HPD 26

261K 4.4K 146
                                    

[ 26 ]

Sherlyn's POV

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Paul. Naka-lock ito kanina pero hiningi ni Nichole ang duplicate key kay Manang Pilar at agad namang binigay sa akin. Hindi ko maiwasang magulat sa nadatnan ko sa kwarto niya.

Tanging ang ilaw ng lampshade niya lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng silid kaya medyo madilim pa rin. Pero kitang-kita ko ang gulo at kalat ng mga gamit sa kwarto niya. Mga papel, damit, mga bote ng alak at kung anu-ano ang nakakalat sa sahig at sa buong kwarto.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at doon ko siya nakita. Naroon siya sa study desk niya at natutulog habang may hawak pa ng isang bote ng alak. I bit my lower lip. Nilapitan ko siya habang pinupulot ang ilang mga kalat na nadadaanan ko. Nasa tabi lang ng kama niya ang study desk kaya sa gilid ako ng kama umupo para makaharap ko siya.

Tinitigan ko siya. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko. Naiiyak na naman ako. Hinawi ko ang buhok niya kahit hindi naman ito umaabot sa mukha niya. Bahagya siyang kumilos kaya nagulat ako.

"S-Sherlyn?" Halos pabulong niya lang na binigkas ang pangalan ko. Pilit niya pang inaaninag ang mukha ko dala na rin siguro ng kalasingan niya.

He smiled bitterly. Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Muli niyang ipinatong ang ulo niya sa lamesa saka nagsalita.

"Fuck this life... I s-should drink m-more... n-nakikita na naman kita uli..." Then he chuckled.

"I l-love you so much, S-Sherlyn..." and he cried.

Hindi ko na siya natiis. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at hinarap sa akin. He just smiled. Akala niya pa rin siguro ay nanaginip pa rin siya.

"Nandito na ulit ako, Paul..." a drop of tear also fell from my eyes.

I slowly kissed him and he immediately responded. Until those slow and passionate kisses became deep, fast and hard na parang may certain longing between us. Yes, oh God!  I miss him, too. I miss him so much.

"Ohh..." Hindi ko maiwasang hindi mapaungol when he hungrily played his tongue inside my mouth. Naaamoy at nalalasahan ko pa ang alak pero parang naging additives na lang iyon para sa akin. He started planting kisses on my neck while his both hands were busy caressing my breasts. Kaya parang awtomatiko na rin akong napapakapit sa ulo niya at halos nasasabunutan ko na siya.

Hanggang sa paunti-unti kong nararamdaman na paunti-unti rin siyang tumigil sa paghalik niya sa akin. I slowly opened my eyes at tiningnan ko siya.

Yeah, great. He fell asleep habang nasa ibabaw ko. Ilang minuto kong hinayaan na nasa ganoong posisyon lang kami pero bahagya ko na rin siyang itinulak papunta sa gilid ko nang maramdaman ko na ang bigat niya. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa kama at dahan-dahan na rin akong tumayo.

Tumingin ako sa orasan. 2am na rin pala. Hindi pa rin naman ako inaantok kaya dahan-dahan kong nilinis at inayos ang kwarto niya. Sino ba naman ang makakatulog kapag nabitin ka? Napailing na lang ako sa naiisip ko.

Nang matapos ako sa paglilinis, umupo ako sa tabi niya sa higaan. Pinanood ko lang siya habang natutulog.

Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin.

"No, please... don't give up, Sherlyn..." 

Akala ko nagising siya. Hindi ko mapigilang mapangiti na kahit hanggang sa panaginip niya pala ay kasama niya ko.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon