes Baby?" Sagot naman ni Samantha mula sa likuran niya.

Para akong binusan ng malamig na tubig. Naitulak kong bigla si Riley palayo sa akin. I almost forgot. Magkaboses nga pala kami ni Samantha. And maybe he mistaken me as his girlfriend.

Umatras ako palayo sa kanya sa takot na baka magkalapit kaming muli. But to my surprised, bigla na lamang may dumamba sa akin dahilan para matumba ako sa sahig. Napatili ulit ako.

Eksakto naman na lumiwanag ang buong paligid at bumalik na ulit ang kuryente.

"Buddy?" Nagulat ako nang makita siya sa ibabaw ko. Tinakot naman ako ng asong ito! Siya rin siguro yung kaninang kumiskis sa binti ko. At bago pa ako makakilos ay pinaliguan niya ng halik sa buong mukha. Kahit anong tulak ko sa kanya ay hindi ko magawa. Ang laki-laki kaya niya at hindi ko kaya ang bigat niya.

Naramdaman ko lang na umangat si Buddy sa ere. Binuhat pala siya ni Riley para maialis siya sa ibabaw ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko at hinila para tulungan akong makatayo.

"Okay ka lang ba?"

Tumango ako at bahagyang inayos ang nagusot kong damit.

"Buddy come here!" Napalingon ako nang tawagin ni Samantha ang aso. Pero tinignan lang siya sandali ni Buddy at muling lumapit sa kinaroroonan ko habang panay ang kawag ng buntot niya.

Sumimangot siya sa pandededma ng aso. Hindi ko naman napigilang mangiti. Ngunit sa paglingon ko ay nakita kong matamang nakatingin si Riley sa akin. Hindi siya nagsasalita. Basta nakatingin lang siya sa akin at bigla akong kinabahan sa klase ng tingin niya.

Need to go. Humakbang ako palabas ng kusina. Sa aking likuran ay nakasunod si Buddy.

"Sam!" Napahinto ako nang marinig ang pagtawag ni Riley. Then I realized that it's not me!

Shit! Muntikan na akong lumingon sa kanya. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. At pagkaraan ay tuluy-tuloy akong lumabas ng kusina ng walang lingon.

"Pasaway na aso ka! Alam mo ba na tinakot mo ako kanina?" Sabi ko kay Buddy habang nakaupo siya sa katapat kong upuan.

Patuloy lang siya sa pagkawag ng buntot niya habang nakatingin sa akin.

Nasa garden kami ngayon. Doon ako ako dumiretso pagkatapos kong umeskapo sa kusina.

"Ano bang mayroon ako at gustung-gusto mo ako?"

Sunud-sunod ang ginawang pagtahol ni Buddy. Para namang naiintindihan ko ang pagtahol niya.

"Tinawag ka ni Samantha kanina, bakit hindi ka lumapit sa kanya?"

Nang maalala ko ang nakasimangot niyang mukha ay hindi ko napigilang ngumiti. 

"You don't like her? Why? Mas maganda naman siya kaysa sa akin."

Muling tumahol si Buddy.

"What! Mas maganda pa rin ako sa kanya? Good boy! Iyan ang gusto ko sayo."

Kung may makakarinig lang sa akin na ibang tao baka isipin nila na nasisiraan na ako ng ulo.

Wala akong choice.Kailangan ko nang kausap. Pwede ko nang pagtiyagaan si Buddy. At least alam ko makikinig siya sa lahat ng sasabihin ko.

"But I'm glad na hindi mo ako nakakalimutan. Ganon ka pa rin. Hindi ka nagbabago."

Tumahol ulit si Buddy.

"I know. And I miss you too." Sa sinabi kong iyon ay biglang tumalon si Buddy mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Akala ko pa nga dadambahin niya ulit ako pero sa halip ay dinila-dilaan niya lang ang kamay ko.

"Good boy!" At hinimas ko siya sa ulo na gustung-gusto niya. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Para naman akong nabuhayan ng loob nang makita sa screen ang pangalan ni Jared.

"Muriel... I'm so sorry. I couldn't-"

"It's okay" Mabilis kong sagot. Hindi ko na kailangang marinig ang paliwanag niya. Alam ko naman kung ano ang sitwasyon niya at naiintindihan ko iyon. Although medyo nadismaya ako dahil kanina ko pa siya hinihintay.

"Sorry ulit! Madami pa kasi akong dapat ayusin dito."

"I understand. Hindi naman ako nagmamadali."

"where are you?"

"Nandito ako sa garden. Kasama ko si Buddy."

"Okay ka naman ba?"

"Oo na naman."

"Kumain ka na?"

Saka ko lang naalala na naudlot nga pala ang pag-aalmusal ko kanina. "Yup! Kumain na ako." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Basta babawi na lang ako sayo bukas. I promise."

"Jared hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo! Okay lang naman kahit sa ibang araw-."

"No! Bukas na bukas din aalisin na kita dyan!"

"Ikaw ang bahala." He already set his mind. At useless na makipagtalo pa ako sa kanya. 

"Got to go. See you tomorrow."

"Okay!"

"Bye!"

I blew out a long sighed. Gustung-gusto ko nang umalis sa bahay na iyon pero wala naman akong magawa. And I hate myself for being helpless. Hindi pa naman ako sanay na umaasa sa ibang tao. Pero sa pagkakataon na ito, I really have no choice kundi sumandal kay Jared. He already knew my secrets. At siya lamang ang taong puwede kong maasahan at mapagkatiwalaan. Dahil kung ako lang, kaya kong umalis mag-isa sa bahay na iyon. Nariyan naman sina Jena at Ichi na pwede kong mapakiusapan na mag-stay muna sa kanila. Yun nga lang, kailangan kong harapin ang mga samut-saring mga tanong nila. 

Muli akong napatingin kay Buddy at hinimas siya sa kanyang ulo. "Ano sa palagay mo ang dapat kong gawin?"

Hindi siya tumigil sa pagtahol habang nakatingala siya. At doon ko napansin na hindi pala siya sa akin nakatingin. Lumingon ako at mula sa itaas ay nakita ko si Riley sa may veranda. He was looking at me.

I couldn't read his expression. May kalayuan siya sa kinaroronan ko. But I wonder kung bakit hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin.

Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya?

<Riley POV>

"Hey! You're not listening!"

Halos hindi ko namalayan ang paglapit ni Samantha sa akin.

"I'm sorry. What did you said again?"

She gave me a mad face. "Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka nakikinig. Ano ba ang tinitignan mo dyan?"

Hindi ko na siya napigilan nang dumungaw siya sa veranda. Mabuti na lang at wala na si Muriel sa kinaroroonan nito kanina.

"May iniisip lang ako na problema sa kumpanya." Pagsisinungaling ko. At mukhang nakumbinsi ko naman siya.

"Tuloy pa ba tayo?"

"Saan?"

"Di ba magla-lunch tayo sa labas?"

Wala naman akong maalala na nag-usap kaming kakain sa labas. 

"You forgot?" Biglang sumimangot si Samantha.

"Of course not! Where do yo want to eat?" Sumang-ayon na rin ako para hindi siya magtampo.

Nakita ko siyang ngumiti. "I know a better place."

Ngumiti na rin ako. "Ngayon na ba tayo aalis?"

Tumingin siya sa suot niyang wristwatch. "Mamaya na lang siguro. Maaga pa pala." Lumapit siya sa kama ko at naupo roon. "I miss this bed. Its been a long time ago since I slept here."

"You can sleep here anytime you want."

"I know." Pagkatapos ay humiga siya. "Pero alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa trabaho, right?"

Pagkatapos ay nagkuwento na siya ng mga experiences niya sa Hongkong.

Unconciously ay pinikit ko ang aking mga mata. Pinapakinggan ko lang ang boses ni Samantha. When I was still blind, malakas ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay. I can instantly recognized a person's voice. Especially, iyon mga taong malapit sa akin. Kaya nga ganon na lang ang pagtataka ko kanina kung bakit napagkamalan ko bilang si Samantha si Muriel. Alam kong magkaboses silang dalawa. But at that moment, I couldn't explain what I felt when I held her closer to me. Iyon na naman ang pamilyar na pakiramdam ko sa kanya. And I was confused again. Bakit hindi ko nararamdaman iyon ngayon kay Samantha?

"Baby, are you alright?" May pag-aalala sa tinig niya ng muli siyang lumapit sa akin.

Doon lamang ako dumilat. "I'm fine. Medyo sumakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan ko sa kanya.

"Huwag na kaya tayo tumuloy?"

"It's nothing!" I smiled. "Tuloy tayo. Just wait me outside, magbibihis lang ako."

Alanganin na sumunod si Samantha at lumabas ng silid ko.

I think I should stop thinking about Muriel. Although marami silang pagkakatulad ni Samantha, hindi tama na ikumpara ko silang dalawa. It will lead me to nowhere. Mas lalo lang akong mako-confused. And worst baka makahalata pa si Samantha at maapektuhan ang relasyon naming dalawa. At ayokong mangyari iyon.

Nakabihis na ako nang lumabas ng aking silid. Dumiretso ako sa sala. Akala ko ay naroon si Samatha. Pero wala siya doon.

Nakasalubong ko si Tere na patungo sa itaas. "Nakita mo ba si Samantha?" Tanong ko.

"Nandoon po siya sa may pool area." Sagot niya.

"Salamat." At humakbang ako patungo roon. Then I saw her standing in the pool side. She was talking with someone else in her phone. Nakatalikod siya sa akin.

"He doesn't know yet. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Riley."

Napahinto ako sa paglapit sa kanya.

"You don't know him, Tracy. Siguradong hindi papayag si Riley kapag nalaman niya ang pumirma ako ng three years contract sa Paris."

Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko sa narinig.

"I know. And don't worry. I can fix this, okay? Surely I can handle him. Just give me a little more time. I'll find a way."

Naikuyom ko ang kamay ko. All this time she was lying to me.

"Okay! Bye!"

"Hanggang kailan mo itatago sa akin ang tungkol dito?"

Biglang lingon sa akin si Samantha. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang madilim kong mukha.

"B-baby?"

"Care to tell about your contract in Paris?

Nakita ko ang takot sa mukha niya. And I don't even care.

"B-baby listen to me. I-i wanted to tell you but-"

"But what Samantha?"

"A-alam kong hindi ka papayag." Nanginginig na ang boses niya.

"Anong ine-expect mo? Na matutuwa ako? Akala ko ba nag-usap na tayo? Ang sabi mo sa akin ay tatapusin mo lang this year ang contract mo sa Hongkong at babalik ka ng Pilipinas. What makes you changed your mind?"

Nagsimula ng umiyak si Samantha. "I've been waiting fot this opportunity. This is a dream come true to me. That's why I grabbed it."

"Without even thinking about me?" I couldn't explain the pain I felt inside. She was still as selfish as before. Akala ko pa naman nagbago na siya?

"Please understand me, Riley. I need this. I really need this."

"And I need you too, Sam."

Lalo lamang siyang umiyak. Ang mukha niya ay nakasubsob sa mga palad niya.

Napatingala ako sa langit dahil sa frustration. As I expected dadaanin na naman niya ako sa pag-iyak. And I'm tired of it. 

"Hanggang kailan ako magiging pangalawa sa mga priority mo, Sam?"

"I love you, Riley. And you know that."

Iyon nga ang mas masakit. Mahal ka niya pero mas priority pa rin niya ang kanyang pangarap.

"I don't want to do this. But you need to make a choice?" 

"Riley?"

But when I looked into her eyes, I saw her answer. And its not me!

Tumalikod ako at mabigat ang loob na humakbang papasok ng bahay. I'm still hoping that she might change her mind. I'm still hoping for the both us.

"Riley!" 

Narinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ko. Pero hindi na ako nag-abala na lingunin siya.

<Muriel POV>

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko si Samantha na humahangos palabas. And I think she was crying. Tuluy-tuloy siya sa nakaparada niyang sasakyan.

Napahinto ako sa pagsu-swing. I was curious kung anong nangyari sa kanya. Ilang sandali pa ay pinaandar nito ang kotse at tuluy-tuloy na lumabas ng gate.

Hindi ko na problema kung anuman ang namagitan sa kanila ni Riley. But still, hindi ko maiwasang mag-alala para sa binata. Alam ko kung gaano niya kamahal si Samantha. Naging saksi ako noon. At siguro sa mga oras na ito ay nasasaktan siya at wala akong magawa para sa kanya.

Muli kong dinuyan ang swing. Medyo mahina lang. Gusto ko lang makalanghap ng hangin.

"Hindi mo talaga ako hiniwalayan no?" Sabi ko kay Buddy na nakadapa sa may damuhan malapit sa paanan ko.

Tumingin lang siya sa akin. Maya-maya ay ipinikit niya ang mga mata.

"Ang daya mo! Tutulugan mo lang ako!"

Napahinto ako nang biglang may tumikhim sa likuran ko.

"Do you mind if I join you?" Si Riley.

Ngunit bago pa ako makasagot ay pumuwesto na siya sa bakanteng swing sa tabi ko. Dalawa kasi ang swing na naroon.

"Mas close pa yata kayo ni Buddy kaysa sa akin." Then I heard him chuckled.

Nakatingin lang ako sa kanya. I know he was trying to be okay. At hindi ko maiwasang malungkot.

"What? May dumi ba ako sa mukha?" 

Umiling ako sabay iwas ng tingin. "You don't have to pretend as if you're okay."

Biglang nawala ang mga ngiti niya sa labi. "How did you know?"

Nagkibit balikat ako. Hindi ko gustong makialam sa personal niyang problema.

"You saw her?" Ang tinutukoy niya ay si Samantha.

Hindi ulit ako kumibo.

"We had a heat argument. May mga bagay na hindi kami mapagkasunduan." Hindi ko inaasahan na mag-o-open sa akin si Riley.

"Wala namang problema na hindi nasosolusyunan." 

"I agree. Ngunit kahit anong gawin namin ay bumabalik at bumabalik kami sa dating problema."

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang nakatingin sa malayo habang patuloy na nagsu-swing. 

"Minsan kailangan nating i-give up ang isang bagay para sa taong mahal natin. Dahil kung pareho ninyong ipipilit ang mga gusto ninyong dalawa, hindi nga kayo magkakasundo."

Lumingon sa akin si Riley. "You're right. But in my case, I don't think I should give up mine. Palagi na lang ako ang nagbibigay. Ako na lang lagi ang umiintindi. And I had enough."

Nang lumingon ako sa kanya ay nagtama ang mga mata namin. And I saw the sadness in his eyes.

"You're letting her go?"

"I have always believed in fighting for the people we love even if they don't seem to love us any longer." Si Riley ulit. "Pero hindi na ngayon. Nakakapagod din pala!"

"You should fight for her."

Umiling siya. "I let the decision on her. At kung anuman ang magiging desisyon niya, whether it's not me, tatanggapin ko kahit masakit."

Pinili ko na lang na manahimik. Mukhang buo na rin ang desisyon niya. Nagulat lang ako. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. I knew how much he loves Samantha. I knew that he couldn't live without her.

Ngunit siguro nga ay dumating na si Riley sa point na masyado na siyang napagod. Hindi ko siya masisisi.

At sa kabila ng mga nalaman ko ay hindi ko magawang maging masaya. Dahil alam ko na nasasaktan ang taong mahal ko. At kung anong nararamdaman niya ay parang nararamdaman ko na rin. Nahiling ko na sanay ay may magawa ako para mawala ang sakit na nararamdaman niya.

Continue Reading

You'll Also Like

15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
123K 2.6K 52
"Change is the only constant thing in this world. Feelings change. Situations change. And sadly, we did too.." Aiza and Chuck's story after College...
490K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...
900K 18.7K 25
Aso't pusa, magkaka-baby? • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 / 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟰 •