HPD 6

379K 5K 103
                                    

[ 6 ]

Sherlyn's POV

Nagising ako at agad tumingin sa orasan na nasa tabi ng higaan ko. Alas onse na pala! Napasarap yata masyado ang tulog ko kagabi.

Grabeng kapagod din naman kasi ang adventure ko simula noong pagbaba ko sa barko.

Lumabas ako para tingnan kung nasa bahay pa si SirNget.

"O Sherlyn, mabuti gising ka na. Halika't mag-almusal ka na." Bungad sa akin ni Manang Pilar. Siya ang mayordoma rito sa palasyo ni SirNget.

"Ay salamat po, manang. Si SirNget po pala?"

Napakunot-noo naman siya sa akin. Ooopps.

"Ang ibig ko pong sabihin, si Sir Paul po ba nandito pa? Baka kailangan ko na po siya ihatid." Napakamot na lang ako sa ulo.

"Ahh." Tumango-tango pa si Manang. "Kanina pa sila nakaalis."

"Po?!"

"Huwag ka mag-alala, hija. Si Kaloy pa ang maghahatid-sundo kay Paul ngayon. Last day na rin naman ni Kaloy kaya bukas ka na raw talaga magsimula. Daraanan na rin ni Kaloy ang magiging uniform mo at hindi naman pwedeng suotin mo ang uniform ni Kaloy."

Ako naman ngayon ang napatango-tango.

Habang kumakain, naisipan ko na rin na magtanong kay Manang tungkol kay Sungit.

"Manang, gaano na po kayo katagal nagtratrabaho rito?"

Napahinto naman si Manang sa ginagawa niya at napatingin sa akin sabay ngumiti.

"Simula noong bata pa si Alexander."

"Alexander? Sino po si Alexander?"

"Siya ang tatay ni Paul." Tipid niyang ngiti.

"Ganoon na po katagal? Halos parang kayo na rin po pala ang lola ni Sir Paul. Nasaan na po pala ang parents niya? Siguro ho nasa ibang bansa sila. Ganoon naman ho kapag mayayaman, hindi ba?"

"Wala na sila." Nakangiti si Manang pero kita pa rin ang lungkot sa kanya.

Kaya pala ganoon ang ngiti niya nang nabanggit ang pangalan ng tatay ni Sir Paul.

"Ay sorry po, manang."

"Naku, wala iyon. Matagal na rin simula nang mawala sina Alexander at Miandra. Paunti-unti, nakikita ko namang bumabalik na kahit paano sa dati si Paul."

"Ano pong ibig ninyong sabihin? Manang, okay lang po ba  kung tanungin ko kung ano ikinawala ng mga magulang ni Sir Paul?"

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon