I am courted by a GHOST! ON-H...

By justanordinarygirl17

16.9K 391 125

anong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw... More

I am courted by a ghost
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
Chapter 5
chapter 6
chapter 7
Chapter 8
chapter 9- bestfriend
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13- first day as lance's fake girlfriend
chapter 14 - sam and lance
chapter 15-sam and lance part 2
chapter 16 - Samantha's lovestory
chapter 17- Samantha's love story part 2
chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
author's note
chapter 24
chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
chapter 32

Chapter 33

313 14 20
By justanordinarygirl17

Chapter 33 – Revelations

"Iha kumakain ka ba ng bulanglang?" tanong sakin ni Aling Andeng habang naghahain ng hapunan namin. I offered my help pero dahil bisita ako ay hindi nila ako pinayagan tumulong at ako daw ang pagsisilbihan nila.

"Opo naman paborito ko nga po yan." nakangiting sagot ko habang pinapanuod silang buong pamilyang nagtutulungan sa paghain ng kakainan namin.

Sinasalang ni Aling Andeng ang kanyang niluto sa bowl samantalang naglalagay ng plato sa lamesa si Mang Lito na nilalagyan naman kaagad ni Lita ng kutsara't tinidor. Kahit ayaw nila ay tumulong na din ako sa paglalagay ng baso at tubig.

"Panginoon maraming maraming salamat po sa pagkain sa hapag namin ngayon. Salamat po sa lahat ng biyayang binigay nyo sa amin. Salamat din po at nakilala ko po si ate ganda at iniligtas nya po ako kanina sa disgrasya. Dinadalangin ko po ito sa ngalan ng ama, ng anak, at espirito santo... "

"Amen." sabay sabay naming sagot.

"Alam mo ate ganda the best tong bulanglang ni nanay. At mas sumasarap yan dahil lahat po ng gulay dyan ay ako mismo ang kumuha sa mga pananim ni tatay." proud na sabi ni Lita habang kumakain kami.

"Nako lita hanggang sa hapagkain ba naman ay napakadaldal mo parin." natatawang saway sa kanya ng tatay nya.

"Pagpasensyahan mo na Cathy yang si Lita ha, sadyang madaldal at makulit lang talaga ang batang yan." natatawang paumanhin sakin ni Aling Andeng.

"Nako, wala pong problema sakin yun.Natutuwa nga po ako sa kanya at syaka napakabait naman po ni Lita manang mana sa inyo" nakangiting sabi ko sa kanya. Masayang kasama si lita kaya nyang paga-anin ang paligid at may kakayahan din syang magpangiting tao kahit sa simpleng galaw nya lang.

"Narinig mo yun nay! Natutuwa sakin ni ate ganda." sabi ni Lita sa kanyang ina.

"Nabanggit nga pala sakin ni Lita na hindi ka daw taga rito Cathy." biglang sabi sakin ni aling Andeng sa akin.

"Ahh opo, representative po kasi ako ng school ko at may seminar po kami ngayon dito." sagot ko.

"Kung ganun taga saan ka pala iha?" tanong sakin ni Mang Berto.

"Taga batangas po." magalang na sagot ko sa kanila.

"Batangas?" tanong ulit ni Mang Berto na para bang may naalala sya sa lugar na yun.

"Diba doon pumunta si Kuya Benji? Yun yung nakalagay sa sulat nya diba Nay?" inosenteng tanong ni Lita sa kanyang nanay.

"Lita ilagay mo na yang plato mo sa lababo at pumasok ka na sa kwarto mo. Maaga ang klase mo bukas kaya magpahinga ka na ng maaga." utos sa kanya ng nanay nya na para bang walang tinanong si lita kanina sa kanya.

"Pero nay..." reklamo nya.

"Lita wag ng matigas ang ulo sumunod ka na sa nanay mo." suway sa kanya ng tatay nya.

"Sige po." tumayo na sya sa kanya upuan at gaya ng sinabi ng kanyang nanay ay nilagay na nya sa lababo ang kanyang pinggan.

"Good night ate ganda."

"Sige good night din Lita." Nakangiting sagot ko sa kanya bago sya tuluyang pumasok sa kanyang kwarto.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot samin pagkaalis ni Lita. Hindi na ulit nagtanong o nagsalita sina Aling Andeng at Mang Carlito kaya tinapos ko na lang ang aking kinakain.

Nang natapos na kami kumain ay tinulungan kong maglinis ng kusina sila ngunit gaya kanina ay hindi nila ako pinatulong. Kaya nanatili ako dito sa upuan ko at tinitingnan silang nagliligpit ng kinainan namin.

"ahmm kilala ko po ang anak nyo." Biglang sabi ko na nagpatigil sa kanilang ginagawa.

"benji..." mahinang bulong ni aling andeng at mayamaya lang ay may pumatak sa isang luha sa kanyang mata.

Biglang tumabi sakin si Aling Andeng at ang isang luha sa kanyang mata ay nasundan pa ng marami.

"Kamusta na sya iha? Maayos lang ba sya? Kumakain ba sya na ayos? Maayos ba ang kanyang tinititahan?"Dirediretsong tanong nya sakin.

"Andeng ang puso mo tumahan ka na." sabi sa kanya ni Mang Carlito na nasa tabi na nya ngayon para alalayan sya.

"ahmm..." paano ko ba to sasabihin. May sakit puso si Aling Andeng at ayoko namang maging dahilan sa pagkakaroon nya ng atake sa puso.

Habang kumukuha ako ng lakas ng loob bigla na lang lumitaw si benji sa taba ni Aling Andeng.

Malungkot syang tumango dahan dahan. Isang malinaw na confirmation na kailangan ko ng sabihin sa kanila ang totoo ngayon.

"Patay na po sya."

"Hindi magandang biro iyan iha." seryosong sabi sakin ni Mang Carlito. Sana nga at nagbibiro lang ako pero hindi eh.

"Hindi po ako nagbibiro mang carlito." malungkot na sagot ko sa kanila. Kinakita ko kung papaano humigpit ang kapit ni Aling Andeng kay Mang Carlito.

"PATAY! sigurado ka ba dyan?" Di makapaniwalang tanong sakin ni Aling Andeng habang walang tigil parin ang hubos na kanyang luha.

"Opo magaapat na buwan na po syang patay." Hindi ko alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas na loob na makapagsalita sa harap nila. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw sabihin ni benji sa kanila ang totoo kasi sobrang hirap pala lalo na nakikita mo silang umiiyak.

"Baka nagkakamali ka lang iha, maraming benji sa mundo marahil kapangalan nya lang iyo. Hindi maaring patay na ang aming anak." sabi nya sakin habang patuloy parin syang pinapatahan ni kanyang asawa.

"Sorry po pero yung larawan na nasa kwarto ni benji na anak nyo at benji na kilala ko ay iisa." Pagdadahilan ko sa kanya. Mas lalo napaiyak at ngayon pati si mang Carlito na naluluha na rin pero alam ko sinusubukan nyang maging matatag.

"Bakit sya namatay? Eh napakasigla naman ng bata yon?" Tanong sakin ni Mang Carlito.

"Naholdap po sya at nasaksak."

"Carlito! bakit? bakit ang anak pa natin." humahagol-gol na tanong ng kanyang asawa sa kanya.

Wala namang naisagot sa kanya ni Mang Carlito at tanging niyakap na lang nya ng mahigpit ang asawa.

"Huminahon po muna kayo Aling Andeng baka po atakihin kayo sa puso." Sabi ko kay Aling Andeng sabay abot ng isang basong tubig na kinuha ko.

"Tahan na Andeng." nihihimas naman ni Mang Carlito ang likod nya para mapatahan sya.

"Carlito pupunta ako ng batangas. Kailangan kong pumunta ng batangas. Carlito, si Benji kailan ko sya makita. Baka nagkakamali lang sya. Baka hindi pa patay si Benji." dirediretsong sabi ni Aling Andeng ng mahimasmasan na sya.

"Tahan na Andeng. Sige pupunta tayo ng Batangas pero hindi sa ngayon. Wag ka munang magpadalos dalos. " Mahinahong sagot sa kanya ni Mang Carlito.

"CARLITO! Narinig mo ba ang sinabi nya? Patay... Patay na daw ang anak ko. Patay na daw si Benjamin kaya bukas na bukas ay kailangan na nating lumuwas kaagad ng Batangas, kailangan kong makita ang anak ko!" Galit na sigaw sa kanya ni Aling Andeng.

"Alam ko andeng! Narinig ko lahat ng sinsabi nya. At hindi lang ikaw ang nawalan. Anak ko din si benji, kaya di lang ikaw ang namatayan." Pinilit maging mahinahon ni Mang Carlito at di nya sinabayan ang galit ng kanya asawa.

Nakakapibilib si Mang Carlito. Alam kong nasasaktan din sya kagaya ni Aling Andeng pero pinipilit nyang maging matatatag at matapang para sa kanyang pamilya lalo na para kay Aling Andeng.

"Pero ang sa akin lang may isa pa tayong anak Andeng na dapat isipin. Alam kong nasasaktan ka ngayon pero wag ka naman sanang magpadalos-dalos sa pagdidisyison at isipin mo rin ang isa mo pang anak na kasama natin ngayon..." magsasalita pa sana ulit si Aling Andeng ngunit nagpatuloy parin si Mang Carlito sa pagpapaliwanag.

"Pupunta tayo ng batangas pero hindi pwede ngayon, Andend. May klase si lita at walang magbabatay sa kanya kong iiwanan natin sya dito sa baguio at higit sa lahat wala tayong pera pangluwas." mahinahon na paliwanag sa kanya ni Mang Carlito.

Nakumbinsi naman ni Mang Carlito ang kanyang asawa at pumayag ito na ipagpaliban muna ang pag punta sa Batangas.

Alam ko naman maiintinndihan ni Benji kung hindi kaagad makakapunta ang kanyang pamilya sa kanya. Hindi naman ibigsabihin na hindi sila pumunta sa Batangas ay hindi importante at mahal si Benji ng kanyang pamilya.

"Ayos na ho ba kayo Aling Andeng?" tanong ko sa kanya habang tumatabi sa inuupuan nya.

Nasa labas sya ngayon at nagpapahangin habang hinihintay si Mang Carlito. Hiningi nya sakin ang numero ng aming university upang makumpirma kung patay na nga ba talaga si Benji. Pumunta parin sya ngayon sa malapit na tindahan na may telephono kahit sinabi ko sa kanya na baka walang maaring sumagot sa kanya kasi gabi na ngunit nabaka sakali parin sya.

"Mas maayos na ako ngayon ngayon iha." sagot nya sakin. Pinilit nyang ngumiti ngunit iba ang pinapakita na kanyang mga mata.

"Sorry po."

"Sorry po talaga." Ulit ko at hindi ko na napigilan ng may pumatak na luha sa mata.

"oh bakit ka umiiyak iha at bakit ka humihingi ng paumanhin?" nagtatakang tanong ni Aling Andeng sakin.

"Kasi naging napakabuti nyo sakin pero isang masamang balita naman ang binigay ko sa inyo pabalik." naiiyak sa sagot ko sa kanya. Kanina pa ako nakokonsensya lalo na nung nakita ko paano sya umiyak at nalungkot ng binalita ko sa kanila na patay na si Benji.

"Ikaw ba ang pumatay sa anak ko?" seryosong tanong nya sakin.

"HA ANO PO?" gulat na tanong ko sa kanya. Tama ba yung narinig ko?

"Sabi ko ikaw ba ang pumatay kay Benji?" paguulit nya sa tanong nya.

"Hindi po ako mamatay tao.Kaya hindi ko po pinatay ang anak nyo." naiiyak na sagot ko sa kanya.

Mukha ba akong mamatay tao? at sumagi sa isiipan nya na maaring ako ang pumatay sa anak nya?

"Pwes wala ka dapat ikahingi ng paumanhin sa akin. Wala kang kasalanan Cathy nagsabi ka lang ng totoo. Dapat pa nga kami ang magpasalamat sayo kasi dahil sayo nalaman namin ang totoo." sabi nya sakin habang punupunasaan ang isang takas na luha sa mata ko.

Di ko naman napigilan ang mapangiti, bigla ko kasi naalala kung papaano ko kaawan si Benji dahil sa pamilya nya dati. Noong di ko pa sila nakikilala nasa isip ko na anong klase silang magulang para pabayaan ng ganon ang kanilang anak.

Pero ngayon kahit sa sandali panahon ko lang sila nakilala at nakasama, gusto ko ng bawiin lahat ng sinabi ko kasi napakaswerte ni Benjamin sa pamilya nya. Di man sila mayaman at walang masyadong ari-arian pero saganda na saganda naman sila sa pagmamahal.

"Gabi na iha at alam ko na pagod ka pa dahil sa byahe kaya pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na." sabi sa akin ni Aling Andeng.

"Ayos lang po ba kayo mag-isa dito?" tanong ko sa kanya maggagabi na din kasi at magisa lang sya dito.

"Oo ayos lang ako dito iha. Paparating na din yun si Carlito, hihintayin ko na lang sya." sagot nya sakin kaya tumayo na ako at pumasok na sa loob ng bahay nila. Masyado ng maraming nangyari sa araw na to at nakakapagod din ang layo ng byahe namin kaya medyo naantok na ako ngayon.

Bubuksan ko na sana ang pinto sa kwarto ni Benji ng biglang may narinig akong mahinang hikbi sa katabing kwarto. Ang kwarto ni Lita.

Gising pa sya?

at umiiyak?

"Lita?" mahinang tawag ko sa kanya habang kumakatok sa pinto nya.

Wala akong sagot na natanggap at tangging hikbi lang ng pagiyak ang tanging narinig ko.

Hindi nakalock ang pinto kaya binuksan ko na ito.

"Lita." tawag ko ulit sa kanya habang papalapit ako sa kama nya kung saan nakatagilid syang nakahiga at balot ng kumot hanggang ulo.

Nagulat naman si Lita ng nakita nyang nakaupo na ako ngayon sa kama nya kaya dali dali nyang pinasahan ang lua sa kanyang mga mata.

"Ba-bakit po ate ganda? ma-may kailangan ka po ba?" pilit nyang maging normal pero hindi nya napigilan ang maliliit na hikbi sa pagsasalita nya. Siguro ay kanina pa syang umiiyak dito sa kwaro nya.

"Umiiyak ka ba Lita?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na din naman ang sagot.

"Hi-hindi po. Napuwing lang ako." pagdadahilan nya.

"Ate mo na ako diba?" nakangiting tanong ko sa kanya. Alam kong nahihiya lang sya sakin kaya ayaw nyang sabihin na umiyak sya.

"Opo" Mabilis na sagot nya.

"Ang mag-ate di naglilihiman. Kaya bakit ka umiiyak Lita?" tanong ko ulit sa kanya. Pero malakas ang kutob ko na alam ko na ang dahilan. Narinig nya kaya ang usapan namin kanina sa kusina?

"Pa-patay na po ba talaga si Ku-kuya Benji?" Tanong nya habang pinipilit na wag umiyak sa sa harap ko pero may iilan paring pilit na tumakas sa mga mata nya.

"Sorry Lita pero wala na ang Kuya mo." sabi ko sa kanya.

Niyakap ko sya ng mahigpit sapagkat yun lang ang tanging naiisip kong magagawa ko sa ngayon para sa kanya. Dahan dahan kong namang nararamdaman ang mapapasama ng damit ko.

"Pe-pero sa-sabi nya sa sulat nya ba-balik sya. Sabi nya sa-sakin dati pu-pupunta pa kami sa di-disneyland. Sabi nya di-di nya ako i-iiwan." sabi nya habang nakayakap ng mahigpit din sakin. Hirap na hirap syang mag-salita dahil sa sobrang pagiyak nya.

"Tahan na Lita. Tahan na." sabi ko sa kanya habang hinihimas himas ang likod at buhok nya.

Di ko naman napigilan maluha ng makita ko si Benji sa sulok at malungkot na nakatingin sa aming dalawa ni Benji. Kung ako nga ay hirap na hirap sa sitwasyon namin ngayon, paano pa kaya sya nakikita ang lahat ng to pero walang sya pwedeng gawin.

"Pero si-sinungaling sya! Sinungaling si Kuya!" galit na sabi ni Lita at kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Hindi lita, hindi ginusto ng kuya mo na iwanan kayo, na iwan ka." pilit na paliwanag ko sa kanya pero mabilis naman sya umilig sa lahat ng sinabi ko. Hindi sya naniniwala.

"Alam mo ba love na love ka ng kuya mo." sabi ko na nagpatigil sa kanya.

"Mahal na mahal ko din sya Ate." Mabilis na sagot ni Lita kasabay ng pagpatak ng isang luha. Napatingin naman ako kay Benji na ngayon ay nakaupo na din sa tabi namin.

"wag ka ng malungkot, malulungkot din ang kuya mo pag nakita ka nyang malungkot. Kaya smile ka na Lita. " sabi ko sa kanya.

"Pero paano nya makikita na malungkot ako diba patay na sya Ate?" takang tanong nya sakin. Sabay naman kaming napangiti ni Benji sa inosenteng tanong ni Lita.

"Diba nag promise sayo ang Kuya mo na di ka nya iiwan. Kaya di mo man sya nakikita pero lagi mong tandaan nandyan lang sya lagi sa tabi mo binabantayan ka."nakangiting sabi ko sa kanya at pasimpleng tumingin kay Benji. Akala ko nung una ay kay Lita sya nakatingin pero nung tiningnan ko sya ay nasa akin na sya nakatingin.

Binalik ko kaagad ang tingin ko kay Lita ng magsalita ulit sya. Pero this time rinig ko na ulit ang saya sa boses nya.

"Talaga Ate?" nakangiting tanong nya sakin.

Nakangiting tumango naman ako sa kanya bilang sagot.

"Oo at alam mo sabi nya sakin matulog ka na daw kasi maaga pa ang pasok mo." sabi ko sa kanya at pinahiga na ulit sya pabalik sa kama nya. Napalibot na ang tingin ko sa paligid ng biglang nawala ulit si Benji.

"Ate pwede mo ba akong samahan hanggang sa makatulog ako?" tanong nya sakin.

"Sige dito lang ako hanggang sa makatulog ka."nakangiting sabi ko sa kanya.

"Salamat Ate Ganda." ang huling sinabi nya bago sya tuluyang nakatulog.

Nang nakasigurado na akong tulog na si Lita ay nadahandahan akong bumalik sa kwarto ni benji para makapagpahinga na din.

"Hay!" malalim na buntong hininga ko ng makaupo ako sa kama ni Benji.

Grabe ang daming nangyari sa araw na to, pero ang sarap sa feeling na nasabi na din namin sa wakas ni Benji sa magulang nya ang totoo. At ngayon tapos na yung problema ni Benji dito sa Baguio, problema ko naman ngayon ang dapat kong problemahin. Kailangan kong magising ng maaga at makabalik sa hotel bago pa sila magising lahat pero sa ngayon ang tanging magagawa ko lang ay hilingin na walang makapansin na nawawala ako.

Naputol naman ang pag-iisip ko sa maaring magiging reaksyon ni Miss Minchin pagnalaman nyang nawala ako ng biglang magsalita si Benji sa tabi ko.

"Salamat, Cath."

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Ang hirap pa lang makitang umiiyak ang pamilya mo dahil sayo at ang mas masakit pa ay wala kang magawa para mapatahan sila kasi patay ka na." seryosong sabi nya habang nakatingin sa family picture nila sa may lamesa nya.

"Nagsisisi ka ba na sinabi mo sa kanila sa patay ka na?" tanong ko sa kanya.

"Tatakot akong sabihin sa kanila ang totoo kasi tatakot ako sa magiging reaksyon nila. Tatakot ako na baka wala lang sa kanila na patay na ako. Madalas akong napapaisip kong mahal ba talaga nila ako. Pero dahil dito napatunayan ko na mali ako na mahal nila ako kaya wala akong pinagsisisihan sa nangyari ngayon." nakangiting sagot nya sakin.

"Maraming maraming salamat talaga Cath at sorry kasi hinila pa kita sa gulo ko." biglang sabi nya sa akin.

"Ginusto ko naman to at gusto ko talaga kitang tulungan." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Cathy may sasabihin ako." seryosong tanong nya sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"Wag kang masyadong mabait sakin ha." sabi nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ha? bakit?" di ko gets. Ayaw nya akong maging mabait sa kanya?

"Baka kasi tuluyan na akong ma-inlove sayo."

Hindi ko alam kong gaano katagal kami nanatiling nakatingin sa mata ng isa't isa. Di ko alam kung super pagod na ba talaga ako at kung ano-ano na ang naririnig ko.

"Hahahah joke lang seryoso mo na kasi." natatawang sabi nya.

"Bwusit ka! minsan na nga lang tayo magkaroon ng matinong usapan sinira mo pa." inis-inis na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon sa kanya dahil ba nagjoke sya o dahil joke lang yun.

"Masyado na kasing seryoso ang usapan natin papunta ng MMK." natatawang sabi nya. I know kahit dinadaan nya sa biro ang lahat ng ito ay nasasaktan parin sya hangang ngayon ayaw lang nya siguro ipakita sakin.

"Matulog ka na Cathy. Alam kong pagod na pagod ka na. Tapos may seminar ka pa bukas." sabi nya sakin pagkatapos namin magbangayan.

Tama sya drain na drain na ako kaya humiga na ako sa kama nya.

"Goodnight, Cathy." sabi nya sakin pagkapikit ko na mata ko. Wala na akong lakas kaya di na ako nakasagot sa kanya.

Bago ako tuluyang nakatulog narinig kong nagsalita ulit sa benji.

"At seryoso ako sa sinabi ko kanina. Nahuhulog na ata ako sayo."


Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...