Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Twenty Five: Face Off

322K 5K 496
By aLexisse_rOse

Chapter Twenty Five: Face Off

<Riley POV>

Halos hindi ko maimulat ang mga mata nang bumangon ako. Antok na antok pa ako. Kung hindi lang maraming trabaho sa opisina ay magtutulog na lang sana ako maghapon.

Napabalikwas ako nang biglang tumunog ang cellphone.

Pangalan ni Jared ang nag-appear sa screen. I was about to answer the call when suddenly he hang-up. Nag-missed call lang pala. Ang aga naman istorbo!

Bumaba ako sa kusina pagkatapos. Si Nana Tonya lamang ang naabutan ko roon.

"Where is she?" Hindi ko napigilang itanong. Tumingin pa ako sa paboritong pwesto ni Muriel na para bang makikita ko siya roon.

Lumingon sa akin si Nana Tonya. "Maagang sinundo ni Jared. Hindi na nga nakapag-almusal dito dahil nagmamadali."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "May lakad sila?"

"Hindi ko alam. Wala namang sinabi si Jared."

Hindi kaya isinama na ng kaibigan si Muriel sa condo nito?

Sa nakita kong reaksyon niya kagabi, mukhang seryoso nga siya. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganon pagdating sa babae. Inlove nga talaga ang loko!

"May dala po bang mga gamit si Muriel?" Pag-uusisa ko.

Muling lumingon sa akin si Nana Tonya. "Ang nakita ko lang dala niya ay yung madalas niyang ginagamit na bag pagpasok. May problema ba Riley?" Nakakunot-noo na siya. 

Umiling ako. "Wala po. Nagtataka lang kasi ako sa mga kinikilos ni Jared." Baka kasi tinanan na niya si Muriel, gusto ko sanang idugtong.

Natawa ang matanda. "Ganon talaga kapag inlove."

"Alam nyo ang tungkol doon?"

Lumapad ang ngiti niya at lumapit sa kinaroroonan ko at inilapag sa mesa ang kaluluto lang na tocino. "Matagal ko nang alam na may gusto si Jared kay Muriel. Halata naman sa mga tingin at sulyap ng kaibigan mo sa kanya."

"Matagal nyo na po ba kilala si Muriel?" Naisip kong itanong.

"Medyo matagal na rin." Mabilis na sagot niya habang abala sa paghahalo ng sinangag sa kawali. "Mga pitong buwan na siguro ang nakakaraan."

"Paano nyo siya nakilala?"

"Dito siya tumira sa bahay ng mahigit isang buwan. Hindi mo ba naaala-?" Biglang siyang huminto sa pagsasalita sabay lingon sa kinaroroonan ko. "A-ang ibig kong sabihin... ano-" Naging mailap ang kanyang mga mata. "D-doon siya tumira sa isang bahay ng Mama mo sa Alabang. Tama, dun nga!"

"Tere, ikaw na muna ang magtuloy nitong niluluto ko." Utos niya sa kakapasok lang na katulong. "May nakalimutan lang akong kunin sa dirty kitchen." At nagmamadaling lumabas si Nana Tonya na parang may iniiwasan.

Weird! I had this dread feeling that she's not telling the truth. At hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi mawala-wala ang kakaibang pakiramdam ko na parang mayroon silang itinatago sa akin.

Nakuha ang atensyon ko nang biglang mag-ring ang cp ko. It's Gail.

"Okay. I got it. I'm on my way!" Tumayo na ako at dumiretso sa kuwarto ko para maligo at magbihis. Sa office na lang ako magbe-breakfast.

<Muriel POV>

"Ang aga-aga mo akong inistorbo tapos dito mo lang ako dadalhin!" Reklamo ko kay Jared nang ihinto niya ang kotse sa tapat ng Mc Donald.

Ngumisi lang siya sa akin.

"Ibalik mo na ako sa bahay. Mas masarap ang luto ni Nana Tonya at siguradong mabubusog pa ako." Hinila ko siya sa sleeve ng damit niya nang magtangka siyang bababa ng sasakyan.

"Wala akong choice. Sarado pa ang mga resto ng ganitong oras. At saka okay naman dito."

Inirapan ko lang siya. At wala na akong nagawa ng tuluyan siyang bumaba ng kotse. Mabilis siyang umikot sa kabilang side at pinagbuksan ako ng pinto.

Hindi ko pinansin ang nakalahad niyang kamay at bumaba na rin ako ng kotse. Nagpatiuna akong naglakad at tuluy-tuloy ako sa entrance. Pero bago pa ako makarating sa glass door ay mabilis siyang nakahabol sa akin at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Would you stop it?" 

"Stop what?"

"Ewan ko sayo!" I snapped. At nilagpasan ko siya.

Hindi ko alam kung talagang nature na niya ang pagiging gentleman o nagpapa-cute lang siya sa akin.

And it irritates me!

"Meron ka ba? Bakit ang sungit mo?" Umupo siya sa katapat kong upuan. Ipinatong niya ang siko sa mesa at napangalumbaba sa harap ko.

Tinignan ko siya ng masama.

"Pinapatawa lang kita." Mabilis niyang bawi. "Eto naman hindi mabiro. Ano gusto mong kainin?"

Lalo ko siyang sinimangutan. "Bahala ka na."

"Okay!" Tumayo na siya kaagad at pumunta sa counter para umorder.

Ang aga ng topak ko ngayon. Sinira kasi ni Jared ang tulog ko. Ang aga-aga bigla na lang sumulpot sa kuwarto ko. Kahit anong gawin kong pagtulug-tulugan ay hindi talaga niya ako tinigilan. Siya raw kasi ang maghahatid sa akin pagpasok. Syempre hindi ako pumayag. Kaya ko namang mag-commute. Bukod kay Riley, ayoko rin siyang makasabay. Siguradong mag-aasaran lang kaming dalawa. Pero ano naman ang panalo ko sa isang tulad niya na saksakan ng kulit. Kulang na lang ay kaladkarin niya ako kanina para lang sumama sa kanya.

Naalala ko, sabi niya sa akin kahapon na magiging super busy siya sa work. Mawawalan raw siya ng time sa akin. Hindi na raw niya ako gaanong mabibisita. But what happenned? What makes him changed his mind?

Ano kaya ang tumatakbo sa utak ng mokong na ito?

Sampung minuto siguro ang inaabot ni Jared bago siya bumalik sa table namin. Ang loko nakipag-chikahan pa sa mga service crew sa counter. Kung hindi lang ako nakapagpigil ay kanina ko pa sana siya sinugod. Badtrip na nga ako at gutom na gutom tapos makikipaglandian pa siya.

I swear, ito na ang huling pagkakataon na ihahatid niya ako sa office! Di bale nang makasabay ko si Riley. At least busog ako.

"Anong oras ang out mo sa office?" Tanong niya habang abala sa paghihiwa ng pancake.

Tinaasan ko siya ng kilay habang pinapanood ang ginagawa niya. "Don't tell me na susunduin mo rin ako?" 

"Why not? Para sabay na rin tayong mag-dinner." Pagkatapos niyang hiwa-hiwain ang pancake ay inilagay niya iyon sa harapan ko.

"Jared, hindi mo na ako kailangang sunduin."

"I'm just doing you a favor. Gusto mong iwasan si Riley di ba?"

"Kaya ko naman siyang iwasan nang hindi kita naaabala."

"Huwag mong isipin na nakakaabala ka sa akin. Gusto ko 'tong ginagawa ko." 

"Pero hindi ko gusto ang ginagawa mo?"

"Bakit? Ano bang ayaw mo sa ginagawa ko?" And to my surprised, tumusok siya ng pancake at inilapit iyon sa bibig ko.

Tinabig ko naman ang kamay niya. "Katulad nito. Ginagawa mo akong bata. Kaya ko namang kumain mag-isa. Ayoko nang tinatrato mo ako ng ganito!"

He pouted. "Hayaan mo na ako. Ilang araw na lang kitang makakasama at babalik ka ng Davao."

"Jared!"

Hindi na siya kumibo. At isinubo niya sa bibig ang tinusok na pancake kanina. "Bakit ba napaka-dense mo?" 

"What?" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. May laman kasi ang bibig niya.

"Hindi ka lang dense, bingi ka pa! Aray!"

Pinalo ko siya ng hawak kong tinidor sa noo. "Sinong dense? Sinong bingi?"

Ngumisi siya. "Ang sabi ko maganda ka!" 

"Thanks, Muriel." Si Jessie. Katatapos ko lang ma-retrieve ang mga na-delete niyang files sa computer. Ten more computers to go. Matatapos ko na rin ang isang buong department.

Muli akong bumalik sa table ko at pasalampak na naupo. Napagod ako doon. Limang magkakasunod na computer ang inayos ko. Pero hindi pa nga nag-iinit ang puwet ko sa upuan nang mayroong tumawag sa akin.

"Muriel, hindi raw mabuksan ni Sir Riley yung file niya." Nakasilip ang ulo ni Gail sa pintuan. 

Bakit kailangan pa niya akong sadyain kung pwede naman siyang tumawag sa local ko? Inaangat ko ang telepono sa desk ko. May dial tone naman. 

"Muriel!" Si Gail ulit at nakasimangot na siya, pero hindi naman halatang nakasimangot. Para kasing kumukutikutitap ang mga mata niya.

Lumingon ako kay Adrian. "Ikaw na lang ang magpunta sa office ni Sir." Utos ko.

"May inaaayos pa ako eh." Sagot nito habang nakatutok ang mga mata sa monitor. "Si Joseph na lang."

"Bakit ako?" Katulad ni Adrian ay hindi rin nito inaalis ang mga mata sa monitor. "Ang dami ko kayang ginagawa!"

I rolled my eyes. Wala akong maasahan sa mga ito.

"Magtuturuan na lang ba kayo dyan? Naghihintay si Sir at mainit ang ulo niya." Si Gail ulit. Pero saan ka naman nakakakita na nagsusungit na ay nakangiti pa rin? Sino ba sa dalawang binata ang pinagpapa-cute-an nito?

Ngunit waley ang beauty niya! Busy-ng busy ang dalawa at hindi man siya matapunan ng tingin.

Tumayo ako. "Ako na nga lang!" Walang choice eh. Hindi ko sila maistorbo.

Naglalakad na ako patungo sa opisina ni Riley nang bigla akong hilahin ni Ichi.

"Bruha ka! Malihim ka talaga!"

Napakunot-noo ako. "Ano na naman iyon?"

"Nakita kita kaninang umaga. Hinatid ka ni Papa Jared."

"And so?"

"And so ka dyan!" Hinila niya ang dulo ng buhok ko. "Baka gusto mong magkuwento sa amin. Ano na? Kayo na ba?"

Heto na naman kami!

"Mamaya na ako magkukuwento. Kailangan na ako sa office ni Riley.. I mean ni Sir Riley."

Ngunit ayaw akong bitiwan ni Ichi. "Umiiwas ka na naman eh?" 

"Kapag ako napagalitan talagang sasabutan kita!" Banta ko sa kanya.

"Muriel!" Tawag sa akin ni Gail. Nakapameywang siya sa labas ng pintuan ng opisina ni Riley.

Doon lang ako binitawan ni Ichi. "Kung makasigaw naman akala mo siya ang boss!" Ismid niya. "Basta mamaya, magkuwento ka." Baling niya sa akin. "Kung hindi lagot ka sa aming dalawa ni Jena."

Hindi ako sumagot. Wala naman akong balak magkuwento sa kanila dahil wala naman talaga akong ikukuwento.

"Huy!" Pahabol sa akin ni Ichi pero nakalayo na ako sa kanya. "Muriel!"

Nasa pintuan na ako nang lumingon ako sa kanya. Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko na para bang sinasabi ko sa kanya na huwag siyang maingay. Ang bruha, inirapan lang ako. Pagtingin ko naman kay Gail ay ang sama ng tingin niya kay Ichi. 

Mukhang may issue ang dalawa. I smell something fishy!

Pagpasok ko sa loob ng opisina ay naabutan kong nakatayo si Riley malapit sa bintana at may kausap sa cellphone. Dumiretso ako sa desk niya at ginuide naman ako ni Gail kung ano yung mga files na aayusin ko.

"Paupo ha!" Paalam ko sa kanya at umupo na ako kahit hindi pa siya umu-Oo. At least nagpaalam ako.

Nakalabas na ng office si Gail. Habang ako naman ay busy sa pag-click dito, pag-click doon! Browse dito! Type doon!

"Matagal pa ba yan?" 

Napatayo ako sa sobrang gulat. HIndi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Riley. I swear nagtaasan talaga ang lahat ng balahibo ko. Tama bang magsalita siya sa tapat ng tenga ko? Iyon pa naman ang pinaka-sensitive part ng katawan ko. 

"Sorry, hindi ko sinasadya na gulatin ka." Amused na nakatingin sa akin si Riley.  

Mukhang hindi naman siya sincere sa pagso-sorry niya. Ayos sa trip! Ito ba ang sinasabi ni Gail na mainit ang ulo?

Hindi na lang ako kumibo pero sinimangutan ko siya. Syempre boss ko pa rin siya at nasa trabaho kami. Pero kung nagkataon na nasa loob kami ng bahay, makakatikim talaga siya sa akin.  

"Sorry talaga!"

Hindi ko siya pinansin at muling naupo at nag-focus ulit sa monitor. Gusto ko na rin maayos ung files niya nang makaalis na ako doon.

Hindi na siya muling lumapit sa akin. Pero nararamdaman ko na pinapanood niya bawat kilos ko.

I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold...

Muntikan na akong matawa nang marinig ang ringing tone ng cellphone ni Riley. Tama nga yung sinabi niya kagabi, favorite song nga niya iyon.

At simula nang kantahin niya sa akin iyon six months ago.. naging favorite song ko na rin iyon.

"Hello..." Si Riley nang sagutin niya ang phone. "Yes Gina... Hmmm... What? W-what do you mean?"

Halos mapakislot ako nang bigla siyang magtaas ng boses. Hala! Mainit nga ang ulo niya!

Kahit anong gawin kong pag-focus sa ginagawa ko ay hindi ako maka-concentrate. Nakakataranta naman kasi ang boses ni Riley.

Akala ko ba nagsusungit lang siya noong hindi pa siya nakakakita? Bakit hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya iyon? Akala ko pa naman napagbago ko siya.

Pagkatapos niyang makipag-usap sa cp ay tinawagan agad niya si Gail sa intercom.

"Gail, papuntahin mo si Robert sa office ko, ngayon din!"

"Eh Sir, nandito po ngayon si Mam Samantha. Papapasukin ko po ba?"

"Nandyan si Samantha?" Halatang nagulat si Riley sa nalaman.

Napatigil ako sa ginawa nang marinig ko ang pangalang iyon. Kahit ako ay nagulat. 

"Opo. Kararating lang niya."

"Send her in Gail. Mamaya mo na lang papuntahin si Robert." Sa isang iglap ay biglang nagbago ang mood ni Riley. He never change. Katulad pa rin siya ng dati. Si Samantha pa rin ang nakakapag-calm sa kanya.

Halos hindi ako humihinga habang hinihintay ko na magbukas ang pintuan. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko siya. At hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan.

Nang magbukas ang pintuan, isang maganda at matangkad na babae ang pumasok mula roon. At napanganga ako sa nakita.

Di hamak na mas maganda siya kaysa sa akin! Waley na waley ang beauty ko kung ikukumpara sa kanya.  

"Baby!" Nang makita ni Samantha si Riley ay mabilis nitong sinalubong ng yakap ang nobyo. "I miss you so much."

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na darating ka?" I could see the happines in his face.

"I want to surprise you." Nang bumitaw si Samantha rito ay hinalikan nito si Riley sa mga labi. And they kissed in front of my eyes.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin.Pakiramdam ko ay may kung anong tumusok sa dibdib ko. At habang tumatagal ay lalong lumalala ang pagkirot nyon.

Kaya mo yan Muriel. Just focus on your work!  I tried to motivate myself. Kailangan ko nang matapos ito dahil kailangan ko nang makaalis doon. 

"Oh! Who is she?" Doon lamang ako napansin ni Samantha. Nang mag-angat ako ng mukha, I saw her smiling at me.

"She is Muriel. One of my IT's" Pagpapakilala sa akin ni Riley. Then lumingon siya sa akin. "Meet my girlfriend, Samantha."

I tried my very best to smiled back at her. "Hi!" 

"Hello!" Ganting bati niya sa akin. At sa tingin ko ay mukhang mabait naman siya. 

"Sir, okay na po ang files ninyo." Saved by the bell ang pagkakaayos ko ng computer niya. Tumayo na ako at umikot sa kabilang side ng table. Hinanda ko na ang sarili ko sa paglabas ng silid na iyon.

"Thanks, Muriel!" 

Hahakbang na sana ako palabas nang muling magsalita si Samantha. "What is your name again?" tanong niya sa akin.

Si Riley ang sumagot. "It's Muriel."

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya nang marinig ang pangalan ko.

Did she recognized me?

"I got to go, Sir. Madami pa akong babalikang trabaho." Sabi ko at nagmamadaling tinungo ang pintuan. At ganon na lamang ang relief ko nang tuluyan akong makalabas.

"Muriel, okay ka lang?" Hindi ko napansin na nakasalubong ko pala si Jena. "Bakit namumutla ka?"

"O-okay lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. "Punta lang ako ng restroom."

"Sigurado ka?"

Tumango lang ako at iniwanan siya.

Simula nang bumalik ako sa desk ko ay wala na akong nagawang trabaho. Kanina pa lumulutang ang isipan ko. Hindi ako makapag-focus at makapag-concentrate. Supposed to be hanggang bukas na lang ako. Pero sa dami ng trabaho na hindi ko pa natatapos, mukhang magtatagal pa ako dito ng ilang araw. At maisip ko lang na magsasama kami ni Samantha sa iisang bubong, halos mag-panic na ako. Hindi kami pwedeng magsamang dalawa. Alam kong alam niya ang tungkol sa akin. At ayoko ng gulo. Hindi dahil naduduwag ako sa kanya. Ayoko lang na mag-isip siya ng hindi maganda sa akin lalo na at nakatira ako ngayon kasama si Riley. At higit sa lahat ayokong malaman niya ang nararamdaman ko para sa nobyo niya.

Kung doon na lang kaya ako sa condo ni Jared mag-stay? Tama siya. Mas safe ako doon. Sana pala ay nakinig na ako sa kanya noong una pa lang.

"Huwag mong sabihin na mag-o-overtime ka?" Tanong sa akin ni Adrian. 

Ilang minuto na lang pala at mag-uuwian na. Lahat halos sila ay nakaligpit na ng mga gamit at ready to go na. Habang ako ay nakatutunganga pa rin sa monitor at makalat ang ibabaw ng table.

Umiling ako. "Uuwi na rin ako." Doon lamang ako kumilos. At isa-isang niligpit ang mga gamit ko.

"Ready ka na, girlfriend?" Nagulat ako nang bigla na lamang sumulpot si Jared sa may pintuan. Lahat tuloy ng mga kasamahan ko ay sa kanya napatingin. He was still in his business suit minus the coat. Habang ang suot niya longsleeve ay basta na lang itinupi hanggang siko. Gayunpaman ay hindi pa rin nabawasan ang kaguwapuhan niya. Ngumiti siya sa lahat at kumaway na para bang nangangampanya. "Susunduin ko lang ang girlfriend ko." Sabi pa niya.

Hindi ko na siya kinontra. Useless din naman kung gagawin ko iyon. Hindi rin naman maniniwala sa akin ang mga kasamahan ko kung sasabihin ko ang totoo.

"Tara lets!" Tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

"Makulit ka rin no?" Talagang pinanindigan niya ang pagsundo sa akin.

Ngumisi lang siya sabay bitbit sa knapsack ko. Pero binawi ko sa kanya iyon. "Ako na! Hindi bagay sa outfit mo." 

"I don't care!" Balewala niyang sagot at muling kinuha ang bag ko at isinukbit sa balikat niya.

"Ang guwapo-guwapo naman ng boyfriend mo Muriel. May kapatid ba iyan?" 

Natawa naman si Jared sa narinig mula kay Eunice. At game naman na sumagot ang binata. "Only child lang ako. Pero may kaibigan ako, guwapo rin. Kaya lang taken na rin siya."

"Sayang naman! Kung sakaling magbago ang isip mo, nandito lang ako!"

Bitch! Parang gusto kong sapakin si Eunice. Lahat na lang yata ng lalaki ay nilandi nito.

"Sorry. Pero habangbuhay na nakalaan ang puso ko para kay Muriel." Sabay akbay sa akin ni Jared.

"Yun oh!" Sigaw naman ng mga boys. At kanya-kanya na silang kantiyawan. Mabuti na lamang at nasa kabilang department sina Jena at Ichi. Kapag nagkataon, lamog ako sa dalawang iyon.

Nag-aabang kaming dalawa ni Jared sa tapat ng elevator nang biglang dumating sina Riley at Samantha.

"Hello, Jared!" Si Samantha ang unang bumati at nilapitan siya nito at bineso sa pisngi. "What are you doing here playboy?"

Halatang nagulat naman si Jared nang makita ito. "You're here! Kailan ka pa dumating?" Pagkatapos ay sinulyapan niya ako.

"Kanina lang! Sinurprise ko si Riley. Hello again Muriel." Ako naman ang binalingan ni Sam at naroon pa rin ang ngiti sa mgalabi nito.

"Have you already met?" Palipat-lipat ang tingin ni Jared sa aming dalawa.

Pinili kong magsalita. "Nagkakilala kami kanina sa office ni Sir Riley."  

Muli akong sinulyapan ni Jared. At parang gusto kong matawa sa nakita kong reaksyon niya. Nginitian ko siya para ipakita sa kanya na okay lang ako.

Eksakto naman na bumukas ang elevator. Naunang pumasok sina Riley at Samantha. Sumunod kami ni Jared. At ganito ang puwesto naming apat.

Riley - Samantha - Jared - Ako

"May lakad kayong dalawa?" Tanong ni Riley sa kaibigan.

"Yes. May dinner date kami ni Muriel." Nakangiting sagot ni Jared. At nagulat na lang ako nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Don't tell me that you're a couple?" Si Samantha.

Ngumiti lang si Jared. 

"That's great! May dinner date din kami ni Riley. Why don't we make it a double date?  What do you think guys?"

Ngunit walang sumagot kahit isa sa aming tatlo.

"Hey! Ayaw nyo ba ng suggestion ko?"

"I don't think that's possible Samantha." Jared said. "Nakapagpa-reserved na kasi ako. And it took me days before I finally got that venue. At gusto ko sana na kaming dalawa lang ni Muriel. Hope you don't mind?"

Hindi ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo. Gayunpaman ay lihim akong nagpapasalamat sa kanya. Double date? Malaking kalokohan iyon!

"No, its okay Jared. I understand." Malambing na sagot ni Samantha sabay hilig sa balikat ni Riley.

Parang ang tagal naman yatang makababa ng elevator na ito. Naiinip na akong lumabas doon.

Hindi sinasadya ay napatingin ako kay Riley. At nagtama ang aming mga mata. Ako ang unang umiwas at tumingin ako kay Jared. Nakatingin din pala siya sa akin. I smiled at him just as I thought that he will also smiles back at me. Ngunit nakatitig lang siya sa akin. And I couldn't read his expression.

Hanggang sa makalabas kami nang building ay hindi niya binibitiwan ang kamay ko.

"Bye guys!" Si Samantha na kumaway pa sa aming dalawa. 

Tinapik naman ni Riley si Jared sa balikat. "Take care of her." Ang tinutukoy niya ay ako.

"I will." Mariin pero mahinang sagot ni Jared. "You don't have to tell me." At hinila na niya ako patungo sa nakaparada niyang sasakyan.

Hindi na sana ako lilingon. Pero hindi ko pa rin napigilan. At nakita ko si Riley na nakatingin sa direksyon namin... sa akin pala!

Dinala ako ni Jared sa isang mamahaling restaurant. Medyo awkward pa nga ang outfit ko. Naka-skinny jeans at rubbershoes ako. Habang ang mga taong naroon ay naka-formal dresses at business suits.

"Don't mind them." Bulong sa akin ni Jared. "Kahit anong isuot mo maganda ka pa rin."

Napangiti naman ako sa sinabi niya kahit na alam ko na baka binobola lang niya ako.

"Sigurado ka ba na walang makakakilala sayo dito? Baka naman mamaya ay may bigla na lang lumapit sa'yo to drop by and say hello?" Ang tinutukoy ko ay mga babae bigla na lang lumalapit sa kanya.

"First time ko pa lang rito. Kaya sigurado ako na walang nakakakilala sa akin dito."

Ngunit nadismaya ako nang makita ko ang matamlay niyang mga ngiti. Parang hindi siya iyon. Kanina pa siya tahimik at walang kibo. Gayon okay naman siya at nakipagbiruan pa nga siya sa mga kasamahan ko. 

"Okay ka lang ba?" Naisip kong itanong. Baka naman kasi biglang sumama ang pakiramdam niya at ayaw niya lang sabihin.

Tumango lamang siya.

"Hindi ako sanay na ganyan ka? May problema ba?"

Tinitigan niya lang ako na para bang binabasa ang nasa isipan ko.

"Ako dapat ang magtanong kung okay ka lang?"

I chuckled. "Of course I'm okay. Bakit naman ako magiging hindi?"

"It's that your way of pretending your fine, even though you're totally broken?"

Nawalang bigla ang ngiti ko sa sinabi niya. 

How did he know? Manghuhula ba siya? But of course, bakit ako aamin?

Tumawa ako ng mahina. "Why do I need to pretend? Ano bang meron?"

Tinignan niya ako ng masama. "Stop acting as if you're not affected. And don't you dare deny it! You can fooled them but not me!"

Suddenly I felt cold. Bakit ba alam na alam niya kung anong nararamdaman ko?

"I-i don't know-"

"Would you stop it Muriel? Matagal ko nang alam na may nararamdaman ka kay Riley. At kahit hindi mo sabihin alam ko na nasasaktan ka na makita silang magkasama ni Samantha."

"Alam mo naman pala! So? Anong gusto mong gawin ko?" I have no other choice kundi umamin na rin sa kanya. Besides, hindi rin naman siya titigil hanggat hindi ako nagsasalita. "I have my pride Jared. I'd rather choose to die, kaysa ipakita sa kanila na naapektuhan ako." This is better than denying it. Nakakapagod na rin ang pagpanggap na kunwari okay lang ako kahit ang totoo ay hindi naman. 

"Muriel..."

"I don't understand why are you mad at me? May mali ba sa ginawa ko?" Emotion started to get in at hindi ko na mapigilan. "Kung sabagay ano ba ang alam mo? Nothing! Sa isang tulad na mo na player at papalit ng girlfriend, you don't have any idea what I'm going through." Tumayo ako sabay bitbit ng bag ko at tuluy-tuloy na lumabas ng restaurant. 

"Muriel!" Narinig kong tawag sa akin ni Jared pero hindi ko siya nilingon. I want to get out of that place. I want to be alone.

"Muriel.." Ngunit hindi ko akalain na mahahabol pa niya ako. Mabilis niya akong kinabig paharap sa kanya. "I'm so sorry. Hindi naman ako galit sayo. I just can't help it. Ayoko lang na makita kita na nagkakaganyan."

I tried to struggle but I don't have enough strength to push him.

"Nandito naman ako. I'm willing to help you. You can lean on me. You can trust me. At kung sa palagay mo, you had too much, I'll find a way to ease that pain."

Then I found myself crying on his shoulder. First time kong umiyak sa harapan ng ibang tao. Iyon pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat. 

"Ssshh... Please don't cry Muriel."

Just as I thought that I can be strong enough to get through this... I was wrong. And I hate myself for being emotional again. I promised not to cry anymore. Sa loob ng anim na buwan nagawa kong hindi umiyak. But now, heto na naman ang pasaway na emosyon na ito na gustung-gusto ko nang mawala sa sistema ko. Bakit ba hindi ko magawang kalimutan si Riley?

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
6.2K 523 49
2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of edu...
759K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
123K 2.6K 52
"Change is the only constant thing in this world. Feelings change. Situations change. And sadly, we did too.." Aiza and Chuck's story after College...