HPD 40

255K 3.6K 88
  • Dedicated kay HPD Readers <3 <3
                                    

[ 40 ]


Sherlyn's POV



"Breathe. Utos sa akin ng doctor. Hinga lang nang malalim, Misis. Hindi 'to magtatagal. Okay, just breathe."

"Kamusta na po siya, Doc?" dinig kong tanong ni Paul.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko siya. Nakasuot siya ng green hospital gown at nakatayo sa gilid ng kama katabi ang doctor. Kitang-kita kong nag-aalala siya.

"Malalampasan niyo rin ito ni baby..." pilit na ngiti niya sa akin habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

Then, the pain wracked through me that made me screamed and bucked on the table. Naramdaman ko ang pangalawang doctor between my thighs. She had stopped calling me and fear clouded the pain. Sinubukan ko umupo para makita ang doctor at sabihin niya sa akin kung anong nangyayari.

"Mahiga ka uli, Misis." Utos niya sa akin.

Then the pain came again.

"Oh my God ... oh God... Oh God..." I gasped as it passed.

Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa gilid ng mukha ko habang patuloy lang pinupunasan iyon ni Paul. I tried to open my eyes to see both doctors standing beside me. Nakita ko si Paul na palabas ng delivery room. Pinalabas ba siya ng doctor?

I must do my job. I know the pain would strike me at any second again. I should fight. I must do my job. Pero ng maramdaman ko ulit ang sakit, halos ikamatay ko na ang nararamdaman ko. I scream, scream, scream, and scream again.

"Prepare the operating room."

"You don't have to work anymore, Misis. We will do caesarean delivery."

I screamed. Again. And again. Naramdaman ko na lang na biglang umandar ang hinihigaan ko palabas ng kwarto. Sumigaw ako ulit ng maramdaman ko ang kanina pang sakit na nagpapahirap sa akin.

Paglabas, nakita ko si Paul katabi ni Onel at Kael. Napatitig kami sa isa't isa. Kitang-kita ko ang mga luha sa mata niya. Tinapik lang ni Onel ang balikat ni Paul.

Dinala nila ako sa elevator.

"Save my baby." Bulong ko sa nurse.

"Malalampasan niyo rin po ito, Ma'am." Sagot niya sa akin.

"Just save my baby."

Nagbukas na ang elevator at dinala na nila ako sa operating room. The doctors are standing there in an argument. I just closed my eyes.

"We can't give her anything this close to delivery..." Dinig kong sabi ng doctor.

Nakita ko rin ang isa sa dalawa kong doctor na nakikipag-usap sa nurse ng operating room.

"Kailangan na naming pumasok diyan. The baby's a breech."

"Wala po akong magagawa, Doc. The room will be free in five minutes. Kailangan niyo pong maghintay saglit." Sagot ng nurse.

The pain hit me again and my world became white.

When I regained my sight, nakita kong pinapasok na ako sa operating room.

"Start counting backwards from ten, Misis. And everything will be fine."

Iyon ang huling narinig kong sabi ng doctor.


His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon