Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

By Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... More

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 17 - Part two
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 21

2.5K 67 11
By Lyfavie

C H A P T E R  T W E N T Y O N E

"Ang love Ana, para lang yang virus. Hindi mo namamalayan infected ka na pala."

                                                                                                -Chichi

"Blooming ka talaga bes! One week ka ng nagglo-glow. Sa sobrang glow mo nasisilaw na ako sa'yo," tukso ni Chichi kay Ana habang parehong naglalakad ang dalawa sa kahabaan ng Session Road. Papunta silang SM Baguio.

"Blooming? Dati na akong blooming kaya," sagot naman ni Ana. "Ikaw talaga, kung anu-ano lang napapansin mo."

"Paanong hindi ko mapapansin, eh araw-araw kaya kitang kasama. Halos tuwing kasama kita ngayong week na ito, wala kang ginawa kundi ngumiti ng ganito - " Sabay demonstrate kung paano. "Oh di ba? Kataka-taka! Usually lagi kang nakasimangot at panay reklamo dun sa asungot mong boyfried. But not this week. Take note, wala akong narinig na nega feedback about kay Ace ngayong week na ito. As in wala. Dati hindi ko mabilang sa dami. Ngayon naman wala akong mabilang dahil wala naman talagang dapat na bilangin."

Tumigil sa paglalakad si Chichi saka hinila sa tabi si Ana.

"Kaya Ana, umamin ka, anong nangyari sa inyo ni Ace? What happened?" napapantastikuhang tanong ni Chichi kay Ana. Puno ng curiosity ang boses nito. Kumbaga sa level ng isang tsismosa, nasa highest level na ito sa mga oras na iyon.

"Hayan ka naman! Isang linggo mo na akong tinatanong niyan. Hindi ka ba nagsasawa?" agad na reklamo ni Ana sa kaibigan.

"HINDI. Kaya spill it bes. Pinapatagal mo pa, eh in the end, you will have no choice but to share it to me."

Nang makitang hindi natitinag si Ana ay nagshift na ng style ng pangungumbinsi si Chichi.

"Bestfriend mo ba talaga ako? Ganyan na lang ba? Akala ko pa mandin ako ang super bestfriend mo. Hindi naman pala. Ni hindi mo man lang mashare anong nangyari sa inyo ni Ace. Hindi naman ako mangingialam eh. Gusto ko lang talagang malaman." madrama nitong salaysay. Ginagamit na nito ang huli nitong baraha kay Ana. Ana called it the 'bestfriendomotional tactics' of Chichi.

Ana sighed. Pinapahirapan talaga ito ni Chichi.

"Fine. But I'm not saying everything. Naguguluhan pa ako at medyo malabo pa lahat sa akin," sabi ni Ana sa huli.

"You are not going to share everything? Ilang percent?" diskumpiyado nitong tanong.

"Seventy percent."

"How about the remaining 30?"

"Sa akin na lang 'yon," natatawang sagot ni Ana. Nang makitang parang magproprotesta si Chichi, agad itong inunahan ng dalaga. "Take it or leave it Chi," may finality nitong wika. Mahirap na at napansin kasi ni Ana na balak pa yatang makipagnegotiate ni Chichi. Magaling pa mandin sa baratan ang kaibigan.

"Sige na nga," napipilitang pagpayag nito. "Pero samahan mo na ng kape sa Starbucks yung deal mo bes ha," nakangising wika nito. Inakay nito sa braso si Ana saka masaya ulit na nagpatuloy na naglakad.

"Eto ng kape mo Madame," ani Ana sabay bigay kay Chichi ang inorder nitong kape. Demanding pa ang loka dahil umungot pa ng dessert.

"Wow! Thank you!" Kinuha nito ang kape at cake saka ubod ng lawak ng ngiti na tinitigan ang mga iyon. "Nanamnamin ko talaga ang mga ito dahil ngayon ka lang ulit nanlibre Ana. Nung last na nilibre mo ako ay sa Mcdo lang yata. Kumbaga blue moon siguro ngayon."

Umupo si Ana sa kaharap na upuan ni Chichi.

"Kamusta kayo ni Charles?" tanong ni Ana kay Chichi.

Sumimangot si Chichi. "Let's not talk about him. Medyo cold war kami ngayon eh," himutok nito.

"Off na naman kayo?" Kaswal na tanong ni Ana sa kaibigan. Sa kaoon-off ng magkasintahan ay nasanay na si Ana roon. Old news ba.

"Sort of."

"Baka mamayang gabi isang text lang niya, bati na kayo kaagad," taas kilay na kantiyaw ni Ana kay Chichi.

"I know what you are doing bestfriend! Pinapaandar mo na naman yung evading tactics mo. Sorry but I'm not the topic today. Ang subject for today ay ikaw - kayo ni Ace," Chichi said with a determined face.

"Ahehe...Akala ko makakalusot eh," nakangiting turan ni Ana.

Inumpisahan ng lantakan ni Chichi ang mga inorder nito saka ito ready nang tumingin kay Ana.

"Once upon a time...ready start!"

"Fairy tale lang..." medyo natawang komento ni Ana sa narinig.

"Start na dali!" pagmamadali naman ni Chichi na hindi makapaghintay.

Sumipsip muna ng kape si Ana. Ewan ba ni Ana pero may special meaning na sa kanya ang kape ngayon. Epekto ng kapeng bigay ni Ace dun sa bundok. May sa gayuma yata talaga iyon.

"Di ba alam mo yung usapan namin ni Ace about dun sa almost a week na katahimikan sa buhay ko?" panimula ni Ana.

Chichi nods her head twice. "Yup! You will accompany him in the birthday party of Honey's Mom. Ngayon?"

"Hindi kami natuloy -"

"What? Hindi kayo natuloy? Bakit naman?"

"We came to Paradise," lahad ni Ana.

Medyo shortcut na ang pagkukuwentong ginagawa ni Ana. Hindi na nito inungkat pa ang pagdalaw ni Ace ng madaling-araw at pagpunta nila sa isang bundok para magkape at panoorin ang sunrise. Syempre minus all the happenings on that moment. Deleted rin sa kuwento ang tungkol sa pananapak na ginawa ni Ace sa kakambal niya. Kung iisipin more than 30% ang mga iyon.

"Paradise? The bar?" kunot-noong tanong ni Chichi.

"The one and only."

"Anong ginawa niyo dun? Sumayaw? Uminom?" natampal nito ang noo. "Jusko day, grabe lungs! Eh di minus mega points na niyan sa iyo si Ace. You hate going to bars. The first time you went there was when I asked you for my birthday."

May sasabihin sana si Ana na komento pero maagap si Chichi na muling nagsalita.

"Oh, oh... Lam ko na yan. I know, I know. Ipinagpalit kita sa kanya. Pero Ana naman, past is past! At least nameet mo si Ace."

Napangiti si Ana sa isip-isip nito dahil sa mabilis na reaction ni Chichi. Mukhang na-anticipate nitong ipapaalala niya ang kasalanan nito noong araw na iyon.

"Anong kinaganda nun?" nakangusong tanong ni Ana.

"Marami! Tulad halimbawa ng nagiging blooming ka like this moment. Oh di ba?"

Blangkong mukha lang naging tugon ni Ana.

"I get it po..." agad na behaved ni Chichi ng makita ang mukha ni Ana. "Okay Miss Morgans, please continue your story," inilahad pa nito mga kamay.

"Ayun nga, dinala niya ako sa Paradise imbes na sa party ng Mommy ni Honey. Tapos -"

"Tapos nag-away ulit kayo. Pinagalitan mo ito dahil dinala ka sa mausok, maingay, at puno ng alcohols na lugar. After that you ran away, leaving him there alone. Then, hinabol ka niya. Tapos kayo na." Chichi clapped her hands enthusiastically, kilig to the bones ang bruha.

"The end," sarcastic na pagtatapos ni Ana.

Chichi must have realized her mistake because immediately she gave a puppy eyes, paawa effect to Ana. "Awww, sorry bes. Lam mo naman ako, mahilig sa mga romance novels. You know I'm a sucker for those things, right?" she said with her most apologetic smile.

"Oo...sa sobrang hilig mo sa romance, gusto na kitang iuntog minsan sa pader ng magising ka na at malaman kung ano ang reality at hindi." Ang tinutukoy ni Ana dito ay ang relasyon nito kay Charles.

"Opo teacher. Next time mo na ako pangaralan," di naman na-offend nitong tugon. Lantad kasi dito ang disgusto ni Ana kay Charles. "Bakit ka dinala ni Ace sa Paradise?" balik na nito sa talaga nilang usapan.

"Ayoko nga..." pang-aasar ni Ana kay Chichi. "The end na nga kanina. Tinapos mo na."

"Ana naman..." nagpout ito, pacute pa.

Napangiti na si Ana. "Oki doks! Kasalanan ko pa kung hindi ka makatulog mamayang gabi," biro nito.

"Promise, makikinig na lang ako," itinaas pa nito ang kanang kamay.

Nagpatuloy na nga ulit si Ana.

"I asked him the reason of going there instead of the party. He answered, kaso hindi ko narinig," Ana paused, saglit na nag-isip. "...or I heard him but unsure if I heard him correctly."

Napangiti si Ana ng makita ang mukha ni Chichi. Halatang gusto ulit nitong sumabat at magcomment kaya lang ay pinipigilan nito ang sarili.

"We went inside the bar..."

At ikinuwento na nga ni Ana ang mga nangyari sa loob ng Paradise.

Nang matapos ay agad na itinaas ni Chichi ang kamay na tila ba isang student na magrerecite.

"Ano?" amused na tanong ni Ana.

"Pwede na ba akong magsalita?"

Tumango si Ana. "Go lang."

Huminga muna ng malalim si Chichi saka ubod ng lakas na tumili. Nagulat si Ana sa ginawa ni Chichi. Napatingin din lahat ng tao sa kanila sa café na iyon pati yung mga naglalakad sa mall.

"Yah, pretend that we don't know each other!" ani Ana kay Chichi na halos takpan na nito ang mukha sa hiya. "Di tayo magkakilala!"

Parang walang narinig na kinikilig na hindi mapakali sa kinauupuan si Chichi. Her face is flushed with excitement.

"OMG! OMG! OW-TO THE EM-TO THE GEE!!! He confessed?!?!"

"Chichi, tone down your voice..." saway ni Ana sa kaibigan. "You are creating a scene already."

Finally, Chichi grasped the scene she created. Kiming nginitian lang nito ang mga matang nag-usyoso. Then she looked back to Ana with a grin plastered on her face.

"Kaya ka pala blooming eh," nanunudyong tukso nito.

"Sabi ng dati na akong blooming eh."

Hindi iyon pinansin ni Chichi. "I have a hunch that he likes you before," she instead said in a hushed.

"Owwwsss?" di naniniwalang tugon ni Ana. "Bakit wala yata akong maalalang sinabi mo?"

"Sinabi ko bang sinabi ko? Hunch nga eh. It means di pa ako sure dun at kutob ko lang. Kaya akin-akin muna iyon."

"Paano mo naman nasabi iyon?"

"Na gusto ka niya?"

"Uh-uh..."

"Answer this first - why would he keep on insisting you to be his girlfriend?"

"Coz he said I'm different from the rest. I'm his clown for the time being," nakasimangot na sagot ni Ana.

Chichi gave a knowing smile. "Wrong! Ana, dig deeper. Tignan mo, the reason was, and I believed the true reason behind it, is that he likes you. Di ba? Ace is popular for being a goddamn heartbreaker. Habulin ito ng mga girlalu. Wala itong steady girlfriend. Puro flings lahat. And all of a sudden gusto ka niyang gawing girlfriend? HUWAT? Wasn't that very suspicious to begin with? You viewed his reason the left side. But you should looked at it in the right side bes."

Ana blinked several times. "So you are telling me that he likes me that time already?"

"Yup!"

Ana's brows met. "Kung ganun, he has a weird way of showing it. I can't even detect it that time nor in the times we 're together."

"Duh! Siguro di rin niya alam na ganun na nga feelings niya sa iyo. Baka naguguluhan rin siya. Pero since nakapagconfessed na siya kamo, proven na gusto ka talaga niya. Ace must be in love with you."

Nanlaki mga mata ni Ana sa narinig. "Love? He only said he likes me. Not love Chi."

Chichi snorted. "Duh Duh Duh! Ang galing-galing mo sa accounting hija pero bakit sa ganitong mga subject nabobobo ka yata?" She gave a disapproving look towards Ana. "Wawa naman si Ace niyan."

"Love is not a subject matter that should be taken on lightly."

"No one is saying that. Ang point ko lang Ana, dahil magaling ka naman sa pag-aanalyze, iapply mo rin iyan sa lovelife mo. Analyzin mo kung ano ba talaga nararamdaman mo kay Ace. Para maaga pa lang kung sakaling masaktan ito eh at least wala pa siya sa critical condition na kailangan pang dalhin sa ICU."

"Kung makapagsalita ka naman parang sasaktan ko talaga siya? Hindi ba dapat sa akin ka mag-aalala dahil yung si tukmol ay expert na sa pagbibigay ng heartbreaks? Ako ang minsan ng nakaranas ng heartbreak."

"Hindi naman umiyak puso mo nung naghiwalay kayo ni Owen eh. Pride at ego mo umiyak nun," nakaismid na wika ni Chichi. "And wala yan sa paramihan ng nawasak na puso. Normal lang na makaranas ang tao ng heartbreak. Part yun ng buhay. Ang mahirap niyan ay kapag yung puso eh may pinili na. At sobrang naingrave na sa puso yung taong pinili nun. Like a tattoo in the skin, that can't fade away, mas malalim yung mga tattoo sa puso. You can't see those tattoos, but they are there in the person's heart. The name, the face, the voice, the laughter, the smile, the memories - lahat iyon maaaring nakatattoo na sa puso nito. Kaya pag naheartbroken talaga iyong taong iyon, makarecover man ito, nakatatak pa rin sa puso nito ang taong minahal nito. Misan pa nga, siya pa rin ang gusto ng puso kahit gusto ng magmove on tao."

Napansin ni Ana ang lungkot sa boses ni Chichi. Alam ni Ana na part ng sinasabi ni Chichi ay based sa experience nito. The reason why she can't let go of Charles kahit paulit-ulit itong niloloko ng boyfriend.

"Do you like Ace?" usisa na ni Chichi. "Answer it honestly," udyok pa nito.

"Honestly?"

"Oo..."

Ana contemplated for a while, finding the answer on her brain - scratch that - heart.

"Ang tagal naman...." reklamo ni Chichi.

"I like him," Ana answered honestly. "I like him. Kahit nakakainis siya, kahit most of the times ay inaasar niya ako, kahit na lagi niya akong ginagalit -still I really like him."

Chichi's face glowed as she heard her reply.

"Now, do you love him?"

Immediately, Ana shook her head. "No? Ewan ko Chi. Ewan ko."

"That's expected," tanging komento lang ni Chichi.

"Ha? Why did you say that?"

"It's in your character to guard your heart so well Ana. Natatakot kang sumugal. Natatakot kang umiyak dahil sa pag-ibig. You have a very strong character, kaya siguro ganun. Do you even believe in love?"

Umiling si Ana. "It's not like that Chi. It's not that I don't want to take a risk. It's not. I just don't know kung love na ba talaga iyong nararamdaman ko - mo. Possible na infatuation lang, crush, or admiration. Pero san dun papasok ang love? Kailan? Paano? Hindi ko alam. Kaya sa ngayon, masasabi kong hindi ko pa mahal si Ace. Dahil hindi ko nga alam. And of course I believed in love Chi. My parents are the living proof of that."

"Ang love Ana, para lang yang virus. Hindi mo namamalayan infected ka na pala. Minsan nasa early stage pa lang, alam mo na. Minsan naman kapag nasa bingit na ng kamatayan saka mo pa lang malalaman." Then in a funny way she asked Ana, "The question is - are you ready to be infected with the virus?"

"Maybe not. Maybe yes. Ewan ko nga Chi. Naguguluhan ako."

"I think you should prepare yourself now Ana. It will come - sooner or later. Or maybe it already came," payo ni Chichi.

Without holding back, she threw another question to her friend. "Handa ka na bang mahalin ni Ace?"

===================

A/N: Salamat sa mga patuloy na nagbabasa... ^^

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...