His Personal Driver

By BurningRain

14.5M 193K 5.9K

WARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! Burni... More

Prologue
HPD 1
HPD 2
HPD 3
HPD 4
HPD 5
HPD 6
HPD 7
HPD 8
HPD 9
HPD 10
HPD 12
HPD 13
HPD 14
HPD 15
HPD 16
HPD 17
HPD 18
HPD 19
HPD 20
HPD 21
HPD 22
HPD 23
HPD 24
HPD 25.1
HPD 25.2
HPD 26
HPD 27
HPD 28
HPD 29
HPD 30
HPD 31
HPD 32.1
HPD 32.2
HPD 33
HPD 34
HPD 35
HPD 36
HPD 37
HPD 38
HPD 39.1
HPD 39.2
HPD 40
Epilogue

HPD 11

349K 4.6K 121
By BurningRain

[ 11 ]


Sherlyn's POV


Kaibigan pala ni Sir Masungit iyong gwapong palangiti. Best friends pa nga sila. Total opposite nga silang dalawa eh. Akalain niyong nagclick sila?


Few weeks had passed since nung gabing pinakilala sa akin ni Sir Paul si Sir Kael.

"Sherlyn!" Nagulat ako nang marinig ko ang tawag ng amo kong masungit.

"Sir? Bakit po?" Natatarantang tanong ko sa kanya at pati si Manang Pilar ay halatang nagulat din.

"Pack some of your things."

Huh? Nagulat naman kami lalo ni Manang Pilar at nagkatinginan. Pinapalayas na ba niya ako?

"Bakit po, Sir?"

"We have to go to Tagaytay today. Magkakaroon kami ng International Conference roon.  And it is for 1 week kaya pack your things."

Nakahinga naman kami ni Manang nang maluwag. Akala ko kung ano na.

"Okay, Sir."


Wala pang dalawa o tatlong oras nang makarating kami sa Tagaytay.

"Miss, we need two rooms. Separate."

Hala ka! Monster mode siya ngayon. Wala na raw kasing available rooms. Fully booked na. Pang-ilang hotel na namin ito kaso puro full na kaya heto, monster mode.

"We're really sorry, Sir. Peak season po kasi ngayon kaya marami na pong nakapagpareserve."

"Can't you just check if there's any available room here. I don't care if it's presidential suite or whatever. Just give us two rooms!"

"Presidential Suites are also already not available, Sir. I'm so sorry, Mr. Alcantara. But we only have one more available 'room for two'." Huminga siya nang malalim. Naku po.


Bago pa siya sumabog, sumingit na ako.

"Okay na po, Miss. Kukunin na lang po namin."

Tumingin naman siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya sabay bumulong.

"Okay lang po, Sir. Kaysa po matulog tayo sa loob ng sasakyan or worst ay sa kalsada pa."

Sabay ngumiti na lang ako sa kanya. Binigay na sa amin ng front desk employee ang susi at agad naman naming pinuntahan ang kwarto.

Malaki naman ang binigay sa amin na kwarto at may dalawang higaan. May small kitchen din sa loob at mini sala. Iyon naman pala ehh. Awkward lang dahil babae't lalaki kami.

"Sigurado kang okay lang sa'yo?"

Tumango lang ako at pumasok na para ayusin ang mga gamit namin.



4 days na kaming nandito.

20 minutes lang ang layo ng venue ng conference nila mula sa hotel na tinutuluyan namin.

Pagkahatid ko sa kanya roon, pinapayagan na niya akong maglibut-libot sa buong Tagaytay. Maganda rin talaga ang lugar at relaxing.

Kung minsan nakakailang. Hindi pala minsan. Palagi.

Kayo kaya makasama niya sa iisang kwarto. Kung hindi kayo makapag-isip maging rapist minsan.

Hindi na kami umoorder ng pagkain dahil may small kitchen naman sa loob ng room at dahil magaling naman din akong magluto, ako na ang nagluluto ng pagkain naming dalawa.

Pero minsan, nakakakilig isipin na para kaming mag-asawa.

Mga alas sais nang magpasundo siya sa akin. Maaga kaming nakabalik sa hotel.

"Sir, ano pong gusto niyong ulam para sa dinner?" Tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang damit niya.

Baka kasi maliligo siya? Tssss.

"Yung ulam na niluto mo kagabi." Masiglang sabi niya.

"Huh? 'Yung indulsao? Every night na po nating ulam iyon ah. Hindi po kayo nagsasawa?"

"I like it." Sungit mode on.

Halaaa. Para siyang bata. First time ko siya makita ng ganyan. May childish side rin pala 'tong masungit na ito. Cuuuuuteeee!

[A/N: Indulsao is a popular viand po in Zamboanga. Taga-Zamboanga po kasi si Sherlyn, remember? :) ]


"Oh sige na nga po, Sir. Malakas kayo sa akin eh!"

Ngumiti naman siya. O sige, sinong makakahindi kapag ganyang nginingitian ka? Pero palagi kong pinapaalala na boyfriend siya ng half sister ko.

Oo. Tatay ko si Anthony Valencia. Kaya ko siya hinahanap dahil kailangan kong maintindihan ang mga bagay na hindi naipaliwanag sa akin ni Mama bago siya mawala.

Kumain kami. Pagkatapos ay nanood kami ng movies mula sa CDs na nakita lang namin sa ibabaw ng DVD player.

Kumuha siya ng red wine at uminom kami. Hindi siya kumuha ng malakas na alak. Hindi siya pwedeng malasing dahil last day na nila bukas sa conference at dinig ko na mabigat ang araw na iyon.

"So, where's your family?" Napatingin ako bigla sa kanya sa tanong niya.

"I'm just curious. Wala ka kasing nababanggit about sa kanila and you don't even look bothered na may nag-aalala sa'yo lalo na mag-isa ka lang pumunta rito."

Ngumiti naman ako sabay ininom ang wine na nilagay niya sa baso ko

"Pinalaki ako mag-isa ng Mama ko. I never met my father. Ang sabi sa akin ni Mama noon, patay na raw siya before pa ako ipinanganak."

 Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakikinig talaga siya sa akin nang mabuti at nakatitig sa akin. Hindi ko masalubong ang tingin niya so I looked down.

"Pero actually hindi naman mag-isa si Mama kasi kasama rin namin sa bahay ang best friends ni Mama na naging mag-asawa rin, sina Tito Andrew at Tita Evangeline. Kasama ko ring lumaki ang anak nila na naging best friend kong si Onel. Nagtayo ng talyer si Tito Andrew kaya bata pa lang kami ni Onel, magaling na kaming magkalikot ng sasakyan."

Napangiti ako. Naalala ko ang araw na tinulungan ko si Sir Paul noong nasiraan siya. Nakita kong napangiti si Sir Paul. Parehas kaya kami ng iniisip?

"Bakit ka napunta rito sa Manila?"

Huminga ako nang malalim.

"Buong buhay ko po kasi inakala na patay na ang tatay ko. Isang araw, pauwi kami ni Onel para ibalita kay Mama na nakapasa ako sa Board Exam pero pagdating namin sa bahay," napakagat ako sa labi ko nang naalala ko iyon, "...wala na siyang buhay." Ngumiti ako at tumingin kay Sir Paul habang may namumuong luha sa mata ko.

Kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Alam ko po kasalanan ko, Sir. Sinabi kong High School graduate lang ako pero maniwala kayo Sir sa hindi, doon lang sa bagay na iyon ako nagsinungaling. Alam ko po kasing hindi ako matatanggap sa trabaho kung sasabihin kong graduate ako ng Secondary Education at nakapasa na ng board exam."

Ipinagpatuloy ko lang ang sinasabi ko. Ito rin siguro ang kailangan ko. Kailangan ko rin ilabas ang bigat na dinadala ko.

"Pagkatapos ng libing ni Mama, habang inaayos ko ang mga gamit niya, ay may nakita akong mga bagay na pinakatatago niya. Bagay na nagpapatunay na buhay pa ang Papa ko, kaya po ako napadpad dito. Gusto ko siyang hanapin. Tanungin. Linawin lahat ng tanong sa utak ko. Kung may pamilya man siya, hindi ako manghihimasok sa buhay nila. Sagot lang ang gusto kong makuha."

Tuluyan ng may tumulong luha sa mata ko kaya niyakap ko ang dalawang paa ko at pinatong ang ulo ko sa tuhod ko.


He tapped my shoulder. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.


"Sorry, Sir..."

Ngumiti naman siya.

"I understand..."

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin.

Napayakap na rin ako sa kanya.


Ilang minuto kaming ganoon bago siya bumitaw.

Hawak niya pa rin ang magkabilang balikat ko kaya hindi maiwasang magkatitigan kaming dalawa.



Napansin ko na lang na paunti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 13.5K 34
Magkaroon ka ng super hot at gwapo at sexy na neighbor na tine-terrorize ang buhay mo dahil sa mga kabaliwan at kamanyakan na pinaggagagawa niya. At...
22K 464 39
All her life, Cassandra had been a good daughter to please her parents. Her brother protected her. She grew up in a family where she was a princess...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
7.6M 127K 60
She thought arranged marriages are just for Chinese. Pero nagkamali siya nang siya mismo ang ipinagkasundo ng sariling pamilya sa nag-iisang apong la...