Another Heartbeat ♫ (complete...

By Nikkidoo

394K 8.2K 1.3K

[Justin Cuevo's Story] Warning: This story contains spoilers. Read My Drummer Boy and Be Mine Again first par... More

P R O L O G U E
Beat ♥ 01: I'm Shy
Beat ♥ 02: Pictures
Beat ♥ 03: Si Crush
Beat ♥ 04: Meeting My Idols
Beat ♥ 06: Part-time Job
Beat ♥ 07: Care
Beat ♥ 08: Kanta
Beat ♥ 09: A New Heartbeat
Beat ♥ 10: Fragile
Beat ♥ 11: He Knew The Truth
Beat ♥ 12: Dobleng Kahihiyan
Beat ♥ 13: "Ako Ang Bahala"
Beat ♥ 14: H-Ha?
Beat ♥ 15: Seryoso?
Beat ♥ 16: Mas Masakit Pala
Beat ♥ 17: Dahil Sa'yo At Para Sa'yo
Beat ♥ 18: Tibok Ng Puso
"A Melody" (A poem made for Justin Cuevo ♥)
Beat ♥ 19: Sa Gitna Ng Ulan
Beat ♥ 20: Smile
Beat ♥ 21: Alam Ko
Beat ♥ 22: Please Don't Leave Me
Beat ♥ 23: Him Versus Him
Beat ♥ 24: Bakit Nga Ba?
Beat ♥ 25: Ipaglalaban Kita
Beat ♥ 26: Silang Dalawa
Beat ♥ 27: Ganito Palang Magmahal
Beat ♥ 28: Two Heartbeats
Beat ♥ 29: Witness
Beat ♥ 30: Simula Ng Problema
Beat ♥ 31: Takot
Beat ♥ 32: Kumplikado
Beat ♥ 33: "Everything Will Be All Right."
Beat ♥ 34: Kaguluhan
Beat ♥ 35: Pagmamahal at Pagdurusa
Beat ♥ 36: Confrontation
Beat ♥ 37: Tayong Dalawa Lamang
Beat ♥ 38: A Fight For The Sake Of Love
Beat ♥ 39: Happiness
Beat ♥ 40: A Day With You
Beat ♥ 41: Basta Sa Akin Lang
Beat ♥ 42: Pakiusap
Beat ♥ 43: A Song For You
Beat ♥ 44: So Numb
Beat ♥ 45: I Love You For God's Sake
Beat ♥ 46: Definitely
E P I L O G U E
Soundtracks
Author's Note

Beat ♥ 05: A Piece Of Her Misery

9.5K 183 21
By Nikkidoo

Beat 05: A Piece Of Her Misery

*Reina’s POV

     St. Palma's Hospital. 9:13 PM.

     “Um, thank you sa paghahatid sakin Justin. Ingat ka sa pag-uwi,” sabi ko at saka yumuko sa kanya. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse ng bigla akong hawakan ni Justin sa braso.

     Napalingon ako sa kanya.

     “Teka, pagbubuksan na kita Reina,” offer nya.

     *blush*

     “N-Naku wag na hehe. Baka pagkaguluhan ka pa sa labas.” Oo, baka mamaya maging issue pa kami ni Justin at masira pa yung career nya dahil sakin. Ayoko nun. Iiyak talaga ko ng sobra pag nagkataon. >.<

     “Ah sige. Ingat ka ah. Good night,” sabi nya at saka ngumiti.

     Lalo namang nag-init yung mukha ko noong sinabi nya yon. Nakakatunaw talaga yung mga titig at ngiti ni Justin. Ewan ko ba, pero parang... sobrang Dream Come True itong nangyari sakin ngayong gabi.

     *kring kring kring*

     Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa pagtunog ng cellphone ko. “Ah sige, ikaw din. Ingat. G-Goodnight.” Nagmamadali akong lumabas mula sa sasakyan niya. Tumakbo ako sa loob ng ospital.

     Ang init init ng mukha ko!!! >///<

     Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan kung sino yung tumatawag.

     Calling...

     Dr. Sy

     “Hello po?”

     [Reina! Nasan ka ngayon?] Dr. Sy

     “N-Nasa lobby na po ng hospital. Bakit po Doc?”

     [May emergency. Nag-cardiac arrest ang pasyente. Nasa ER sya ngayon--] Dr. Sy

     Hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin ni Dr. Sy dahil nakita ko nalang ang sarili ko na tumatakbo papuntang Emergency Room. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako ng sobra.

   Noong makarating na ko dun, nakita ko si Dr. Sy na papalabas ng Emergency Room. Kaagad ko siyang nilapitan. “Doc! A-Ano na pong lagay nya?”

     Nagbuntung-hininga siya. “Ayos na siya. Nag-normalize na yung heartbeat nya. Pero... hija, it's been 6 years since noong nalagay na yung pasyente in a state of coma. Siguro kailangan---”

     “Hindi po doc! Kayo na po mismo ang nagsabi na may ilang pasyente na gumigising pa rin kahit after 10 or 17 years! Naniniwala po ako na magigising pa rin sya. Doc...” Hinawakan ko si Dr. Sy sa magkabilang balikat at nangingilid ang luhang tinitigan siya sa mga mata.

     “Doc, please... Please... I-Iligtas nyo po si Mama. Please po Doc. K-Kaya ko pa naman pong magbayad ng pampa-ospital ni Mama. Nagmamakaawa po ako sa inyo, g-gawin nyo po lahat ng makakaya nyo.”

     Muling nagbuntung-hininga si Dr. Sy at saka tumango. “I'll do the best I can, hija.”

     Ngumiti ako ng manipis sa kanya. “Thank you po. M-Maraming maraming salamat po Doc.”

     “Sige na, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng kapatid mo.” Dr. Sy

     Tumango ako. “O-Opo. Kayo na pong bahala kay Mama.”

     Ngumiti siya sakin at saka lumakad paalis. Napaupo nalang ako sa isang hospital chair dun sa corridor. Pumikit ako at saka napahawak sa noo ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan pang maluha.

     Ang bigat bigat ng dibdib ko. Nalilito na din yung isipan ko. Hindi ko alam kung sapat pa ba yung kikitain ko sa part-time job ko para ipambayad sa hospital bills ni Mama. Napapadalas na kasi yung cardiac arrest nya. Parang... mas lumalala na yung kundisyon nya habang tumatagal.

     Ibinaon ko yung mukha ko sa dalawang palad ko. Hindi ko mapigilan yung mga luhang lumalabas mula sa mga mata ko.

     “Reina...”

     Itinaas ko yung ulo ko.

     “Heto. Nakalimutan mo.”

     Kinuha ko yung guitar case ko mula kay Justin. Agad ko namang pinunasan yung mga mata ko at saka ngumiti sa kanya. “S-Salamat.”

     Pero nagulat ako dahil parang walang mababakas na saya sa mukha niya. “Hindi mo kailangan g ngumiti kapag nalulungkot ka, Reina. Halata naman sa mga mata mo na nasasaktan ka.”

     Dahil sa sinabi nya, parang bigla na ding natunaw yung masayang aura na pinilit kong buuin kanina sa harapan nya. Napayuko ako. “Nagsasawa na kasi ako Justin. *sniff* N-Nakakasawa na ding umiyak minsan.”

     Naramdaman ko na parang umupo si Justin sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya.

     “Okay lang ba kung... magtatanong ako?” tanong ni Justin.

     Tumango naman ako.

     “Ano dahilan ng pagka-comatose ng Mama mo?” Justin

     “Car accident. 6 years ago, naaksidente yung sinasakyang kotse namin. Galos at sugat ang nakuha ko.”

     “Yung Mama mo ang driver?” Justin

     Umiling ako. “Hindi. Y-Yung stepdad ko.”

     Napatingin sakin si Justin. “Stepdad?”

     Tumango ako. “Eight years old ako noong namatay si Papa dahil sa bus accident. Ten years old naman ako noong nag-asawa ulit si Mama. Yung younger brother ko naman ay two years old noon. Naaawa nga ako sa kanya kasi hindi man lang niya naabutan yung Papa namin.”

     “Yung... stepdad mo. Nasan siya?” Justin

     “Ah siya ba?” Ngumiti ako. “Nasa bahay. Kasama yung kapatid ko.”

     “Bumibisita naman sya dito?” Justin

     “Um, oo. Ah sige Justin. Kailangan ko nang umuwi.” Agad kong kinuha yung bag at guitar case ko at saka tumayo.

     Tumayo din siya at saka sinabing, “Hatid na kita.”

     “Naku hindi na. *smile* May pupuntahan pa kasi ako. Masyado na kong nakakaabala.” Lumalakad na ko palayo ng may bigla akong naalala. Kinuha ko yung sumbrero ko sa bag ko at saka tumakbo pabalik kay Justin.

     “Heto, suot mo. Baka makilala ka ng mga tao dito. Sa backdoor ka dumaan noh? Hindi ka kasi pinagkaguluhan, kaso baka sarado na ngayon yun. Kaya suot mo to ah? Sige, bye!” sabi ko at saka tumakbo palayo sa kanya.

*Justin's POV

     Tinitingnan ko lang sya habang tumatakbo sya palayo sakin.

   Hindi ko talaga alam ang gagawin ko noong nakita ko siyang umiiyak kanina. Para kasing... ang firt impression ko sa kanya ay isang masayahing tao, pero parang... may kakaiba.

     Bakit nararamdaman kong... puro lungkot ang nasa puso nya?

     Tiningnan ko yung sumbrero na ibinigay nya sakin. Ngumiti ako. May design kasi yun na maliit na angel, parahg cherub? Tapos may music notes sa paligid. Isinuot ko yon at saka naglakad sa corridor.

     Buti nalang at bukas yung backdoor kanina. Saka konti nalang yung tao sa corridors kasi halos 10 PM na din naman.

     Noong makasakay na ko sa kotse, tumunog yung cellphone ko. “Hello? Kebs?”

     [Pare, yung meetup natin with the producer. Bukas ng gabi yun, paalala ko lang.] Kevin

     “Ah sige. Thanks sa pagpapaalala.”

     [Ano, naihatid mo ba si Reina? Mukhang nagkakamabutihan kayo ah haha. Mabuti yan pare.]

     Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Kevin. “Uto ka talaga Kebs.”

     [Bakit, hindi ba? Haha.]

     “Hindi haha.”

     [Ay sayang haha. E ano ba status nyo ngayon?]

     “Ewan ko, kakakilala pa lang namin di ba? Pero para sakin, I regard her as a friend na.”

     [Oohh... Hindi magtatagal ireregard mo na sya as your girlFRIEND. HAHA!]

     Natawa ulit ako sa sinabi niya. “Tumigil ka nga dyan haha.”

     [C'mon pre. Move on na! You need to find yourself a girl haha.]

     “Hindi naman ako nagmamadali.”

     [Hangga't wala kang nahahanap na kapalit ni Luna dyan sa puso mo hindi mo siya makakalimutan. Haha kilala kita pare.]

     “Ewan ko pare. Ang hirap e.”

     [Sus! Kaya mo yan. Haha, e ano bang tingin mo kay Reina?]

     “Panong 'tingin' ba?”

     [Alam mo na yun hahaha...]

     Natawa ako. “Kung yung 'tingin' na sinasabi mo ay kung may nararamdaman ba ko sa kanya, sinasabi ko sayo, she's my friend... pero...” Natigilan ako.

     [Pero....?] Kevin

     For a moment, parang nag-flashback sa isipan ko yung nangyari kanina. Si Reina, nakaupo sa may ospital.. at umiiyak.

    I sighed at saka sinagot si Kevin. “Kaibigan ko siya... pero gusto ko pa syang mas makilala pa ng lubusan.”

++++++++++++++++++++++++++

MISS AUTHOR'S NOTE:

Wala pa po itong softcopy.

Kindly leave a comment if you have time. Thank you! :) If you want a dedication, just tell me. I'll give you one kapag may bakante pa ^^

PLUG: The Voice of Promise by momoshineeeeeee :)

~Nikkidoo *u*

Continue Reading

You'll Also Like

18.6K 330 11
BXB ? Men To Men Story Kung ayaw mo po nito pwed mo namang wag basahin ?
127K 8.3K 25
Pagmamahalang hindi nakikita sa itsura, Pagmamahalang hindi nakikita sa estado ng buhay, At Pagmamahalang magpapabago sa paniniwala mo sa pag-ibig, E...
9K 212 44
Hi guys so this is my Second story na gagawin ko so please support me and keep voting (No Bad Comments Allowed) So yun po kung gusto nyo po mag pa de...
98.4K 3.4K 43
Ang istoryang ito ay isang BxB na story. Sa kabilang banda, ano kaya ang mangyayari sa mga bida kung sila'y pinaghiwalay ng tadhana at muling pagtata...
Wattpad App - Unlock exclusive features