Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Twenty Three: He's Curious

310K 5.1K 483
By aLexisse_rOse

Chapter Twenty Three:  He's Curious

<Riley POV>

"Good morning, Nana Tonya!" Masiglang bati ko pagpasok pa lang ng kusina. Maganda kasi ang gising ko nang umagang iyon. Pakiramdam ko ay fully charge at nasa kondisyon ang katawan ko. 

"Maupo ka na at saluhan mo si Muriel sa agahan." Sabi ni Nana Tonya sa akin habang abala sa paghahanda ng pagkain.

Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa kinaroroonan niya. Lumapit ako at pumuwesto sa katapat niyang upuan. 

"Morning!" Bati ko sa kanya.

Doon lamang siya nag-angat ng mukha. "Good Morning, Sir!" Ganting bati niya. Bagamat nakangiti siya ay parang pilit lamang ang iyon. 

"Just call me Riley." I said. Still smiling. "I really hate formality. Pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na."

Tumango lamang siya. And to may dismay, muli siyang yumuko at nagpatuloy sa pagkain niya.

What's with her? Bakit ba napakatipid niyang magsalita!

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko sinasadya na nataasan ko siya ng boses. Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit parang naiilang siya sa akin?

"Muriel..."

Nabitawan niya ang hawak na kutsara sa pagkabigla.

"M-may sinasabi ka?" Halos pabulong na tanong niya nang tumingin siya sa akin. Mga two seconds lang yata iyon pagkatapos ay nag-iwas na siya ng tingin.

"About last night..." Pagsisimula ko at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na paghinga. "Just forget about what happenned last night. I never meant to-" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko na hindi siya nakikinig sa akin. Patuloy kasi siya sa paglalaro ng hawak niyang tinidor sa pagkain na nasa plato niya.

"Muriel!" Medyo naiinis na ako sa kinikilos niya.

"Huh? Ako ba ang kausap mo?"

I rolled my eyes. Malamang, alangan naman sarili ko ang kausapin ko? Gusto ko sana sabihin sa kanya.

"S-sorry! May iniisip lang kasi ako." At sa pagkamangha ko ay tumayo siyang bigla. "Nana Tonya, pahingi po ng pineapple juice."

"Kumuha ka na lang sa ref." Sagot ni Nana Tonya.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng ref at binuksan iyon. 

Nakakapikon na siya! Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nag-e-exist sa paningin niya. 

Ganun ba talaga siya? Parang may sariling mundo?

Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ako. Maganda ang gising ko at ayokong masira iyon dahil lang sa kakaibang babae na nasa harapan ko.

"Oo nga pala Muriel, bakit hindi ka na lang sumabay kay Riley sa pagpasok ?" Si Nana Tonya na lumapit sa kinaroroonan ko.

Nang marinig iyon ng dalaga ay bigla niyang naibuga ang iniinom na pineapple juice. Mabuti na lang at malayo siya sa akin.

Napasugod si Nana Tonya sa kanya. Pulang-pula na ang mukha ni Muriel. Habang patuloy naman ang matanda sa paghagod sa likuran niya.

"Ano ba ang nangyari sayo bata ka?"

"Nasamid lang po ako." Sagot niya habang patuloy pa rin na nauubo.

Habang ako ay tahimik lang na nakamasid sa kanilang dalawa. 

"Okay na po ako!" Sabi niya pagkatapos maka-recover. Pero naroon pa rin ang pamumula ng mukha niya. Pati ilong niya ay pulang-pula. Which made her really cute!

"Sigurado ka ba na ayos ka na?"

Tumango si Muriel. "Mauna na po ako Nana Tonya." At mabilis niyang dinampot ang bag niya na nasa silya. "May dadaanan pa kasi ako eh."

"Sumabay ka na kay Riley. Iisa lang naman ang pinapasukan ninyong trabaho."

"Hindi na po. Magko-commute na lang ako."

"Anong magko-commute? Eh may sasakyan naman."

"Nana Tonya!" Bahagya niyang pinanlakihan ng mga mata ang matanda. 

"Sumabay ka na, Muriel. Huwag ka nang mahiya kung iyon ang iniisip mo. At saka okay lang naman kay Riley kung sabay kayong pumasok. Di ba, iho?" Sabay lingon ni Nana Tonya sa akin.

Tumango na lang ako habang busy pa rin sa pagnguya. Wala namang kaso sa akin kung isabay ko siya. Kaya lang ang problema, mukhang ayaw talaga niya. At hindi ko alam kung bakit?

Wala ring nagawa si Muriel kundi sumabay sa akin. Hindi talaga siya tinigilan ni Nana Tonya hangga't hindi siya sumasang-ayon.

Nakalabas na kami ng bahay. Dire-diretso ako sa kotse ko. Habang kasunod ko naman sa likuran ko si Muriel. Hindi maipinta ang pagmumukha niya. Halos sumayad na nga sa lupa ng nguso niya.

Pero cute pa rin siya. Nakakaaliw tignan ang nakatikwas niyang nguso!

Napalingon ako nang marinig ko ang pagtahol ni Buddy. Sumipol ako para lumapit siya sa akin. Ang bilis ng takbo niya. Parang sabik-sabik siya na makita ako.

Nakahanda na ako sa pagsalubong niya. Ngunit sa aking pagtataka ay nilagpasan niya lang ako. Dire-diretso siya kay Muriel. Sabay damba rito. Dahilan para matumba sa damuhan ang dalaga.

"Buddy!" Sigaw niya. Habang pinapaliguan siya nito ng halik sa buong mukha.

Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. How come na naging magiliw si Buddy sa isang estranghero? Kay Samantha lang naman siya ganon. 

"Baka gusto mong pigilan ang alaga mo?" She almost hissed.

"Buddy stop it!" Utos ko. Humakbang ako at hinila ito palayo sa kanya. "Go back to your house. now!" Pagtataboy ko. Sumunod naman ang aso at nagtatakbo palayo.

Paglingon ko ay nakasalampak pa rin si Muriel sa damuhan. Lumapit ako sa kanya at inilahad ang kamay ko. At tinanggap naman niya iyon.

"Pasaway talaga ang asong iyan!" Narinig kong bulong niya habang pinapagpagan ang nadumihang pantalon.

"Sorry for that. Kahit ako ay nagulat sa naging attitude niya. Hindi naman siya ganyan sa ibang tao."

"Okay lang! Hindi naman ako takot sa aso." Mabilis niyang sagot. "Umalis na tayo. Baka ma-late pa tayo sa trabaho." Nagpatiuna siyang sumakay ng kotse at sumunod na rin ako.

Hindi ako makapag-concentrate sa pagda-drive. Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay hindi ko maiwasan na hindi sumulyap sa katabi ko. This feeling was really new to me. I was so curious about her, kaya lahat na lang ay napapansin ko sa kanya.

There's something in her that I couldn't explain. Hindi ko ma-pin point kung ano yun. I've never been this curious. Lalo na pagdating sa isang babae. 

Unless... may gusto ako sa kanya. 

Pero imposibleng mangyari iyon. Si Samantha ang mahal ko. At sa matagal na panahon wala akong pinag-ukulan ng atensyon kundi ito lamang. Kahit noong nag-break kami. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa ibang babae. Ngunit walang nangyari. Siya pa rin talaga ang gusto at mahal ko. At wala ng iba pa.

Focus on the road Riley! I tried to motivate myself.

Pero may mga pagkakataon pa rin na natatagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatingin sa kanya. Lalo na kapag nakahinto ang kotse at naka-red ang traffic light.

Nakuha ng atensyon ko ang malaki pilat sa kaliwa niyang kamay.

"Where did you get that scar?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

Kaya naman pala! Nakasuot siya ng headset habang nakatingin siya sa labas.

Hinila ko ang headset sa tenga niya at nagulat siya doon.

"What?"

"I said where did you get that scar?" Sabay turo sa kamay niya.

Napatingin din siya sa kamay niya bago nagsalita. "Nakuha ko ito nung maliit pa ako." Hayun na naman ang mahina niyang tinig. At mabuti na lang at hindi ako bingi.

"What happened?" 

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Naroon ang iritasyon sa tinig niya.

"Gusto ko lang mala-"

"Huy! Naka-green light na." Sabi niya dahilan para mabaling ang atensyon ko sa labas at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

At pagkatapos noon ay hindi na ulit ako nabigyan ng pagkakataon na tanungin siya tungkol sa bagay na iyon. Nakasalpak na naman ang headset sa mga tainga niya at nasa labas ang atensyon niya. 

I got it! Obvious naman na ayaw niya akong makausap. Bakit naman kasi ang tiyaga ko ring kausapin ang isang tulad niya?

Kung bakit gusto kong malaman ang tungkol sa pilat niya? I still don't know the answer. Everything in her brings curiousity in me!

Pagparada pa lang ng kotse ay agad na bumaba si Muriel ng walang pasabi. At basta na lamang akong iniwan na para bang wala siyang kasama. Hindi ko na lang din siya pinansin. Inisip ko na lang din na wala akong kasama. Pagpasok ko ng building ay hindi ko na siya nakita. Tumingin ako sa maraming tao na nag-aabang sa elevator ngunit wala rin siya doon. 

Saan na kaya siya nagpunta?

Paglabas ko ng elevator ay naabutan ko na parang may pinagkakaguluhan ang mga empleyado ko. Tumikhim ako. Pero hindi ko nagawang kunin ang mga atensyon nila. Ni isa sa kanila ay walang bumati sa akin. Ano bang meron?

Then I saw Muriel. Siya pala ang pinagkakaguluhan. She was smiling to everyone. Masayang-masaya siya sa kanyang pagbabalik. Ganun din ang mga taong nasa paligid niya na nagpupumilit na lumapit sa kanya para bumati.

"Nandyan na pala kayo Sir! G-good morning po." Sa wakas ay mayroon din nakapansin sa akin.

"G-good morning Sir!" Nagsunuran na rin ang iba nang makita ako.

Ang mga taong nakapaligid kanina kay Muriel ay nagkanya-kanyang balik sa kanilang mga puwesto. 

I'am not the strict type of boss. Pero naroon ang paggalang nila sa akin.

Hindi umalis si Muriel sa kinatatayuan niya. Abala siya sa paghahalungkat sa loob ng paperbag na bitbit niya.

"Ms.Gonzales, oras na ng trabaho!"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya sa suot niyang wristwatch.

"May ten minutes pa bago ma-umpisa ang working hour,Sir." Balewala na sagot niya. At muling nabaling ang atensyon niya sa bitbit niyang paperbag.

Speaking of paggalang! Siya lang yata ang bukod tanging hindi marunong gumalang sa akin. Hindi ba niya alam na ako na ang boss ngayon?

Keysa masira ng tuluyan ang mood ko ay dimiretso na ako sa opisina ko. Sinalubong agad ako ni Gail sa may pintuan.

<Muriel POV>

"Ito lang ang pasalubong mo sa akin?" Pagrereklamo ni Ichi.

"Di ba gusto mong pasalubungan kita ng durian? Heto na! Dalawang plastic pa."

Nakasimangot siyang tumingin sa akin. "Eh candy kaya ito!"

"Correction durian candy po iyan! Well at least durian pa rin." 

Tawa naman ng tawa si Jena na nasa tabi ko. "Ano ka ba girl? Kahit naman magbitibit si Muriel ng durian fruit na matagal mo nang pinaglilihian, do you think pasasakayin siya ng eroplano dahil sa sobrang bantot nun?"

Hindi na kumibo si Ichi. Mukhang nakuntento na siya sa binigay ko.

Inabot ko naman kay Jena ang isang malaking plastic na punung-puno ng delicacies.

"Eh bakit siya ang dami mong pasalubong?" Mabilis na reklamo ni Ichi nang makita iyon.

Si Jena ang nagpaliwanag. "Durian lang naman ang hiniling mo sa kanya di ba? Eh ako maraming ibinili."

"Ganun! May favoritism?" Tangkang magwo-walk out si Ichi pero pinigilan ko.

"Eto naman nagtampo agad. Syempre kung anong mayroon si Jena, mayroon ka rin."

Namilog ang mga mata ng bakla. "Ganun din karami katulad sa kanya?"

Ngumiti lang ako. "Kayo ng bahala kung paano ninyo paghahatian ang isang plastic na iyan."

"Hindi! Akin lang ito!" Si Jena sabay yakap sa hawak nitong plastic.

"Sabi ni Muriel hati raw tayo. Huwag kang madamot!"

"No! Hindi ako papayag! Hindi kita bibigyan!"

I rolled my eyes. Heto na naman ang wagas nilang pagtatalo!

"Huwag kang madamot bruha ka!"

Nagtatakbo naman si Jena palayo rito. "Asa ka pa na bibigyan kita!"

Hinabol naman siya ni Ichi. "Sasabunutan talaga kita kapag naabutan kita!"

Mabuti na lamang at breaktime. Kahit magsisigaw at maghabulan sila sa loob ng opisina ay walang sisita sa kanila.

Hindi ko tuloy naiwasang mangiti. I really miss them. Na-miss ko ng sobra ang kakulitan nilang dalawa.

"Mocha Frappuchino for delivery!" Nagulat na lang ako nang mayroon maglapag sa table ko ng paborito kong kape.

Pag-angat ko ng mukha ay ang nakangiting mukha ni Joseph ang bumungad sa akin.

"Libre ba ito?" 

"Of course. Libre yan! Ikaw pa!"

Nagdududa na tinignan ko siya."Bakit mo ako binibigyan nito?"

"Welcome back gift ko sayo." 

Sinimangutan ko siya.

"Muriel naman! Hanggang ngayon ba naman ay ayaw mo pa rin sa akin?" Napakamot siya ng ulo. 

"Hindi naman sa ayaw ko sayo. Ang ayaw ko lang ay yung kukulitin mo ako nang kukulitin. It really irritates me."

"Promise hindi na kita kukulitin. Kasi may girlfriend na ako."

Umangat ang kilay ko sa narinig.

"Girlfriend ko na si Danica." Nangingiting sabi pa niya.

"You mean si Danica na nasa kabilang department?" Paninigurado ko. Baka kasi ibang tao ang tinutukoy nito.

Tumango ng sunud-sunod si Joseph. "Yup, siya nga!"

Hindi na lang ako kumibo. Ayokong magbigay ng kommeto. Kung sabagay, bagay naman silang dalawa. Isang playboy at isang playgirl. What a perfect combination!

(Sa mga hindi nakakaalala, sina Joseph at Danica ay yung mga taong kinaiinisan ni Muriel sa Chapter One.)

Muli akong napasabak sa matinding trabaho. Hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang sitwasyon dito sa Manila branch. Lahat halos ng mahahalagang files ng kumpanya ay na-delete. Halos sampu kaming IT na galing sa iba't-ibang branch. Nagtulung-tulong kaming lahat para para ma-retrieve at mai-revive ang lahat ng iyon. Sa sobrang kaabalahan ko ay nakalimutan ko nang mag-lunch break. Ganito naman talaga ako, workaholic. Nothing can stop me. Lalo na kapag nasimulan ko na ang isang bagay. Ang gusto ko kasi ay matapos iyon agad.

"Miss Cute, may nagpapabigay sayo ng libreng lunch." Bungad sa akin ni Adrian nang pumasok siya ng kuwarto. Katulad ko ay galing rin siya sa ibang branch. Sa Cebu yata siya naka-base. Sa kamay niya ay may bitbit siyang plastic ng KFC. At inilapag niya iyon sa harapan ko. 

"Kanino galing?" Hindi lumilingon na tanong ko. 

"Kay Boss." Narinig kong sagot niya.

"Sinong Boss? Si Mam Elvie ba?" Ang tinutukoy ko ay ang manager ng IT Department.

"Hindi. Galing iyan kay Boss Riley."

Bigla tuloy akong napatigil sa ginagawa at napatingala sa kanya. 

Binigyan ko siya ng Hindi nga? Bakit naman niya ako bibigyan ng lunch? na look.

"Nagpa-deliver si Boss ng lunch para sa lahat ng IT." 

Bigla akong nadismaya sa narinig. Akala ko pa naman...

"Pero siya ang personal na nag-utos sa akin na hatiran ka ng pagkain." Paliwanag pa ni Adrian. "Ikaw lang kasi ang hindi niya nakita sa pantry." Hindi ko maintindihan kung bakit ganun kalapad ang ngiti niya.

"Ang cute mo talaga!" Sabay pisil sa pisngi ko. Pagkaraan ay lumabas siya ng silid at muli akong naiwan mag-isa roon.

As usual, dedma lang ako sa sinabi niya. Ang atensyon ko kasi ay nasa plastic bag ng KFC na nasa harapan ko.

Hay! Ang hangang kailan ba ako magiging apektado dahil sa kanya?

I tried my very best to avoid him. Halos hindi na nga ako tumingin sa kanya. Hindi ko rin siya kinakausap. Sinasadya ko rin na hindi siya pansinin. Bahala na kung ano ang isipin niya tungkol sa akin. Kahit magmukha akong tanga sa paningin siya, ang importante ay ma-overcome ko ang presence niya. 

I was once a tough person. 

Kung nagawa ko noon, magagawa ko rin ngayon. Ang kailangan ko lang naman gawin ay ang magpakamanhid. Kunwari wala akong nararamdaman para sa kanya. Kunwari hindi ko siya nakikita kahit nasa paligid siya. Kunwari hindi ko siya naririnig kapag nagsasalita o kinakausap niya ako. Kunwari hindi ko siya kilala. Kunwari hindi siya nag-e-exist.

At sa paraang iyon, makaka-move on na rin ako... Kahit kunwari lang!

Time check, six o'clock in the evening.

Pakiramdam ko ay napakabilis ng oras. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Ang dami ko pang kailangang tapusin. Pero hanggang six lang ang building. Kung hindipa ako lalabas, malamang ay mapagsaraduhan na ako at makulong magdamag sa building na iyon. Nag-uwian na lahat ng mga kasamahan ko kaninang five. Ako lamang ang natira. Akala ko ay ako na lamang ang taong naroon, pero napansin ko nakabukas pa ang ilaw sa opisina ni Riley.

Nandito pa siya?

Mabilis na pinatay ko ang lahat ng ilaw sa kuwarto. Pagkatapos ay nagmamadali akong lumabas. Kailangan maunahan ko siya. Ayoko siyang makasabay sa elevator. Ayokong makita niya ako.

"Oh shit!"

I almost jumped in surprise when I heard him scream. Nang lumingon ako sa kanya ay nakita kong sapu-sapo niya ang dibdib.

"My god Muriel! Papatayin mo ba ako sa takot?" Ang talim ng tingin sa akin ni Riley.

Kasalanan ko ba kung mapagkamalan niya akong multo?

"Why are you still here? Kanina pa ang tapos ang office hour?" Tanong niya pagkatapos niyang maka-recover.

"May tinapos lang akong trabaho." 

Pareho pa kaming napaigtad nang bigla na lamang mag-ring ang telepono malapit sa kinaroroonan ko.

Pucha! Ginulat naman ako ng telepono na ito.

"Damn it! Answer the phone, Muriel!" Banayad niyang asik.

Sinagot ko ang telepono.

"Mam, magsasara na po ang building. Pakisabi po kay Sir Riley na bumaba na po kayo."

"Okay!" Yun lang at ibinaba ko ang telephone.

"Bumaba na raw tayo sabi nung guard sa ibaba."

Nauna siyang nagtungo sa may elevator. Sumunod na rin ako. No choice! Alangan naman na maiwan ako doon at paunahin ko siyang makababa para lamang hindi ko siya makasabay.

Si Riley ang pumindot ng button. Hanggang sa magsara ang pintuan ng elevator ay wala kaming kibuang dalawa.

Narinig ko siyang sumipol. Sa isip ko naman ay kumakanta ako. Pareho kaming nakatingin sa magkabilang direksyon na tila hindi magkakilala.

"Sabi nila may nagpapakita raw na batang lalaki dito sa elevator... lalo na sa gabi." Narinig kong sabi niya.

Pinigilan ko ang sarili na napalingon sa kanya.

Gusto ba niya akong takutin?

"Its true." Sagot ko. "Hindi lang naman siya dito sa elevator nagpapakita. Gumagala siya sa buong office. Para lang siyang naglalaro. Minsan tumatakbo. Minsan naman ay para siyang nakikipaglaro ng taguan."

Ang bilis ng lingon sa akin ni Riley. "You can see him?"

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay parang nahuhulaan ko na ang reaksyon niya.

Tumango ako. "I think he was only ten years old. Naka-white shirt siya at asul na short."

"No way! Do you really see him?"

"Kanina lang nakita ko siyang tumatakbo papasok ng office mo. Yun parang may humahabol sa kanya."

Parang nananadya naman na kumurap-kurap ang ilaw sa loob ng elevator. 

Sa isang iglap ay nakalapit kaagad sa tabi ko si Riley.

"W-what's happening?"

Napakagat-labi ako para pigilan ang pagtawa na gustong kumawala sa bibig ko.

Ang lakas ng loob niyang mag-umpisa, iyon pala siya naman ang takot! Ang sarap niyang pagtripan.

"Niloloko mo lang ba ako?" Pinihit niya ako paharap sa kanya. At nakita ko ang magkasalubong niya na mga kilay. Hindi ko na talaga napigilang tumawa. Ang sakit kaya sa lalamunan.

Nakamasid lang siya. Pero ang sama na ng tingin niya sa akin. "Fine! Laugh as you want. Bukas na bukas din ay wala ka ng trabaho."

As if naman na matatakot ako sa banta niya. Hindi kaya siya ang amo ko.

Then biglang umuga ang elevator at huminto. Pagkatapos ay namatay ang ilaw sa loob.

Nanangkupo! Nakarma na yata ako!

"Riley?"

"Muriel?"

Wala akong makita. Ang dilim-dilim kaya. Bigla kong naisip ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa at binuksan iyon para magkaroon kami ng liwanag. Pero muli ko rin iyon ini-off nang may mahagip ang mga mata ko sa likuran ni Riley.

Napatalon ako sa takot. "Riley!" At mahigpit na kumapit sa damit niya.

"Bakit?"

"I think I saw him."

"Saw who?"

"Y-yung batang lalaki! Parang nakita ko siya sa likuran mo!"

"Stop it Muriel! Hindi ka na nakakatuwa. We're already stucked here, pero nagagawa mo pa ring magbiro!"

"Hindi ako nagbibiro. Totoo yung sinasabi ko."

I heard him sigh. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

Si Riley naman ang naglabas ng cellphone. Biglang nagkaroon ng liwanag sa paligid. Pero mabilis na ipinikit ko ang mga mata at isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya. Natatakot akong dumilat. Baka makita ko ko ang batang multo.

"Muriel!"

Hindi ako kumilos. Nanatili pa rin akong nakapikit.

"Hey!" Muli niya akong tinapik sa balikat. "We're already here in the ground floor. At walang multo."

Doon lang ako nagmulat ng mga mata. Maliwanag na ang paligid. Wala sa loob na napatingala ako sa kanya. He was looking at me with amusement in his eyes. His lips were half twisted. Para naman akong na-hipnotized at nakatitig lang sa guwapo niyang mukha.

"Sir, Mam, okay lang po ba kayo?" 

Bigla kaming naghiwalay sa pagsulpot ng guwardiya.

"Yeah, we're fine!" Si Riley ang sumagot. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Muriel, sumabay ka sa akin sa pag-uwi."

Mabilis akong umiling. "Magtataksi na lang ako Sir!" Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. 

"Ikaw ang bahala."

Tuluy-tuloy akong naglakad palabas. Hindi talaga ako lumingon sa kanya. Sana lang ay hindi niya napansin ang pamumula ng mukha ko.

Nakakahiya!

Lesson learned...

Never make fun of anyone. 

Ang bilis ng karma, grabe!

Continue Reading

You'll Also Like

32.4M 828K 67
She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez is your typical fierce lady boss with a...
112K 3.1K 24
CROSSROADS SERIES #1 *** Para sa mga manglalakbay ito iyong tipong na stuck ka sa intersection and you have to choose whether you have to take the ri...
1.6M 23.3K 46
"You're my queen and I'm willing to be your slave." Ang ibang parte ng kwentong ito ay base sa totoong buhay. Si Shinie Mendoza ay tulad din ng ibang...
788K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...