HPD 22

275K 3.6K 235
                                    

[ 22 ]

Sherlyn's POV

Nadaig ko pa ang isang estatwa sa sobrang paninigas ng katawan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Inalis na ni Nichole ang atensyon niya kay Paul habang si Mr. Anthony Valencia ay nakangiti lang sa kanila at nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang braso ni Manang Pilar. Inilipat sa akin ni Nichole ang tingin niya sabay ngumiti.

"So you must be Sherlyn, right?"

Hindi ako nakapagsalita. Parang lang akong tanga na napanganga pero wala ni isang binigkas na salita. Tumingin lang ako kay Paul na hindi pa rin nakakapagsalita. Tumango na lang ako.

"Hi... sabay nakipagkamay siya sa akin ... Manang Pilar told me about you. And Manang Pilar was right, you're simple yet very beautiful. It's so nice to meet you. By the way, I'm Nichole and that's my dad." Sabay turo niya sa tatay niya... sa tatay namin.

Pilit akong ngumiti.

"N-Nice t-to meet y-you rin p-po, Ma'am..." I'm stuttering while saying those words.

"Hey, relax. It's just me... sabay hinawakan niya pa ang dalawang kamay ko ... So, how's Paul here? May nakikita ka bang babae niya while I'm not here?"

Napatingin lang ako kay Paul. Ano nga ba ang isasagot ako?

"Oh c'mon, Nics..." Sabi ni Paul na parang naglalambing kay Nichole.

Natawa lang si Nichole kaya ngumiti na lang ako. My god. Bakit ang bait-bait niya? Mas lalo akong nahihiya sa sarili ko. Napakaganda niya. Ang tangkad niya pa at makinis ang balat na kahit isang tuldok ng peklat ay wala kang makita. Dagdag pa ang bagsak niyang buhok, medyo singkit na mata, mahahabang pilik-mata, at seksing hubog ng katawan. Talo niya pa ang curves sa bote ng coke. Ngumiti ako sa kanya.

"Mabuti pa pumasok na muna tayo sa loob. Doon na kayo magkuwentuhan." Pagyayaya ni Manang Pilar.

Nasa kusina kami ni Manang Pilar. Tinutulungan ko siya pati ang ibang katulong na maghanda ng pagkain para kina Paul. Halos nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa sobrang kaba at pagkagulat.

"Ayos ka lang ba, hija? Kanina ko pa napapansing namumutla ka." Tanong sa akin ni Manang.

"Opo. Huwag niyo po akong alalahanin. Dala lang ho siguro sa layo ng biniyahe namin pero ayos lang po ako."

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako kay Manang at nginitian ko siya para hindi na siya mag-alala.

"Oh sya sige, ihahatid ko muna itong maiinom sa kanila. Pakisunod na lang iyang nasa lamesa huh."

"Sige po."

Agad namang lumabas ng kusina si Manang. Sinilip ko sila mula sa pinto. Nasa sala sina Paul, Nichole at Anthony Valencia. Masayang nagkukwento si Nichole. Ang ganda rin pala talaga ng kapatid ko. Bagay talaga sa kaniya ang pagmomodelo. Bagay na bagay sila ni Paul.

"Manang Pilar, nasaan na po si Sherlyn?" Dinig kong tanong ni Nichole.

Agad akong umalis sa kinatatayuan ko at kinuha ang meryenda na nasa lamesa. Lumabas ako ng kusina at hinatid iyon sa kanila.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon