HPD 10

343K 4.7K 117
                                    

[ 10 ]

Paul's POV

It's been an hour when he texted me na malapit na siya sa opisina.

Siraulong iyon. Halos 15 minuto lang ang layo ng kompanya sa condo unit niya. I called him.

[ Oh tol? ]

"Bilisan mo."

[ Oo na. ]

"Nasaan ka na ba?"

[Nandito na nga ako sa baba.]

"Kanina mo pa sinasabi 'yan, gago."

[ Paakyat na ako. ]

"Dali. 3 minutes!"

And I ended the call.

Imprenteng naupo na ako sa upuan habang itinaas ko pa ang dalawang paa ko sa lamesa. Ilang minuto pa, pumasok na ang magaling kong kaibigan.

"Mukha 'yan!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Gago ka naman, pare eh! Ni hindi ko man lang natanong pangalan niya."

Sabay busangot ng mukha. Ilang sandali pa siyang tahimik. Ano ba talagang nangyari dito?

"Hoy, Kael. Ano'ng problema mo?"

Huminga pa siya nang malalim sabay tumingin sa akin ng diretso.

"Pre, naniniwala ka ba sa love at first sight?"

Pinigilan ko ang sarili kong matawa sa tanong niya.

"Seryoso ka riyan?"

"Tang'na naman, pare eh! Ganitong kagwapo ko mukha ba akong nagpapatawa?"

Seryoso ba?

"Chill, pare! Sino ba itong malas na babaeng 'to?" Natatawa kong tanong.

Tiningnan niya ako nang masama kaya tumikhim na lang ako.

"Iyon na nga. Hindi ko nakuha ang pangalan dahil tumawag ka. Timing mo rin, pare. Pero kakaiba talaga siya. Hindi ko maipaliwanag... basta iba talaga! Ang dami ko ng nakitang magagandang babae pero iba siya. Siya lang ang unang babae na natigilan ako noong una kong nakita. Parang bigla akong kinabahan?"

Pigil ako sa pagtawa dahil sa nakikita ko. Hindi lang ako sanay na ganito magsalita itong nasa harap ko. Eh wala namang pakialam sa mga babae iyan.

"Akalain mo iyon, pare? Marunong ka pa lang ma-in love?"

"Gago! Bakit mo pala ako pinapunta rito? Huwag mo sabihing na-miss mo ko?"

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon