My Teacher's Daughter

By ImACrazyGirl24

178K 4.3K 457

MHMP Serie II: She is Vanessa, the beautiful daughter of Jennifer and Frederrick Demesa. And he is Drexel Jon... More

My Teacher's Daughter
MTD 1
MTD 2
MTD 3
MTD 4
MTD 5
MTD 6 Part 1
MTD 6 PART 2
MTD 7
MTD 8
MTD 9
MTD 10
MTD 11
MTD 12
MTD 13
MTD 14
MTD 15
MTD 16
MTD 17
MTD 18
MTD 19
MTD 20
MTD 21
MTD 22
MTD 23
MTD 24
MTD 26
MTD 27

MTD 25

3K 76 4
By ImACrazyGirl24


''Mga dude! Langya kinakabahan ako!'' Sabi ni Karson na kanina pa lakad ng lakad.

''Pare kung hindi ka kakalma, mapapaltos na yang sapatos mo hindi pa nag-sisimula ang Ball.'' Sabi ni Luigi na nag-susuklay sa harap ng salamin.

''Oo nga, kumalma ka lang Dude. Ito naman diba yung gusto mo diba?'' Sabi ni Skyler.

''Oo naman no! Pero paano kung mag-iba ang isip nya? Paano kung ayaw na pala nya akong makasama sa Ball?'' Sunod-sunod nyang tanong sa mga kaibigan.

''Masyado ka namang nega Pare. Positive lang dapat.'' Sabi pa ni Jonas.

''Okay. I'm positive na ayaw na akong makasama ni Clara sa Ball.'' Dahil sa sinabi nyang yun ay nabatukan sya ni Drexel.

''Hindi ganun Gagu!'' Sabi ni Drexel. ''Hindi yun mag-baback out. Hinalikan ka na nga ee.'' Pang-aasar ni Drexel at nakisali na din yung tatlo. Kaya naman pulang-pula na ang mukha ni Karson.

''Biruin mo yun, naka-score ka!'' Kantiyaw ni Luigi.

''Tumigil ka nga dyan. Hindi lang kung sino si Clara no.'' Sabi ni Karson at sinamaan ng tingin si Luigi. Napatawa nalang naman si Luigi habang naiiling.

''Nako! Tinamaan na ata si Karson ni Mister Kupido ah!'' Pang-aasar pa naman ni Drexel.

''Nag-salita ang hindi in-love.'' Kantyaw naman ni Skyler kay Drexel. Bigla namang namula si Drexel at napakamot sa batok.

''Tatamaan din kayong tatlo.'' Sabi ni Drexel habang naiiling dahil pinag-tatawanan sila ng tatlong itlog.



*VAN'S HOUSE*


''Ready na ba kayo Girls? Malapit ng dumating ang mga sundo nyo.'' Tanong ni Jenni sa tatlong dalaga na hindi mapakali at tingin ng tingin sa salamin.

''Ayos lang ba itsura namin Tita?'' Tanong ni Charmaine at natawa si Jenni.

''You girls look gorgeous!'' Sabi nya sa tatlo. ''Kaya bumaba na kayo para ma-picturan ko kayo. Bilis!'' Habol pa nito.

Kuniha na nang tatlong dalaga ang mga purse nila na nasa kama ni Vanessa at agad silang mga bumaba sa may salon. Kung saan naabutan nila si Jerrick na nanunuod ng TV.

Napalingon sya ng mapansin nyang may mga matang nakatingin sa kanya. And as if on cue ay napa-nga nga sya.


''Wow.'' Utal nya. ''Just wow.'' Sabi nya at tumayo para lapitan ang nobya nya. ''Ang gaganda nyo ah.''

''Thank you!'' Sabay-sabay na sabi ng tatlong dalaga.

''Tignan ko lang kung may kalokohang gawin yung dalwang umag na yun sa inyo.'' Sabi ni Jerrick kaya napa-irap si Clara at Vanessa. Dahil alam nilang si Karson at Drexel ang tinutukoy nito.

''Wala ka pa rin bang tiwala kay Drex, Kuya? Ilang buwan na syang nanliligaw sakin.'' Sabi ni Vanessa at umupo sa sofa.

''Kay Drex? Medyo. Pero kay Karson? Nako! Chick boy yung isa na yun ee.'' Sabi ni Jerrick. Siniko naman sya ni Charmaine at pinanlakihan ng mata.

''Malay mo nagbago na sya. People Change.'' Sabi ni Clara.

''Tama!'' Sabaw na sigaw ni Charmaine at Vanessa habang natatango pa. Napairap nalang naman si Jerrick at iginaya na palabas ang nobya.

''Mauuna na kami. See you!'' Sabi nito. Pero bago pa sya makalabas ng pintuan ay hinarangan sya ni Jenni.

''Ep ep ep!'' Sabi ni Jenni ng harangan nya sila Jerrick.

''Hurey!'' Tugtong naman ni Clara at Vanessa, na natawa pa sa kalokohan nila.

''Hindi kayo makakaalis dito hanggat wala kayong picture.'' Sabi ni Jenni.

''Mom! Kailangan pa ba yun?'' Maktol ni Jerrick.

''Oo naman no!'' OA na sagot ni Jenni.''Kaya mag-pose na kayo para makaalis na din kayo agad.'' Sabi pa ni Jenni at binuhay na ang camera na hawak nya.

Wala namang nagawa ang mag nobyo at nobya kung di ang mag-pose dahil alam nilang hindi talaga sila makakaalis kung hindi nakukuha ni Jenni at gusto nito.


Pagkatapos ng ilang shots ay nakaalis na din ang dalwa. Habang ang dalwang dalagita ay mga nag-aabang sa mga sundo nila.

''Huy! Kayong dalwa!'' Tawag ni Jenni sa dalwa. ''Tumayo kayo dyan at pipicturan ko kayo.'' Sabi nya. Agad namang tumayo ang dalwa at feel na feel ang pag-pose kaya naman tuwang-tuwa din si Jenni.




''Dude, kinakabahn ako.'' Sabi ni Karson kay Drexel ng nasa harapan na sila ng bahay ni Vanessa.

''Ano ka ba Dude. Tiwala lang.'' Pampalakas loob ni Drexel sa kaibigan. Naglakad na sila sa may gate at nag-door bell. Pagkalipas ng ilang sandali ay pinagbuksan na sila ng isa sa mga kasambahay.

''Tuloy kayo mga iho.'' Sabi nito pagkabukas ng gate. ''Ang gwapo naman ng mga date ng mga alaga ko.'' Parang kinikilig pa na sabi nito. Natawa nalang naman ang dalwang binata.


Pag-pasok nila ay naabutan nilang pinipicturan ni Jenni ang dalwa.

''Hello po Tita.'' Sabay na bati ni Karson at Drexel.

''Ay andito na pala kayo. Tamang-tama, pumunta kayo don at picturan ko na kayo.'' Sabi ni Jenni. Hindi na naman nag-atubili pa ang dalwang binata at pinuntahan na yung dalwa.

''Ang ganda mo talaga kahit kailan.'' Sabi ni Drexel kay Vanessa, dahilan para mamula ito.

''Bolero!'' Nasabi nalang ni Vanessa.

''Ang ganda mo lalo.'' Nahihiya pang sabi ni Karson kay Clara.

''Salamat. Ikaw din, gumwapo ka ngayon.'' Natatawang sabi ni Clara.

''Ah so panget ako?'' Natatawa na ding sabi ni Karson. Kaya naman natawa nalang din silang dalwa.

''Oy oy! Tingin sa camera.'' Pag-tawag ni Jenni sa atensyon nung apat. Agad namang umayos ang apat at kinuhanan na sila ni Jenni ng picture.



*******

''Matt, sinong hinahanap mo?'' Tanong ni Chloe sa date nya for tonight. Kanina pa kasi parang may hinahanap si Matthew simula ng dumating sila sa Venue ng party.

''Ah wala, wala.'' Sabi ni Matthew at tumango nalang si Chloe tsaka tuloy na nakipag-usap sa mga kaibigang babae.

''Matt, baka maputol na yang leeg mo.'' Biro ni Mark sa kaibigan.

''Pst.'' Yun lang at inirapan sya ni Matthew kaya naman mas lalo syang natawa.

''Uy Rick! Gwapo natin ah.'' Bati ni Enzo sa kaibigan. Nakipag kamay sya dito at nakipag-beso kay Charmaine. ''Hello Ganda.'' Natatawa nitong sabi kay Charmaine pagkatapos bumeso.

''Baliw.'' Natatawang sabi ni Charmaine.

Tinignan ni Matthew si Jerrick at ganun din naman si Jerrick. Nagtitigan sila na parang ilang minuto ng tawagin ni Chloe ang atensyon ni Matthew kaya naman tinanggal na nito ang tingin kay Jerrick.

''Galit ka pa din pa kay Matt?'' Tanong ni Enzo. Imbes na sagutin sya ni Jerrick ay tinignan lang sya nito ng seryoso. ''Okay. Okay! I understand.'' Sabi ni Enzo na nakataas pa ang kamay.

''Ayos na naman si Clara ee. Kasama na nga nya si Karson ee.'' Sabi ni Mark.

''Kahit na. Nasaktan pa din si Clara sa ginawa nya.'' Sabi ni Jerrick.

''Tama na nga yan. Party to. Wag na kayong mag-drama.'' Saway ni Charmaine sa tatlo.

''Speaking of Clara..'' Sabi ni Enzo na nakatingin sa entrance. Narinig yun ni Matthew kaya agad din syang napatingin sa Entrance at nakita nya ang magka-holding hands na si Karson at Clara. Hindi nya alam pero parang maymabigat syang naramdaman sa dibdib nya. Gusto nyang iiwas ang tingin nya pero hindi nya magawa. Hindi nya magawang hindi tignan ang nakangiting mukha ni Clara.

''They look good together.'' Nagulat sya ng marinig nya yun. Tinignan nya kung sino ang nag-sabi nun at nakita nya si Chloe na nakatingin din sa dalwa habang nakangiti. ''Am I right?'' tanong nito sa kanya at nilingon sya.

''A-ah, oo naman.'' Nautal nyang sabi.

''Ang sweet naman nung dalwa oh!'' Mapang-asar na sabi ni Charmaine sa dalwa pagkadating nito.

''Thank you!'' Nakangiting sabi ni Clara at niyakap sa braso ni Karson. Habang si Karson naman ay namumula na, dahil sa kilig.

''Asan nga pala sila Drex at Van?'' Tanong ni Jerrick.

''Nakasunod lang samin yung mga yun.'' Sabi ni Karson. And as if on cue may narinig silang mga tili.


''VanXel FTW!''

''Hashtag SML!''

''Magpakasal na kayo aba!''


Narinig nilang sigaw nga mga estudyante. Natawa naman sila dahil may fans na ang VanXel kahit na hindi pa naman talagang Official ang mga ito. 

Hinihintay nilang makarating ang dalwa sa kanila. May mga napapapicture pa kasi ee. Farang Celebrity lang ang dalwa.

''Sikat na apala kayo. Ngayon ko lang nalaman.'' Sabi ni Jerrick at nagtawanan sila.

''Hindi naman namin alam na may ganun.'' Sabi ni Drexel. Pero kanina proud na proud syang si Vanessa ang nasa tabi nya habang naglalakad sila papasok sa Venue.

''Yeah. Pero hashtag ProudMoment!'' Sabi ni Clara.

''Aysus! Tumigil na nga kayo.'' Sabi ni Vanessa. ''Asan yung tatlo?'' Tanong nya bigla ng hindi nya nakita sila Skyler, Luigi at Jonas.

''Ewan.'' Sabay-sabay na nag-kibit balikat ang mga ito dahil wala silang alam kung nasaan nga ba talaga ang tatlo.

''Pupunta daw sila ee. Akala nga namin andito na sila dahil kailangan pa naming sunduin sila Clara.'' Sabi ni Karson tsaka tumango-tango si Drexel.

''Bayaan nyo na dadating din siguro yung mga yun.'' Sabi ni Jerrick.



Nag-simula na ang party. Umupo na sila kung saan sila sa table kung saan sila mga naka-assigned. May sinabi pa sa kanila ang Dean nila. May mga nag-prod at kung ano-ano pa. Hanggang sa sinabing kumain na muna sila at after that ay pwede na nilang isayaw ang mga dates nila.

Kaya naman tumayo na sila at isa-isang kumuha ng pag-kain nila.

''So, how's the ball for you so far?'' Tanong ni Rick sa anak nyang babae na si Vanessa ng makita nya ito sa buffet table.

''Ayos lang naman Dad.'' Sabi ni Vanessa habang naka-ngiti.

''Baka kung ano nang damoves ang ginagawa sayo nyang si Drexel ha.'' Sabi bigla ni Rick.

''Tito naman!'' Nagulat si Rick nang may biglang umakbay sa kanya. Tinignan nya at si Drexel pala ito. ''Mataas naman po ang respeto ko kay Van. At lalo naman sa inyo ni Tita Jenni.'' Pag-aasure nya dito.

''Dapat lang no.'' Sabi ni Rick at sinamaan ng tingin si Drexel.

''Let's go Drex. Baka kung ano pang gawin sayo ni Dad.'' Natatawang sabi ni Vanessa habang hinihila na si Drexel pabalik sa table nila dahil tapos na din syang kumuha ng pag-kain.

''Hindi pa din ba nila ako pinag-kakatiwalaan?'' Tanong ni Drexel.

''May tiwala naman sila sayo. Ewan ko lang dyan kay Daddy.'' Sabi ni Vanessa. Napatango nalang naman si Drexel.

''Pare, wala pa ding yung tatlo.'' Parang nag-aalalang sabi ni Karson kay Drexel.

''Kailan ka naman nag-alala para dun sa tatlo?'' Hindi makapaniwalang tanong ni Drexel.

''Hindi naman ako ganun kasama no!'' Inirapan sya ni Karson.

''Kumain na lang kayo. Para kayong mga bata ee.'' Sabi ni Charmaine sa dalwa.


Nag-umpisa na silang kumain habang nag-kwekwentuhan at nag-bibiruan. Nang may mapansin si Jerrick.. Kanina pa nakatingin si Matthew kay Clara na kanina pa tawa ng tawa. Katabi nito si Chloe pero ni minsan hindi nito tinitigan ng ganun si Chloe.

''So, ano na bang real score between the two of you?'' Natahimik sila ng biglang tanongin sila ni Jerrick ng ganun.

''Wow ha! Kailan ka pa naging si Tito Boy?'' Tumatawang sabi ni Mark kaya napatawa din sila. Napansin ni Jerrick na tinitignan sya ni Matthew na parang hindi makapaniwalang tinanong nya yun.

''Seryoso nga kasi.'' Sabi ni Jerrick. Napatingin silang lahat kay Clara at Karson. Hinihintay nila ang sagot ng mga ito.

''Ligawan Stage pa lang.'' Sabi ni Karson.

''Kailan mo ko tinanong?'' Tanong ni Clara. Nag-titigan silang dalwa. Habang ang mga kasama nila ay nanunuod sa kanila. Nag-aabang kung ano ang mga susunod na mangyayare.

Nagulat sila ng biglang tumayo bigla si Karson at umalis doon. Napatingin si Clara sa mga kasama na parang gulat na gulat sa nangyare.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...