HPD 27

300K 4.1K 108
                                    

[ 27 ]

Sherlyn's POV

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Paul.

Nagkibit-balikat lang siya. Kanina pa iyan ganyan. Kanina pa ako tanong nang tanong pero hindi sumasagot, hawak-hawak niya lang ang isang kamay ko at nilalaro. Tinitingnan niya lang na parang hinuhulaan niya magiging kapalaran ko. Haaay baliw na yata ito.

Nilingon kami ni Nichole na nasa front seat ngayon ng sasakyan nakaupo. Si Mang Kaloy ang nagdradrive para sa amin.

"Nagpapasama kasi ako diyan sabay nguso kay Paul kaso ayaw sumama kung hindi ka raw kasama."

"Ahh..." Wala akong nasabi kasi bigla yata akong kinilig. 

At nahuli nina Nichole at Paul iyon kaya mas lalo tuloy akong namula. 

"Tsss. Kinilig naman masyado." Bulong ng katabi ko na narinig din naman namin nina Mang Kaloy at Nichole.

Ngumiti lang sina Mang Kaloy at Nichole.

"Wow. Bumulong ka pa, rinig din naman. Akin na nga iyang kamay ko." Binawi ko ang kamay ko na hawak-hawak niya at inirapan ko siya.

Kinuha naman niya uli. Baliw talaga.

"Ano ba kasing mayroon sa kamay ko at kanina mo pa tinitingnan 'yan? May mapa ba ng treasure hunt diyan o hinuhulaan mo magiging kapalaran ko?"

"Tsss. Hindi ko na kailangan hulaan dahil alam ko na ang kapalaran mo."

"Ano naman?"

"Ang maging asawa ko at ina ng magiging anak ko." Seryosong sabi niya.

"Yeah! And that's my best friend! Geez. That's the corniest yet the sweetest words I've ever heard from you, Paul..." Pang-aasar naman ni Nichole.

Tumingin ako kay Mang Kaloy na ngingiti-ngiti rin habang nagmamaneho. Pakiramdam ko magiging mansanas na ako ngayon sa pula ng mukha ko. Nilingon ko siya at kita kong pinipigil niya ang ngumiti.

Oo na. Kinikilig din ako! Adik lang kasi eh.

"Is it okay to you, Sherlyn, na sumama sa amin mag-shopping? I just need Paul's help lang. Halos same lang kasi sila ng taste sa fashion ni James. Magtatampo iyon if wala akong gift sa kanya pagbalik ko."

"Uuwi ka na?" Mabilis na tanong ko sa kanya.

"Uhh yeah, I have to work din naman kahit hindi halata sa akin."

I just smiled. Siguro 'yung own business niya ang tinutukoy niya.

Everything went fine after ko bumalik kina Paul.

Like we said, we're trying to start all over again. Much better ngayon kasi alam na rin ng mga tao sa bahay ang nangyayari, I mean si Manang Pilar, Mr. Valencia at Mang Kaloy. And we're lucky dahil they became understanding and supportive sa kung anuman ang mga napagdesisyunan namin.

Paul and I are now official. Yes we are. Nakakatawa nga eh, nangyari muna ito lahat bago pa naging kami. O sige na, inaamin ko na. Nauna muna ang landi bago kami. 

And about sa kanila ni Nichole... well, continue pa rin. Sila pa rin sa mata ng Mommy ni Nics at sa ibang tao. So meaning, kailangan muna naming itago ang tungkol sa relationship namin. Ouch. Okay lang, hindi naman ako nag-iisa. Kapareho ko naman ng situation 'yung James hahaha.

Simula noong bumalik ako kina Paul, naging overprotective na rin siya sa akin. Hindi ako sanay pero naiintindihan ko rin naman ang pinanggagalingan niya.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon